You are on page 1of 10

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO INTRODUKSIYON Ang sangkatauhan ay nakatira sa panibagong mundo, panibagong ekonomiya, at habang ito

ay nagpapatuloy, nararapat lamang na ang lahat ay magkaroon ng kaalaman at mamulat sa mga bagong istratehiya at kasabay nito, magsupling ng mga bagong sistema. Sa panahon ngayon ay patuloy nang napupuno ng teknolohiya ang ating mundo, at kasabay na nito ang pagbubuo ang ibat ibang gadyet tulad ng kompyuter, cellphone, at iba pa na kadalasan ay pinapagana ng kuryente. Naging malaking tulong sa mundo ang mga bagay na ito dahil pinapaginhawa nito ang buhay, pinapagaan ang trabaho, at pinapadali pa lalo ang komunikasyon. Ngunit, nagiging problema rin ito dahil sa presyo ng kuryente at ang patuloy pa nitong pagmamahal habang tumatagal. Naging pangangailangan na ang kuryente sa panahon ngayon ng agham at teknolohiya. KONTEKSTONG PANDAIGDIG Global warming, pagkaubos ng fossil fuel, at pagtaas ng presyo ng gasolina ay ang mga problemang pandaigdigan na nangunguhulugan ng nangangailangan ng solusyon. Unti-unti nang umiinit ang mundo dahil sa paggamit ng ibat ibang teknolohiya. Ito ay isang hindi katanggap-tanggap na katotohanan. Ayon sa dokumentaryong palabas ng dating Pangalawang Pangulo ng Amerika na si Al Gore, ang global warming ay hindi na pangpulitikong suliranin, bagkus ito ay ang pinakamalaking pang-moral na suliranin na kinakaharap ng sangkatauhan. (An inconvenient truth, 2006)

Maraming inobasyon ang lumabas mula nang madiskubre ang benepisyo ng fuel. Isa sa mga halimbawa ng inobasyon ay ang mga sasakyan. Napadali ang transportasyon dahil dito. Lumakas ang komersyo at marami pang industriya. Ngunit sa ngayon, nakadepende na ang tao dito kayat sa pagtaas ng demand, ay bumababa na rin ang suplay. Nagdulot ito ng pagtaas ng presyo na naging malaking problema sa tao. Isang salik na dapat ay pagtuunan na ng pansin ng maraming bansa ay mga problemang ito. Ilan lamang sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa ay ang polusyon, maling pagreresiklo, bulubunduking mga basura, at mataas na singil ng kuryente. Sa Payatas, Lungsod ng Quezon, ay sobrang dami na ng basura, na nagdudulot ng sakit sa karamihang residente at kalapit pook nito. May mga batas na ipinatupad ang gobyerno laban dito, at isang halimbawa na lamang ay ang Republic Act no. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000). Ngunit, ito ay nagkukulang ng epekto sa kalagayan ng pagsegregeyt ng mga basura. At hindi lamang sa Payatas ganito ang kalagayan, maraming baradong estero at kanal na nagdudulot ng kabahaan at nagbibigay din ng sakit sa karamihan. Ito ay nagdudulot ng polusyon na hindi na maresuresulba ng pamayanan. Kailangan na ng pangkalahatang pagresiklo at epektibong mga paraan. Bihira na ring mawalan ang isang pamilya ng problema ukol sa pagbayad ng kuryente. Walang kapangyarihan ang mga tao upang magreklamo sa kung magkano ang singil dahil bumabatay lamang ang Meralco sa World Market. Jumper ang naging solusyon ng iba upang makakuha ng alternatibong pagkukunan ng kuryente. Ngunit, ito ay ilegal, napakadelikado sa buhay ng tao, at isang halimbawa na rin ng pagnanakaw.

