You are on page 1of 1

BUOD

Araw-araw na problema sa malinis na tubig at kakulangan sa pagkukunan ng malinis na tubig


ang pinaka-sentro ng tema ng dokumentaryo na pinamagatang “Bawat Patak ng Ulan.” Sinasabi na ang
isla na ito ay mayroong biyaya ng karagatan. Pagtatanim ng agar-agar o seaweed ang hanapbuhay ng
mga residente sa islang ito. Sapagkat sinasabi na mayroong biyaya ng karagatan ang kanilang isla,
namomroblema sila sa pagkukunan ng malinis na tubig na siyang pangunahing pangangailangan ng mga
residente. May binebentang tubig tongo na nagkakahalaga ng 250 pesos kada isang drum. Masyado
itong mahal ngunit, walang magagawa ang mga residente kaya binibili na lamang nila ito. Inaabangan
din ng mga residente ang tag-ulan upang makapag-imbak ng tubig. Ang mga bata sa islang ito ay
tumutulong rin sa pag-iimbak ng tubig ulan. Ang iba sa kanila ay naliligo at iniinom ang patak ng ulan
dahil minsan lang sila makaranas nito. Ang naimbak nilang tubig ay pinakukuluan upang ligtas na inumin.
Ang tanong ng mga residente sa islang ito ay kung hanggang kailan sila magtitiis sa ganitong sitwasyon
ng buhay. Hangad lamang nila na magkaroon ng maayos na suplay ng malinis na tubig sa kanilang isla.

PRESI

Ang pinaka-sentro ng tema ng dokumentaryong “Bawat Patak ng Ulan” ay ang araw-araw na


problema sa malinis na tubig at kakulangan pagkukunan ng malinis na tubig. Ang isla na binanggit sa
dokumentaryo ay mayroong biyaya ng karagatan kaya pagtatanim ng agar-agar o seaweed ang isa sa
hanapbuhay ng mga residente sa islang ito. Ang problema sa isla ay kung saan sila kukuha ng malinis na
tubig kaya tuwing umuulan, nag-iimbak sila ng tubig upang magkaroon sila ng supply para sa kanilang
pang araw-araw na gawain.

You might also like