You are on page 1of 29

SANHI AT

BUNGA
ANAK PASIG – SMOKEY MOUNTAIN
ITANONG:
• Tungkol saan ang awit?
• Ano-ano ang mga nakikita sa awit?
• Ano ang nangyari sa paligid ng Ilog Pasig?
ILOG PASIG
NOON AT NGAYON
ILOG PASIG: NOON AT
NGAYON
Malimit noong makitang namamangka sa Ilog Pasig
si Jose Rizal. Kasama niya ang kanyang kasintahang si
Leonor Rivera. Ito ang naging saksi sa kanilang wagas
na pagmamahalan. Madalas nilang pasyalan noon ang
Ilog Pasig dahil nakadarama sila ng kapayapaan ng
kalooban tuwing pinagmamasdan nila ito.
Ayon sa matatanda, ibang-iba raw ang Ibang-iba daw ang
Ilog Pasig noon. Bukod sa mga magkasuyong namamasyal
dito, marami ring kababaihan ang nakikitang naglalaba rito.
Paliguan din ito ng marami at dito nangingisda ang mga tao.
Kulay asul noon ang tubig nito, malinis, manamis-namis, at
malinaw. Iba’t ibang mga sariwang isda ang nahuhuli rito
tulad ng talimusak, dalag, at kanduli.
Presko ang simoy ng hangin. Naging inspirasyon ng
mga makata at manunulat ang ilog na ito upang
maipahayag nila ang kanilang mga damdamin sa
pamamagitan ng mga tula at awit. Gaanoman kabigat
ang mga suliranin ng isang tao, dagli nila itong
nalilimutan kung namamalas ang kagandahan ng Ilog
Pasig, lalo na kung naririnig nila ang along tila musika
sa pandinig. Ganyan kaaya-aya ang Ilog Pasig noon.
Ngunit ngayon, ano ang nangyari sa ilog na ito? Ang
dating asul na tubig ay itim na. Ang presko at sariwang
simoy ng hangin ay napalitan na ng mabahong
kapaligiran dulot ng mga basurang itinatapon dito.
Ang mga isda ay wala nang pagkakataong mabuhay
sapagkat ito ay puro burak na. Sino pa ang masisiyahang
mamasyal sa pook na ito? Paano tayo uunlad kung pati ang
kaligtasan ay sinisira natin dahil sa ating kapabayaan? Paano
narin ang ating kalusugan? Sana ay magising na tayo sa
paggawa ng kabutihan para na tin sa mga sususnod pang
henerasyon.
Sa kasalukuyan, marami nang proyekto ang pamahalaan
upang buhaying muli ang makasaysayang Ilog Pasig. Sana ay
makiisa ang lahat sa mga proyektong ito. Ikaw, handa ka
bang maging bahagi nito? Isang hamon ito para sa iyo.
KASAYSAYAN
KASAYSAYAN
Alam mo ba na may iba’t ibang mga teoryang nagpapaliwanag
sa pinagmulan ng salitang “Pasig.” Isa sa mga ito ay ang teorya ni
Dr. Jose Villa Panganiban. Ayon sa kanya, ang salitang “Pasig.”
Ay mula sa sinaunang salitang Sanskrit na tumutukoy sa ilog na
dumadaloy mula sa isang anyong-tubig patungo sa isa pang
anyong-tubig. Sinasabing tumutukoy ito sa katangian ng Ilog
Pasig na dumadaloy mula sa Laguna de Bay patungong Look ng
Maynila.
SAGUTIN:
• Sino-sino ang madalas mamasyal sa Ilog Pasig?
• Ilarawan ang Ilog Pasig noon. Ano ang kaibahan nito sa kalagayan ng
Ilog Pasig ngayon?
• Bakit inspirasyon noon ng manunulat ang Ilog Pasig?
• Bilang isang mabuting mamamayan, paano ka makikipagtulungan sa
pamahalaan upang masagip ang Ilog Pasig?
• Ano-ano ang mga dapat gawin upang mapanatili ang kagandahan ng
Ilog Pasig?
Suriin ang sumusunod na pares ng mga salita. Isulat sa patlang ang titik K kung ang mga ito ay
magkakasingkahulugan o titik S kung ang mga ito ay magkasalungat.
­____1. Noon = ngayon
____2. Kapayapaan = katahimikan
____3. Malinaw = Malabo
____4. Dagli = sa isang iglap
____5. Maipahayag = masabi
____6. Ibang-iba = parehong-pareho
____7. Sariwa = bilasa
____8. Malimit = madalang
____9. Mabaho = masansang
____10. Malinis = marumi
Lagyan ng ang kahong pinakamalapit na kasing kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa bawat
pangungusap.
PAGLALAHAD
Basahin ang sumusunod na mga pangungusap na
hinango sa kuwentong binsa. Bigyang-pasin ang mga
sinalungguhitan nang isang beses at dalawang beses.
1. Madalas nilang pasyalan noon ang Ilog Pasig dahil
nakadarama sila ng kapayapaan ng kalooban tuwing
pinagmamasdan nila ito.
2. Ang mga isda ay wala nang pagkakataong mabuhay
sapagkat ito ay burak na.(Magbibigay ang guro /
magaaral ng ilan pang halimbawa ng Sanhi at Bunga)
Ang mga sugnay na sinalungguhitan nang isang
beses ay tinatawag na sanhi. Nagsasaad ang sanhi ng
dahilan ng isang pangyayari. Karaniwan itong
sumasagot sa tanong na bakit.
Ang sugnay naman na sinalungguhitan nang
dalawang beses ay tinatawag na bunga. Nagsasaad
ang bunga ng kinalabasan o resulta ng isang
pangyayari.
Sa paglalahad, pasalita o pasulat man,
mayroong tinatawag na sanhi at bunga.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng:
Pagtuon ng pansin sa kondisyong sinasabi ng
unang pahayag; at
Pagtunton ng bunga o epektong nanggagaling
sa tiyak na kondisyon o sitwasyon.
I DO (MODELLING) PAGTATALAKAY
Salungguhitan nang isang beses ang sanhi at dalwang beses ang bunga
sa bawat pangungusap.
1. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog.
2. Napuno ang basura ang illog, kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw
ito.
3. Kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng
mga tao.
4. Dahil sa malinis, mabango, at malinaw na tubig, madalas na pasyalan at
paliguan ang Ilog Pasig.
5. Nangamba ang mga taong tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya
kumilos na sila bago mahuli ang lahat.
WE DO (PINATNUBAYANG PAGSASANAY)

