You are on page 1of 4

ALAMAT NG ANTIPOLO

Noong unang panahon, ang mga magsasakang nakatira sa kapatagan ay lumipat sa kabundukan
upang makaiwas sa kalupitan ng mga kastila.

Sa kagubatan na sila namalagi upang di masangkot sa kaguluhan sa bayan. Lubhang nagalit ang
mga kastila dulot ng himagsikan. Upang makaganti, maraming walang malay na Pilipino ang
kanilang pinagbintangang kasapi ng katipunan.

Nabalitaan ng mga naninirahan sa kabundukan ang planong pagsukob ng mga guardia sibil. Sila
ay natakot at araw-gabi ang pagdarasal ng mga kababaihan.

Isang araw, umakyat ng bundok ang mga kastila. Nakarating sila kung saan nagtitipon-tipon
ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay biglang umilaw ang puno ng TIPOLO.

Maya maya lamang ay biglang lumitaw ang Birheng Concepcion sa itaas ng puno ng TIPOLO.
Palibhasa'y mga relihiyoso ang kastila sila ay natakot at nagsisi.

Marami ang nakakita sa milagro ng birhen at sila ay nagpasalamat sa saklolong binigay nito.
Ang masamang balak ng mga kastila at hindi natuloy bagkus ay nangako pang ang pook na iyon
ay igagalang.

Masaya pang ipinamalita ng mga kastila sa kapwa nila ang nakitang milagro.

"Saan ang lugar na yon?"

"Sa bundok. Itanong nyo kung saan ang tipolo"

Dahil sa paulit-ulit na pag banggit ng "Saan ang tipolo?" tinawag nilang SANTIPOLO ang pook
at di nagtagal ay naging "ANTIPOLO".
ALAMATNG CUBAO (QUEZON CITY)

May dalawangbatangnaglalarongtumbangpresosakalsada. Parehosilangmakulit at halos


maghaponsilangnaglalarosakalye. Hindi silatumutulongsamgagawainsabahay at madalas ay
sinasawayangmgamagulangnila. Kahitsaordinaryongaraw, pagkatapospumasoksapaaralan, nasakalye pa
rinangdalawaupangmaglarongtumbangpreso. Madalasmagalitangkanilangmgamagulangngunitpaulitulit pa
rinangpagsuwaynila.

Isangarawhabangangmagkaibigan ay naglalarongtumbangpreso, maydumaannaisangmagbobotengkuba! Dahilngapilyo


at salbaheangmagkaibigan, pinagtawanannilaitongmalakas. Sa halipnalataangbatuhinnilasalarongtumbangpreso,
angkawawangmagbobotengkubaangbinatonila.

Nasaktan at nainsultoangmagbobotengkuba. Nagalitito at sakahinabolnghinabolangmagkaibigan.Galitnagalitito kaya


iniwannyaangkanyangmgakalakal at kahitsaantumakboangmagkaibigan,
sunundannyaangmgaito.Palibhasamatabaangisasadalawangmagkaibigan, nahuhuliitosapagtakbo at mabilismapagod.
Kahitnamedyomabagalangpagtakbongkuba, siguradoangmatabangbatanamaaabutansya. Sa
takotniyangmaabutansyangmagbobotengkuba, sumuotsyasaisangmaliitnaeskinita at nagtagodito.

Samantala, may isangdalubhasasapagsusulatngmgakasaysayanngmgalugar at napadaan kung


saannagtatagoyungmatabangsalbahengbata. Nakitanyaitonatakotnatakot, namumutla at halos utalutalnanagsasalita.
Tinanongngdalubhasakunganonglugarangkanilangkinalalagyandahil may ginagawasyangpagaaralsalugarnaiyon.

Takotnatakot at malakasnasumagotng “KUBA 0! KUBA O! Paulitulitnyangsinisigawang KUBA O!


habangtumatakbongpapalayosiTaba. NagatakasiDalubhasa at angdinignyasasinisigawngbata ay CUBAO,
nasyangakalanyangsagotsatanongnyakynganoangpangalannglugarnakinalalagyannila.

Bagamatnagtataka, nagpatuloynalamangsiDalubhasasakanyangpagsusulat atpinangalanannyaanglugarnaitong “CUBAO”.

Magmula din noon, hindinanakita pa angmagkaibigannanaglalarongtumbangpresoanglabasngbahaysalugarnila.


Buongpagtatakangkanilangmagulangangpagbabagosaugalingmagkaibigan. Nagingmatulunginsilasabahay at
marunongnasilanggumalang at magbigayrespetosakapwatao. At higitsalahat,
nagingmasunuringanakangmagkaibigansakanilangmgamagulang.

