You are on page 1of 2

PANAKULA SA PAGPAPAGAWA NG DRAINAGE PARA SA BARANGAY SAN RAFAEL WEST

MULA SA IKATLONG GRUPO


PUROK 1
BARANGAY SAN RAFAEL WEST
SANTA MARIA, ISABELA
Ika – 6 ng Disyembre, 2023
Haba ng Panahong Gugulin: 1 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay San Rafael West sa maunlad na barangay sa bayan ng Santa Maria dahil sa
agrikultura, tulad ng mais at mani. Isa sa mga suliranig nararanasan ng Barangay San Rafael West ay
ang pagbaha sa kalsada tuwing tag-ulan.
Ang tubig sa kalsada ay kadalasang tumatagal hanggang limang araw. Ito ay nagdudulot ng
malaking problema sa mga mamayan tulad ng pagkakaroon ng sakit, at hindi madaanan ng tao. Ang
pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang kadalasang pag-ulan dulot ng amihan at mga nakaharang na
basura.
Dahil dito nangangailangan ang barangay ng drainage na daluyan ng tubig tuwing umuulan.
Kung ito ay maipapatayo, tiyak ang malaking pagbawas o iwasang maipon ang tubig na nagdudulot
ng pagbaha sa barangay. Gayundin, ang proteksyon sa kalsada, mas matibay na imprastaktura. Higit
sa lahat, maiiwasan ang mga sakit na dulot ng pagbaha tulad ng leptospirosis, dengue at iba pa.
Kailangang gawin ito kaagad para sa kaligtasan ng mga tao.

II. Layunin
Ang pagpapatayo ng mga drainage system o kanal ay isang mahalagang hakbang upang maiwasan
ang pag-apaw ng tubig sa kalsada, at ito'y may malaking bahagi sa pangangalaga ng kaligtasan ng
mga mamamayan sa komunidad.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagtitipon tipon upang bumuo ng plano at summary ng bilang ng kakailanganing gamit at
maaring bilang/kwenta ng gastusin. (7 araw)
2. Pumili ng kontraktor na magmumungkahi at magtatayo ng kanal. I-organisa ang bidding
process para sa mga potensyal na contractor o mangongontrata para sa pagpapagawa ng
drainage system (2 linggo).
 Bigyan ang kontraktor ng sapat na araw (1-2 araw) upang masuri ang kalalagyan ng
mga kagamitang gagamitin.
3. Pagsasagawa ng pagtatayo ng sistema ng kanal sa ilalim ng pangangasiwa ng Konseho ng
Barangay San Rafael. (1 buwan)
4. Pagdiriwang at pagbabasbas para sa pagbubukas ng drainage system. (1 araw)

IV. Badyet

MGA GASTUSIN HALAGA


Halaga ng kagamitan 200,000.00
Halaga ng pagpapakabit ng mga kagamitan 500,000.00
Halaga ng Pagdiriwang at Pagbabasbas 30,000.00
Kabuoang Halaga 530,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito


Sa pamamagitan ng drainage sa Barangay San Rafael West, nakatutulong ito upang mailayo at
maiwasan ang iba't ibang panganib sa kalusugan ng mamamayan tulad ng (dengue, leptospirosis at
iba pa). Ang maayos na sistema ng pagtatapon ng tubig ay nagbubukas ng daan para sa mabilisang
pag-alis ng stagnant water, na maaaring maging breeding ground ng lamok at iba pang disease
vectors.
Ang tamang drainage system ay nagbibigay din ng proteksyon sa kalsada mula sa baha at
pag-ambon, nag-aambag sa maayos at ligtas na pagdaan ng mga residente, at nakakatulong sa pag-
iwas sa disgrasya at aksidente.
Gayundin, nagbibigay ito ng magandang reputasyon sa liderato ng barangay at maaaring
maging batayan para sa iba pang proyekto.

You might also like