You are on page 1of 10

1ST GRADING

Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang


bahay, at nomos na pamamahala

Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga
ang trade-off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian
sa pagbuo

Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon

incentives sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas
mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.

“Rational people think at the margin.” Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal
ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon

Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal


thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang
bawat isa sa pagbuo ng desisyon

Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang


pangangailangan at kagustuhan ng tao kagaya ng kakapusan sa supply ng nickel,
chromite, natural gas, at iba pang non-renewable resources dahilan sa likas na
kalagayan ng mga ito.

kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng


isang produkto kagaya ng kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo,
peste, El Niño, at iba pang kalamidad

N. Gregory Mankiw (1997) ang kakapusan bilang isang pamayanan na may limitadong
pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo
na gusto at kailangan ng tao.

Production Possibilities Frontier (PPF). Ito ang paraan upang mapamahalaan ang limitadong
kalagayan ng pinagkukunang-yaman. Kung magiging episyente ang plano ng
produksiyon at ilalagay ito sa graph, maaaring makalikha ng isang kurba

Production Possibilities Frontier o PPF ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya


sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga produkto. Nailarawan din sa
pamamagitan nito ang konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan.

Sa mga hangganang ito ay maituturing na efficient ang produksiyon

Ang punto na nasa labas ng kurba ay naglalarawan ng konseptong infeasible na plano


ng produksiyon

McConnel, Brue, at Barbiero (2001) sa kanilang aklat na Microeconomics,“ Ang kagustuhan


ng tao ay nagbabago at maaaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga bagong
produkto.”

“Theory of Human Motivation” ni Abraham Harold Maslow (1908-1970), ipinanukala niya ang
teorya ng ‘Herarkiya ng Pangangailangan.’

Pangangailangang Pisyolohikal. Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain,


tubig, hangin, pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag nagkulang ang mga
pangangailangan sa antas na ito ay maaaring magdulot ng sakit o humantong sa
pagkamatay.

Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan. Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag


natugunan na ang naunang pangangailangan. Kabilang dito ang kasiguruhan sa
hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad
sa pamilya, at seguridad sa kalusugan.

Pangangailangang Panlipunan. Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan,


kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko. Kailangan ng tao
na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha sapagkat mayroon siyang
pangangailangan na hindi niya kayang tugunan na mag-isa. Maaaring magdulot ng
kalungkutan at pagkaligalig ang sinumang hindi makatutugon sa pangangailangang ito.

Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao. Kailangan ng tao na maramdaman


ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili
ay nagpapataas ng kanyang dignidad bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas na ito ay
maaaring magdulot sa kanya ng mababang moralidad at tiwala sa sarili na maaaring
nagmula sa pagkapahiya, pagkabigo, at pagkatalo.

Kaganapan ng Pagkatao. Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni


Maslow na ang taong nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas mataas na
pagtingin sa kasagutan sa halip na katanungan. Hindi siya natatakot mag-isa at gumawa
kasama ang ibang tao. Ang mga taong nasa ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwari
at totoo sa kanyang sarili. May kababaang loob at may respeto sa ibang tao.

Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan


 Edad.
 Antas ng Edukasyon
 Katayuan sa Lipunan
 Panlasa
 Kita.
 Kapaligiran at Klima

John Watson Howe, “There isn’t enough to go around.” Ito ang kasabihang sumasalamin sa
suliranin ng kakapusan. Ito rin ay naglalahad ng katotohanang limitado ang mga
pinagkukunang-yaman kung kaya’t kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano
gagamitin nang mahusay ang mga ito

Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag


na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at
magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang
lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan

Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunangyaman,dapat itong


sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko:
 Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
 Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
 Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
 Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang


maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-
yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan

Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


 Tradisyonal na Ekonomiya
 Market Economy
 Command Economy
 Mixed Economy

Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of
Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo ng mga tao.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo


 Pagbabago ng Presyo
 Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard
Keynes, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General Theory of
Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng
kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao
ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng
kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang
mga taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may mababang kita
lamang.
 Mga Inaasahan
 Pagkakautang
 Demonstration Effect

Mga Pamantayan sa Pamimili


 Mapanuri
 May Alternatibo o Pamalit
 Hindi Nagpapadaya
 Makatwiran
 Sumusunod sa Badyet
 Hindi Nagpapanic-buying
 Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo

Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili


 Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga
patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
 a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at
kaligtasan.
 b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan
sa operasyon ng mga negosyo at industriya.
 c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.
 d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at
pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan.

WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI


Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay naglabas
ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa
pamilihan.
 Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
 Karapatan sa Kaligtasan
 Karapatan sa Patalastasan
 Karapatang Pumili
 Karapatang Dinggin
 Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
 Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
 Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI


 Mapanuring Kamalayan
 Pagkilos
 Pagmamalasakit na Panlipunan
 Kamalayan sa Kapaligiran
 Pagkakaisa

CONSUMER PROTECTION AGENCIES


Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang
kapakanan ng mga mamimili:
 Bureau of Food and Drugs (BFAD) ngayon ay FOOD AND DRUGS ADMINISTRATION
(FDA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango,
at make-up.
 City/Provincial/Municipal Treasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang
(tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat.
 Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at
industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na Gawain ng mga
mangangalakal.
 Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng diwastong
sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum
Gas.”
 Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa
kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).
 Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling
etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot.
 Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa mga bumibili ng
bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon.
 Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro
 Philippine Overseas Employment Administration (POEA) - reklamo laban sa illegal
recruitment activities.
 Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na
pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp.
 Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong Securities
Act tulad ng pyramiding na gawain.

Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-


sama ng mga salik upang makabuo ng output

Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Sa atin halimbawa,
ang output ay ang mesa at silya. Ang mga input ay ang mga bagay na kinailangan upang
mabuo ang produkto. Ang mga input na kahoy, makinarya, kagamitan, at manggagawa
na ginamit sa pagbubuo ng produktong mesa o silya ay mga salik ng produksiyon.

Nagiging posible ang produksiyon sa pagsasama-sama ng mga salik (factors of production)


tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreurship.

May dalawang uri ang lakaspaggawa: ang mga manggagawang may kakayahang mental o silang
mga tinatawag na may white-collar job. Mas ginagamit ng manggagawang may
kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa
ng mga ito ay ang mga doktor, abogado, inhinyero, at iba pa. Ang katawagang white collar
ay unang ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.
Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o silang
mga tinaguriang may blue collar job. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan
kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber, magsasaka, at
iba pa

Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis
ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga
manggagawa.

Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at lakas-
paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The Contribution
of Capital to Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng
pagsulong ng isang bansa.

Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo
ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran
sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksiyon. Taglay ng isang
entrepreneur ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon at handa sa
pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo,
napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang
inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay
susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.

Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito ay kita ng entrepreneur
matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi nakatitiyak
ang entrepreneur sa kaniyang tubo dahil hindi pa niya alam ang kahihinatnan ng
kaniyang pagnenegosyo.

Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o


tumubo. May apat na pangkalahatang uri ng organisasyon ng negosyo. Ang mga ito ay
ang (1) sole proprietorship, (2) partnership, at (3) corporation (4) cooperative.

Ang sole proprietorship ay negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao. Ang


nagmamay-ari ay tinatawag na sole proprietor o sole trader.

Ang partnership ay isang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na


nagkasundo at sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng
isang negosyo.
Corporation o korporasyon ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo. Kadalasan, ito
ang may pinakamaraming bilang ng mga nagmamay-ari. Ito rin ay may mga legal na
katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga taong nagmamayari, kumokontrol, at
nagpapatakbo ng korporasyon.

Kooperatiba na binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15 miyembro na


kabahagi sa puhunan at tubo. Pangunahing layunin ng kooperatiba ang makapagbili o
makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga.
2nd Grading

demand ay tumutukoy sa produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t


ibang presyo sa isang takdang panahon.

Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo


sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami
ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto
at kayang bilhin

Ceteris Paribus
Substitution effect
Income effect

Tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand, ang demand schedule, demand


curve, at demand function.
 Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin
ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo
 Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at
quantity demanded.
Qd = a - bP
Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b = slope= ΔQd
ΔP
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago
ng presyo

Iba Pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo


 Kita. Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga
produktong ito ay maituturing na normal goods. Inferior goods naman ang tawag sa
mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
 Panlasa
 Dami ng Mamimili. bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto,
nahihikayat kang bumili.
 Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo. (komplementaryo – sabay na
binibili). ang pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon ng
alternatibo.
 Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap

Shifting of Demand Curve (Paglipat ng Kubra ng Demand)


 Kaliwa
 Kanan

Price Elasticity of Demand - Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at
kung gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang
produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito. Nalalaman ang tugon ng mamimili sa
tuwing may pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang formula na nasa
ibaba.
ɛd = %ΔQd
%ΔP

Kung saan:
ɛd = price elasticity of demand
%ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd
%ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo

Elastic
%ΔQd > %ΔP
|ε| > 1
Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon
ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Sa maliit na
bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay nagiging sensitibo sa pagbili.
Inelastic
|ε| < 1
price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded
kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. Ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang
bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa pagbili.
Halimbawa, ang price elasticity of demand ay 0.5.

Unitary o Unit Elastic


|ε|= 1
Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded

Perfectly elastic
|ε| = ∞
Nangangahulugan ito na anumang pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago
sa quantity demanded. Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang demanded ay hindi
matanto o mabilang.

Perfectly Inelastic Demand


|ε| = 0
Nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi tumutugon sa pagbabago ng presyo.
Ang produktong ito ay lubhang napakahalaga na kahit anong presyo ay bibilhin pa rin
ang kaparehong dami.

Supply produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo
sa isang takdang panahon.

Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng
isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o
serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang
dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus).

supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga
prodyuser sa iba’t ibang presyo

Supply Curve

Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity


supplied. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:
Qs = f (P)
Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman
ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang
presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser.
Isa pang paraan ng pagpapakita ng supply function ay sa equation na:
Qs = c + bP

Kung saan:
Qs= dami ng supply
P = presyo
c = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)
d = slope = ΔQs
ΔP

Iba pang mga Salik na Nakaaapekto sa Supply


 Pagbabago sa Teknolohiya
 Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksyon
 Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
 Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto
 Ekspektasyon ng Presyo

Ang Paglipat ng Supply Curve o Shifting of the Supply Curve

Ang pagsukat kung gaano ang pagtugon ng prodyuser sa bahagdan ng pagbabago ng presyo ay
may kinalaman sa konsepto ng Price Elasticity of Supply

Ang price elasticity of supply ay ang paraan na ginagamit upang masukat ang magiging
pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may pagbabago sa presyo
nito.
ɛ s = %ΔQs
%ΔP
Ang bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied (QS) o %ΔQs ang tumatayong dependent
variable, at ang bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang independent
variable. Ang price elasticity of supply (εs) ay palaging positibo dahil ang Qd ay may
direktang (direct) relasyon sa presyo. Hindi na gagamit pa ng absolute value sa price
elasticity of supply sapagkat ang sagot dito ay palagi nang positibo

Elastic
%ΔQs > %ΔP
εs > 1

Inelastic
<1

Unitary
=1

Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kaniyang aklat na Essentials of Economics,
kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer
at prodyuser. Ang konsyumer ay nabibili ang kanilang nais at ang mga prodyuser naman
ay nakapagbebenta ng kanilang mga produkto.

Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing
produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at
serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.
Ekwilibriyong presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at
prodyuser at ekwilibriyong dami naman ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga
produkto o serbisyo.

Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing
lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa
at kaya niyang ikonsumo

6th Principle of Economics ni Gregory Mankiw, “Markets are usually a good way to organize
economic activity”. Ito ay ipinaliwanag ni Adam Smith sa kaniyang aklat na An Inquiry
into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (1776) na ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser ay naisasaayos ng pamilihan. Mayroong tinawag na “invisible
hand” si Adam Smith na siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor na ito ng
pamilihan.

