You are on page 1of 2

Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula sa Laguna de Bay (sa pamamagitan ng Kanal ng Napindan) patungong

Look ng Maynila. May haba na 25 kilometro at hinahati ang Kalakhang Maynila sa dalawa. Ang Ilog Marikina at Ilog San Juan ang pangunahing mga sanga nito. Ang Ilog Pasig noon ay malinis, maayos at maganda. Katunayan ito ay isang mahalagang ruta pang-transportasyon ng mga Kastila noon sa kanilang pangangalakal or pagpapalitan ng mga produkto sa ibang bansa. May mga bahay man na nakatayo malapit dito, pero napapanatili nilang malinis at maayos ang Ilog Pasig. Ang Ilog Pasig noon ay isa sa mga ilog na lubos na hinahangaan ni Dr. Jose Rizal.

Tignan natin ang Ilog Pasig ngayon. Kitang kita ang malaking kaibahan nito sa Ilog Pasig noon. Ang dating malinis at magandang Ilog Pasig ay naging madumi at pangit. Marami nang nakatayong mga bahay sa tabi ng Ilog Pasig. Mga bahay na wala sa ayos kung ating titignan. Naging tapunan at tambakan na ng mga basura ang Ilog Pasig ngayon. Mabaho ang amoy at kulay itim na ang kulay ng ilog. Ibang iba na talaga

ang Ilog Pasig ngayon. Nais kong Makita sa aking mga sariling mga mata ang dating kulay at anyo ng ilog Pasig noon.

You might also like