You are on page 1of 1

COLOR-CODED FLOODING EWS

Ang Ilog Santiago ang isa sa mga notable inland body of water sa Calatagan.
Tinatahak nito ang mga barangay ng Paraiso, Biga, Lucsuhin at Sambungan. Ang
Barangay Lucsuhin ay isa sa mga may pinakamababang topograpiya sa munisipalidad;
bukod pa dito ay ito ang nagsisilbing catch basin ng mga tubig ulan/baha na
nagmumula sa mga interior barangays. Dahil dito, ang antas ng taas ng tubig baha sa
Ilog Santiago ang nagiging basehan ng pag apaw ng tubig sa ilang mga bahagi ng
barangay.

Katuwang ng MDRRMO ang BDRRMC Lucsuhin sa pagmomonitor ng antas ng


tubig. Kapag patuloy ang pag-ulan at inabot na ng tubig ang kulay xxxxxxxxxxxxxx,
pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa kundisyon ng ulan at baha at
binibigyang-babala ng paghahanda ng paglikas lalo na ang mga nasa mabababang
lugar at mga naninirahan sa tabi ng ilog. Sa puntong ito ay umiikot na ang mga
nakatalagang magbigay ng warning.

Sa pagtaas ng tubig baha at pag-abot nito sa kulay xxxxxxxxxxx, nagkakaroon


na ng paglilikas ng mga nasa mababang lugar at mga nasa tabing ilog; ang mga
apektadong residente ay dinadala sa Lucsuhin National High School; ang designated
evacuation center.

Inaasahang nasa evacuation center na ang mga apektadong mamamayan kapag


ang tubig baha ay umabot na sa kulay xxxxxxxxxxxxx. Sa puntong ito ay patuloy pa din
ang monitoring ng mga responders hindi lamang sa Barangay Lucsuhin kundi pati na
din sa ibang mga barangays dahil maaaring may pagbaha na din sa ilan pang
mababang lugar.

You might also like