kay Phil Bartle ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano na gawaing ihaharap sa tao sa samahang pag uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Pamantayan sa pagsulat ng panukalang proyekto
A. Pagsulat ng panimula ng panukalang proyekto
B. Pagsulat ng katawan ng panukalang proyekto C. Paglalahad ng benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito. A. Pagsulat ng panimula Isaalang-alang ang mga suliranin at pangangailangan ng komunidad Magtala ng posibleng solusyon sa nabanggit na suliranin at pangangailangan Layunin: SIMPLE S- Specific I- Immediate M-Measurable P-Practical L-Logical E-Evaluable B. Pagsulat ng katawan - Ito ay binubuo ng planong dapat gawin I. Plano: Makatotohanan at ikonsidera ang badyet II. Badyet: Talaan ng gastusin, maaaring magkaroon ng bidding, maging tiyak sa kalkulasyon c. Paglalahad ng benepisyo at makikinabang
Maging ispesipiko sa tiyak na grupo o
samahan na makikinabang nito. Maaaring ilahad ang dahilan bakit dapat aprubahan ang panukala. HALIMBAWA NG PANUKALANG PROYEKTO
Paano bumuo ng Pamagat?
(PANUKALA+ SOLUSYON+ LUGAR O KOMUNIDAD) Halimbawa: PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO Mula kay Leah Grace L. Delgado 324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue Barangay Bacao General Trias, Cavite Ika- 11 ng Disyembre 2015 Haba ng panahong gugulin: 3 buwan at kalahati 2.SULIRANIN Sa bahaging ito, binabanggit ang mga sumusunod:
a.Suliranin b.Epekto ng suliranin c.Sanhi ng suliranin d.Mungkahing solusyon I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay sa General
Trias, Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural bagamat unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito. Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok. Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na kailangan pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tubig ng ilog. Kailangan maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan ng mamamayan. 3. Layunin II. Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan, maging ang kanilang mga ari-arian at hanap- buhay sa susunod na buwan. 4. Plano III. Plano na dapat gawin 1. Pagpapasa, pag- aapruba at paglalabas ng badyet (7 araw) 2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo) 3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1 araw) 4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahal ng konseho ng Barangay Bacao (3 na buwan) 5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater. (1 araw) 5. Badyet IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng 3, 200,000.00
breakwater batay sa isinumite ng napiling contractor
II. Gastusin para sa pagpapasinaya 20,000.00
at pagbabasbas
Kabuuang halaga 3,220,000.00
6. Benepisyo at Makikinabang V. Benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki- pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Hindi na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad-agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng ipapatayong pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales at barangay
sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin maiiwasan ang pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito.