You are on page 1of 27

Inihanda ni:

JOSEFINA S. RAMOS
Hangganan at Lawak
ng Teritoryo ng
Pilipinas
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang pangkat ng mga isla na bumubuo
sa isang bansa.
A. lungsod
B. probinsya
C. arkipelago
D. wala sa nabangit
2. Ang Pilipinas ay kabilang sa
kontinenteng _____.
A. Asya
B. Europa
C. Africa
D. Hilagang America
3. Angpinakamalaking _______ sa mundo ay
natagpuan sa dagat ng Palawan.
A. kuweba
B. perlas
C. dyamante
D. ahas
4. Ang Association of South East Asian
Nation ay natatag noong _______ 8,
1967.
A. Hunyo
B. Nobyembre
C. Agosto
D. Marso
5. Ang pinakamalaking _______ sa mundo ay
natagpuan sa dagat ng Palawan.
A. kuweba
B. perlas
C. dyamante
D. ahas
ALAMAT NG
PILIPINAS
Noong unang panahon wala
v pang tinatawag na bansang
Pilipinas. Mayroon lamang na
maliliit na pulo. Noong hindi pa
rin ito bahagi ng mundo, may
nakatira ritong isang higante.
Ang kuweba niya ay nasa
kalagitnaan ng Dagat Pasipiko.
Kasama niyang naninirahan ang
kanyang tatlong anak na babae,
sina Minda, Lus at Bisaya.
Isang araw kinakailangang
umalis ng amang higante upang
mangaso sa kabilang pulo.
Kailangang maiwan ang tatlong
magkakapatid kaya
pinagsabihan niya ang tatlo.
“Huwag kayong lumabas ng
ating kuweba,” ang bilin ng
ama. “Diyan lamang kayo sa
loob dahil may mga panganib sa
labas. Hintayin ninyo ako sa
loob ng kuweba.”
Nang makaalis na ang amang
higante, naglinis ng kuweba
ang magkakapatid. Inayos nila
itong mabuti para masiyahan
ang kanilang ama. Subalit
hindi nila katulong sa paggawa
si Minda. Hindi ito masunurin
sa ama. Lumabas pala si Minda
at namasyal sa may dagat.
Hindi man lamang nagsabi sa
mga kapatid.
Tuwang-tuwa si Minda na
naglalaro ng mga along
nanggagaling sa dagat. Namasyal
siya at hindi napansin na malayo
na pala siya sa tabi ng dagat.
Habang siya ay naglalakad, isang
napakalaking alon na masasabing
dambuhala ang lumamon kay
Minda. Nagsisigaw siya habang
tinatangay ng malaking alon sa
gitna dagat.
“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni
Minda. Narinig nina Lus at Bisaya
ang sigaw ni Minda. Abot ang
sigaw sa loob ng kuweba kaya
tumigil sa paggawa ang dalawa. “Si
Minda humihingi ng tulong!” sabi
ni Lus na nanlalaki ang mga mata
sa pagkagulat. “Oo nga! Halika
na!” yaya ni Bisaya. “Bakit kaya?”
Mabilis silang tumakbo sa may
dagat. Tingin dito, tingin doon.
Nakita nila sisinghap-singhap sa
tubig ang kapatid.
“Hayun sa malayo!” sigaw sabay turo
ni Lus. “Hindi marunong lumangoy si
Minda ah!” sabi ni Bisaya at
tumakbo na naman ang dalawa.
Sabay iyak ni Lus. Mabilis nilang
nilusong si Minda, malalim pala
roon. Inabot nila ang kamay nila sa
kapatid. Pati sila ay nadala ng
dambuhalang alon. Kawag, sipa,
taas ng kamay, iyak sigaw at walang
tigil na kawag. Sa kasamaang palad
ang tatlong dalagang higante ay
hindi na nakaahon.
Nang dumating ang amang higante
nagtataka siya bakit walang sumalubong sa
kanya. Dati-rati ay nakasigaw na sa tuwa ang
tatlo niyang anak kapag dumarating siya.
Wala ang tatlo sa kuweba, ni isa ay wala
roon. “Saan kaya nagtungo ang tatlo kong
anak?” Tanong nya sa sarili. “Nasaan kayo
Lus, Minda, Bisaya!” Walang sumasagot,
hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila
roon. Pinuntahan niya ang ilang malapit na
