You are on page 1of 27

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Sa halos mahigit tatlumpung taong pananahimik, may ilang pulitiko ang

nagnanais na muling buhayin ang usapin tungkol sa muling pagbubukas ng BATAAN

NUCLEAR POWER PLANT (BNPP) sa paniniwalang makatutulong ito nang malaki

upang maibsan ang krisis sa kuryente sa ating bansa. Bukod pa sa magiging mas mura

ang kuryenteng babayaran ng sambayanang Pilipino, posible pang malabanan ang global

warming na dulot ng paggamit ng langis.

Tulad ngayong tayo ay dumaraan sa matinding krisis sa enerhiya. Isang

epektibong instrumento ang nuclear plant. Isipin na lamang na sa Mindanao, halimbawa,

ipinatutupad hanggang ngayon ang rotational brownout dahil sa kakulangan ng

elektrisidad. Sa mga lugar na sinalanta ng malagim na kalamidad tulad ng naganap sa

Visayas nang manalasa ang super bagyo na si Yolanda angkop na angkop ang nabanggit

na planta.

Mula sa mga pangyayaring ito, nakikita natin ang halaga sa paggamit ng nuclear

power plant sa bansa. Halimbawa sa bansang Japan at maging sa iba pang bansa sa

daigdig, matagal nang napatunayan ang kahalagahan ng mga nuclear plant sa

pagpapaangat ng mga ekonomiya. Napagkukunan ito ng kuryente na nagpapakilos sa


2

mga pabrika at iba pang negosyo. Maging sa agrikultura, ang naturang planta ay

nagpapataas ng ani upang tayo ay magkaroon ng sapat na produksyon (Lagmay, 2014).

Subalit, may dalang panganib ang pagbubukas ng nuclear power plant. Isa na rito,

ang pagkalat ng radiation na magbubunga ng ibat ibang karamdaman tulad ng kanser,

leukemia, at iba pa, sanhi ng toxic materials na ginagamit sa nuclear power plant. Bukod

pa sa mga aksidenteng dulot ng pagkakamali ng tao.

Sa kabila ng panganib iginiit pa rin ni Philippine Nuclear Research Institute

Director Alumanda dela Rosa (Tulipat, 2012) na malaki ang maitutulong sa bansa ang

Nuclear Power Plant, kasunod ng napipintong krisis sa kuryente sa Mindanao at iba pang

panig ng bansa.

Dagdag pa ni dela Rosa, sa kabila ng nangyari sa Fukushima Japan kung saan

nagkaroon ng problema ang kanilang Nuclear Plant, marami pa ring mga bansa ang

nagsusulong ng ganitong pagkukunan ng kuryente. Inihalimbawa nito ang bansang

Vietnam kung saan dalawang Nuclear Power Plant ang kanilang ipinapagawa sa ngayon.

Sinasabing sa ganitong pamamaraan ay tiyak na bababa ang presyo ng kuryente sa bansa

at malaking ginhawa ang maitutulong sa maraming Pilipino.

Gayunman, mas naniniwala si dela Rosa sa pagtatayo na lamang ng panibagong

planta sa halip na isailalim sa rehabilitasyon ang Bataan Nuclear Power Plant kung saan

malaki ang maaring magastos kaya mas mainam kung magtatayo na lang ng bago.

May mungkahi pa ang opisyal, may 12 lugar sa bansa na maaaring pagtayuan ng

mga Nuclear Power Plant.


3

Dahil sa mga usaping ito, kaya nagpasya ang mga mananaliksik na alamin at

suriin ang mga adbentahe at disadbentahe ng paggamit ng nuclear power plant.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa

adbentahe at disadbentahe ng pagbubukas at paggamit ng nuclear power plant sa mga

mamamayan sa piling bayan ng Bataan at naglalayong matugunan ang mga sumusunod

na tanong:

1. Ano ang mga dahilan sa pagbubuksan ng Nuclear Power Plant sa Morong,

Bataan?
2. Anu-ano ang adbentahe ng muling pagbubukas ng nukleyar?
3. Anu-ano naman ang disadbentahe ng muling pagbubukas nito?
4. Sa paanong paraan makatutulong ang nuclear power plant sa krisis ng

enerhiya?
5. Anu-ano ang posibleng mabuting epekto ng pagbubukas ng nuclear power

plant?
6. Anu-ano ang posibleng masamang epekto ng paggamit ng nuclear power

plant?
7. May ginagawa bang hakbang ang pamahalaan upang pag-aralan ang muling

pagbubukas ng BNPP?
8. Sapat ba ang mga hakbang na ito upang masusing pag-aralan ang muling

pagbubukas ng BNPP?
9. Ano ang mga marapat gawin ng pamahalaan upang mapag-aralan ang

posibleng epekto ng nukleyar?


