You are on page 1of 7

INDUSTRIYA NG

LANGIS AT ENERHIYA

Pangkat 4
KAHALAGAHAN NG INDUSTRIYA NG LANGIS AT ENERHIYA

Mahalaga ang langis at enerhiya sa tao at bansa sa pagkat ito ang tumutulong sa atin upang
gumaan at umunlad ang ating pamumuhay. Isa sa halimbawa ng yamang enerhiya ay ang elektrisidad.
Ito ay ginagamit natin sa halos pang araw-araw nating gawain gaya nalang sa paglalaba at pagluluto, ang
makabagong teknolohiya dala ng modernong lipunan ay walang silbi kung walang enerhiya o langis na
magpapaandar sa mga ito gayon din ang mga sasakyan na ginagamit natin sa transportasyon. Kapanalig,
malaki ang bahagi ng enerhiya sa kaunlaran kahit anong bayn. Ang sector ng enerhiya ay napakahalaga hindi
lamang sa dami ng trabaho na nalilikha nito, kundi dahil ang enerhiya ang nagpapatakbo ng maraming mga
operasyon sa iba ibang industriya at sector sa buong mundo. Ang enerhiya rin ang nagbibigay kuryente sa
ating tahanan, at langis para sa ating paroot’ parito.

KASAYSAYAN NG LANGIS

” Paano tayo nakakakuha ng langis? Saan ito nanggagaling?

Gaano na katagal itong ginagamit ng sangkatauhan? Sinasabi sa atin ng Bibliya na noong


mahigit na dalawang milenyo bago si Kristo, si Noe, bilang pagsunod sa mga instruksiyon ng Diyos, ay
gumawa ng isang napakalaking sasakyan na ginamitan ng alkitran—na maaaring sangkap ng petrolyo
—upang ito’y hindi pasukin ng tubig. (Genesis 6:14) Ang mga sangkap ng petrolyo ay ginamit ng mga
taga-Babilonya para sa kanilang mga ladrilyong pinatuyo sa pugon, ng mga Ehipsiyo sa pag-
eembalsamo, at ng iba pang mga tao noon para sa panggagamot.

Sino nga ba ang makaiisip na ang produktong ito ay magiging ganito kahalaga sa ating daigdig sa
ngayon?

Walang sinuman ang makatatanggi na nakadepende sa petrolyo ang industriya ng


modernong sibilisasyon. Ang paggamit ng langis mula sa petrolyo para sa artipisyal na mga ilawan ay
naging tulay upang mapabantog ang langis. Sing-aga noong ika-15 siglo, ang langis mula sa
mabababaw na balon ay ginamit sa mga ilawan sa Baku, ngayo’y kabisera ng Azerbaijan. Noong
1650, nahukay sa Romania ang mababaw na mga deposito ng langis, kung saan ang langis, bilang
gaas, ay ginamit sa mga ilawan. Pagsapit ng kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ang bansang ito at iba pa
sa Silangang Europa ay nagkaroon na ng isang maunlad na industriya ng langis. Sa Estados Unidos,
pangunahin nang dahil sa paghahanap ng isang de-kalidad na pang-ilaw noong ika-19 na siglo kung
kaya itinuon ng isang grupo ng mga lalaki ang kanilang pagsisikap na makakuha ng langis. Tama ang
mga lalaking iyon sa pagsasabi na upang makapaglaan ng sapat na gaas na isusuplay sa pamilihan,
dapat silang humukay ng langis. Kaya noong 1859, matagumpay na nakahukay ng langis sa
Pennsylvania. Nagsimula na ang pagkahumaling sa langis. Ano ang sumunod na nangyari?

