You are on page 1of 3

Atienza, Rhyz Justin D.

Marka:_____

VIII-Galileo Disyembre 12,2023

Paksa:Utang ng Omeco sa Kuryente Pormal

Utang ng OMECO sa OMCPC na Nagpataas ng Bayarin

Ang paksa na ito ay nag simula pa noong May 31 at June 1, 2022, habang ini - interview ni

Kabayan Noli De Castro si OMCPC / Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation

Chief Operating Officer Calvin Luther Genotiva at OMECO BOD Pres. Rodolfo Plopinio. Ang

kanilang pinag - uuspan ay pambayad sa krudo na ginagamit ng OMCPC(Occidental Mindoro

Consolidated Power Corporation) sa pag - produce ng kuryente na idini - distribute ni

OMECO(Occidental Mindoro Electric Cooperative, Inc.) sa Occidental Mindoro.

Iginiit ni ERC Chair Devanadera na sundin ng OMECO at OMCPC ang nilalaman ng desisyon

ng ERC sa mga isyu na kanilang pinag-uusapan. OMECO at OMCPC na aniya ang dapat nag-

uusap para iresolba ang problema sa kuryente sa Occidental Mindoro.

Sabi ng OMCPC, nabigyan man sila na approval 'to operate' ang kanilang 'station' sa Sablayan at

Mamburao, hindi pa naman 'operational' dahil hindi pa nila natatapos ang mga ito.

Noong June 1, 2022 din ay nagpost ang OMECO (Occidental Mindoro Electric Cooperative,

Inc.) sa kanilang Facebook na nagsasabing 'NGAYONG ARAW, NAKAPAGBAYAD ANG

PAMUNUAN NG OMECO NG HALAGANG 65,595,932.33 PESOS PANG MATULUNGAN

ANG OMCPC NA MAKABILI NG KANILANG DAGDAG FUEL. DAHIL DITO, ANG NA-

PIPINTONG SHUTDOWN NG PLANTA BUKAS, JUNE 1, 2022 AY HINDI NA


MATUTULOY’. Ang isyu naman, tapos na daw ang kontrata ng OMCPC (Occidental Mindoro

Consolidated Power Corporation) na mag - produce ng 20 Mega Watts na kuryente. Mag tatapos

na pala ang kontrata at umabot na rin sa ganito.

Nagpabatid kasi sa publiko si OMCPC na maaring mag-shutdown sila ng operation kung hindi

makakapagbayad sa kanilang fuel supplier. At may 'utang' daw ang OMECO.

Tumaas na ang presyo ng diesel/gas. Kung sakali na magkaroon ng panibagong kontrata,

maaring naka - base na ito sa kasalukuyang presyo ng fuel. Kung mataas ang fuel, then maaring

mataas din ang kalalabasang singil sa kuryente dahil doon kinukuha and krudo para sa ating

kuryente.

Ayon sa OMECO, dapat ay singilin ni OMCPC ang Universal Charge for Missionary

Electrification (UCME) mula sa gobyerno o NAPOCOR bilang disbursing agency. Ito na anila

ang tinatawag na 'subsidy' ng gobyerno sa power producer.

Isang hapon ng biglang nakatanggap ng OMECO ang sulat mula sa pamunuan ng OMCPC

tungkol sa muling pagbabawas ng isa pang unit ng kanilang planta dahil sa wala pa umano silang

natatanggap na subsidy mula sa NAPOCOR. May kabuuan na lamang 7.5MW na suplay ng

kuryente ang maisusuplay ng OMCPC sa OMECO simula mamayang alas-dose (12:00) ng

madaling araw.

Nagalit ang marami sa OMCPC kasi bakit daw hindi nalang ginagawan ng paraan, at bakit rin

daw palagi bumabagsak yung problema sa OMECO, pero sa totoo lamang galing lang naman ito

sa OMCPC. Marami rin naman ang nagsasabing bakit naman hindi agad binayaran ng OMECO

ang utang. Hindi naman talaga ito dahil sa OMECO pero sila ang naghahawak ng kuryente sa
Occidental Mindoro kaya lamang sila nagkautang ay dahil sa mga taong hindi nagbabayad ng

kuryente at marami pang iba.

You might also like