You are on page 1of 16

pamilyar at di-pamilyar

na salita
• Ang mga pamilyar na salita ay ang mga salita na palasak
na sa iyong pandinig o lagi mo nang naririnig halos araw-
araw.
Mga halimbawa ng pamilyar na salita

• iniwan - inalisan, nilisan


• galit- yamot,inis
• bumati- nagbigay galang
• inutusan- inatasan
• sakit- kirot
• almusal- agahan
• tampo-sama ng loob
• nawala- naglaho sa paningin
• labanan- sagupaan
• sirain- durugin
• DI PAMILYAR – Maraming mga salita ang hindi na natin
makikilala. Kadalasan, ito’y dahil sa pagbabago ng wika
na dulot na rin ng pagbabago na panahon.

• Ngunit, ang mga salitang ito ay parte pa rin ng ating


kultura bilang mga Pilipino. Kaya naman, dapat nating
bigyang halaga ang mga salitang ito at pag-aaralan.
Halimbawa ng di-pamilyar na salita

• asimada – toothpaste
• Alimpuyok – sinaing na nasusunog
• Badhi – mga guhit ng palad ng isang tao
• Katoto – matalik na kaibigan o kumpadre
• Kubyerta – palapag o sahig ng malalaking sasakyang
pandagat na tulad ng bapor.
• Hunsoy – sigarilyo na mataba
• Piging – isang espesyal at magarang handaan
• Salipawpaw – sasakyang panghimpapawid
• Talaksan – mahahalagang dokumento
• Polyeto – isang papel na naglalaman ng mga
impormasyon ukol sa isang produkto o serbisyo
ANG UNGGOY AT ANG BUWAYA

Isang araw, habang naghahanap ng pagkain ang


matalinong unggoy sa tabi ng ilog, nakita niya ang puno ng
makopa na hitik na hitik sa hinog na bunga.
Ang puno ay nasa kabilang pampang lang ng ilog kung
saan nakatira ang batang buwaya. Matapos niyang makain
ang lahat ng prutas na gusto niya, bumaba na sa puno ang
unggoy at napagpasiyahang pumunta sa kabila ng
malawak na ilog, ngunit hindi niya alam kung paano.
Sa wakas, nakita niya ang buwaya na kagigising lamang
mula sa kaniyang siyesta.Magiliw na nagwika ang unggoy,
“Mahal kong buwaya, puwede bang humingi ng pabor?”
Nabigla ang buwaya sa ganitong kabait na pagbati ng
unggoy.Pero mapagkumababa itong sumagot, “Oo ba!
Kung anuman ang maaaring maitulong ko sa iyo, malugod
ko itong gagawin.”Sinabi ng unggoy sa buwaya na gusto
niyang pumunta sa kabilang dako ng ilog.
Sabi ng buwaya, “Buong puso kitang ihahatid doon. Umupo
ka lang sa likod ko at aalis tayo kaagad.”
Nang nakapirme na sa pagkakaupo ang unggoy sa likod ng
buwaya, nagsimula na silang maglakbay. Hindi nagtagal,
narating nila ang kalagitnaan ng ilog, at nagsimulang
humalakhak ang buwaya.
Ngayon, unggoy na uto-uto,” sabi niya, “kakainin ko ang
iyong atay at mga bato dahil gutom na gutom na ako.”
Kinabahan ang unggoy pero hindi niya ipinahalata. Sa
halip, sinabi niya, “Pinaghandaan ko na yan! Naisip ko nang
baka nagugutom ka kaya inihanda ko na ang aking atay at
mga bato para sa hapunan mo.
Sa kasamaang-palad, naiwan kong nakasabit ang mga ito
sa puno ng makopa dahil sa pagmamadali natin. Masaya
ako na nabanggit mo iyan.Bumalik tayo at kukunin ko ang
pagkain para sa iyo.”
Sa pag-aakala ng uto-utong buwaya na nagsasabi ng totoo
ang unggoy, bumalik ito sa tabing-ilog na pinanggalingan
nila. Nang malapit na sila, mabilis na lumundag ang unggoy
sa tuyong lupa at kumaripas ng takbo paakyat sa puno.
Nang makita ng buwaya kung paano siya nalinlang, sabi
niya, “Isa akong uto-uto”.
• Paano nakatawid ang unggoy sa kabilang ilog?
• Ano ang pakiusap ni unggoy sa buwaya?
• Pumayag ba si buwaya sa pakiusap ni unggoy?
• nang nasagitna na sila ng ilog ano ang ginawa at ginusto
ng buwaya?
• Bakit hindi nakain ni buwaya si unggoy?
Panuto: ibigay ang kahulugan ang mga salitang
pamilyar at d pamilyar sa pamamgitan ng pormal na
depinisyon
• balsa
a. sasakyang panlupa na yari sa kawayan
b. sasakyang pantubig na yari sa pinag datig-datig na mga
kawayan o punong kahoy
c. sasakyang pantubig na may motor
• santwaryo
a. lugar na dalanginan na karaniwan ay nasa harap ng
dambana
b. lugar na nasa likod ng sambahan
c. lugar na nasa syudad
• angkan
a. lahing pinagmulan
b. lahing pinagsikapan
c. lahing amerikano
• gamu-gamo
a. isang maliit na lamok
b. isang maliit na insektong lumipad
c. isang maliit na hayop
• paham
a. isang taong malilimutin
b. isang taong ersperto
c. isang makata
Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na
salita sa diksyonaryo
• palengke
• himala
• kanal

You might also like