pulo, ni anino ay wala. “Baka may
pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng
higante sa sarili.
Biglang umalon ulit at dumagundong,
napalingon ang ama at naisip niya na
baka nalunod ang tatlo. Dumako pa siya
sa malayo at hindi nagkamali ang
higante. Nakita niya ang labi ng ilang
pirasong damit na nakasabit sa bato.
Para tuloy niyang nakita ang tatlong
kamay na nakataas at humihingi ng
saklolo. Naalala niya bigla na hindi niya
pinayagang lumabas ang mga ito.
Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip
lamang pala niya ang larawan ng
tatlong kamay na nakataas, nawalan
siya ng lakas.
“Mga anak! Ano pa? Wala na,” himutok
ng ama. Nawalan na siya ng ganang
kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa
malayo. Isa-isang hinagod ng tingin ang
bawat munting bato at kahoy sa
malayo. At sa pagod at hapis napahilig
sa isang bato at tuluyang natulog.
Mahabang pagkatulog ang nagawa ng
kawawang higante. Nang magising ang
higante, kinusot niya ang kanyang mga
mata. May nakita siyang wala doon
dati. Tumayo bigla at tiningnan mabuti.
“Ano ito? Saan galing ang tatlong
pulong ito? Sila kaya ang tatlong
ito?” Tanong sa sarili, lalong
lungkot ang naramdaman ng
amang ulila. “Ang tatlong pulong
ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!”
ang malakas niyang sabi. At buhat
noon tinawag na Luson, Bisaya at
Mindanaw ang tatlong pulo. Dito
nagmula ang bansang Pilipinas.
Nasa gawing timog ng Asya.
Bahagi ito ng Pilipinas sa
katimugang bahagi ng Asya.
• Ang Pilipinas ay isang arkipelagong bansa.
• Sa Pilipinas din natagpuan ang pinakamalaking perlas sa
mundo. Ito ay nakita sa dagat ng Palawan.
• Ang Pilipinas ay matatagpuan sa hilagang-gilid ng mundo.
• Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng higit sa 7,000
maliit at malalaking isla na halos nakakalat sa gilid ng
Karagatang Pasipiko.
• iba't ibang mga kultura, mga wika at paraan ng pamumuhay
ng iba't ibang mga pangkat ng komunidad na naninirahan sa
iba't ibang mga isla sa Pilipinas.
• Mayroong 175 na wikang sinasalita sa Pilipinas
• Filipino at Ingles ang dalawang pangunahing wika sa Pilipinas
• Ang Pilipinas ang tanging bansang Kristiyano sa Asya, kung
saan karamihan sa mga Pilipino ay may relihiyong Romano
Katoliko. .
• Ang Metro Manila, ang kabiserang rehiyon ng bansa, na
binubuo ng maraming iba pang mga lungsod ay may higit na
12,877,000 katao.
• Ang Metro Manila isa sa mga may pinakamalaking populasyon
sa mundo.
• Sikat sa buong mundo ang mga isla ng Palawan at Boracay,
kung saan matatagpuan ang mga magagandang dagat sa
Pilipinas.
• Ang arkipelago ay isang pangkat ng mga isla na malapit na
nakakalat sa isang katawan ng tubig.
• Ang Arkipelago ng Pilipinas ay nagbibigay ng isa sa
pinakamataas na biodiversity ng dagat.
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama. Isulat ang M
kung ang pahayag ay mali.
1. Ang Pilipinas ay isang arkipelagong bansa
2. Ang Arkipelago ng Pilipinas ay nagbibigay ng isa sa
pinakamataas na biodiversity ng dagat
3. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa hilagang-gilid ng mundo.
4. Mayroong 257 na wikang sinasalita sa Pilipinas
5. Ang Palawan isa sa mga may pinakamalaking populasyon sa
mundo.

You might also like