You are on page 1of 2

Mahabang Pagsusulit sa Ekonomiks Yunit I

Ekonomiks kagustuhan Hoarding Tradisyunal


Oikonomia Abraham Maslow Pagkonsumo Produksyon
Kakapusan Alokasyon Mamimili Batas ng Kakapusan
Pangangasiwa ng sambahayan kontrolado (command) Pangangailangan Kakulangan
Paglaki ng populasyon Paano gagawin? Ano ang gagawin? Tuwiran
Production Possibilities Frontier lupa Pangangailangan kita

1. Isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral sa wastong paggamit ng mga limitadong likas na yaman ng isang
bansa.
2. Nagmula ang terminong “ekonomiks”
3. Ito ang ibig sabihin ng salitang Griyego na oikonomia
4. Tawag sa permanenteng pagkaubos ng pinagkukunang yaman
5. Tawag sa pansamantalang pagkaubos ng pinagkukunang yaman o produkto
6. Batas na nagsasaad na wala nang sapat na likas na yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng tao
7. Tawag sa pagtatago ng mga negosyante ng produkto upang mapataas ang presyo nito sa pamilihan.
8. Tawag sa mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.
9. Bagay na hindi kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay ngunit gusting makamit ng tao upang makaramdam ng
kasiyahan
10. Amerikanong sikolohista na nagmungkahi ng hirarkiya ng pangangailangan
11. Isang paraan ng wastong pamamahagi o distribusyon ng mga likas na yaman ng bansa
12. Sistemang pang-ekonomiya na may ganap na kapangyarihan ang pamahalaan na kontrolin ang produksyon,
distribusyon, at pagkonsumo ng produkto
13. Sistemang pang-ekonomiya na may palitan ng produkto o sistemang barter
14. Tawag sa pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo para matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
15. Tawag sa mga taong bumibili at kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo
16. Tawag sa paglikha o paggawa ng produkto para matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
17. Uri ng pagkonsumo ang ipinakikita sa pagbili at pag-inom ng tubig pagkatapos tumakbo o mag ehersisyo
18. Dahilan sa pagkakaroon ng kakapusan
19. Dapat matukoy ang prosesong gagamitin sa paggawa ng produkto, gayundin ang mga sangkap at makinaryang
kailangan sa paggawa nito. Anong tanong sa suliranin ng produksyon ang tinutugunan nito?
20. Nagbibigay ng solusyon sa suliranin ng kakapusan sa bansa
21. Sa pamamagitan nito ay maipakikita ang iba’t ibang alternatibo sa paglikha ng produkto upang magamit nang
episyente ang mga limitadong pinagkukunang-yaman
22. Lahat ng tao ay may magkakaparehong ___________ ngunit magkakaibang ______________.
23. Lahat ng tao ay may magkakaparehong ___________ ngunit magkakaibang ______________.
24. Salik sa pangangailang ng tao na tumutukoy sa pagbabago ng pangangailangan ng tao batay sa kaniyang kabuhayan o
gawaing pinagkakaabalahan.
25. Upa sa may-ari ng ______, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entrprenyur

Isulat ang titik A kung ito ay Sistemang Pang-ekonomiya; B kung Karapatan ng Mamimili; C kung Tungkulin
ng Mamimili at D kung Uri ng Pagkonsumo.
26. Tradisyunal na paraan
27. Produktibong paggamit
28. Magkaroon ng edukasyon
29. Kontroladong ekonomiya
30. Paghingi ng resibo

31. Alin sa sumusunod ang hindi kahalagahan ng ekonomiks


a. Makapagbigay ng matalinong opinyon tungkkol sa maaaring maging solusyon sa mga suliranin ng bansa
b. Maunawaan ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa
c. Magamit sa pagbatikos ng mga pinuno ng bansa
d. Maunawaan ang totoong dahilan ng mga suliraning pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa
32. Alin sa sumusunod ang hindi palatandaan ng kakapusan?
a. Mataas na presyo ng bilihin c. pag-aangkat ng produkto mula sa ibang bansa
b. Walang mabiling produkto sa tindahan d. pamimigay ng produkto mula sa pamahalaan
33. Ano ang ipinakikitang palatandaan kapag mahaba na ang pila ng mga mamimili sa isang tindahan?
a. Mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin c. pag-aangkat ng produkto mula sa ibang bansa
b. Walang mabiling produkto sa tindahan d. marami na ang nagugutom at namamatay
34. Ano ang sinasabi ng teorya ng hirarkiya ng pangangailangan?
a. Habang nakakamit ng tao ang kanyang mga batayang pangangailangan ay tumataas ang antas ng
pangangailangang dapat niyang makamit
b. Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay bumababa ang antas ng
pangangailangan na dapat niyang makamit
c. Habang nakakamit ng tao ang kanyang mga batayang pangangailangan ay walang pagbabagong nangyayari sa
antas pangangailangang dapat niyang makamit
d. Habang nakakamit ng tao ang kaniyang mga batayang pangangailangan ay nadadagdagan o nababawasan ang
antas ng pangangailangan na dapat niyang makamit
35. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa organisasyon ng negosyo?
a. Isahang pagmamay-ari c. Korporasyon
b. Pangkatan d. Sosyohan
36. Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng isang mamimili?
a. Bayaran ang biniling kalakal c. magtatag ng organisasyon
b. Paghingi ng resibo d. pagtangkilik sa gawang Pilipino
37. Anong karapatan ang tumutukoy sa pangangailangan na magkaroon ng sapat na dami ng produkto na mabibili sa tama
at abot-kayang presyo upang mabili ng mga mamimili ang mga produktong kanilang kailangan?
a. Karapatan na makamit ang mga pangunahing pangangailangan
b. Karapatan na maging ligtas sa anumang sakit o pinsala
c. Karapatang magkaroon ng edukasyon
d. Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran
38. Ano ang kaugnayan ng mabilis na paglaki ng populasyon sa pagkakaroon ng kakapusan?
a. Ito ay dahilan sa pagkakaroon ng kakapusan.
b. Ito ay epekto ng pagkakaroon ng kakapusan.
c. Ito ay solusyon sa pagkakaroon ng kakapusan.
d. Ito ay likas na yaman na nakatutulong sa pagkawala ng kakapusan.
39. Si Abraham Maslow ay kilala sa modelo ng herarkiya ng pangangailangan. Batay dito, isaayos ang sumusunod mula
sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas ayon sa antas nito.

1. Responsibilidad sa Lipunan
2. Pangangailangan sa Seguridad
3. Pisyolohikal at Biyolohikal
4. Pangangailangan sa Sariling Kaganapan
5. Pangangailangan sa Karangalan

a. 2,3,4,5,1 c. 3,2,1,5,4
b. 1,2,3,4,5 d. 4,5,1,2,3
40. Papaano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around” na nagmula kay John Watson Howe?
a. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
b. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman
c. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan
d. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

You might also like