You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


MARAGONDON ANNEX
ALFONSO CAVITE

Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Sinulat na ulat sa GEED 10103


FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN

Ansay, Allyson Charisa


De Castro, Jesika Mae
Gamboa, Beverly
Pega, Erica
Rosano, Diana Mae
Tamayo, Meryll
Pangkat 3
BSA -1

Ipinasa kay:

MS. BABYLYN R. MERCADO

AGOSTO 16, 2019


LANGIS AT ENERHIYA

Langis

Noong 1859, si Edwin L. Drake, isang retiradong konduktor sa tren, gamit ang
isang lumang motor na pinatatakbo ng singaw, ay nakahukay ng isang balon na 22
metro ang lalim na kinaroroonan ng unang krudong langis na natuklasan malapit sa
Titusville, Pennsylvania, E.U.A. Dito na nagsimula ang panahon ng langis. Habang
natutuklasan ang langis sa maraming sulok ng daigdig, nagdudulot ito ng malalaking
epekto sa ekonomiya at pulitika. Ito’y naging de-kalidad na pinagmumulan ng artipisyal
na liwanag na pinakahihintay ng daigdig.

Isang uri ng malapot na likido ang langís na maaaring magmula sa ilalim ng lupa
o dagat, o mula sa mga halamang tulad ng niyog o ibang gulay. Maaring ito ay nasa
katayuang hidropobiko at lipopiliko. Maraming uri ang langis ayon sa gamit nitó. Ang
kilaláng uri na tinatawag na “petrólyo” ang pinakamahalagang uri ng langis na
komersiyal. Mula sa petrolyo ang langis na nagpapatakbo ng maraming makina na
gamit ng tao sa pang-araw-araw na gawain, katulad ng mga sasakyan, mga makina sa
industriya, at iba pa. Ang uri ng langis na ito ay inaangkat pa ng pamahalaan at mga
negosyante mula sa ibang bansa kung kaya nagiging dahilan ng paiba - ibang presyo.
May malaking deposito nito ang lupain sa Gitnang Silangan at kaya ito ang
pangunahing pinagkukunan ng yaman ng mga bansa sa bahaging iyon ng daigdig. Ito
rin ang pangunahing yaman ng Malaysia at Sabah kompara sa ibang bansang ASEAN.
Samantala, ang mga langis na kinatas mula sa mga halaman ay karaniwang gamit sa
paggawa ng maraming produkto na pangkalusugan at pangkosmetik.

Sa pagdating ng mga Portuges, Olandes, at Briton sa Kanlurang Asya ay marami


ang nagbago sa lipunan, kabuhayan, at pamumuhay ng mga tao sa Kanlurang Asya.
Isa rito ay ang pagpapatupad ng Sistema ng pagmimina at malawakang paghahanap
ng mineral at langis sa rehiyon. Simula noon ay tuluyan nang nagbago ang pamumuhay
ng mga tao sa Kanlurang Asya. Ang langis at petrolyo ang nagbunsod sa pagsulong at
pag-unlad ng Kanlurang Asya dahil ito ay sagana sa yamang mineral partikular na ang
langis at petrolyo. Ang Saudi Arabia ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa
buong daigdig. Ang mga bansa tulad ng Iran, Iraq, United Arab Emirates, Kuwait, at
Oman ay ang may malalaking bahagi ng produksiyon ng langis. Karamihan sa mga
bansa sa rehiyong ito ay may natural gas, tanso,bauxite,potash,zinc,magnesium,
phosphate at iba pa.

Organisasyon ng mga Bansang Nagluluwas ng Langis o Organization of


Petroleum Exporting Countries (OPEC) :

1. Alherya
2. Iran
3. Irak
4. Kuwait
5. Libya
6. Nigeria
7. Qatar
8. Arabyang Saudi
9. Ang Mga Pinag-isang Arabong Emirado
10. Beneswela
11. Pilipinas

Mga Uri ng Langis

1. Langis ng gulay

Mga halimbawa:

 vegetable oil, canola oil, soybean, corn, sunflower, safflower, peanut


2. Petrokemikang langis

Mga halimbawa:

 Petrochemical oils, kerosina, diesel fuel, gasolina, Solbents

3. Langis na kinatas mula sa mga halaman

Mga halimbawa:

 virgin coconut oil o langis ng niyog

Dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo langis at petrolyo

Ang mga bansang kabilang sa tinatawag na may “open markets” tulad ng


Singapore, Hong Kong, Australia, at iba pa ay agad ding nagpapalit ng presyo ng
kanilang mga produktong petrolyo batay sa pangkasalukuyang presyo ng petrolyo sa
pandaigdigang pamilihan. Halimbawa, sa US at Thailand, araw-araw ang pagpapalit ng
presyo ng petrolyo, samantalang sa HongKong at Singapore naman ay lingguhan ang
pagpapalit nito. Ang pangunahing dahilan ng ganitong gawain sa mga nabanggit na
“open markets” ay ang pagtataguyod ng “pricing transparency”, ng sa gayon ay nakikita
ng publiko na ang galaw ng presyo sa mga internasyonal na merkado, pataas man o
pababa, ay agad makikita sa mga lokal na merkado.

Enerhiya

Ang enerhiya ay nagmula sa salitang Griyego “energeia” - aktibidad o operasyon


at “energos” - akitbo o gumagana. Ang kahulugan nito sa pisika ay isang eskalar na
pisikal na dami na naglalarawan ng halaga ng gawa na maaaring gawin sa
pamamagitan ng puwersa. May ilang mga iba't ibang mga anyo ng enerhiya na kayang
magpaliwanag sa mga kilalang likas na pangyayari. Kabilang (ngunit hindi limitado) sa
mga anyo ng enerhiya ang enerhiyang kinetiko, potensiyal, init, grabitasyonal, tunog,
liwanag, nababanat, at elektromagnetiko. Kadalasang binibigyan ng pangalan ang uri
sa kaugnay na puwersa nito.

Ang kahulugan ng enerhiya sa tagalog ay lakas ng isang bagay o lakas ng isang


tao,elektrisidad. Sa Ating katawan, nagagamit natin ang ating enerhiya sa pang araw-
araw nating mga gawain. Upang hindi maubos ang enerhiya ng ating katawan,
magpahinga sa tamang oras huwag abusuhin ang sarili at kumain ng
masusustansiyang mga pagkain katulad ng prutas at gulay.

Meron din naman tayong tinatawag na yamang Enerhiya, ito ang ginagamit sa
pagpapatakbo ng mga makinarya ng mga industriya ngayon sa Pilipinas ay nakatuklas
narin ng enerhiyang hindi kumbensyonal o iyong enerhiyang mula sa likas na
kapaligiran. Katulad ng Enerhiyang mula sa tubig o Hydroelectric energy, Enerhiya mula
sa Hangin o Wind Energy, Enerhiya mula sa init ng araw o Solar Energy, Enerhiyang
Heotermal,o enerhiyang nagmumula sa init mula sa ilalim ng lupa,Ang mga lugar na
may bulkan ang mapagkukunan ng enerhiyang ito.

Mga Uri ng Enerhiya

Enerhiyang Hidroelektrisidad

 Ang hidroelektrika ay ang tawag sa kuryenteng nalilikha mula sa enerhiya


ng lakas ng tubig o gumagalaw na tubig, katulad ng tubig na bumubuhos
mula sa prinsa o dam at nagpapaikot sa turbinang nakaduop naman sa
isang dinamo.

Enerhiyang Dendrothermal

 Ang enerhiyang dendrothermal ay ang enerhiyang nagmula sa halaman,


pagbabago ng kahoy upang maging electrisidad, at enerhiyang likha sa
pamamagitan ng pagsunog ng kahoy.
Enerhiyang Heotermal

 Ang enerhiyang heotermal ay isang uri ng enerhiyang galing sa init, na


nakatago at nabubuo sa ilalim ng lupa. Ang enerhiya ng init ay ang
nagtatakda ng temperatura ng isang bagay. Ang enerhiyang heotermal ng
crust ng mundo ay galing sa orihinal na pagkakabuo ng planeta (20%), at
mula sa bulak na radyoaktibo ng mga bagay (80%). Ang pagkakaiba ng
temperatura ng karayagan (ibabaw) ng mundo at ng gitna nito, na
tinatawag na heotermal greydyent, ang siyang nagbibigay ng tuloy-tuloy
na init enerhiya sa uri ng init, mula sa gitna hanggang ibabaw ng mundo.

