You are on page 1of 3

AUTOMOTIKO

Napakaraming uri ng inhinyero ang ating makikita sa kasalukuyan, nariyan ang

mga Sibil, Kompyuter, Elektrikal at marami pang iba. Ngunit isa ang katangi-tangi para

sa akin, at ito ay ang mga automotikong inhenyiro, at ayon kay Engr. Vitaliano F.

Mawawal III, na secretary ng National Society of Mechanical engineer ay maganda ang

kinabukasan ng mga ito sa Pilipinas.

Ang automotiko ay isang tao na may kalaman at kakayahang sumuri ng mga

sasakyan, panlupa, pandagat o panghimpapawid man. Sa Pilipinas , karaniwang

pinapatungkulan nito ang mga may kakayahang magkumpuni sa panlupang sasakyan

tulad ng kotse, bus at mga trak. Kanyang tungkulin na alamin ang bahagi ng sasakyan

na hindi gumagana, ang dahilan sa anomalyang nabanggit at kung paano ito maaayos.

Sa kanyang pagaayos, maaaring kanyang kumpunihin ang bahagi o parte ng sasakyan

na hindi gumagana ng maayos o kaya naman ay palitan ito. Maaring siya ay gumagawa

sa isa lamang natatanging bahagi ng isang sasakyan o sa isang natatanging modelo.

Karamihan sa kanila, sa kabilang banda, ay may malawak na kaalaman sa ibat ibang

aspekto ng pangungumpuni.Mainam na magbigay ang isang mekaniko ng kanyang

payo upang maiwasan ang tuluyang pagkasira ng isang sasakyan, ngunit sa Pilipinas,

karaniwang kinukonsulta sila pag may nakita ng sira sa sasakyan.

Ang isang automatiko ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa mga

sistemang elektrikal,Kompyuter,Sistemang Panggasolina at Sistemang Pampalamig.

Ang isang tao na may kagustuhang maging automatiko ay maaaring mag-aral ng

kursong bokasyonal o kaya naman ay kumuha ng iba pang kurso na may kinalaman sa
sasakyan. Sa Pilipinas marami rin ang natututong maging automatiko sa pamamagitan

ng kanilang karanasan sa pangungumpuni. Walang paraan ang pamahalaan, para

makontrol ang pagdami ng mga automatiko o limitahan ang kanilang pag-usbong. Sa

kabilang banda, labis na pinapahalahan ng mga tanggapan ang sertipiko na ibinibigay

ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga paaralan na mayroon ng kursong ito. Ang

buhay ng isang manggagawa ng sasakyan ay hindi biro, dahil kailangan mong alamin

kung ano ang sira ng isang sasakyan at kung paano ito kukumponihin. Hindi maiiwasan

na magkalangis ka habang nasa trabaho, Maraming nagsasabi na ang buhay ng mga

automatiko ay mahirap. Laging malangis ang katawan at mabibigat ang mga gawain.

Pero meron din naman nagsasabi na ang trabahong ito ay maganda dahil malaki ang

kita lalo na sa ibang bansa.

Isa sa malaking problema ng mga automotikong inhenyiro ay karaniwang

napagakakmalan lamang ang mga ito na mekaniko at technician ng ilan dahil sa iba

ang sistema ng pagsasanay sa mga dalubhasaan o kolehiyo sa Pilipinas kung

ihahambing sa kanilang mga pinaglilingkuran. Ngunit gumawa na ng hakbang ang

Professional Regulatory Commission at Commission on Higher Education. Kasama na

rin ang pagpapatupad ng Department of Education ng K-12 program upang makahabol

ang ating bansa larangan ng edukasyon.

Sila ang mga taong nasa likod ng mga bagay na nagpapadali sa ating mga

buhay, at ito ay ang mga makina. Mula sa mga sasakyan, appliances at hanggang sa

mga planta ng kuryente. Ang mga taong ito ang sumusubok sa panahon upang ito ay

laong mapadali at mas maging produktibo ang bawat oras ng lahat ng indibidwal. Mga

propesyonal na nagbibigay ng katuparan sa mga planong pangmakina na ginagamit sa


mga sasakyan at mga pabrika. Mula sa kalesa, narito na tayo ngayon sa panahon kung

saan ang transportasyon ay isang madali at simpleng bagay na naging bahagi na ng

ating pang araw-araw na pamumuhay. Ating ding makikita ang progreso at pag-unlad

sa mga pagawaaan ng mga kagamitan lalo na sa mga pangunahing produkto gaya ng

pagkain at damit na ginagamitan ng mga makinarya upang mas mapadali ang paggawa

na inaatos ng mga automotiko.

Ang pagiging automotiko ay mahirap at kahit mahirap andiyan parin ang

pangarap na umuusad kayat kailangang ayusin ang pagiging buhay automotiko.

Mahalaga din ang salitang respeto sa pagiging automotiko dahil dito makikita na

mabuting automotiko ka at hindi barumbado.

You might also like