You are on page 1of 1

How does innovation affects the economy?

Intro
Magandang araw sa inyong lahat, nandito ako sa inyong harapan upang talakayin ang isang
importanteng leksyon. Paano nga ba nakakaapekto ang inobasyon sa isang ekonomiya?

Body
Ang inobasyon ay laging sumesentro sa positibong perspektiba. Laging tungkol sa pag-ahon, pag-
asenso, atbp. ang ating binabanggit ukol dito ngunit alamin din natin ang negatibong aspeto nito.

Ang pagdepende sa teknolohiya ay nakakapagpataas ng lebel ng walang trabaho sa isang bansa. Kung
puro teknolohiya na lamang ang iiral ay paniguradong mawawalan ng trabaho ang mga susunod na
henerasyon o kaya naman ay kaunti na lang ang may trabaho dahil mangangailangan na lang ng
maintenance personnel o managerial positions na kayang magbantay at mag-ayos ng mga makina.
Mga isa o dalawa na lamang ang kakailanganin ng bawat kompanya para rito.

Bukod pa ay bumubuo tayo ng kultura ng katamaran. Hindi maikakaila na mas mapapadali ang
proseso ng paggawa ng mga produkto dahil sa mga makina dala ng inobasyon ngunit tinuturuan din
tayo ng katamaran sapagkat kahit simpleng bagay na kayang gawin ng ating mga kamay ay iaasa na
natin sa mga makina.

Huli, may konsepto sa Macroeconomics ni Gregory Mankiw na tinatawag na Diminishing Marginal


Product of Capital kung saan ay hindi sumasabay sa pagdoble ng produkto ang pagdoble ng kapital o
sa termino sa ekonomiks na technological advances. Hindi eksaktong doble ang lumalabas na dami ng
produkto bagkus ay habang tumataas ang bilang ng makina ay bumababa ang bilang ng produktong
nagagawa nito.

Conclusion
Iyon lamang po, bawat bagay ay may adbentahe at disadbentahe. Wag lang natin itong sipatin mula
sa positibong paraan ngunit dapat din natin bigyang pansin ang negatibong maidudulot nito. Tulad na
lang ng inobasyon na hindi lagi dapat dikitan ng mga salitang pag-unlad bagkus dapat kaakibat nito
ang salitang tamad.

You might also like