Ang CUBAO ay matatagpuansa EDSA kung saan may maramingpangunahinestablisimentong (business establishment).
DitomatatagpuanangAraneta Coliseum kungsaanmadalasganapanngmgamahalaga at
makasaysayangpagtitipongayangmgapatimpalak pang Ms Universe, boksing pang
international,Konsyertongmgasikatnalokal at banyagangmangawit.
ALAMAT NG PILIPINAS
Noong unang panahon wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang na maliliit na pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng
mundo, may nakatira ritong isang higante. Ang kuweba niya ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang
kanyang tatlong anak na babae, sina Minda, Lus at Bisaya.

Isang araw kinakailangang umalis ang amang higante upang mangaso sa kabilang pulo. Kailangang maiwan ang tatlong
magkakapatid, kaya pinagsabihan niya ang tatlo.

"Huwag kayong lalabas ng ating kuweba, ang bilin ng ama. Diyan lamang kayo sa loob dahil may mga panganib sa paligid. Hintayin
ninyo ako sa loob ng kuweba."

"Opo, Ama", sagot ng tatlong dalagita.

Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kanilang kuweba ang magkakapatid. Inayos nila itong mabuti upang masiyahan ang
kanilang ama. Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi masunurin ito sa ama. Lumabas pala si Minda at namasyal sa
may dagat. Hindi man lamang nagsabi sa mga kapatid.

Tuwang-tuwa si Mindang naglalaro ng mga along nanggagaling sa gitna ng dagat. Namasyal siya at hindi niya napansin na malayo na
pala siya sa tabi ng dagat. Habang siya ay naglalakad, isang malaking malaking alon na masasabing dambuhala ang lumamon kay
Minda. Nagsisisigaw siya habang tinatangay ng alon sa gitna ng dagat.Tulungan ninyo ako! sigaw ni Minda.

Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa kuweba. Tumigil ang paggawa ng dalawa.

"Si Minda, humihingi ng tulong!" sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat.

"Oo nga. Halika na!" yaya ni Bisaya. "Bakit kaya?"

Mabilis na tumakbo sila sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nilang sisinghap-singhap sa tubig ang kapatid.

"Hayun sa malayo!" sigaw sabay turo ni Lus.

"Hindi marunong lumangoy si Minda, ah", sabi ni Bisaya. At tumakbo na naman ang dalawa. Umiyak na si Lus.

"Bahala na!" sagot ni Bisaya.

Mabilis nilang nilusong si Minda. Malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid. Naku, pati sila ay nadala ng dambuhalang
alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak, sigaw at walang tigil na kawag. At sa kasamaang palad ang tatlong anak na babae ng higante
ay hindi na nakaahon. Nang dumating ang higante nagtataka siya kung bakit walang sumalubong sa kanya. Dati-rati ay nakasigaw sa
tuwa ang tatlo niyang anak kung dumating siya. Wala ang tatlo sa kuweba. Ni isa ay wala roon. Saan kaya nagtungo ang tatlo kong
anak? tanong niya sa sarili. Saan kaya? Lus, Bisaya, Minda!

Walang sagot! Hinanap niya sa paligid. Wala roon. Pinuntahan niya ang ilang malapit na pulo. Ni anino, wala. Baka kaya may
pumuntang ibang tao at dinala silang pilit? sabi ng higante sa sarili.Biglang umalon ulit nang malakas at dumagundong. Napalingon ang
ama. At nabuo sa isip niya na baka nalunod ang tatlo. Dumako pa siya sa malayo. At hindi nagkamali ang ama. Nakita niya ang labi ng
ilang piraso ng damit na nakasabit sa isang bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo.
Naalala niyang bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito. Ni hindi sila natutong lumangoy. Tumalon sa dagat ang higante.
Sa isip lamang pala niya ang larawan ng tatlong kamay na nakataas. Nawalan siya ng lakas. Mga anak! Ano pa? Wala na! himutok ng
ama. Nawalan na ng ganang kumain. Tumayo. Umupo. Tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat munting bato at
kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang
higante.

Nang magising ang higante kinusot ang mata. May nakita siyang wala doon dati. Tumayong bigla at tiningnang mabuti.Ano ito? saan
galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito? tanong sa sarili. Lalong lungkot ang naramdaman ng amang ulila. Ang tatlong
pulong ito! Sina Lus, Bisaya at Minda ito! ang sabi niyang malakas. At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong
pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog sa Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.

You might also like