You are on page 1of 3

PANUKALA PARA SA PAGPAPALAWAK NG DAAN SA PUROK 3 AT 4 NG

BRGY. TURBINA CALAMBA CITY LAGUNA

PROPONENT: HEART M. TAUCAN

Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna

hearttaucan214@gmail.com

0995-445-2024

MIKAELLA JOY I. JOYA

Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna

jmichaellajoy@gmail.com

0927-119- 5122

PETSA: OKTUBRE 26, 2022

HABA NG PANAHONG GUGUGULIN: Tatlong buwan at kalahati

I. PASYUNAL

Ang Barangay Turbina ay isang urbanisadong barangay ng lungsod ng


Calamba sa Laguna. Sa heograpiya, matatagpuan ito sa timog ng lungsod.
Kilala ang Turbina bilang himpilang terminal na makikita sa Maharlika
Highway. Isa sa mga suliran ng mga residente sa lugar na ito ay ang maliit na
daan at ang katabi nitong malalim na kanal. Kaya naman, ang mga ilang
nagmomotorsiklo ay naaaksidenteng nahuhulog dito. At ang ibang mga batang
naglalaro ay di maiwasang magkamali at mahulog sa kanal. Ang pangunahing
sanhi nito ay ang maliit na daan at ang malalim na kanal sa katabi nito. Dahil
dito nangangailangan ang brgy. Turbina ng pagsasaayos ng daan o
pagpapalawak nito upang maging maayos ang daan at higit sa sa lahat,
maiwasan ang mga nabanggit na insidente. Kailangang magkaroon ng maayos
na daan para sa kapakanan at kaligtasan ng mga residente o mamamayan.

II. LAYUNIN
Mapasaayos ang daan na makatutulong sa pagpapaganda at upang wala ng
maaksidenteng mahulog sa kanal dahil sa liit ng daan at matiyak ang
kaligtasan ng mga mamamayan maging ang mga nakatira sa Purok 3 at 4 ng
Brgy. Turbina.

III. PLANO NG MGA DAPAT GAWIN


1. Pagpasa, pag-apruba at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa kontraktor o mangongontrata so
pagsasaayos ng daan (14 araw)
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay sa pagpili ng kontraktor na gagawa
ng proyekto (2 ara)
4. Pagsasaayoa ng daan o kalsada sa pamamahala ng konseho ng Barangay
Turbina, Calamba City, ng Laguna (3 buwan)
5. Pagpapasinaya (1 araw)

IV. BADYET

MGA GASTUSIN HALAGA


Halaga ng pagpapaayos ng Daan. PHP 200,000.00
Halaga ng ibabayad ng proyekto
- Kontraktor / pinuno isang tao PHP
1,000 (isang araw)
- Tauhan ng kontraktor / pinuno isang tao
PHP 700 (isang araw)
- Kabuuang bayad sa isang araw para sa
mga gagawa ng proyekto PHP 8,000
- Isang buwang PHP 240,000 para sa mga
gagawa ng proyekto
- Kabuuang gastusin
PHP 720,000.00
- Gastusin para sa pagpapasinaya
PHP 5,000.00
KABUUANG HALAGA PHP 925,000.00

V. KONKLUSYON

Ang pagpapalawak ng daan sa Purok 3 at 4 ng Brgy. Turbina, Calamba


City, Laguna. Malaking tulong ito upang maging maayos ang daan. Gayundin,
upang masisigurong ligtas ang daang dadaanan ng mga mamamayan.

You might also like