You are on page 1of 27

IMPACTS

OF
KALIWA DAM Inilahad ni:

ALFREDO “JHUN” DARAG


Mamamayan ng Brgy. Agos Agos,
Infanta, Quezon
PROPOSED DAMS:
1. Laiban Dam
2. Laiban Low Dam
3. Kaliwa Low Dam No. 1
4. Kaliwa Low Dam No. 2
5. Kanan No. 1 Dam
6. Kanan No. 2 Dam
7. Kanan B1 Dam
8. Kanan Low Dam
9. Agos Dam
+ Afterbay Weir
BAHA
Ang Infanta ay isang lupang-
hiram (delta) na may
pinakamababang tayô
(elevation) sa magkakaratig na
mga bayan ng Real, Infanta at
Gen. Nakar, kaya’t ang maburak
na Ilog Agos ay umaapaw sanhi
ng lurok na ulan at mga bagyo,
kaya’t binabaha ang mga
barangay sa tabing ilog, maging
ang kabayanan na pook na
kinatatayuan ng lokal na
pamahalaan, sentro ng kalakalan
at kultura ng Hilagang Quezon.
BAHA

Walang sapat na pananggang dike at sistema ng imburnal


na magsasanggalang sa bayan mula sa mapaminsalang
rumaragasang baha na maaaring palubhain ng walang
patumanggang pagpapakawala ng tubig mula sa
panukalang dam.
PHILIPPINE FAULT ZONE
Ang bahagi ng Philippine Fault Zone
(PFZ) na tumatahak mula sa Gen.
Nakar, Quezon patungong Brgy.
Magsaysay at Gumian ng Infanta,
Quezon hanggang sa Real, Quezon
ay tinatayang may layo lamang na
16.54 kilometro sa pagtatayuan ng
dam sa timog kanluran ng fault at
ang anumang malakas na lindol na
idudulot nito ay tiyak na
makapipinsala sa dam.
Active Faults Near the Dam Site
HISTORICAL EARTHQUAKE

Picture from Centeno y Garcia, 1882


Batay sa pananaliksik ng Kagawaran ng Agham-Surian ng Pilipinas sa
Bulkanolohiya at Sismolohiya (PHIVOLCS), noong Hulyo 18, 1880 ay
nakaranas ang Infanta ng lubhang malakas na 7.6 magnitude na lindol
na ang pagyanig ay nagpaguho sa konkretong simbahang itinayo ng
mga Pransiskano sa bayang ito…
HISTORICAL
EARTHQUAKE

…at kung mauulit ang ang


malalakas na paglindol ay Photo of Infanta Ruins taken on 2016

maaaring makaapekto sa Kaliwa


Dam o maging sanhi ng tuluyang
pagkawasak nito, na anupa’t
makapagdudulot ng lubhang
nakapanghihilakbot na
mapaminsalang baha at kalunus-
lunos na pagkalugami ng Infanta.
Seismic Activities July 18, 1880
Earthquake

• Most of the proposed damsites


would be subject to high peak
acceleration and exposed to
generally high degree of seismicity

• Along the Philippine Fault where


many large-scale earthquakes were
recorded in the past and the relative
movement of 6 cm was observed in
the period of 1991 to 1993. Therefore,
it can be said it can be said that the
Philippine Fault Zone has a potential
to cause very high seismic activity.
The 1880 Earthquake

Picture from Centeno y Garcia, 1882)

Effect of the July 18, 1880 Earthquake near the Epicentral Region near
Dingalan Bay, specifically at Infanta Church.
Source: DOST-PHIVOLCS
Isoseismal Map of the July 18, 1880 Earthquake, Philippines
Source: DOST-PHIVOLCS
Seismic Activities
• Agos and Kanan Dam Sites are
located at only 7-8km distant
from the active Philippine Fault
where large Earthquakes have
been recorded around the
areas
• Thus, a dynamic analysis is
required for the design of dam
to confirm the behavior of the
dam body on occurrence of
large earthquakes
TUBIG INUMIN AT DAGSAWIN
Ang mga taga-Infanta ay mawawalan ng tubig inumin at
dagsawin, gayundin ng pangangailangang agrikultural,
komersiyal at industriyal ng bayang ito, dahil ang tubig ng
Ilog Agos ay haharangan at isusuplay ng Metropolitan
Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa kalungsuran;
katunayan nito kapag panahon ng tag-init sa kabila ng
wala pa ang dam ay kinukulang na ang mga Infantahin ng
suplay ng tubig.
SALT WATER INTRUSION TO AQUIFER
Isinusuplay ng lokal na pandistritong patubig ang tubig-tabang na kanilang
kinukuha sa imbakan ng tubig sa ilalim ng lupa (aquifer) na pawang nasa baybayin
ng Ilog Agos, na sa masusing pag-aaral ng Japan International Cooperation
Agency (JICA), sa pagkawala ng tubig sa ilog ay wala ng magpapanumbalik ng
suplay ng tubig-tabang sa aquifer na anupa’y magbibigay-daan upang mapasok
ito ng pagsiim ng tubig-alat;
INCREASE OF SALINIZATION ON ESTUARY ENVIRONMENT
Ayon pa rin sa nasabing pag-
aaral, ang pagkawala ng likas
na pagdaloy ng tubig-tabang sa
Ilog Agos patungong mga pook
estuwaryo ay magpapasidhi sa
pamamasok ng tubig-alat mula
sa karatig na dagat at
pagkaparam ng tubig-tabsing at
kapinsalaan sa kasalukuyang
kalagayan ng mga puno at
halaman ng kapakatanan.
IMPACT OF AGOS DAMS TO FLORA AND FAUNA:
Increase of Influence of Salinization on Estuary Environment