10. Paanong ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mapag-aralan ang

posibleng epekto ng nuclear power plant?

Kahalagahan ng Pag-aaral
4

Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Maari

itong maging batayan ng kaalaman ng mga mamamayan kung marapat na gumamit at

muling buksan ang nuclear power plant sa bayan ng Bataan.

Malaki ang maitutulong nito, hindi lamang sa mga mamamayan kundi maging sa

mga nasa kapangyarihan upang mabalanseng mabuti ang mga adbentahe at disadbentahe

ng pagbubukas at paggamit ng nuclear power plant.

Gamit ang pananaliksik na ito, maari rin malaman ang mabuti at masamang

epekto ng nuclear power plant sa mga tao at sa kapaligiran. Maging ang posibleng

solusyon sa suliraning ito.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri hinggil sa adbentahe at

disadbentahe ng pagbubukas at ng nuclear power plant. Saklaw nito ang mga

mamamayan sa piling bayan ng Bataan.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mamamayan sa piling bayan ng Bataan.

Umaasa ang mga mananaliksik na maisasagawa ito sa takdang panahon na hindi

nawawala ang importansya ng pag-aaral. Ang Adbentahe at Disadbentahe ng

Pagbubukas at Paggamit ng Nuclear Power Plant sa Bataan ay magiging pakinabang

hindi lamang sa larangan ng pag-aaral na ito kundi maging sa pansarili nilang

pamumuhay.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


5

Upang maging mas madali ang pag-unawa at pag-intindi ng mga mambabasa

minarapat naming bigyang-depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa

paggamit sa pamanahong-papel na ito.

Ang Nuclear Power Plant ay galing sa paghihiwalay o paghahati ng

mga atomo ng uranyo sa isang proseso ng tinatawag na nukleyar fission. Sa isang planta

ng kuryente ang proseso ng fission ay ginagamit upang makagawa ng init, ang init na ito

ay gagamitin para makagawa ng mainit na singaw para gamitin sa turbina para makagawa

ng kuryente. Ang enerhiyang nukleyar kasulukyang nagbibigay ng halos labing lima (15)

porsyento ng kuryente sa buong mundo.

Ang radioactive na materyales ay binubuo ng mga atom na hindi matatag. Ang

isang unstable atom ay nagpapakawala ng sobra nitong enerhiya hanggang sa maging

stable ito.

Ang radiation ay nahahati sa dalawa may nakukuha sa outer space o labas ng

planeta ay tinatawag na cosmic radiation o cosmic rays. Mayroon ding manmade

radiation, gaya ng X-rays, radiation na ginagamit sa pag-diagnose ng malalang sakit gaya

ng cancer at iba pa.

Ang nuclear waste ay waste material na mapanganib sa kalusugan at kapaligiran.

Ang pangunahing dulot nito ay kanser, mga di-normal na depekto sa mga sanggol kahit

na ibaon pa sa lupa at ilang daang taon pa ang lumipas.


6

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang Plantang Nukleyar sa Bataan ay sinimulang itayo noong 1976 at nakumpleto

noong 1984. Ito ay ginawa upang matugunan ang kakulangan sa enerhiya at suplay ng

kuryente noong dekada 70 sa ilalim ng pamunuang Marcos. Ang pagpapatayo ng planta


7

ay nagkahalagang 2.3 bilyong dolyares. Ito ay matatagpuan sa Bataan, mga kilometrong

layo sa Maynila. Ito ay dinisenyo upang magtustos ng mahigit 600 megawatt ng

kuryente, subalit hindi nagamit ang plantang ito ni minsan, dahil sa ibat ibang mga

kadahilanan. Nakumpleto ng pamahalaan noong Abril 2007 ang pagbabayad sa utang ng

bansa sa pagpapatayo ng planta. Ang pagbabayad ng utang, na may kasamang interes at

implasyon (inflation), ay natapos mahigit 30 taon matapos sinimulan ang pagpapatayo

ng planta. Ang plantang ito marahil ang naging pinakamalaking pinagkagastusan ng

pamahalaan na napunta sa wala ( fil.wikipilipinas.org//Bataan_Nuclear_Power_Plant ).