Ang dapat ay nakaayon sa batas, makatarungan at makakabuti sa lahat ang gagawing mga pamamaraan sa pagkuha ng mga alternatibo. Bilang mga mag-aaral ng Inhinyeriya sa Institusyong Unibersidad ng Santo Tomas, naghihintay sa mga mananaliksik ang malaking hamon ukol sa mga problemang kinahaharap ng sambayanang Pilipino. May bukas na pinto upang masolusyonan ang mga problemang ito. Gamit ang agham at mataas na kalidad ng teknolohiya, nararapat lamang na sugpuin ito. Naghuhudyat ito ng masinsinang pagaaral tungkol sa paghahanap ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya katulad ng elektrisidad. Ang papel na ito ay magbubukas ng mga panibagong pag-aaral ukol sa mga alternatibong paraan sa pagkuha ng mga enerhiya. Sa Kagawaran ng Enerhiya, makakatulong ang pagsasalisik na ito upang mapababa ang pagdepende sa benepisyo ng mga fossil fuel. Magkakaroon ng maraming pagkukunan ng enerhiya na nagbibigay daan sa pag-unlad ng siyensya at sa mismong kagawaran na nagbibigay sa tao ng nararapat na kalidad na serbisyong pangenerhiya. Ang biogas ay may malaking potensyal na maaaring gamiting pamalit sa mga fossil fuel. Marami nang mga nagawang alternatibo sa paglikha ng kuryente, tulad na lamang ng enerhiya mula sa mga talon at maging sa mga enerhiyang solar-powered. At sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap ng iba pang pwedeng pagmulan ng kuryente. Lahat ng maaaring gawin at paraan ay dapat mahanap at mapag-aralan upang gumaan ang gastusin ng tao, at mabawasan na din ang mga suliranin ng sangkatauhan. Bilang mga inhinyero, na gumagawa ng mga bagong pamamaraan sa

pagpapabuti ng buhay at sistema ng tao, ay naisip ng mga mananaliksik na gamitin ang kemikal na methane mula sa mga septic tanks. Ang populasyon ay patuloy nang dumadami, ang pangangailangan ng enerhiya ay patuloy na ring lumalaki, na nagbubunga sa pagkaubos ng pagkukunan ng enerhiya. Nag-iisang solusyon na lamang upang maging pantay ang siklo ay ang paggamit sa ating mga dumi. Kasabay ng dami ng populasyon ang pagdami ng dumi na kanilang inililikha. Ang dumi ng tao ay sagana at laging nariyan basta mayroong tao. Ang mga dumi ay nakikitang wala nang silbi sa mga lugar na katulad ng condominium at iba pang gusali na hindi angkop pang-agrikultura, dahil pataba lamang ang isa sa nagiging kagamitan nito. (Sullivan, Agardy & Traub, 2001) Sa bawat lugar saan man sa mundo ay mayroong septic tanks, at ito ang nagsisilbing imbakan ng mga dumi ng tao. Ito ay importanteng parte sa isang bahay at kinakailangan na mayroon nito. Ngunit, ano nga ba ang isang septic tank? Ang septic tank ay isang estuktura sa ilalim ng lupa na tumatanggap ng mga dumi ng tao. Ang mga matitigas at buong dumi ay napupunta sa pinakailalim ng tangke at nagiging parang putik, habang ang basa ay lumulutang sa banda ibabaw at bumubuo ng isang lebel. Nararapat lamang na ito ay alagaan at panatilihin upang ito ay tumagal. Ito ay kailangan tingnan at bombahin kada dalawa o tatlong taon upang mapanitiling nasa ayos. Ang septic tanks ay lumilikha ng ibat ibang kemikal. Isa na dito ay ang methane gas. Marami itong gamit tulad ng paglilikha ng kuryente kapag natipon at sinunog sa gas turbine o sa pakuluan. Maaari din itong magamit sa pagluluto at pagpapainit. Ito ay madaling nasusunog at pwede ring sumabog kapag humalo sa ibang kemikal.