Mga Estruktura ng Pamilihan


Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa Sistema ng merkado
kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Ito ay nahahati sa
dalawang pangunahing balangkas----ang pamilihan na may ganap na kompetisyon
(Perfectly Competitive Market (PCM)) at ang pamilihang hindi ganap ang
kompetisyon (Imperfectly Competitive Market (ICM)). Ang mga ito ay teoretikal na
balangkas ng pamilihan. Ang dami at lawak ng kontrol ng market players o ang mga
konsyumer at prodyuser sa pamilihan ay ang salik na nagtatakda ng estruktura nito
Pamilihang May Ganap na Kompetisyon
Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim ng ganitong
sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa
takbo ng pamilihan partikular sa presyo. Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta
nang isang prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.
 Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
 magkakatulad ang produkto (Homogenous)
 Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
 Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
 Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan

Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon


Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na kompetisyon ang estruktura kung wala ang
anumang kondisyon o katangian na matatagpuan sa pamilihang may ganap na
kompetisyon. Sa pangkalahatang paglalarawan, ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa
ganitong estruktura ay may kapangyarihang maimpluwensiyahan ang presyo sa
pamilihan. Ang sumusunod na anyo ang bumubuo sa pamilihang may hindi-ganap na
kompetisyon.
 Monopolyo
o iisa ang nagtitinda
o Produkto na walang kapalit
o Kakayahang hadlangan ang kalaban
o Kaugnay nito, batay sa World Intellectual Property Organization, ang copyright ay
isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang
pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan
(literary works) o akdang pansining (artistic works). Kabilang din dito ang mga
gawa gaya ng aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula, computer programs,
databases, advertisements, maps, at technical drawings
o ang patent naman ay pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga
imbensyon. Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang
mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat, at iluwas ang
imbensiyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang
imbensiyon. Ang impormasyong ito ay maaaring gamitin sa hinaharap para
magkaroon ng inobasyon at pag-unlad
o trademark naman ay ang paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto
at serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o
nagmamay-ari nito.
 Monopsonyo – Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon lamang iisang mamimili ngunit
maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Sa ganitong kalagayan, may
kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Ang
mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng pamilihan ay ang pamahalaan na nag-iisang
kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis, sundalo, bumbero, traffic
enforcer, at iba pa. Dahil ang pamahalaan ang nag-iisang kumukuha ng serbisyo ng mga
nabanggit bilang empleyado, ito ay may direktang kapangyarihan sa pagtatakda ng
halaga ng pasahod sa mga ito.
 Oligopolyo – Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan
lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto
at serbisyo. Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of
enterprises. Ang Organization of Petroleum of Exporting Countries (OPEC) ay isang
halimbawa ng pandaigdigang kartel sapagkat sila ang nagtatakda ng supply at presyo ng
produktong petrolyo (12 kasapi)
 Monopolistic Competition – Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan,
maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit
marami rin ang mga konsyumer. Gayunpaman, may kapangyarihan pa rin sa pamilihan
ang mga prodyuser na magtakda ng presyo ng kanilang mga produkto. Dahil sa product
differentiation, ang katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit
hindi eksaktong magkakahawig. Ang kanilang pagkakapareho ay maaaring sa uri ng
produkto gaya ng shampoo, sabon, o toothpaste. Sila ay nagkakaiba-iba sa packaging,
labeling, presentasyon, at maging sa lasa o flavor. Ginagawa ito ng mga prodyuser
sapagkat ang kanilang layunin sa product differentiation ay kumita at

Price Ceiling – Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang pinakamataas
na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto.

Samantala, sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa, ang


pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng price freeze o pagbabawal sa pagtataas
ng presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang
pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng
kanilang mga produkto

Price Floor – Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa
pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Itinatakda
ito ng mas mataas sa equiblibrium price. Katulad ng price ceiling, isinasagawa ito ng
pamahalaan upang matulungan ang mga prodyuser.

Daily Minimun Wages (DMW)


NCR – from 500.00 to 537.00
Region IV-A – from 303.00 to 400.00

You might also like