Enerhiyang Solar

 Ang enerhiyang solar (solar energy) ay ang pinaka-masagana at tiyak na


mapagkukunan ng enerhiya dito sa mundo. Ang solar power ay ang
pagkuha ng enerhiya mula sa araw at ginagamit upang lumikha ng
koryente.

Enerhiyang nukleyar

 Ang enerhiyang nukleyar ay galing sa paghihiwalay o paghahati ng mga


atomo ng uranyo sa isang proseso ng tinatawag na nukleyar fission. Sa
isang planta ng kuryente ang proseso ng fission ay ginagamit upang
makagawa ng init, ang init na ito ay gagamitin para makagawa ng mainit
na singaw para gamitin sa turbina para makagawa ng kuryente.

Kalagayan ng Enerhiya sa Bansa

Ang sektor ng enerhiya ay napakahalaga hindi lamang sa dami ng trabaho na


nalilikha nito, kundi dahil ang enerhiya ang nagpapatakbo ng maraming mga operasyon
sa iba ibang industriya at sektor sa buong mundo.
Patuloy din ang pagbibigay ng permiso at kontrata sa mga dayuhan at pribadong
korporasyon para sa pagkuha at paggamit ng mga mineral na karbon sa buong bansa.
Walang hakbang na ginawa ang gobyerno ni Aquino na imbestighan ang matinding
korapsyon na nagaganap sa operasyon na Malampaya Gas Project na pagmamay-ari
ng mga dayuhang korporasyon na Royal Dutch Shell at Chevron US.

Kailangan ng bansa ang isang "integrated approach," o pagtutulung-tulungan ng


ilang ahensiya ng pamahalaan bukod sa Departamento ng Enerhiya, upang epektibong
matugunan ang lumalalang problema ng enerhiya sa Pilipinas. Ang mga konkretong
hakbangin para sa pagtitiyak ng sapat na supply ng enerhiya sa ating bansa ay
nakasaad sa Renewable Energy Act (Republic Act 9513).

Epekto ng Patuloy ng Paggamit ng Enerhiya sa Bansa

Malaki rin ang epekto ng pagtaas ng gumagamit sa enerhiya sa ating kapaligiran.


Kapanalig, hindi naman nanggagaling sa mga nababagong enerhiya gaya ng araw o
tubig ang lahat ng ating kuryente. Ang totoo, ang bulko ng ating suplay ay mula sa uling
at langis, na minimina pa at naglilikha din ng mga kemikal na masama sa katawan ng
tao pati na rin sa ating kapaligiran. Ang mga kemikal na ito ay nagpapa-init ng mundo at
nagpapalala ng epekto ng pagbabago ng ating klima.

TERMINOLOHIYA:

Hidropobiko - Hinahalo sa tubig

Lipopiliko - Nahahalo sa ibang mga langis

Tagapagluwas - Paglalabas

Open Markets - Maihahalintulad sa malayang pamilihan o free trade

Pricing Transparency - Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga presyo sa pamilihan


Premium - Uri ng gasolina na nasa katayuang kulay pula. Iba pang katawagan: XCS,
Special, Regular, at Pula

Unleaded - Uri ng gasolina na nasa katayuang kulay berde. Tinatawag din itong Green
Oil

Kerosene/ Kerosina - Uri ng gasolina na nasa katayuang kulay puti. Karaniwang gamit
sa pagsisiga o pangsindi ng apoy

Diesel/ Krudo - Uri ng gasolina na nasa katayuang kulay dilaw na may halong berde

Fuel Pump/ Tank o Tangke ng gasolina - Pinagmumulan ng gasolina sa mga


gasolinahan upang maisalin sa sasakyan gamit ang fuel nozzle

Fuel Nozzle - Hoss kung saan dumadaloy ang gasolina papunta sa sasakyan

Enerhiyang Hideolektrisidad - enerhiyang galing sa tubig

Enerhiyang Dendrothermal - Enerhiya mula sa apoy

Enerhiyang Heotermal - Enerhiya mula sa ilalim ng lupa

Power - ura ng elektrikal na kagamitan

Watts - yunit ng elektrikal power

Elektrik kurrent - Daloy ng kargahan sa elektrikal na kagamitan

Amperyo - yunit ng elektrik kurrent

Electrika/ Enerhiya - halaga ng kuryenteng naku-konsumo

Kontador/Metro - Nagususkat ng halaga ng lakas ng elektrika

Boltahe - sukat bawat yunit ng kargahan

You might also like