Sinabing ito rin ang naging sanhi ng pagpasabog na nangyari sa Glorietta 2 noong nakaraang Oktubre 18, 2007. (Sabate, 2011) Mainam lamang na kapag nageeksperimento sa kemikal na ito na maging maingat. Ang isang tao ay karaniwang nagdudumi ng isang beses sa isang araw. Sa isang gusaling may 500 na residente, maaaring sapat na ang ganitong dami upang makabuo ng kahit kakarampot na methane lamang. Ang ideyang ito ay nagsasabing maaaring makatulong ang tao sa kanilang problema sa pamamagitan lamang ng mga karaniwang gawain sa isang araw, na wala man lang kahirap-hirap, o hindi man lang pinagsikapan. Maaaring kaunti lamang ang makuhang methane pero sa matagal na panahon ay maaaring maging sapat na ito sa pagbigay ng elektrisidad. Hindi imposible na mapakinabangan ang kemikal na methane dahil sa mga eksperimento ng iba ay sinasabing maaari itong makapagsuplay ng elektrisidad ngunit sa limitadong lugar lamang. Noong Disyembre 18, 2007, mula sa Manila Standard Today, sinabing ang labing-apat na ektarya na Rodriguez dump, na patatakbuhin ng Montalban Methane Power Corp., ay makakapaggawa ng 15 hanggang 50 MW ng elektrisidad para sa humigit-kumulang 15,000 na tirahan sa susunod na sampung taon. At sa ibang pag-aaral ay sinabi ring naging matagumpay ang pagpapalit ng methane gas upang maging elektrisidad sa mga minahan sa ibang bansa. Sa pagsasama-sama ng mga konseptong ito ay maaari nang makita ang mga nakapaloob sa papel na ito. Naglalayong makapagbigay ng katiyakan ang papel na ito sa hangganan at lakas na kayang maibigay ng matitipong methane gas mula sa nasabing sistema ng septic tanks.

LAYUNIN NG PAG-AARAL  Malaman kung maaaring gamitin ang enerhiyang nakukuha sa methane gas sa mga condominium na gusali bilang alternatibong pagkukunan ng elektrisidad.  Palawakin at patunayang maaari itong mangyari, at kung hindi man, ay maibigay ang mga hangganan nito.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Sa sobrang dami ng mga problema ng ating bansa ngayon, gaya ng polusyon, kahirapan at corrupt na gobyerno, nararapat lamang na sa kahit na anong paraan, ang mga mamamayan ay tumulong sa paghahanap ng solusyon sa mga ito. Isang paraan na rin ng pagtulong sa isa sa mga problema ng ating bansa ay ang pagtitipid ng kuryente o kaya naman ay ang paghanap ng alternatibong pagkukunan ng elektrisidad. Marami nang mga bagay ang napagkukunan ng renewable na enerhiya tulad ng solar, wind, at pati na rin sa mga ocean waves. Ngunit, isang maaaring panggalingan ng enerhiya na hindi napapansin ay nandito na sa mga kamay natin: ang ating mga dumi. Hindi man ito maganda na tulad ng ibang pinagkukunan ng enerhiya, pwedeng ito na ang maging pinakamagandang solusyon sa kakulangan ng enerhiya. Mahalaga ang pagsasaliksik ng iba pang alternatibong pagkukunan ng elektrisidad dahil: Una, makatutulong ito sa ating ekonomiya dahil sa pagtitipid ng kuryente ng mga tao, malubhang mababawasan ang paggamit ng mga fossil fuel. Sa tulong ng enerhiyang nanggagaling sa methane gas na makukuha mula sa dumi ng tao,

mababawasan ang pagkonsumo ng kuryente na nanggagaling sa mga electric power plants. Ito ay magreresulta sa pagbaba ng demand ng kuryente at kaakibat nito ang pagbaba ng presyo ng singil ng kuryente. Maaari ding maging pagkakitaaan ito ng mga tao. Ikalawa, maaari itong maipatupad sa maraming lugar kapag napatunayang epektibo ito. Halimbawa na lamang ay ang paggamit ng dumi ng mga hayop sa mga manukan at babuyan upang mapagkunan ng methane gas na magagamit bilang alternatibong mapagkukunan ng elektrisidad. Isa pang halimbawa ay ang pampublikong lugar tulad ng mga pamilihan. Green living ang ipinapatupad ngayon ng mga ibat ibang kagawaran sa bansa. Dahil ito sa mauunlad na mga gusali, korporasyon at iba pang mga aspetong pangkomersyo, malaki ang naging ambag ng mga ito sa pagkasira ng kalikasan. Kapag naging matagumpay ang papel na ito, paniguradong maisasakatuparan ang paggamit ng enerhiya na galing sa methane gas. At ikatlo, pwede itong magbunga ng panibagong pag-aaral at mapagbuti pa ang layunin ng papel na ito. Kapag napatunayan na epektibo ang pagsasaliksik na ito, magsisilbi itong motibasyon sa mga eksperto upang mapaganda at mapalawak pa ang paksang ito. Ang langis na nakukuha sa lalawigan ng Palawan ay hindi pa sapat upang maging pamalit sa inaangkat na mga fuel. Ang pagsasaliksik na ito ay naglalayong magdagdag pa ng mga alternatibo o kaya namay pamalit sa mga fossil fuel. PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA KATAWAGANG GINAMIT