Sa kasalukuyan muling naging seryoso ang gobyerno na muling pag-aralan ang

pagbubukas ng Bataan Nuclaer Power Plant (BNPP) upang matugunan ang

pangangailangan ng bansa sa enerhiya.

Ayon kay dating kalihim Angelo Reyes (Department of Energy), isang grupo

mula sa International Atomic Energy Agency ang nag-inspeksyon sa planta at ayon sa

grupo kailangan itong muling i-rehabilitasyon kahit mga limang taon at nagkakahalaga

ito ng 800 milyong dolyar (Burgonio, 2008).

Dagdag ni Reyes, kung magtatayong muling ng bagong planta gugugol naman ito

ng labinlimang taon.

Kaya noong Hulyo, 2008 minadali sa Kongreso ang pagdinig sa House Bill 4631

na isinumite ni Rep. Mark Cojuangco, anak ni Eduardo Danding Cojuangco. Nilalayon

nitong isaayos, ikomisyon at komersyal na buksan ang Bataan Nuclear Power Plant o

BNPP. Ito ang mismong BNPP na ipinatayo sa Morong, Bataan dalawamput limang

(25) taon na ang nakalilipas. Ang mismong planta na tadtad ng mga depekto,
8

testimonya sa kurapsyon at anomalya ng rehimeng Marcos at naipasara ng taong 1986

dahil sa napakalakas na pagtutol ng mamamayan. Ang panukala ay naglalayong buksan

at simulan ang komersyal na operasyon ng planta sa taong 2012.

Ang nasabing bill, na agad na naipasa sa House Committee on Energy na

pinamumunuan ni Rep. Mikey Arroyo (Lakas, Pampanga at anak ni Gloria Macapagal-

Arroyo) ay isang consolidated bill ng apat (4) na House Bills at House Resolutions na

isinumite sa Kongreso na may magkakakaparehong layunin - House Bills 4631 and 1039

ni Rep. Marcos (Mark) Cojuangco (NPC, Pangasinan) at Rep. Jose Solis (Kampi,

Sorsogon) at House Resolutions 257 and 250, na isinumite ni Reps. Herminia Roman

(Lakas, Bataan) at Roger Mercado (Kampi, Southern Leyte).

Dapat tutulan ang buong laman at esensya ng HB 4631, ang muling pagbuhay sa

BNPP. Gayunman, may mga partikular na nilalaman pa ang panukala na kwestyonable at

maaari pa ring puntahan para lalong bigyan ng batayan ang pagbasura dito. Una, hindi

nito tinutugunan ang mahigpit na pangangailangan ng pagsasagawa ng feasibility study

para sagutin ang tanong kung ligtas ba o hindi na buksan ang planta at hindi rin nito

kinikilala ang mga nauna nang mga pag-aaral na nagsasabing hindi ligtas ang planta;

pangalawa, may probisyon ito na 10 years exemption from the requirement of

nationality Ibig sabihin, maaaring ipaubaya ng buo ang rehabilitasyon at operasyon ng

BNPP sa isang dayuhang kumpanya. Nilalabag nito ang probisyon sa Konstitusyon na

hindi nagpapahintulot sa 100% pag-aari sa mga kalupaan, negosyo at mga istratehikong

pang-ekonomikong aktibidad sa bansa; at pangatlo, ang Section 22 ng nasabing panukala

ay hinggil sa nuclear tax na kailangang singilin para sa pagmamantini ng planta. Ito

ay 10 sentimong surcharge na ipapataw sa mga kumukunsumo ng kuryente, sa madaling


9

sabi, sa mamamayan. Sa aktwal, mangangahulugan ito ng dagdag na P30 sa bayarin sa

kuryente ng isang average Filipino household na may regular na konsumong 300 kwh

kada buwan.