• Basahin muna ang pangungusap bago pasagutan.


• Tumawag ng isang mag-aaral at ipasalungguhitan ng
isang beses ang sanhi at dalawang beses ang bunga sa
bawat pangungusap.
YOU DO (PANG ISAHANG GAWAIN)
• Tatawag ng mag-aaral upang ipaliwanag ang pang isahang gawain.
• Tanong: Sino sa mga mamamayan ng bansa ang maipagmamalaki mo
dahil sa kanyang matiyagang pag-aalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran?
Isulat ang kanyang pangalan sa loob ng kahon at ipaliwanag kung bakit.

Ipinagmamalaki Kita
PAGLALAHAT

1. Ano ang kahulugan ng sanhi/bunga?


2. Bakit mahalaga ang mga tao ay magkaroon ng
disiplina?
3. Bakit mahalagang manumbalik ang kagandahan at
kalinisan ng Ilog Pasig?
PAGTATAYA
1. Punan ng sanhi o bunga ang sumusunod na mga patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap sa bawat bilang.
2. Gumagawa ng paraan ang taong-bayan na mapagandang muli ang Ilog Pasig
____________________________________________.
3. ______________________________________________ anupa’t nanghihinayang sila sa
nangamatay na mga isda.
4. Maglulunsad sila ng proyekto upang mabuhay muli ang makasaysayang Ilog Pasig
______________________________________________________.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ng kapitan ng barangay ang pagtatapon ng basura sa
ilog______________________________________.
6. ______________________________________ sanhi ng patuloy nap ag-agos sa ilog ng kemikal na
nanggagaling sa mga pabrikang malapit dito.
TAKDANG ARALIN
1. Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na mga sitwasyon?
2. Namamasyal kayo sa isang parkeng malapit sa ilog. May Nakita kang grupo
ng mga mag-aaral na nagtatapon ng kanilang pinagkainan dito.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Nakita mong ang duming nanggagaling sa pabrika ang sanhi ng pagdumi ng
ilog sa inyong pamayanan.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

You might also like