You are on page 1of 18

EPIKO

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko


Ang epiko ay isang uri ng panitikan na
nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at
pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban
sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan
dahil ang mga tagpuan ay pawang
kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang
kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na
mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino
ay may maipagmamalaking epiko.
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong
"epos" na nangangahulugang salawikain o awit.
Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na
maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-
dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring
mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan.
Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na
mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga
tauhan.
May nagsasabing ang epiko daw ay hango sa
pangalang Kur, isang lalaki na kinuhang
manunulat ng mga Español sa kanilang
kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging
malikhain at matalino. Lahat ng kaniyang isinulat
ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay
tinawag ng mga Español na epiko na ang ibig
sabihin ay “ dakilang likha”.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang
epikong-bayan. Bukod sa nagiging aliwan ang
epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang
panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga
ritwal at pagdiriwang upang maitanim at
mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang
mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin
ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating
mga ninuno.
Pagsasanay

Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang


pagkakaroon nito ng mga pangyayaring may
kababalaghan. Isa-isahin ang mga kababalaghang
nakapaloob sa binasang epiko. Pagkatapos, sagutin
mo ang tanong: “Sa iyong palagay, paano nakatulong
ang nasabing kababalaghan upang makilala ang mga
tauhan? “ Gamitin mo ang dayagram sa iyong
pagsagot.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
Mga
Kababalaghan

Para sa akin, nakatulong ang mga kababalaghan sa


epiko sa pagkilala ng mga tauhan sapagkat
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________
EPIKO Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas
ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysay ito

tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.


Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di
kapani-paniwala.

Mga Tanda ng Epiko:


1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa
sariling tahanan.
2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing
tauhan.
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang
minamahal.
4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang
labanan.
7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay
magkadugo.
8. Pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay na muli ng bayani.
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
11. Pag-aasawa ng bayani.

Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na


paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking
bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa
istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng
epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao.
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan.
Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa
noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang
tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong
kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito
,wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan,
alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang
pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako.
Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na
kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang
buhangin doon.
Akala ko iyon na ang una at huling araw na
makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura
ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na
pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan
akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon.
Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal.
Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa
lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko
si Sir James Bossier. Pansamantala man ang
pananahan ko dito, batid ko na sa aking
pagpupursige kasama ng aking pamilya ay
makababalik ako dito upang manirahan.
Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng
paghahambing.
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan.
Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa
noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang
tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong
kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito
,wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan,
alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang
pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako.
Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na
kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang
buhangin doon.
Akala ko iyon na ang una at huling araw na
makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura
ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na
pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan
akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon.
Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal.
Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa
lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko
si Sir James Bossier. Pansamantala man ang
pananahan ko dito, batid ko na sa aking
pagpupursige kasama ng aking pamilya ay
makababalik ako dito upang manirahan.
2 URI NG PAGHAHAMBING
Paghahambing na magkatulad

Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay


may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga
panlaping kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay
ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho.
Paghahambing na di-magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may
magkaibang katangian.
May dalawang uri ito:
1. Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit,
gumagamit itong mga salitang tulad ng lalo, di-
gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino
hal. Lalo siyang gaganda kung siya ay magpapagupit.

2. Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o

nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng


mga salitang higit, labis, at
di-hamak.
hal. lalo siyang gumanda nung siya ay
Modernisasyon / katamtaman
Naipapakita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping
ma-, sa pamamagitan ng salitang medyo sinusundan ng
pang-uri, sa pamamagitan ng katagang sinusundan ng
pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping
kabilaang ka-han.

Hal. Magaganda ang tanawin sa probinsya

You might also like