You are on page 1of 3

Region I

City Schools Division of Batac


HILARIO VALDEZ MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
City of Batac

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 6


(FIRST QUARTER)
A. Panuto: Makinig nang mabuti sa pabulang babasahin ng guro at sagutin ang mga sumusunod na
tanong tungkol dito.
1. Sino ang magkaibigan sa kuwento?
2. Bakit maglalakbay ang magsasaka?
3. Bakit nakikiusap si Kalabaw kay Kabayo?
4. Bakit pumanaw ang kalabaw?
5. Anong magandang-aral na napulot sa kuwento?

B. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga kilos ng mga tauhan mula sa napakinggang pabula
6. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari
bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
7. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo
8. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo
9. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko
ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
C. Panuto: (10-19) Narito ang isang anekdota ni Dr. Jose Rizal. Isulat ang mga ginamit na pangngalan.
Isulat ang PT kung ang pangngalan ay pantangi at PB kung pambalana.
Araw ng Sabado. Sinundo si Jose na noo’y nag-aaral ng elementarya sa Biňan ng
kanyang tiyuhin. Sila’y sumakay sa bangka pauwi sa Calamba. Habang naglalayag,
nakatuwaan ni Jose na maglaro. Di niya akalaing malaglag ang kabiyak ng sapin sa paa. Pilit
niya iyong inabot subalit nawalan ng saysay ang kanyang pagsisikap. Anong laking gulat ng
tiyuhin niya nang ihagis ni Jose ang naiwang tsinelas sa lugar na kinahulugan ng kabiyak
niyon. At nang siya’y usisain, ito ang kanyang pahayag. “ Kung mapupulot ang pares ng
tsinelas, iyon po ay mapakikinabangan.

D. Panuto: Piliin ang pangngalan sa pangungusap na tumutugon sa anyo o kayariang nasa loob ng
panaklong.
(payak) 20. Dinagdagan ng katulong ang mga banga sa halamanan bilang pagsunod sa
ipinag-uutos mo.
(tambalan) 21. Hindi inakala ng mga madre na ang bagong guwardiya sa kumbento ay bantay-
salakay pala.
(maylapi) 22. Ang unang araw ng kalayaan ng bansa ay naganap noong June 12, 1898.
(inuulit) 23. Labis na minamahal ng ginang ang anak-anakang ngayo’y malapit nang
makatapos ng pag-aaral.
(payak) 24. Ang pinuno ng pangkat ay nagpahayag ng kasiyahan sa kinalabasan ng kanilang
pananaliksik.
(tambalan) 25. Ang punong barangay ay sumali sa naganap na paligsahan.

E. Panuto: Gawin ang mga sumusunod na panuto.


26. Isulat ang buwan ng iyong kapanganakan sa isang parihaba. Gumuhit ng tig-isang nakadikit
na bilog sa kanan at sa kaliwa ng parihaba. Isulat sa nauunang bilog ang araw at sa isa pa ang
taon ng iyong pagsilang.
27. Gumuhit ng limang parisukat. Pagdugtung-dugtungin ng pahalang na guhit sa gitna ang
mga ito. Isulat ang mga titik ng pangalan ng unang buwan sa taon sa limang kahon.
F. Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mgat sumusunod na tanong.
Ang Ilog Pasig noon ay isang mahalagang rutang pangtransportasyon na may habang 25
kilometro, malinis ang tubig na dumadaloy sa ilog. Tunay na kabiha-bighani sa kagandahan ang
ilog na ito. Kasingganda raw ito dati ng Grand Canal sa Venice. Ito ay na napalilibutan ng mga
berde at malalagong puno at halaman. Sagana ito sa iba’t ibang uri ng ng isda at buhay-dagat.
Ito rin ang nag-uugnay sa Look ng Maynila sa Look ng Laguna. Ito rin ang nagsasala ng mga
sobrang tubig mula sa Look ng Laguna at sa iba pang labintatlong ilog at estero sa Manila. Nilason
din ang ilog ko.
Heto ngayon ang Ilog Pasig. Animo’y lupa ang inyong nakikita sa larawan. Ngunit tunay
na hindi maikubli ang katotohanan. Ito ay pawang mga naipong basura, napakarumi, nakadidiring
tingnan at nakasusulasok ang amoy na mula sa ilog. Halos wala ka nang makikitang buhay na
isda sa ilog na ito. Nagsimulang dumumi ang katubigan sa ilog nang mag-umpisang tirahan at
tayuan ng kung ano-anong estruktura ang gilid ng ilog. Naging tapunan ito ng mga basura ng
mga nakatira na malapit dito. Dahil dito, unti-unting umalis ang mga hayop na naninirahan sa ilog
na, ang iba pa nga, sa kasamaang palad, ay namatay.
Sa ngayon, gumagawa ng hakbang ang gobyerno natin at ang iba’t ibang ahensiya na
buhayin muli ang Ilog Pasig.

28. Gaano kahaba ang Ilog Pasig?


29. Paano inilalarawan ng may-akda ang tubig na dumadaloy sa Ilog Pasig noon?
30. Bakit sinasabing mahalaga ang papel na ginagampanan ng Ilog Pasig sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay?
Ang Kalabaw at ang Kabayo
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang
kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila
ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas
mabigat ang pasan kong gamit kaysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang
kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin
ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag
ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
."Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi
ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay
pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng
kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang
mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan
ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

You might also like