You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG KANAL SA BARANGAY NG BASAK MALUTLUT, MARAWI

CITY

Mula kina Moh'd Rifat Abdullah, Yusof Macadaag, Junaifah H.Serad, at Hanna H.Jabbar
Sumndad Street
Barangay Bangon
Marawi City
Ika-26 ng Marso 2023
Haba ng panahong gugugulin: Dalawang buwan at kalahati

I. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa kasalukuyan, ang Barangay ng Basak Malutlut sa Marawi City ay mayroong mga suliraning
kaugnay sa kawalan ng maayos na sistema ng pag-ulan at pagpapalitaw ng tubig baha sa
panahon ng mga malalakas na pag-ulan. Ang mga ulan ay nagdudulot ng baha sa kalsada, mga
kabahayan at mga daanan. Ang mga ulan sa Barangay ng Basak Malutlut ay nagdudulot ng mga
suliraning kaugnay sa pagbaha na maaaring magdulot ng mga epekto tulad ng pagkawasak ng
kalsada at iba pang imprastraktura, panganib sa kaligtasan ng mga residente,at pagkasira ng
mga kagamitan sa bahay tulad ng mga kagamitan sa kusina at ilaw. Ang mga pangunahing sanhi
ng suliraning kaugnay ng baha sa Barangay ng Basak Malutlut ay maaaring magmula sa mga
mabagal na daloy ng tubig, kakulangan ng maayos na sistema ng pagpapalitaw ng tubig baha, at
pagbabago sa klima. Upang malutas ang suliranin na ito, ang pagtatayo ng mga kanal para sa
mas mabilis na daloy ng tubig, pagsasaayos ng sistema ng mga kanal upang mapanatili ang
malinis na daloy ng tubig, at pagpapalitan ng mga nasirang sistema sa kalsada at iba pang
imprastruktura ay ang mga maaring solusyon para rito.

II. LAYUNIN

Layunin ng proyekto na mapalawak ang kasalukuyang sistema ng pagpapalitaw ng tubig baha sa


Barangay ng Basak Malutlut, Marawi City sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kanal.

III. PLANO NG DAPAT GAWIN

1. Pagpapasa, pag-aapruba, at paglalabas ng badyet (1 linggo)

2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng


kanal (1 linggo)

3. Pagpupulong para sa pagpili ng nararapat na contractor sa pagsasagawa ng kanal (1 araw)


4. Pagsasagawa ng mga kanal para maiwasan ang pagbaha sa Barangay Basak Malutlut ,
Marawi City (2 buwan)

5. Pagpapasinaya para sa isang matagumpay na proyekto (1 araw)

IV. BADYET

Mga Gastusin Halaga

I. Halaga ng pagpapagawa ng mga kanal Php 3,000,000


batay sa isinumite ng napiling
contractor (kasama na lahat ng
materyales at sweldo ng mga
trabahador)

II. Gastusin para sa pagpapasinaya Php 20,000

Kabuuang Halaga Php 3,020,000

V. BENEPISYO AT MAKIKINABANG

Sa pagpapatayo ng mga kanal sa Barangay Basak Malutlut ay magiging malaking pakinabang ito
hindi lamang sa mga mamamayan ng Barangay Basak Malutlut kundi sa mga iba pang
mamamayan mapa-Marawi City man o hindi sapagka't ito ay isang national road sa Marawi City
kung saan dinadaanan ito ng maraming mga sasakyan. Ang banta ng baha ay mabibigyang lunas
na dahil sa nasabing solusyon. Sa paraang ito ay mababawasan na ang alalahanin hindi lamang
ng mga opisyales kundi pati na rin ang mga tao sa tuwing dadaan sila sa Barangay Basak
Malutlut tuwing malakas ang ulan dahil may mga kanal nang pipigil sa bahang dulot ng malakas
na ulan.

You might also like