You are on page 1of 3

Panukala sa Paglalagay ng Street Solar Lights sa Prk.

Katilingban at
sa Prk. River Side sa Barangay Sampao, Isulan, Sultan Kudarat

Mula kina: Faizal C. Kamsa

Victor James F. Basid

Remjasmine P. De Jesus

Junenifer V. Lopez

Angell D. Merisco

Maicca Angela P. Fuscablo

Bea Antonia S. Lacson

Princess Jane D. Ferrarin

Nicole C. Poticar

Brgy. Sampao, Isulan, Sultan Kudarat

faizalkamsa@gmail.com

09760072803

I. RASYONAL

Ang Purok Katilingban at Purok River Side ay dalawa sa maraming purok na bumubuo
sa Barangay Sampao. Sa dalawang lugar na ito palaging dumadaan ang mga residente na
nasa kaloob-looban pa ng Barangay Sampao, katulad ng mga residente sa Purok Adarles,
Purok Adarna 1, Purok Adarna 2, at iba pang mga Purok. Isa sa mga suliranin ng dalawang
lugar na ito ay ang hindi maiwasang pagdami ng nangyayaring disgrasya ng motorsiklo at
motor-nap. Kaya naman, hindi maiwasang matakot ng mga dumadaan sa mga lugar na ito at
hindi rin maiwasan na tumanggi ang mga tricycle driver na maghatid sa mga lugar na kailangan
pang dumaan dito. Ang pangunahing sanhi nito ay ang madilim na daan. Dahil dito,
nangangailangan na mag-lagay ng mga street lights sa mga daan ng dalawang lugar na ito, lalo
na sa parte na wala na talagang makita sa gabi. Sa pamamagitan nito, mas magiging
maliwanag ang daan sa nabanggit na mga lugar at maiiwasan ang mga insidente at mawala
ang takot ng mga dumaan. Hindi matatanggi na kailangan na talaga ng mga lugar na ito ng
street lights sa lalong madaling panahon, dahil matagal na itong problema ng mga residenteng
dumadaan.

II. LAYUNIN

Makapaglagay ng street lights na makakatulong sa pag iwas ng disgrasya at


siguraduhin ang kaligtasan ng mga dumadaan. Sa pamamagitan ng street lights, mababawasan
ang mga insidente ng banggaan, motor-nap, takot ng mga dumadaan at hindi na tumanggi ang
mga tricycle driver sa pagdaan sa lugar ng Purok Katilingban at Purok River Side.

III. PLANO NG DAPAT GAWIN

1. Pagpasa, Pag-aapruba at Paglalabas ng badyet (7 araw)


2. Pagpupulong ng mga konseho ng barangay sa pagpili ng maayos at
mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng street lights at iba pang bagay na gagamitin sa
pagpapalagay ng street lights. (1 araw)
3. Pagbili ng mga materyales na kakailanganin sa paggawa ng mga street lights. (5)
4. Pagpupulong ng konseho ng barangay sa pagpili ng contractor na gagawa ng proyekto.
(1 araw)
5. Paglalagay ng street lights sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Sampao,
Isulan, Sultan Kudarat. (30 araw)
6. Pagpapasinaya (1 araw)

IV. BADYET

MGA GASTUSIN HALAGA

I. Halaga ng street lights na P 200,000.00


ipapalagay (Sampung street lights
na nagkakahalaga ng P 20,000 isa)
II. Halaga ng mga gagamitin para sa P 15,000.00
paglalagay
III. Gastusin para sa meryenda ng P 5,000.00
mga gagawa
IV. Gastusin para sa pagpapasinaya P 5,000.00

V. Gastusin para sa mga P 5,000.00


karagdagang gamit

KABUUANG HALAGA P 230,000.00

V. KONGKLUSYON

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng street lights sa mga kalsada ng Purok Katilingban


at Purok River Side, magkakaroon tayo ng mga mahahalagang pagbabago. Una, maaaring
maiwasan ang mga aksidente tulad ng banggaan at motor-nap dahil ang mga daan ay magiging
mas maliwanag at ligtas sa gabi. Pangalawa, magkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan ang
mga residente na dumaan sa mga lugar na ito sa oras ng dilim, na magbubunga ng mas
magandang relasyon sa komunidad. Pangatlo, mababawasan ang mga isyu sa barangay, at
ang mga opisyal ay makakapaglaan ng oras at pansin sa iba pang mga mahahalagang isyu. Sa
huli, masisiguro natin ang kaligtasan at kapanatagan ng mga residente ng Barangay Sampao at
mga ibang barangay na dadaan sa Purok Katilingban at Purok River Side sa oras ng gabi.

Noted:

LEA A. LANUEVO, MT-1


Guro sa Filipino
Approved:

JAYPEE RHYAN L. TABORADA


Barangay Chairman, Sampao

You might also like