Ang salitang “Petrolyo” ay galing sa wikang Latin at nangangahulugang “batong langis.” Karaniwan nang
ginagamit ito upang alamin ang pagkakaiba ng dalawang halos magkaparehong sangkap—ang likas na gas, na
kilala rin bilang methane, at ang langis. Kung minsan, ang mga sangkap na ito ay parehong tumatagas sa
ibabaw mula sa mga bitak ng lupa. Kung tungkol sa langis, ito’y maaaring likido o nasa anyong aspalto, pitch
(matigas na alkitran),

Napaisip na rin ba kayo kung anong pinagkaiba ng PETROLYO at LANGIS. Ano nga ba?

Bagaman karaniwan nang nanggagaling sa tinatawag na mga balon ng langis, ang langis ay sa katunayan,
petrolyo, o krudong langis, na lumalabas mula sa ilalim ng lupa. Ang petrolyo ay binibigyang-kahulugan bilang
“isang malapot, madaling magsiklab, madilaw o maitim na pinaghalong gas, likido, at solidong mga
hydrocarbon na likas na masusumpungan sa ilalim ng lupa.” Ito’y “maaaring pagbaha-bahaginin tungo sa iba’t
ibang sangkap lakip na ang likas na gas, gasolina, naphtha, gaas, mga langis na panggatong at panggrasa,
parapina, at aspalto at ginagamit bilang likas na materyales para sa iba’t ibang produktong sangkap na may
kakayahang magpatakbo ng isang sasakyang pang-transportasyon.

KAHALAGAHAN NG LANGIS

Kung Paano Ito Nakaaapekto sa Iyo NAPAG-ISIP-ISIP mo na ba kung ano ang magiging buhay ng
marami kung walang petrolyo at mga produkto nito?

Ang langis mula sa petrolyo ay ginagamit na panggrasa sa mga sasakyang de-motor,


bisikleta, stroller, at iba pang bagay na may gumagalaw na mga parte. Binabawasan ng langis ang
pagkikiskisan ng mga parte ng makina, upang hindi agad masira ang mga ito. Pero hindi lamang iyan.
Ito ay ginagamit ding gatong sa mga eroplano, kotse, at mga sistema ng pang-init. Maraming
kosmetiko, pintura, tinta, gamot, abono, at mga plastik at napakarami pang ibang bagay ang
nagtataglay ng mga produktong petrolyo. Ang pang-araw-araw na buhay para sa marami ay magiging
ibang-iba kung walang langis. Hindi nga kataka-takang sabihin ng isang reperensiya na ang petrolyo
at ang mga sangkap nito ay may “mas maraming gamit kaysa marahil sa alinmang iba pang sangkap
sa daigdig.

IBAT’ IBANG URI NG ENERHIYA

Ano nga ba ang Enerhiya?

Tumutukoy sa lakas na ginagamit upang mapagana o mapaandar ang ibat’ibang kagamitan. Ito ay isa
rin sa nag-aambag ng suplay ng kuryente upang mapagana ang makinarya sa paglikha ng mga produkto at
pagpapatakbo ng mga sasakyang pangtransportasyon.

HYDROPOWER (Enerhiyang mula sa Tubig)

Ito ay enerhiyang nagmumula sa yamang tubig. Ang pinaka karaniwang uri ng Hydroelectric power
plant ay gumagamit ng isang dam sa isang ilog upang mag-imbak ng tubig sa isang imbakan. Kung
paano magprodyus ng elektrisidad ay sa pamamagitan ng mga Turbine na pinapaikot ng tubig.

Hal: Talon ng Maria Cristina sa Iligan City


Angat Dam sa Norzagaraya, Bulacan na pinagkukunan ng inom sa Metro Manila

SOLAR (Enerhiyang mula sa init ng araw)

Ito ay enerhiyang nagmumula sa init ng araw, ginagamitan ng solar panel. Ang solar power ay ang
pagkuha ng enerhiya mula sa araw at ginagamit upang lumikha ng kuryente.

