You are on page 1of 3

Reviewer for GAP

Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa


limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanyang walang hanggang
pangangailangan. Mahalagang pag-aralan ang ekonomiks dahil sa pamamagitan nito ay makakagawa
ka ng isang matalinong pagpapasya, magiging mapanuring mamimili at mapagtanong na kasapi ng
lipunan.

Ang ating ginagawang pagpili pagpili at pagdedesisyon ukol sa mga bagay na ating gusting makamit
ay may katumbas na opportunity cost at benefit. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa
isinasakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang-daan ang higit na mas makabuluhang
paggagamitan nito. Halimbawa, pinili mong giumawa ng takdang-aralin kaysa maglaro ng compuer
games o paggimik kasama ang iyong barkada. Ibig sabihin ang iyong nagging opportunity cost ay ang
paglaro ng computer games o paggimik kasama ng iyong barkada. Isa pang mahalagang bagay ay ang
pagdedesisyon. Kapag isisnasakripisyo ang pagbili ng isang bagay upang makabili ng ibang produkto
ay nagaganap ang tinatawag na trade-off. Ang trade-off ay pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay
upang makamit ang ibang bagay. Ang benepisyo ay may kinalaman sa pakinabang na nakukuha mula
sa ginagawang pagpili at pagdedesisyon ng tao.

Ang kakapusan ay isang katotohan na naglilimita sa pagtugon sa ating pangangailangan sa buhay. Ito
ang nagtutulak sa tao na gumawa ng matalinong pagpili at pagdedesisyon ukol sa mga bagay-bagay
nan ais makamit. Ito ay isang kondisyon kung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay limitado at
hindi matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ang
pangunahing suliranin sa ekonomiks, sapagkat likas sa tao na magkaroon ng napakarami at tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay. Ang paglaki ng populasyon halimbawa
ay isa sa mga nagiging sanhi ng pagtindi ng kakapusan dahil sa dumarami ang tao dumarami din ang
kanyang pangangailangan at kagustuhan sa buhay. Walang pinipili ang kakapusn, lahat tayo ay
nahaharap sa pagpili at paggwa ng desisyon sa buhay. Kung kaya nakakaapekto din ito sa mga
nangyayari sa atin. Isa pang dahilan kung bakit tayo patuloy na naghihirap ay dahil sa mga
negosyanteng walang awa kung magtaas ng presyo ng bilihin lalo na ang mga gahaman na mga
negosyante na nagtatago ng mga produkto upang tumaas ang presyo. Ang tawag sa gawaing ito ay
hoarding.

Ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman ay isinasagawa upang sagutin ang mga problemang
pang-ekonomiya. Sa tulong ng pamilihan ay nakikita kung paano isinasagawa ang alokasyon. Ito ang
mekanismo ng pamamahagi ng mga likas na yaman, yamang tao at yamang pisikal sa iba’t ibang
paggagamitan nito. Ang alokasyon ang nagsisilbing sagot sa kakapusan. Ang sistemang pang-
ekonomiya ay sumasaklaw sa mga estruktura, institusyon,at mekanismo na batayan sa pagsasagawa
ng mga gawaing pamproduksiyon upang sagutin ang mga pangunahing katanungang pang-
ekonomiya. May ibat ibang uri ng ekonomiya ayon sa Sistema na ginagamit. Una ang tradisyunal na
ekonomiya na nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ikalawa ang market na ekonomiya
kung saan ang bawat kalahok, konsyumer at prodyuser ay kumikilos alinsunod sa kanilang
pansariling interes na makukuha ng malaking pakinabang. Ikatlo ay ang command economy na kung
saan ito ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan. Ikaapat ay ang
mixed economy na kinapapalooban ng element ng market at command economy.

Ang pagkonsumo ay bahagi na ng buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Ang
pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito
bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang pagkonsumo ay ang pangunahing
layunin ng produksiyon sa pagsasagwa ng produkto. May ibat ibang salik ang nakakaapekto sa
pagkonsumo ito ay ang mga; 1. Pagbabago sa presyo, Kita, Mga inaasahan, pagkakautang at
demonstration effect. Bilang isang matalinong mamimili dapat alam mo ang iyong mga Karapatan.
Ito ay ang pagiging mapanuri, may alternatibo o pamalit, hindi nagpapadaya, makatwiran,
sumusunod sa badyet, hindi nagpapanic-buying, hindi nagpapadala sa anunsiyo. Alam mo din dapat
na mayroong batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili ito ay ang Republic Act 7394 o
Consumer Act of the Philippines.

Ang produksiyon ay ang pagpoproseso ng mga salik upang makabuo ng panibagong produkto. Ang
salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input at ang mabubuong produkto ay
tinatawag na output. Ang mga salik ng produksiyon ay ang lupa, paggawa, kapital at
entrepreneurship.

Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilihin ng mamimili
sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon. Isinasaad sa batas ng demand na mayroong inverse o
magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang
presyo, bumababa ang demand at kapag mababa ang presyo tumataas ang demand. May dalawang
konsepto ang nagpapaliwanag kung bakit mayroong magkasalungat o inverse na ugnayan ang
demand at ang presyo. Ito ay ang substitution effect kung saan hahanap ng pamalit na produkto na
mas mababa ang presyo at ang income effect kung saan ito ay nagpapahayag na mas Malaki ang
halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Mayroon tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng
konsepto ng demand, ang demand schedule, demand curve at demand function.
Key to correction

1. B
2. C
3. A
4. D
5. A
6. C
7. C
8. B
9. B
10. B
11. D
12. D
13. D
14. C
15. C
16. C
17. D
18. B
19. C
20. D
21. D
22. C
23. B
24. D
25. A
26. A
27. D
28. C
29. C
30. B
31. C
32. A
33. D
34. C
35. B
36. A
37. B
38. D
39. A
40. D

You might also like