The significant reduction of normal streamflows of the Agos


River into the estuary area would mean increasing the
influence of saline environment. This may not be felt at once
but would likely be an issue in the future use of the water
resource. Recharge of aquifer could be contaminated with
marine water intrusion due to increased estuary surface area
hence affecting domestic use of groundwater. Similarly, the
receding influence of fresh water would likely change and
even reduce the composition of aquatic fauna.
P. 5-8 Nippon Koei Co., Ltd. NJS Consultants The Study on Water Resources
Development for Metro Manila in the Republic of the Philippines Final Report
Volume IV Feasibility Study Main Report, March 2003
DECLINE OF PALAY PRODUCTION

RICE PRODUCTION

No. of No. of Dry Season Wet Season Value


barangays TOTAL
Area
Ave. Ave. (MT)
Farmers Yield Volume (MT)
Yield
Volume (MT)

Not Affected 8 209.49 391 910.32 898.36 1,808.68 30,747,560.00

Partially Affected 4 149.46 244 655.32 634.55 1,289.87 21,927,790.00

Directly Affected 24 1053.04 1615 4,741.90 4,593.53 9,335.43 158,702,310.00

TOTAL 36 1411.99 2250 6,307.54 6,126.44 12,433.98 211,377,660.00

Source: OMA Infanta, 2018


DECLINE OF PALAY PRODUCTION
Sa pag-aaral ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at
Tanggapan ng Pambayang Tagapag-ugnay sa
Pagpaplano at Pagpapaunlad, mapipinsala ng dam ang
produksiyon ng palay ng bayang ito at magdudulot ng
kahirapan sa sanlibo walong daan limampu’t siyam (1,859)
na mga magsasaka na umaasa sa sistema ng irigasyon,
sapagka’t ang sanlibo dalawandaan at dalawa tuldok
limampu (1,202.50) ektaryang palayan ng Infanta na
bawat taon ay umaani ng sampung libo anim na daan
dalawampu’t lima tuldok tatlumpu (10,625.30) metriko
toneladang palay na may katumbas na halagang
sandaan walumpung milyon animnaraan at talumpung
libo at sandaang piso (PhP180,630,100.00).
DECLINE OF FISH CATCH FROM MUNICIPAL WATERS

Mapipinsala ng banlik ang


produksiyon ng pangisdaan sa
munisipal na katubigan gaya ng
naging kaganapan noong 2004
hanggang 2005.
IMPACT OF DAM TO INDIGENOUS PEOPLES/
INDIGENOUS CULTURAL COMMUNITIES (IPs/ICCs)

Palulubugin ng dam ang mga sagradong himlayan ng mga


ninuno ng mga Katutubong Dumagat Remontado at
masasagkaan nito ang akses sa yaman ng lupaing ninuno at
magdudulot ng tuluyang pagkapawi ng katutubong
kalinangan at salindunong na malaon ng panahong tanging
nalalabi sa pamanang lahi.
SEDIMENTATION
Ayon sa pag-aaral ng JICA at PHIVOLCS, ang
pag-iral ng kapatagang kalupaan ng Infanta
ay balanseng kalagayang sa kasalukuyan ay
patuloy na tinatamo dahil sa malayang
pagdaloy ng Ilog Agos mula sa mga hulo nito
sa kailayahan hanggang sa sabangan na
nagdudulot ng mahalagang sedimentasyon
na tinatayang may siyamnaraan at
walumpung libong metro kubiko (980,000 m3)
bawat taon na anupa’t ang dam ang
maaaring makasagka sa nasabing
sedimentasyon, pagkawala ng balance at
magsasapanganib sa bayang ito dahil sa
malubhang pagkaagnas ng dalampasigan
at kalupaan dulot ng malakas na silig ng
dagat.
IMPACT OF DAMS TO COASTLINES OF INFANTA
PENINSULA (DOWNSTREAM INFANTA COMMUNITIES):

A possible consequence may be the erosion of


coastlines in the worst case, particularly along the
coast south from the river mouth. A preliminary
analysis in this Study has revealed that about
14,000 m3 of sand is being transported annually
southward from the river mouth along the shallow
water zone of the coast, a quantity not
considered excessive.
P. -10- Nippon Koei Co., Ltd. NJS Consultants The Study on Water Resources
Development for Metro Manila in the Republic of the Philippines Final Report
Volume IV Feasibility Study Main Report, March 2003
Thank You for Listening!

You might also like