Hal: Philippine Solar Farm Leyte Inc. sa Ormoc City

GEOTHERMAL (Enerhiyang Heotermal)

Enerhiya na nakatago at nabubuo sa ilalim ng lupa. Kadalasan sa mga lugar sa may bulkan ay
mapagkukuunan ng enerhiyang ito. Ang enerhiyang heotermal mula sa mga maiinit na bukal ay
ginagamit na panligo noong panahong Paleolitiko, at bilang pampainit ng mga kwarto simula pa
noong panahon ng mga Romano, ngunit sa kasalakuyan ay ginagamit ito sa pagbuo ng kuryente, pero
may iilan pa na gumagamit nito sa panligo o yung tinatawag na “hot spring”

Hal: Tiwi Geothermal Field sa Albay


WIND (Enerhiyang mula sa Hangin)

Ito ay enerhiyang nagmula sa hangin at nililinang sa pamamagitan ng windmill ang windmill ang
nagsisilbingg turbine na nagpapaandar nito kapag may hangin na tumatama, sa pagikot nito ay may
nalilikhang enerhiya na magagamit sa lugar kung saan ito natayo. Ang wind energy sa Pilipinas ay
binubuo lamang ng maliit na poryento ng kabuuang awtput ng enerhiya ng Pilipininas.

Hal: Bangui Wind Farm sa Ilocos Norte

NUCLEAR

Ang enerhiyang nukleyar ay galing sa paghihiwalay o paghahati ng mga atomo ng uranyo sa isang
proseso ng tinatawag na nukleyar fission. Sa isang planta ng kuryente ang proseso ng fission ay
ginagamit upang makagawa ng init, ang init na ito ay gagamitin para makagawa ng mainit na singaw
para gamitin sa turbina para makagawa ng kuryente.

Hal: Fukushima sa Japan

NATURAL GAS ( Enerhiya ng Langis)

Ang natural gas ay galing sa nabubulok na mga halaman at hayop, pati sa mga plankton. Ayon sa
teoriyang ito, sa loob ng napakahabang panahon, nagiging fossil fuel—coal, gas, at petrolyo—ang
organikong basura kapag nahalo sa mikrobyo. Nangyayari ito dahil sa pressure mula sa naiipong
putik sa ibabaw nito at init sa ilalim ng lupa.

Anong uri ng Enerhiya ang pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas?

Ang Pilipinas ay umaasa sa langis bilang pangunahing panustos ng enerhiya. Ang enerhiya na
kadalasan na ginagamit sa Pilipinas ay nanggagaling sa langis, tubig, hangin at lupa. Ngunit ang langis ang
karaniwang pinagkukunan nito ay nakakaapekto sa paglilingkod ng elektrisidad. Dahil dito gumugugol ng
malaki ang pamahalaan sa pagpapaayos o pagpapagawa ng mga planta ng elektrisidad. Umaasa ang
pamahalaan sa patuloy na pagtitipid. Kaya nagkaroon ng isang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya. Isa
na dito ang Solar at Enerhiya mula sa Hangin na patuloy pa ring nililinang. Na hangga't may araw, ang
kanyang enerhiya ay renewable. Pangalawa, tulad ng hangin ito ay hindi magbigay ng kontribusyon sa
polusyon. Ang enerhiya mula sa init ng araw ay isang napaka praktikal na uri ng enerhiya para sa ilaw at
pagpainit.

Ano ang kalagayan ng Industriya ng Langis at Enerhiya sa Pilipinas?

Kalagayan sa enerhiya na ginagamit sa bansa ay mula sa langis na iniimport. Ngunit kung tutuusin, may
potensyal ang bansa para makapag-prodyus ng enerhiya na kinakailangan natin upang makapagpatakbo ng
industriya, sakahan at residensyal na konsumo.Mayaman ang Pilipinas sa pagkukuhaan ng enerhiya, pero
dahil sa neoliberal na polisya ng pribatisasyon, malaki ang potensyal na ito ay hindi nalilinang o kaya naman
ay ipinapaubaya muli sa pribadong sektor at dayuhang imbestor.
Saan nga ba nagmumula ang Langis at Enerhiya na ginagamit natin?