Upang lalong bigyang-linaw ang mga katawagan, ang mga sumusunod na termino ay binibigyang kahulugan sa saklaw ng konsepto at paggamit sa pananaliksik:

Anaerobic bacteria. Isang bacteria na hindi na nangangailangan ng oxygen upang mabuhay. Agricultural enterprise. Isang proyektong pang-agrikultura o gawaing pang negosyo na naghahangad ng benepisyo o kaunlaran. Automotive fuel. Fuel na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga motor vehicles gamit ang ibat ibang pinagkukunan ng enerhiya. Biogas. Isang organic gas na ginagamit bilang fuel na hango sa paghahalo ng carbon dioxide at methane sa pamamagitan ng prosesong fermentation mula sa mga organic. Central heating. Ang sistemang ito ay nagbibigay init sa loob ng interior ng buong gusali o sa ibang parte nito, mula sa isang lugar hanggang sa ibat ibang kwarto. Digester. Isang malaking lalagyan kung saan nagaganap ang chemical o biological reactions, at ginagamit ito sa maraming industriya. Fermentation. Isang prosesong kumukuha ng enerhiya mula sa oxidation ng mga organic compounds tulad ng carbohydrates. Fossil fuel. Nabubuo mula sa anaerobic decomposition ng mga bulok o inaagnas na na organism.

Gas pipeline systems. Itoayisangsistema tungkol sa mga tubo na dinadaluyan ng mga gas o hangin sa pagpapalitat lipat. Gas turbine. Isang rotary umiinog na makina na kumukuha ng enerhiya mula sa tulo ng combustion gas. Green Living. Isang klase ng pamumuhay kung saan ang isang indibidwal o komunidad ay umiiwas sa paggamit ng natural resources ng mundo para sa sariling benepisyo. Jumper. Ito ay isang uri ng conductor na kung saan ginagamit sa iligal na pagkuha ng kuryente. Landfill. Isang lugar kung saan iniimbak ang dumi sa pamamagitan ng paglibing nito sa lupa at ang pinaka-sinaunang pamamaraan ng waste treatment. Liquefaction. Isang proseso ng pandurog sa mga matitigas na bagay sa pamamagitan ng pag-alog at pagyanig. Livestock. Pastulan ng mga baka at tupa para sa pagbebenta at pagpaparami nito. Methane. Ito ay walang kulay at walang amoy na natural na gas na laganap sa kalikasan. Methane stoves. Ito ay isang eso na umaandar gamit ang enerhiya galing sa methane. Montalban Methane Power Corporation. Isang korporasyon sa Montalban, Rizal na gumagamit ng methane bilang pagkukunan ng kuryente.

Natural gas. isang gas na likas ng umiiral at hindi artipisyal na ginawa. Organic matter. Isang bagay na kung saan ay orihinal o likas na umiiral. Organic waste. Isang dumi na kung saan ay galing mismo sa tao at hayop. Hindi artipisyal na ginawa o nilikha. Renewable. Ito ay isang katangian ng isang bagay na maaaring pagkunan muli o kaya makuha muli. Ruminant digestion. Ito ay isang proseso ng pagtunaw ng pagkain ng mga mammal na kumakain ng mga halaman. Solid Waste Management. Ito ay proyekto ng Kagawaran ng Enerhiya sa Bansang Pilipinas na kung saan naglalayon sa pagsasama sama ng ibat ibang sector na mawala ng tuluyan ang mga basura Subsurface absorption system. Ito ay isang sistema na kung saan ang dumi ay mahihigop ng lawas ng lupa. Transitional fuel. Gasolinang pansamantalang gagamitin para sa mga planta na pagkukunan ng enerhiya. World Market. Ito ay ang pandaigdigang pamilihan na kung saan ang pagluwas at pag-angkat ng mga kalakal ay nagaganap.

You might also like