You are on page 1of 3

Antas ng Pagbasa:______________________

Pangalan:________________________ Antas ng Pagkatuto:____________________

PANAPOS NA PAGTATASA sa FILIPINO 6


SY 2020-2021

SI JOSE RIZAL SA DAPITAN


Basahin ang talata nang may pang-unawa at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Si Jose Rizal ay ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 17, 1892. Ginugol


niya ang kanyang oras sa mga makabuluhang gawain. Ginamot niya ang mga
maysakit. Matiyaga siyang nagsaka at maingat na nagplano ng patubigan para
sa mga tanim. Nagturo rin siya ng mga samahang sibiko. Gumawa siya ng ilang
eskultura at mga drowing. Sumulat din siya ng mga tula. Lubos siyang
hinangaan at iginalang ng mga taga-Dapitan, pati na rin ng kanilang
gobernadorsilyo.

Isang araw, nagulat si Rizal nang biglang dumating sa Dapitan si Pio


Valenzuela. Ibinalita nito ang pagkakatatag ng Katipunan at ang isang balak
na paghihimagsik sa pamahalaan. Binanggit din niya ang alok na ibibigay ni
Bonifacio kay Rizal, ang liderato ng Katipunan kung sakaling aanib ang doktor
sa kilusang ito.

Biglang tumayo si Rizal at sinabi na hindi pa panahon upang


maghimagsik. “Ang binabalak ninyo ay isang kabaliwan. Kung ako ang
tatanungin, dapat itigil agad ang inyong balak habang maaga. Sabihin mo kay
Bonifacio na dinaramdam kong hindi tanggapin ang kanyang iniaalok.”
Nagpasalamat siya at sinabing, “Mayroon pang ibang mapayapang paraan
upang makamit ang minimithi nating pagbabago para sa ating bayan.”

Malungkot na umalis sa bahay ni Rizal si Pio Valenzuela. Kinabukasan,


naglakbay siyang pabalik patungo sa Maynila.

Antas ng Pagbasa: Mabilis Katamtaman Mabagal Di-Nakakabasa


Antas ng Pagkatuto: 8-7 Malaya (Independent )
6-5 Pampagkatuto (Instructional)
4-1 Pagkabigo (Frustration)
0 Di-Nakakabasa ( Non-Reader)
Mga Tanong
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______1. Alin sa sumusunod ang unang naganap sa seleksyon?


A. Naglakbay si Valenzuela papunta sa Dapitan.
B. Nalaman ni Rizal ang balak na paghihimagsik.
C. Hindi sang-ayon si Rizal na maging lider siya.
D. Hinangaan at iginalang si Rizal ng mga tao sa Dapitan.

_______2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?


A. May nagdala ng balita tungkol sa Katipunan kay Rizal.
B. Napabalita sa Dapitan ang magaganap na paghihimagsik.
C. Hindi sang-ayon si Rizal sa balak ni Bonifacio para sa bayan.
D. Naging mabuti ang buhay sa Dapitan nang dumating si Rizal.

_______3. Ano ang kahulugan ng salitang ginugol sa pangungusap sa kahon?

Ginugol niya ang kanyang oras sa mga makabuluhang gawain

A. ibinuhos
B. inayos
C. iningatan
D. plinano

_______4. Ano ang kahulugan ng salitang aanib sa pangungusap sa kahon?

Ang liderato ng Katipunan ay ibibigay kay Rizal kung sakaling aanib ang
doktor sa kilusan.

A. magsisilbi
B. sasali
C. sasang-ayon
D. susuporta

_______5. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Bonifacio sa desisyon ni Rizal?


A. Magagalit siya sa tagadala ng balita.
B. Ipagdiriwang nila ang desisyon ni Rizal.
C. Aayon ang Katipunan sa paniniwala ni Rizal.
D. Hindi ikatutuwa ni Bonifacio ang maririnig na balita.

_______6. Alin ang ibig ipakahulugan ni Rizal sa “Mayroon pang ibang


mapayapang paraan upang makamit ang minimithi nating pagbabago para sa ating
bayan.”?
A. Pangarap pa rin ang minimithing pagbabago sa bayan.
B. Makakamit din ang kapayapaan pagdating ng panahon.
C. Himagsikan ang daan para makamit ang pagbabago ng bayan.
D. Hindi lang sa himagsikan magkakaroon ng pagbabago sa bayan.

_______7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe
nito?
A. Maingat na isinalaysay ang mga pangyayari.
B. Maliwanag ang solusyong nakasaad sa seleksyon.
C. Tinalakay ang mga sanhi at bunga ng himagsikan.
D. Nailarawan ang mga tauhan at ang tagpuan sa seleksyon.
_______8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?
A. Ang Balita kay Rizal
B. Balita ng Katipunan
C. Ang Buhay ni Rizal sa Dapitan
D. Magandang Pagbabago sa Dapitan

You might also like