You are on page 1of 4

PANIMULA

Ang ating bansa ay sagana sa mga likas na yaman.Isa na


rito ang yamang enerhiya. Mga halimbawa nito ay ang
Bangui Windmills Farm sa Bagui, Ilocos at ang Solar Farm sa
Catlagan, Batangas. Dahil sa mga yamang enerhiya na ito,
marami itong benepisyo na maaaring pakinabangan nang
mga mamayan. Pero ano nga ba ang yamang enerhiya? –
Ang yamang enerhiya ay ginagamit sa pagpapatakbo nang
makinarya sa industriya. Ang yamang enerhiya rin ay hindi
kumbensyonal dahil ito ay enerhiya na nagmula sa ating
mga likas na kapaligiran. Ang mga ito ay enerhiya mula sa
hangin (Wind Energy), enerhiya mula sa tubig (Hydroelectric
Energy), enerhiya mula sa init nang araw (Solar Energy) at
init mula sa ilalim nang lupa (Geothermal Energy).

Ang mga nabanggit ay mga halimbawa nang mga


pinagkukunang yamang enerhiya ng ating bansa. Ating
alamin ang mga ito at ano ang magandang maidudulot nang
mga ito.
KAHALAGAHAN
Ang ating bansa ay may
pinagkukunang yamang enerhiya. Una
na rito ang enerhiya mula sa hangin o
Wind Energy. Ano ba ito? – Ang
enerhiya mula sa hangin o Wind
Energy ay kadalasang ginagamitan ng turbine na nagpapa andar
nito pag may tumamang hangin. Sa pag ikot ng turbine ito ay
maglilikha ng enerhiya na magagamit sa lugar na nakakabit dito.
Ang magandang madudulot ay magiging kaunti na lamang ang
gastusin sa kuryente. Ito rin ay magiging ligtas sa ating kalikasan.
Ang halimbawa nito ay ang Bangui Windmill Farm sa Ilocos.
Pangalawa, ang enerhiya mula sa
tubig o Hydroelectric Energy. Ano
naman ito? – Ito ay ginagamit ito sa
mga ilog o may malakas na agos ng
tubig. Ang kahalagahan naman nito ay
kung paano magprodyus ng elektrisidad sa pamamagitan ng mga
turbine napinaiikot ng tubig. Ang halimbawa naman nito ay ang
talon nang Maria Cristina.
Pangatlo, ang enerhiya mula sa init
nang araw o Solar Energy. Ano naman
ito? – Ang enerhiya mula sa init nang
araw o Solar Energy ay ang uri ng
enerhiya na ginagamitan ng mga solar
panel. Ito rin ang sinasabing pinakamalinis na uri ng enerhiya.
Karaniwang ito ginagamit para sa paggawa nang kuryente,
pagkuha sa asin ng tubig , pagpainit at pagluluto. Dahil dito,
makakatipid sila sa pera. Ang halimbawa nito ay ang Solar Farm sa
Catlagan, Batangas.
Pang-apat, ang enerhiya mula sa ilalim
nang lupa o Geothermal Energy. Ano
ba ito? - Ang enerhiyang ito ay ang
mainit na bato na nasa ilalim ng lupa
ang tubig upang makagawa makabuo
ng singaw. Ang singaw ang nagsasanhi
ng drive turbines. Ang magandang maidudulot naman nito ay ang
pagkaunlad ng teknolohiya sa kasalukuyan at pampainit ng mga
tahanan. Ngunit ito ay nakakasanhi din ng pag init ng globo.

Ngayon, tayo ay nagkaroon ng kaalaman tungkol sa mga


enerhiyang nabanggit. Gayundin, ang mga magandang naidudulot
nito sa mga mamamayan. Ito din ang mga dahilan kung bakit ang
ating mga kagamitan natin sa kasalukuyan ay nagiging moderno
na upang mapadali ang ating pamumuhay.Malaki rin ang nai
aambag nito sa ating teknolohiya. Kung wala ang mga ito, hindi
uunlad sa kasalukuyan ang ating mga teknolohiya.
SULIRANIN
Kung may magandang naidudulot ang yamang enerhiya,
mayroon din itong katapat na suliranin o side effect na tinatawag.

Maraming mga isyu ang kakabit sa usapin ng enerhiya,


kabilang na dito ang supply at ang demand, presyo ng krudo at
maging ang iba’t – ibang pagsulong ng mga teknolohiya. Dagdag
problema din na din ang labis na pagkonsumo ng mga likas na
yaman ng daigdig. Walang sapat na disiplina upang maiwasan ang
mga pangyayaring ito.

You might also like