You are on page 1of 1

Mindanao, maisasalba ng Lake Lanao

Ni Mario B. Casayuran
Dapat na maipasa na ng Kongreso ang panukala sa pagtatatag ng Lake Lanao
Development Authority na lilikha ng malinaw na framework sa pangangasiwa sa Lake
Lanao at sa watershed resources nito upang matugunan ang pagpapatuloy ng
rotational brownout sa Mindanao, na tinaguriang “land of promise.”
Ayon kay Senator Loren Legarda, awtor ng panukala, ang talamak at lumalalang
deforestation sa mga watershed, kabilang ang nasa Lake Lanao, at ang siltation sa mga
ilog ay kabilang sa mga dahilan kung bakit kinakapos ang supply ng kuryente sa
Mindanao.
Ngunit hindi matatalakay ng Kongreso at Senado ang nasabing panukala ni Legarda
kapag muling nagbukas ang session sa Hunyo 5, pagkatapos ng apat na buwang
recess, kundi sa 16th Congress pa, na magbubukas sa ikaapat na Lunes ng Hulyo.
Samantala, ang panukalang pagtatayo ng 300-megawatt (MW) fossil fuel-powered
electric plant ang nakikita ng gobyerno na pansamantalang solusyon sa kapos na
supply ng kuryente sa rehiyon.
Iginiit naman ni Legarda na ang patuloy na pagkatuyo ng Lake Lanao ay nakaapekto sa
supply ng tubig mula sa lawa para sa anim na hydroelectric power plant sa Mindanao,
kabilang ang g Agus, na ang kabuuang sinu-supply ay responsable sa 70 porsiyento ng
pangangailangan sa kuryente ng buong rehiyon.
Ayon sa senadora, inaasahan na niya ang kakapusan ng kuryente sa Mindanao, kaya
naman inihain niya ang Senate Bill 3097 para makalikha ng mga epektibong polisiya at
regulatory administration para sa Lake Lanao, sa pamamagitan ng Lake Lanao
Development Authority.
“The Lake Lanao Development Authority shall have the exclusive jurisdiction to issue
Environmental Compliance Certificates (ECCs)/ Certificate of Non-Coverage (CNCs)
and grant permits for any projects or activities in or affecting the Lake Lanao Area,” ani
Legarda.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 1,484 MWs ang demand sa kuryente sa Mindanao, ngunit
nasa 1,181 MVs lang ang kayang ipagkaloob ng mga power plant sa rehiyon, kaya
kulang ng 300 MWs ang kabuuang supply, na nagresulta sa rotational brownouts.

You might also like