You are on page 1of 2

I.

Pagpapahayag ng Suliranin
Ang barangay ng Bliss pag-asa ay kulang sa mga water drainage kung kaya mabilis
bahain ang lugar na ito. Isa sa mga suliraning nararanasan ng barangay ay ang pagbaha
tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan. Isa
sa pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang mga basura na nakabara sa mga water drainage.
Dahil dito nangangailangan ng drainage system ang barangay upang maiwasan ang mataas na
pagbaha. Kung ito ay mapapagawa tiyak na di na mahihirapan at di na kinakailangan na
sumulong sa baha ang mga mamamayan. Kailangan ang proyektong ito ay maisagawa sa
lalong madaling panahon para sa kapakanan ng lahat.
II. Layunin
Ang Barangay Bliss ay nakararanas ng pagbaha lalo na kapag nagkakaroon ng malalakas na
pag-ulan kung kaya’t nangangailangan ito ng aksiyon mula sa gobyerno at tulong mula sa mga
taong may pagmamalasakit sa kapwa. Bilang tugon, layunin ng proyekto ang makapagpagawa ng
Water Drainage na makatutulong sa maayos na daloy ng tubig-ulan at sa hindi pagkalat ng mga
basura kahit saan upang maging ligtas ang mga mamamayan ng nasabing lugar at maging
maayos ang daloy ng tubig.
III. Plano ng Dapat Gawin
1. Pagpapasa, pagpapa-apruba, at paglalabas ng badyet (7 araw).
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng
Water Drainage. (7 araw)
 Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapagawa ng Water Drainage kasama ang mga kagamitang gagamiting plano para
rito.
3. Pagpupulong ng mga miyembro ng konseho para sa pagpili ng contractor na gagawa ng
proyekto (2 araw).
4. Pagpapagawa ng Water Drainage sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
Kalawag I (1 buwan at kalahati)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng Water Drainage (1 araw).
IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga

I. Halaga ng pagpapagawa ng Water Dranaige Php 820, 600.00


batay sa isinumite ng napiling contractor
(kasama na rito ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 10,000.00
pagbabasbas nito

Kabuoang Halaga Php 830, 600.00


V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito
Ang paglalagay ng Water Drainage System ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng
mamamayan ng Barangay Bliss, Pag-asa. Ang pagkakaroon ng malakas na baha pagkatapos
ng ulan ay nagiging problema sa mga mamamayan ng nasabing komunidad. Sa tulong ng
Water Drainage System, maiiwasan ang pagbaha sa lugar at para mapalawak ang dadaluyan
ng tubig kapag malakas ang agos ng tubig na sanhi ng malakas na ulan.

You might also like