Sa Pilipinas, apat na kumpanya lamang ang may kontrol sa 83% ng lokal na merkado ng langis. Tatlo sa mga
ito ang kontrolado ng mga dambuhalang transnational corporations (TNCs) Ang Pilipinas Shell na kontrolado
ng Royal Dutcj Shell (Uk/Netherlands), Chevron na hawak Chevron Texaco (US), at Total Philippines ay
kontrolado ng Total (France). Ang Petron na pinakamaking kumpanya ng langis sa bansa ay dating kontrolado
ng pamahalaan. Noong 1994 bahagya itong isinapribado ng bilhin ng Saudi Aramco, pinakamalaking
kumpanya ng langis sa buong mundo, ang 40% shares nito. Sa kasalukuyan, 68% ng Petron ay pag-aari ng San
Miguel Corp. Habang kontrolado ng iilan ang presyo, at deregularido ang industriya ng langis sa bansa, madali
para sa mga kumpanya ang idikta ang nais nilang presyo.

Saan kumukuha o Umaangkat ng Langis ang Pilipinas?

Pinaka malaki sa daigdig ang reserbang langis ay nasa Saudi Arabia. Dahil sa wala ng sapat na imbak
ng langis, ang Pilipinas, kaya kailangang mag-angkat nito. Kung kaya, depende sa presyuhan sa pandaigdigang
merkado, apektado ang ekonomiya ng Pilipinas. Dahil sa

GAMPANIN SA LIPUNAN NG LANGIS AT ENERHIYA

Mahalaga ang yamang enerhiya sa ating mundo. Naging bahagi ito ng pangangailangan ng isang
bansa. Maaari itong makapabuti at makasagip ng buhay. Sa iba't ibang bansa, ang maaasahang enerhiya ay
sumusuporta sa pinalawak na industriya, modernong agrikultura, mas mataas na kalakalan at pinahusay na
transportasyon. Sa kasalukuyan, ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya na ginagamit ng mga tao ay ang
mga gatong, tulad ng karbon, langis, natural gas, uranium, at biomass. Ang lahat ng mga fuels ay na rerenew
maliban sa biomass na hindi nanarenew.

GAMPANIN SA WIKA NG INDUSTRIYA NG LANGIS AT ENERHIYA

Dahil sa ang bansang Pilipinas ay nakadepende sa pag-angkat ng langis sa ibang bansa dahil dito ang
komersyo sa industriya ng langis at enerhiya ng langis ay makabanyaga.

GAMPANIN SA KULTURA NG INDUSTRIYA NG LANGIS AT ENERHIYA

Ang bansang Pilipinas ay kulang sa suplay ng langis at enerhiya tila ba naging kultura ng mga Pilipino
ang pagtitipid sa suplay nito. Naging kaisipan na rin nating mga Pilipino na mahirap ang Pilipinaspagdating sa
aspekto ng industriyanng ito.

Saan galing ang kuryente mo?

Generation Trasmission Distribution


San Miguel Corporation (20%) (E. Conjuanco Jr.)
First Gen Corporation (17%)
(Lopezes)Aboitiz (15%)

Distribution
Meralco (Mv Pangilinan)
Aboitiz (distribution utilities in Visayas and Mindanao)
MGA BANSANG NANGUNGUNA SA PRODUKSYON NG LANGIS
SAUDI ARABIA
Ang Saudi Arabia ay nangunguna sa may pinakamalaki na nagproprodyus at nageexport ng langis sa
buong mundo.
12.3 Milyon Barrels
6,390.400 Barrels
Saudi Arabian Oil Company
China Japan, India
Petroleum at Natural Gas

RUSSIA
Noong 2017 pumapangatlo ang Russia sa pinakamalaking tagapaglabas ng Petrolyo.
10,727.370 Barrel
5,069.163
Rosneft
Natural gas, Petroleum at Coal

UNITED STATES
Ang Estados Unidos ay pumapangalawa sa nagproprodyus ng langis
11 million
7.44 million barrels
Natural gas, Petroleum at Coal

You might also like