You are on page 1of 2

Panukalang Proyekto tungkol sa pagsesemento ng Kalsada ng Brgy.

Badiangan papunatng
bayan

Mula kay: Jonathan Lavilla

Brgy. Badiangan

Lambuano, Iloilo

Ika-26 ng Hulyo 2019

Haba ng panahong gugulin: 2 buwan, 2 linggo, at 2 araw

l. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa ang Brgy. Badiangan sa abayan ng Lambuano ang nagpapalabas ng mga produktong
pangagrikultura.

Isa sa mga suliranin na nararanasan ng mga magsasaka tuwing masama ang panahon ay
ang maputik na daan at minsan naaantala ang kanilang produktong iaangkat papuntang bayan.

Dahil dito, nahihirapan sa pag-aangkat ng mga produkto ang mga magsasaka at


naapektuhan na rin ang kanilang hanap buhay.

Isa sa mga sanhi kung bakit hindi napapagawa o na papasemento ang kalsada dahil una,
walang badget na binibigay pangalawa, ang korapsiyon na hindi masusugpo sa ating bansa.

Dahil dito, kinakailangan ng ipasemento ang kalsada mula sa Brgy. Badiangan hanggang
bayan upang mapadali na ang pag-aangakat ng mga produkto at magiging maayos na ang mga
kalidad ng produkto na makakarating sa bayan dahil maayos na ang transportasyon.

ll. Layunin

Pagpapagawa ng kalsada upang mapadali ang pag-aangkat ng produkto at hindi na


maaantala tuwing masama ang panahon para na rin makatulong sa pagpapadali ng kabuhayan ng
mga magsasaka sa Brgy. Badiangan.

lll. Planong Dapat Gawin

1. Pagpasa, pag-aapruba, at paglabas ng badget (1 linggo).


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa constractor sa paggawa ng kalsada (1 linggo). –Ang
mga constractor ay inaasahang magsusumiti ng kanilang tawad para sa pagpapagawa
ng kalsada.
3. Pagpulong sa mga mamamayan at konseho ng Barangay sa pagpili ng constractor na
gagawa ng kalsada (1 araw). –Ipapaliwanag din sa araw na ito ng kabesa kung ano
ang magiging plano para sa kabatiran ng lahat.
4. Pagpapagawa ng kalsada sa Brgy. Badiangan sa ilalim ng constractor na namamahala
(2 buwan).
5. Pagpapaanagura ng kalsada (1araw).

lV. Badget

MGA GASTUSIN HALAGA


Halaga ng materyales na gagamitin 6, 500, 000
Sweldo ng trabahador 150, 000
Handaan sa pagpapaanagura 30,000
KABUUAN 6, 680, 000

V. kahalagahan at Benipisyo ng Panukalang Proyekto

Ang pagpapagawa ng o pagsesemento ng kalsada mula sa Brgy. Badiangan hanggang sa


bayan ay malaking tulong sa mga magsasaka. Ang hirap sa pag-aankat ay masosolusyunan.

Magiging maayos na ang daanan ng mga magsasaka sa pag-aangkat ng kanilang mga


produkto papuntang bayan at makakarating ito ng maayos kahit masama ang panahon. Higit sa
lahat, magiging madali na ang paghahanapbuhay ng mga magsasaka ng Brgy. Badiangan dahil
hindi na maaantala ang kanilang produkto.

Maiiwasan na rin ang pagkasira ng mga produkto dahil maibabyahe na kaagad ang mga
ito sa anumang oras na gustuhin ng mga magsasaka. Kahit masama ang panahon magiging
panatag na ang pagbabyahe ng mga magsasaka dahil maayos na ang kalsada.

Siguraduhin na hindi maapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Brgy.


Badiangan. Ipasemento ang kalsada upang mapapanatili ang pag-aangkat ng produkto tuwing
tagulan.

You might also like