You are on page 1of 8

AP REVIEWER

Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikos Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks
at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang
sabihin ay pamamahala ng tahanan. nagsasaad ng diwang ito?
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks,
sapagkat: pinag-aaralan dito kung paano nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas
nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at
kanilang material na pangangailangan at mapataas kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa
ang antas ng kabuhayan. isang bansa.
May tatlong pangunahing katanungang sinasagot Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na
ang ekonomiks. kahulugan ng Ekonomiks? Ito ay pag-aaral kung
paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
 Ano ang mga produkto at serbisyong katapusang pangangailangan at kagustuhan sa
kailangan ng lipunan? harap ng kakapusan.
 Paano lilikhain ang mga kailangang
produkto at serbisyo? Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan
 Para kanino ang mga lilikhaing produkto at nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan
serbisyo? natin ang kakapusan?

Ang kakapusan o scarcity ay Ito ay dahil sa walang katapusang


pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit
 Maaaring umiral sa mga pinagkukunang limitado ang pinagkukunang-yaman.
yaman tulad ng yamang likas, yamang tao,
at yamang kapital. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay
 Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning
dahil limitado ang mga pinagkukunang ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa
yaman at walang katapusan ang apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko.
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang "tradisyonal na paraan o paggamit ng
teknolohiya" ay sumasagot sa aling katanungang
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat pang-ekonomiko?
mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
Opportunity cost ng desisyon Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?

Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-
siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. aralan mo ang ekonomiks?
Ibig sabihin nito ay: naglilikom at nagsusuri ng mga Makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-
datos o impormasyon upang makapagbigay ng unawa, ugali at gawi na magagamit mo para sa
lapat o angkop na kongklusyon iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa
Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks hinaharap
bilang isang agham panlipunan? Maitaas ang antas Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang
ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang pag-aaral ng Ekonomiks?
bansa.
Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng mahahalagang usaping pang- ekonomiya
ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay
mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung
pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks? Mapag- gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong gaano rin karami ang malilikhang produkto at
pamamaraang makatutulong sa iyo sa serbisyo ng mga prodyuser. Presyo
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa
hinaharap.
AP REVIEWER
Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay Piliin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng
sumasagot sa unang katanungang pang- pagpapasiya ng market economy: Ito ay alinsunod
ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan. Market sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
Economy
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may
Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa naiibang katangian ang lupa bilang salik ng
ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon produksiyon? Itinuturing ito na fixed o takda ang
ng: Pamahalaan bilang
Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at Anong proseso ng produksiyon ang nagpapalit-
paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng anyo ng produkto? Pagsasama-sama ng mga salik
bansa? upang makabuo ng output o produkto
Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa
ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. kabayaran sa paggamit ng capital sa proseso ng
produksiyon? Interes
Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang
pang-ekonomiya? Paano nakatutulong ang paggamit ng makinarya sa
produksiyon? Mas magiging mabilis ang paglikha
Makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung
ng mga produkto
paano episyenteng magagamit ang
pinagkukunang-yaman ng bansa. Mga katangiang taglay ng isang entrepreneur?
Sa iba't ibang sistemang pang-ekonomiya na  puno ng inobasyon
umiiral sa mundo, anong katangian na  maging malikhain
nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed  handang makipagsapalaran sa kahihinatnan
economy na siyang dahilan upang ito ang ng negosyo
ginagamit ng mas nakararaming bansa?
Paano mo masasabi na kakambal ng paggawa ang
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng kapital? Kaakibat ng lakas at galing sa paggawa
pamilihan subalit maaaring manghimasok o ang kalidad at dami ng kapital
makialam ang pamahalaan sa mga usaping
nauukol pangangalaga ng kalikasan, katarungang Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng
panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. produksiyon? Dito nagmumula ang raw materials
na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto.
Alin sa sumusunod ang may pinakawastong
interpretasyon sa kasabihang, "There isn't enough Saan nanggaling ang kakayahan at kahusayan ng
to go around," ni John Watson Howe? isang taong nagtatrabaho? Paggawa

May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman Alin sa mga sumusunod ang kita ng entrepreneur
kaya't hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao. matapos magtagumpay ang pakikipagsapalaran ng
negosyo? Tubo o Profit
Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin
bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa Alin sa mga sumusunod ang input sa pagbuo ng
Market economy? mesa at silya? Kagamitan, makinarya,
manggagawa at kahoy
Malaya akong makakakilos ayon sa sariling
kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay
pamahalaan. sa pagkakaiba ng produksiyon at pagkonsumo?

Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa Ang produksiyon ay proseso ng pagsasama-sama


apat na pangunahing pang- ekonomikong ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang
katanungan. Alin sumusunod ang sumasagot sa sa pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produktong
katanungang: "Ano-anong produkto at serbisyo ang magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
gagawin?" Tradisyon, Kultura at Paniniwala Ano ang materyal na gawa ng tao na ginagamit sa
produksiyon? Makinarya at teknolohiya
AP REVIEWER
Sino sa mga ekonomistang nabanggit ang Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga
nagsasabing "mahalaga ang inobasyon para sa inaasahan na kabilang sa mga salik na
isang entrepreneur?" Joseph Schumpeter nakakaapekto sa pagkonsumo? Kalamidad
Alin sa apat na mga salik ng produksiyon ang Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng
tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay
produkto? Kapital sa kanilang transaksiyon sa pamilihan? Department
of Trade and Industry
Saan nanggagaling ang lupa, lakas-paggawa,
kapital at kakayahang entrepreneur bilang mga Sa paanong paraan mo maitataguyod ang
salik ng produksiyon? Sambahayan karapatan sa tamang impormasyon? Pag-aralan
ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at
Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng
komposisyon sa produkto
pagkonsumo? Magkakaiba ang katangian ng mga
nakakaapekto dito Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at
kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng
Sa anong salik ng pagkonsumo nakakaapekto ang
hakbanging makatutulong sa mga desisyong
mga kalamidad? Mga inaasahan
pangmamimili. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa
Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad na ang tao Pagiging Matalinong Mamimili
ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng
Hindi sumusunod sa uso
mamimili? Republic Act 7394
Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa
Tumutukoy sa karapatang maipahayag ang interes
pagkonsumo ng tao? Nababawasan ang kanyang
ng mga mamimili sa paggawa at pagsakatuparan
kakayahan na makabili ng produkto
ng mga patakaran at batas ng pamahalaan.
Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas Karapatang Dinggin
mainam na kunti lang ang utang? Tumataas ang
Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mamimili.
kakayahang kumonsumo
 Mabatid ang kahihinatnan ng ating
Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng
kapaligiran bunga ng hindi wastong
konsumo? Nagkakaroon ng kakulangan sa supply
pagkonsumo
ng produkto
 Magtatag ng samahang mamimili upang
Sino ang may akda ng aklat na, "The General magkaroon ng lakas at kapangyarihang
Theory of Employment, Interest, and Money" na maitaguyod at mapangalagaan ang ating
inilathala noong 1936? John Maynard Keynes kapakanan
 Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili
8. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga nakasaad
ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at
sa aklat na pinamagatang "The General Theory of
pagpapatupad ng anumang patakaran ng
Employment, Interest, and Money" na inilathala
pamahalaan
noong 1936:
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagiging
 malaki ang epekto ng kita sa konsumo listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit,
 kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod
kakayahang kumonsumo na ating ginagamit? Mapanuring Kamalayan
 kapag lumiliit ang kila lumiliit din ang
kakayahan kumonsumo Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa
karapatan ng mamimili? Nagbibigay-proteksiyon ito
Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo na sa mga mamimili laban sa mga panganib sa
kinabibilangan ng mga anunsiyo sa radyo, pagkonsumo
telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba
pang social media? Demostration effect
AP REVIEWER
Ito ay tumutugon sa reklamo laban sa pagbebenta ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang
ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng anong
at mga mangangalakal ng Liquified Petroleum Gas. konsepto ng matalinong pagdedesisyon? Marginal
Energy Regulatory Commission Thinking
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagiging Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa
makatuwiran? Sa pagpili ng isang produkto ay rin niyang pumasok sa paaralan dahil
isinaalang-alang ang presyo at kalidad nito nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na
leksiyon. Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng
Ito ay may tungkuling magtatag ng samahang
aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
mamimili upang magkaroon ng lakas at
Opportunity Cost
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan
ang ating kapakanan. Pagkakaisa Masaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil
maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly
Aling karapatan ng mamimili ang tumutukoy sa
pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng
karapatang mapangalagaan laban sa
anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
mapanlinlang, madaya na patalastas, mga etiketa
Marginal Thinking
at iba pang hindi wasto at hindi matapat na
gawain? Karapatan sa Patalastasan Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay
kanyang ginamit naging sanhi ito ng pamamaga ng
Situational kanyang labi. Anong karapatan ang dapat
Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang ipaglaban dito? Karapatan sa Kaligtasan
kabuhayan dahil sa krisis dulot ng pandemya sa Nagtitipid ka sa paggamit ng tubig at kuryente dahil
COVID-19. Bilang mag-aaral, paano mo batid mong ang pag- aaksaya nito ay magdulot ng
matutulungan ang iyong pamilya sa pagharap ng kakulangan sa suplay at pagtaas sa presyo kung
krisis sa ekonomiya? saan maraming mga konsyumer ang lalong
Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at mahihirapan sa buhay. Anong pananagutan ang
bilhin lamang ang pangunahing pangangailangan. iyong nagampanan? Pagmamalasakit Panlipunan

Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang Sumali si Nena sa isang organisasyon ng mga
leksiyon sa Ekonomiks kaysa sa manood ng K- mamimili sa kanilang barangay upang magkaroong
drama ng mga oras na iyon. Anong salik ng ng boses ang kanyang pangkat ukol sa mga usapin
matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sa karapatan ng mamimili. Anong tungkulin ang
sitwasyon? Trade-off ipinakita sa sitwasyong ito? Pagkilos

Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa


siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang
makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa
pangakong mamahaling cellphone ng kanyang mga
magulang. Aling salik ng matalinong
pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
Incentives
Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang
mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito
AP REVIEWER

Isaisip

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

 Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na tungkol sa paggamit at alokasyon o


pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makalikha ng
pinakamahusay at de-kalidad na mga produkto at serbisyong makatutugon sa
paparaming pangangailangan at hilig ng tao sa paraang pinakamatipid at pinakamabisa.
 Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng Ekonomiks ay kung paano tutugunan ang mga
suliranin at pangangailangan ng mga tao sa lipunan kaya't ito'y nabibilang sa agham
panlipunan. Sinusuri at tinatalakay sa agham na ito ang mga suliraning pangkabuhayan
lalung-lalo na iyong may kinalaman sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat
pamilya at ng buong bansa.
 Sa pag-aaral ng Ekonomiks, inuunawa ang mga konsepto at suliranin ng kakapusan at
paparaming pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon, at
pamamahala ng mga gawaing pamproduksiyon at pangkalahatang kaunlaran.
 Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang
pagpapasiya at pagpili ang tao.
 Magagamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga
pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
 Mapapayabong mo ang iyong pag-aaral sa pagtugon sa pangangailangan at
kagustuhan na maari mong magamit sa kaalaman mo sa alokasyon at pamamahala.
 Ang kaalaman mo sa Ekonomiks ay makatutulong sa pagbuo ng matalinong desisyon.
 Magagamit mo ang kaalaman sa Ekonomiks upang maunawaan ang mga
mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
 Sa paggawa ng matalinong desisyon, mahalagang isaalang-alang at suriin ang trade-off,
opportunity cost, incentive at marginal thinking ng mga pamimilian o choices.
 Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ang incentives ay tumutukoy sa
pakinabang na makukuha o matatanggap mo kung pipiliin mo ang isang bagay. Ang
marginal thinking naman ay ang pagsuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
AP REVIEWER

 Mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks dahil ang mga kaalamang matutunan mo rito ay
makakatulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa
hinaharap.
 Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga
suliranin ng kakapusan at kung paano maayos na magagamit ang mga pinagkukunang-
yaman ng bansa.
 Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang
mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo.
 Sa Traditional Economy, ang anumang produkto na kanilang malilikha ay
ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino pang dapat gumamit.
 Sa Market economy, ang kalahok- konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alisunod sa
pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
 Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili
at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
 Sa Command economy, nasa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan
ang planong nauukol sa pagsulong ng ekonomiya.
 Halimbawa ng mga bansang gumagamit ng Command economy ay ang North Korea at
Cuba.
 Ang Mixed economy ay may katangian na bunga ng pagsanib o kombinasyon ng
Command at Market economy.
 Sa sistemang pang-ekonomiya na Mixed economy ay nagpapahintulot sa mga
pribadong pagpapasya ng pribadong kompanya at indibidwal ngunit karamihan pa rin sa
mga desisyong pang-ekonomiya ay ginagabayan ng pamahalaan.
 Hindi lahat ng bagay sa paligid ay maaaring ikonsumo agad ng tao.
 May mga bagay na kailangan pang idaan sa proseso upang maging higit nakapaki-
pakinabang.
 Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga salik.
 Ang lupa, bilang salik ng paggawa, ay fixed o takda ang bilang kaya't mahalaga ang
wastong paggamit nito.
 Ang likas na yaman at hilaw na sangkap ay dapat gawing produkto upang maging
kapaki-pakinabang.
 Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o
serbisyo.
AP REVIEWER

 Ang white-collar job bilang uri ng lakas-paggawa ay tumutukoy sa mga


manggagawang mas ginagamit ang isip kaysa lakas sa paggawa.
 Ang blue-collar job naman ay tumutukoy sa mga manggagawang may kakayahang
pisikal.
 Ang paggawa ng produkto o serbisyo ng mga manggagawa ang siyang tumutustos sa
pangangailangan ng mga tao.
 Kapital ang tawag sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
 Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay nakadepende sa lupa, lakas-paggawa
at kapital.
 Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng tao na magsimula
ng negosyo.
 Entrepreneur naman ang tawag sa tagapag-ugnay ng naunang salik ng produksiyon
upang makabuo ng produkto o serbisyo.
 Ang innovation o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto o
serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
 Ang produksiyon ang siyang tumutugon sa pangangailangan ng tao.
 Iba't ibang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
o Pagbabago ng Presyo (mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang
presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo)
o Kita (habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan
na kumonsumo)
o Mga Inaasahan (mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa
pagkonsumo sa kasalukuyan)
o Pagkakautang (kapag maraming utang na dapat bayaran. maaaring maglaan ng
bahagi ng salapi pambayad dito)
o Demonstration Effect (impluwensiya ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon,
pahayagan, internet at iba pang social media)
 Binibigyan ng malawak na karapatan ng pamahalaan ang bawat mamimili sa
pamamagitan ng Consumer Act of the Philippines.
 Tungkulin ng mamimili ang pagiging responsable sa kanyang pamimili at
pagdedesisyon.
 Upang maging responsableng mamimili kinakailangang maitakda ang sarili niyang
pangangailangan at kagustuhan.
 Mahalagang magbayad ng wastong halaga ang mamimili para sa kanyang pagkonsumo.
AP REVIEWER

 Pangunahin sa mga tungkulin ng Deparment of Trade and Industry o DTI ang pagtiyak
sa kalidad at kaligtasan ng mga produkto.
 Mahalagang sundin ng mamimili ang mga payong hakbangin sa pagkonsumo ng bilihin.
 Ang mga babala at paalala na nakatatak sa isang produkto ay kailangang basahin ng
mamimili bilang impormasyon.
 Sa usapin pa lamang ng pag-aanunsyo masusuri na may potensiyal na panganib na
maibubunga sa kanilang sarili ang pagkonsumo ng mamimili.
 Dapat ipakita natin ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga
produktong gawa ng kapwa nating mga Pilipino at bilhin ang Likhang-Pilipino.
 Tandaan na ang pagkonsumo ng produktong dayuhan ay nakapagpababa ng kita ng
bansa.

You might also like