You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG DRAINAGE SYSTEM PARA SA

BARANGAY TUGBUNGAN

Mula kay Glenda Tahoy

Barangay Tugbungan

Zamboanga City, Zamboanga Del Sur

Ika-6 ng Nobyembre, 2022

Haba ng Panahong Gugulin: Apat na Buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Barangay Tugbungan ay isa sa mga may mabilis na rota ng mga sasakyan sa
pagitan ng barangay Talon-Talon, Zamboanga City at ng barangay Tetuan, Zamboanga
City.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng barangay ay ang pagbaha tuwing panahon
ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng mataas na antas ng tubig lalo na sa Nancy Street at
Calle Basa na syang nagpapabagal sa takbo at daloy ng mga sasakyan ng mga
mamamayan at sa mga turistang dumadaan. Isa sa pangunahing sanhi nito ay ang di
maayos na daluyan ng tubig-kanal sa lugar. Dahil dito nangangailangan ng drainage
system ang barangay upang maiwasan ang mataas na pagbaha. Kung ito ay mapapagawa,
tiyak na di na mahihirapan at di na kinakailangan na sumulong sa baha ang mga
mamamayan. Kailangan ang proyektong ito ay maisagawa sa lalong madaling panahon
para sa kapakanan ng lahat.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng barangay ay ang pagbaha sa kalsada tuwing
panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng mataas na antas ng tubig lalo na sa Nancy
Street at Calle Basa na syang nagpapabagal sa takbo at daloy ng mga sasakyan
dumadaan lalo na sa mga turista. Isa sa pangunahing sanhi nito ay ang di maayos na
daluyan ng tubig-kanal sa lugar. Dahil dito, nangangailangan ng drainage system ang
barangay upang maiwasan ang mataas na pagbaha. Kung ito ay mapapagawa, tiyak na di
na mahihirapan at di na kinakailangan na sumulong sa baha ang mga mamamayan.
Kailangan ang proyektong ito ay maisagawa sa lalong madaling panahon para sa
kapakanan ng lahat.

II. Layunin
Makapaggawa ng drainage system na makatutulong na maiwasan ang pagbaha sa
barangay na siyang nagiging pinsala sa mga tao at sa kanilang mga hanapbuhay lalo na sa
mga pampasaherong transportasyon.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at pagbigay ng badyet. (isang linggo proseso).


2. Pagsasagwa ng pagsisiyasat. (tatlong lingo proseso).
 Pagkokolekta ng mga datos na kadalasang intensidad ng ulan at ng libel ng pagbaha
sa barangay.
 Pagkalkula ng resulta ng paglabas ng tubig na dumadaloy sa mga kanal papuntang
drainage.
 Pagsagawa ng bidding mula sa mga contractor at ang kanilang pagsumite ng kanya-
kanyang tawad para sa pagpapagawa ng drainage system.
1. Pagpupulong ng mga konseho ng barangay. (isang araw na proseso).
 Sa araw na ito, opisyal na ipapahayag ang napiling contractor na gagawa ng drainage
system.
1. Pagpapagawa ng drainage system sa ilalim ng pamamahal ng konseho ng barangay.
2. Pagpapasinaya at pagbasbas ng drainage system. (isang araw na proseso).

II. Badyet

Mga Gastusin Halaga


Halaga sa paggawa ng drainage system
batay sa isinumite ng napiling contractor. Php 2,700,000.00
(lahat ng mga materyales).
Suweldo ng mga trabahador. Php 1,210,000.00
Gastusin para sa papasinaya at pagbasbas
Php 20,000.00
nito.
Kabuuang halaga Php 3,930,000.00

III. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Ang paggawa ng drainage system sa barangay Tugbungan ay magiging kapaki-


pakinabang sa lahat ng mamamayan. Ang pagkakaroon ng maayos na daluyan ng tubig-
kanal lalo na sa kalsada ng Nancy Street at Calle Basa ay makakatulong upang
mabawasan ang posibilidad na pagkakaroon ng baha na syang nagdudulot ng malaking
epekto sa buhay ng mga mamamayan lalo na sa mga bumabyaheng turista at sa mga
mamamayan na pangunahing hanapbuhay ay pampasaherong transportasyon.

Ang drainage system ay may malaking benepisyo sa buhay ng mga mamamayan


lalo na sa usaping kalusugan kung saan hindi na nila kinakailangang sumulong ss baha
upang makatawid na syang dahilan ng kanilang sakit.

You might also like