You are on page 1of 1

Pagbubukas ng Dam nakadadag sa paglaki ng tubig baha sa Cagayan at Isabela.

Mga
namamahala sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam, dapat bang managot?
Bukod sa hanging Amihan at sa pagdaan ng bagyong Ulysses, ang itinuturong dahilan ni
Cagayan Governor Manuel Mamba ng pagbaha ay ang pagbubukas ng Magat Dam, na
aniya'y nagpapalubog ng probinsiya sa baha.
Sinabi pa ni Governor Mamba na pinaghandaan naman daw nila ang pagbaha at nagbigay
sila ng sapat na abiso. Pero nabigla umano sila sa dami ng tubig na bumaba kahit pa man
walang storm signal na nakataas sa lugar nang dumaan ang bagyong Ulysses.
Nagpakawala ng tubig ang Dam bago pa ang bagyo , ngunit ng kasagsasagn ng bagyo ay
nagbukas ng pitong gate ang Dam kung saan ,ayon kay PAGASA Hydrologist Richard
Orendain, katumbas ito ng 127,200 Olympic size swimming pool kada araw, pero giit ni
Orendain, delikado kung 'di magpapakawala ng tubig.
Nilinaw naman ni Engineer Edwin Viernes ng National Irrigation Authority, nagbibigay
sila ng abiso higit 6 oras para makapaghanda ang mga residente.
Ang National Irrigation Administration (NIA), kasama ang iba pang mga administrador ng
dam ng gobyerno, ay nagsimulang suriin ang mga protokol sa paglabas ng tubig mula sa
Magat Dam upang maiwasan ang pag-ulit ng malawakang pagbaha sa Cagayan Valley.
At ayon pa sa NIA (National Irrigation Association) ang protocol ay naggaling sa Pag asa
kung saan sasabihin sa kanila kung kailangan magrelease ng tubig. Bukas ang ahensya sa
mga suhestiyon kung ano ang nararapat na gawin upang di na maulit ang mga nangyari.
Nagstabilize na ang situation sa Magat Dam. Sana itigil na ang pagsisisihan. Hind ito
panahon para magsisihan, dapat magtulungan ang bawat sa uang makabangon sa
trahedyang ito.

You might also like