You are on page 1of 1

Mga Katutubo Nagprotesta Kontra Kaliwa Dam

Halos 300 katutubong Dumagat at Remontado ang lumahok sa ‘Alay-Lakad Laban sa Kaliwa Dam’ kung
saan nagsagawa sila ng 9 na araw na pagmamartsa patungong Malacanang bilang pagtutol sa pagtatayo
ng kaliwa dam sa Sierra madre. Ikalabing-lima ng Pebrero ngayong taon sinimulan ng mga katutubo ang
pagmamartsa na nagsimula sa Barangay Catablingan sa General Nakar, Quezon. Tinatayang isang daan
at limampung kilometro ang nilakad ng mga katutubo bilang panawagan sa gobyerno na ihinto ang New
Centennial Water Source-Kaliwa Dam project (NWCP-KDP) sa boarder ng Rizal at Quezon, Province. Ang
nasabing proyekto na iminumungkahi ng Metro Manila Waterworks and Sewage System (MWSS) ang
nakikitang solusyon sa problemang pangkatubigan sa Metro, Manila. Ngunit iginigiit ng oposisyon ng
proyekto gaya na lamang ng environmental at Conversation group STOP Kaliwa Dam Network na ang
solusyon sa kakulangan sa tubig sa Metro Manila ay hindi dapat maging dahilan ng maaaring panganib
sa mga lokal na residente na umaasa sa Kaliwa River at Kaliwa Watershed Forest Reserve para sa tubig,
pagkain, pangkabuhayan, at proteksyon laban sa epektong dala ng mga kalamidad. Samantalang
natapos ang kanilang alay-lakad noong huwebes nang gabi ngunit bigo silang magkaroon ng panayam
mula sa opisina ng presidente ukol sa tinatayang 12.2 billion project ng Kaliwa Dam. Gayunpaman,
patuloy pa pakikibaka ng mga katutubong dumagat at remontado upang ipaglaban ang kanilang
karapatan. Ako si Asley Joy Aquino, ang inyong kaibigan sa balitaan.

You might also like