You are on page 1of 4

Panukala para sa Karagdagang Poste ng Ilaw sa

Barangay Uno, Katipunan, Zamboanga del Norte

Mula sa: Kilusan ng mga Kabataan para sa Kabutihan ng Katipunan (4Ks Organization)

Barangay Uno, Katipunan

Zamboanga del Norte

Ika-4 ng Nobyember 2019

Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan, 2 linggo at 5 araw

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa ang barangay Uno sa mga barangay na nakapaloob sa munisipalidad ng

Katipunan. Ito ay isa sa mga malalaking barangay sa Katipunan at binubuo ng maraming

mga kalsada. Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Barangay Uno kapag sumapit na ang

gabi ay ang madilim na mga kalsada na kadalasan ay pinangyayarihan ng aksidente at

krimen.

Dahil dito, mas mainam na makapagpatayo ng 40 karagdagang poste ng ilaw sa

Barangay Uno, Katipunan, Zamboanga del Norte. Ang 40 poste ng ilaw na ito ay itatayo sa

mga kalsada ng nasabing barangay lalo na sa mga madidilim na lugar kung saan

kadalasan nangyayari ang nasabing aksidente at krimen. Ito ay itatayo upang maging ligtas

ang mga tao sa barangay at magabayan ang mga motorista na dumadaan sa lugar na ito

lalo na kung mayroong emergency. Kung ito ay maipapatupad tiyak na mas maliwanag na

ang mga kalsada para sa mga taong dumadaan, mas matiwasay ang pamumuhay ng mga

mamamayang nakatira sa nasabing barangay, at bawas na din sa krimen. Higit sa lahat,

kailangang mapatayo at mapagawa ang proyektong ito sa mas lalong madaling panahon

upang bigyan ng liwanag ang kapaligiran sa pagsapit ng gabi at matiyak ang kaligtasan ng

mga mamamayan sa Barangay Uno.

II. Layunin

Ang panukalang ito ay mayroong layuning makapagpagawa ng 40 karagdagang

poste ng ilaw na makakatulong para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga


mamamayan. At pati na rin ang pagbawas ng krimen at aksidente sa Barangay Uno.

III. Plano na Dapat Gawin

A. Pag-apruba ng Badyet

Ang pag-apruba ng badyet ay kinakailangang magawa sa loob ng unang linggo ng

panahong gugugulin para sa pagpapatupad ng panukalang proyekto. Inaasahang nakaloob

na sa unang linggo (Nobyembre 6-13, 2019) ang pagtutukoy sa mga bagay na dapat isali

sa badyet, pagpapasa ng proposed budget, paghahanda, paglalabas ng badyet; at maging

pag-aaproba.

B. Pag Sarbey ng mga Lugar

Saklaw ng pagsarbey ng mga lugar ang lugar kung saan kinakailangang lagyan ng

poste ng ilaw at pati na rin ang pagsuri ng lugar na patatayoan ng poste kung ito ba ay

kwalipikado. Ang pagsasarbey ay kinakailangang gawin sa loob ng ikalawang linggo

(Nobyembre 14-21, 2019) ng panahong gugugulin para sa pagpapatupad ng panukalang

proyekto.

C. Paggawa ng Plano Kasama ang mga Inhinyero o Engineer

Ang mga inhinyerong kasama sa paggawa ng plano ay inaasahang magsumite ng

kanilang report ukol sa pagpapatayo ng karagdagang 40 na poste ng ilaw sa nasabing

barangay. Ito ay kinakailangang magawa sa loob ng ikalawang linggo (Nobyembre 14-21,

2019) ng panahong gugugulin para sa pagpapatupad ng panukalang proyekto.

D. Pag-bidding ng mga Kontraktor

Ang mga kontraktor ay inaasahang magpasa o magsumite ng kani-kanilang tawad

para sa pagpapatayo ng 40 karagdagang poste ng ilaw na itatayo sa loob ng 6 na buwan, 2

linggo at 2 araw. Kasama na sa kanilang isusumite ang talaan ng mga kagamitang

kinakailangan kasabay ang katumbas na presyo nito para sa pagpapatayo ng poste ng

ilaw. Ito ay kailangang mapasa sa loob ng tatlong araw (Nobyember 22-24, 2019) bago pa

man magsimula ang pagpupulong kasama ang mga konseho ng barangay.


E. Pagsasagawa ng Pagpupulong ng Konsenho ng Barangay para sa Pagpili ng

Kontraktor na Gagawa at Magpapatayo ng Poste ng Ilaw

Ito ay kinakailangan magawa sa darating na ika-25 ng Nobyembre 2019 (Lunes).

Ang pagpupulong ay bubuuin ng kapitan ng barangay, mga konsehal, mga kontraktor, at

inhenyero. Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontraktor

para sa kabatiran ng nakararami.

F. Pagpapatayo ng mga Poste ng Ilaw

Ang pagsasagawa at pagpapatayo ng karagdagang poste ng ilaw ay magsisimula

sa ika-26 ng Nobyembre 2019 (Martes) at kinakailangang matapos sa loob ng 4 na

buwan. Kung gayon, matatapos ito sa ika- 26 ng Marso 2019 (Huwebes). Ang

mamamahala sa proyektong ito ay ang konseho ng Barangay Uno, Katipunan, Zamboanga

del Norte.

G. Paggamit at Pagsusuri kung Maayos ang mga Ito

Pagkatapos na maipatayo na ang poste ng ilaw, ay maaari na itong gamitin at kung

hindi maayos ang mga ito, ang malapit na nakatirang mamamayan ay maaaring pumunta

sa opisina ng barangay upang ipaabot ang problema.

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

 Presyo o halaga ng pagpapagawa ng 40 karagdagang

poste ng ilaw batay sa isinumite ng napiling kontraktor Php. 4,000,000.00

(kalapip na rito ang sweldo ng mga trabahador at ang

lahat ng mga gagastusin)

 Halaga ng mga gastusin sa pagpapasinaya nito. Php. 20,000.00

Kabuuang Halaga: Php.4,020,000.00


V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito

Ang pagpapagawa at pagpapatayo ng karagdagang poste ay magiging malaking

tulog at pakinabang hindi lamang sa mga mamamayan sa Barangay Uno kung hindi pati

narin sa mga taong dadaan sa kalsada ng Barangay Uno.

You might also like