You are on page 1of 27

Kung bibigyan ka ng pagkakataong

maglatag ng proyekto sa Direktor ng

NSNU, anong proyekto ang ilalatag mo sa

kanya?
Ang panukalang
proyekto
(Project Proposal)
LUGAR KUNG SAAN
ISINAGAWA O IPINATUPAD
MA NGUNGU NA SA
PROYEKTO

PETSA NG PAGPAPATUPAD
PAKINABANG O
MAGANDANG DU LOT NG
PROYEKTO
• Isang detalyadong deskripsiyon ng mga
inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.
• Naglalayong magbigay ng dagdag na kita,
trabaho, kaayusan ng komunidad, at iba pa.

• Ang panukala ay isang proposal na naglalayong


ilatag ang mga plano o adhikain para sa
komunidad samahan

Ang Panukalang
Proyekto
• Kailangan maging matapat na dokumentong ito na
ang pangunahing layunin ay makatulong at
makalikha ng positibong pagbabago.
• Magbigay ng impormasyon at mahikayat ng
positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan.
• Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon,
pagyayabang, o panlilinlang, sa halip ito ay
kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.
• Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008)

a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga
Makikinabang nito.

Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng


Panukalang Proyekto
• Dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat
maisagawa ang pangangailangan.
• Makikita rito ang maikling paglalarawan ng
pamayanan, ang suliraning nararanasan nito, at ang
pangangailangan nito upang masolusyunan ang
nabanggit na suliranin. Nakapaloob din dito ang mga
benepisyo kung maisasakatuparan ang panukalang
proyekto.
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang
Proyekto
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng
General Trias Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultura bagama’t unti-unti
na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang


malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking
problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay,
kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbahaga ay
ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.

Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na


pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo,
tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar.
Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog.
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa
kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
LAYUNIN

PLANO NG
DAPAT BADYET
GAWIN

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang


Proyekto
1. Layunin- Sa layunin makikita ang mga
bagay na gustong makamit o ang
pinakaadhikain ng panukala. Isulat ito batay
sa mga inaasahang resulta ng panukalang
proyekto at hindi batay sa kung paano
makakamit ang mga resultang ito.
• Specific- nakasaad ang nais makamit o mangyari.
• Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan
matatapos ang proyekto.
• Measurable- may patunay na maisasakatuparan ang
proyekto.
• Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin.
• Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang
proyekto.
• Evaluable- nakasusukat kung paano makatutulong ang
proyekto.

LAYUNIN-SIMPLE
• Layunin: Makapagpapagawa ng breakwater o pader na
makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig
sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mamamayan at maging ang kanilang ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na mga buwan.

HALIMBAWA
2. Plano ng Dapat gawin (Plan of Action)

• Makikita ang talaan ng pagkakasunod-


sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto. Gayon din
ang petsa at bilang ng araw
• Kinakailangan na ito ay makatotohanan at
may pagsasaalang-alang sa badyet.
Ang Paggawa ng Breakwater o pader para sa Ilog ng Barangay Bacao
1. Pagpapapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng Bidding mula sa mga contractor o
mangongontrata sa pagsasagawa ng breakwater o pader (2 linggo)
- ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng
kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang
gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contactor
na gagawa ng breakwater (1 araw)
- Gagawa din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng
napiling contractor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng Breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho
ng Barangay Bacao (3 buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)
• Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin.
• Isama sa talaan ng budget ang iba pang
gastusin. Hal. Sahod ng mga manggagawa.

3.BADYET
MGA GASTUSIN HALAGA
I. Halaga ng pagpapagawa Php. 3,200,000.00
ng breakwater batay sa
isinumite ng napiling
contractor (kasama na rito
ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa Php 20,000.00
pagpapasinaya at
pagbabasbas nito
Kabuong Halaga Php 3,220,000.00

HALIMBAWA
Nagsisilbing konklusyon ng
panukala, nakasaad dito ang mga
taong makikinabang ng proyekto at
benepisyong makukuha nila mula
rito.

C. PAGSULAT NG BENEPISYO NG
PROYEKTO AT MGA
MAKIKINABANG NITO
Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa
lahat ng mamamayan ng barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa
panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan
ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking
epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso
ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ula dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa
ilog sa tulong ng mga ipatatayong pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa
paglilikas ng mga pamilya higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa
ilog. Gayon din, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga magsasakang
karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito.

Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang
breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksyon sa panahon ng tag-ulan.

HALIMBAWA
PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324 Purok 10, Tibucio Luna Ave.
Brgy. Bacao General Trias,Cavite
Ika-11 ng Disyembre, 2015
Haba ng panahong gugugulin: 3 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias Cavite. Ito ay
nananatiling pamayanang agrikultura bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing
panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang
mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbahaga ay ang pag-apaw ng
tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng
tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo, tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa
ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang

HALIMBAWA NG ISANG
maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

PANUKALANG PROYEKTO
II. Layunin

Makapagpapagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng


tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang ari-arian at
hanapbuhay sa susunod na mga buwan.
III. Plano ng Dapat Gawin

1. Pagpapapasa, pag-aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)

2. Pagsasagawa ng Bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagsasagawa ng breakwater


o pader (2 linggo)
- ang mga contractor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contactor na gagawa ng breakwater (1
araw)
- Gagawa din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa kabatiran
ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng Breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 buwan)

5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)


IV. Badyet
Sa bahaging ito inilalatag ang mga perang kakailanganin at paggugugulan ng
mga ito.

MGA GASTUSIN HALAGA

I. Halaga ng pagpapagawa ng Php. 3,200,000.00


breakwater batay sa isinumite ng
napiling contractor ( kasama na rito ang
lahat ng materyales at suweldo ng mga
trabahador)

II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00


pagbabasbas nito

Kabuong Halaga Php 3,220,000.00


V. Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito
Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa
lahat ng mamamayan ng barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa
panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di na makararanas ang mga mamamayan ng
pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking
epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso
ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ula dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa
ilog sa tulong ng mga ipatatayong pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa
paglilikas ng mga pamilya higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa
ilog. Gayon din, maiiwasan din ang pagkasira ng pananim ng mga magsasakang
karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang
breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksyon sa panahon ng tag-ulan.
Panuto: Sa inyong pangkat, bumuo ng
isang Panukalang Proyekto na magbibigay
solusyon sa problemang nakikita mo sa
loob ng isang barangay.

PANGKATANG
GAWAIN
BAHAGI NG PANUKALANG
PROYEKTO

1.PAGHAHAYAG NG SULIRANIN
2.LAYUNIN
3.PLANO NG GAWAIN
4.BADYET
5.BENEPISYO AT MGA MAKIKINABANG
NITO
NILALAMAN NG BUBUUING PANUKALANG PROYEKTO
I. Titulo ng Proyekto at mga Magpapanukala
II. Abstrak
III. Katuwiran ng Proyekto
1. Paglalahad ng Suliranin
2. Prayoridad na Pangangailangan
3. Interbensyon
4. Mag-iimplementang Organisasyon
IV. Layunin
V. Target na Benipisyo
VI. Implementasyon ng Proyekto
1. Iskedyul
2. Alokasyon
3. Badyet
4. Mga Mangangasiwa
5. Ebalwasyon
VII.Mga Lakip at Dokumentasyon (Bago, Habang at Matapos)

You might also like