Bukod pa rito, kitang-kita ang mga panganib na dulot sa publiko ng BNPP kaya

hindi dapat ipagwalambahala lalot lumipas na ang mahigit 25 taon mula nang itayo ito.

Ang ilang posibleng panganib ay: (1) Nananatiling bulnerable ito sa mga lindol at

pagyanig maging pagputok ng bulkan dahil sa lokasyon nito, (2) Nasa paanan ito sa Mt.

Natib, isang namamahingang bulkan kagaya ng Mt. Pinatubo, na siyang bumubuo sa

buong hilagang Bataan Peninsula , (3) Napakalapit nito sa Manila Trench-Luzon Trough

tectonic structure, (4) Sa kasaysayan, nagkaroon na ng mga napakalalakas (high

magnitude) na lindol sa loob ng daang kilometrong sakop nito. Noong 1970, isang lindol

ang naganap, (5) Nasa paanan ito sa Mt. Natib, isang namamahingang bulkan kagaya ng

Mt. Pinatubo, na siyang bumubuo sa buong hilagang Bataan Peninsula, (6) Napakalapit

nito sa Manila Trench-Luzon Trough tectonic structure, (7) Sa kasaysayan, nagkaroon na

ng mga napakalalakas (high magnitude) na lindol sa loob ng daang kilometrong sakop

nito. Noong 1970, isang lindol ang naganap sa loob ng 1-2 kilometrong radius mula sa

BNPP. Ang paggalaw na naganap ay maaaring sa kadahilanan ng mga faultlines sa lugar

o magma, (8) Sinasabi ng Satellite ng daigdig na posibleng mayroong faultline sa ilalim

ng mismong kinatatayuan nito, at (9) Dokumentado ang pagkakaroon ng aktibong

faultlines sa karatig na Subic Bay. Kada 2,000 taon ang paggalaw nito. Naidokumento

ang huling paggalaw nito 3,000 taon ang nakararaan.


10

Kaya naman, maaaring magbunga ng pang-istrukturang pagkasira sa planta ang

malakas na lindol at presensya ng mga faultlines sa ilalim nito, at sa pinakagrabe, ang

pagbuga ng mga radioactive na materyal (http://nfbmnet.multiply.com).

Mula sa panayam kay G. Tristan Ralf Pacheco, bagamat mapupunan ng

pagbubukas ng planta ang kakulangan sa elektrisidad ng bansa marami pa ring

disadbentahe kung matutuloy ang pagbubukas at paggamit nito. Dahil matagal na hindi

ito gumana at nagbabanta ang maraming panganib tulad ng pagkalason ng mga lamang-

dagat na malapit sa planta. Gayundin sa mga mamamayan ng Bataan dahil may dala ito

radioactive rays. Sa paniniwala ni G. Pacheco, hindi na kailangang buksan ang Nuclear

Power Plant dahil sa mga bantang kaakibat ng paggamit nito.

Sa isang case study na isinagawa ni Kumar, mula nang itayo ang plantang

nukleyar sa India sa panahon ng pamumuno ni Gandhi. Nagkaroon din ng mga ilang

protesta laban sa gobyerno. Bagamat iniisip ng kanilang pamahalaan ang

pangangailangan sa kuryente ng mga mamamayan marapat na isipin din ang kaligtasan

ng mga ito.

Kaya nagsagawa ang pamahalaan ng mga kampanya at mga programang

pampubliko upang bigyang kabatiran at mga safety measures ang mga tao hinggil sa

planta (Namex International Journal of Management Research 2:2012).

Hindi ito nalalayo sa sitwasyon sa Pilipinas. Nagsagawa rin mga protesta laban sa

pamahalaan simula nang buhayin ang muling pagbubukas ng BNPP.


11

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


12

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa paraang deskriptib-analitik. Tinangkang

ilarawan at suriin ang adbentahe at disadbentahe ng paggamit ng nuclear power plant .

Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mamamayan sa

piling bayan ng Bataan na unang maaapektuhan sakaling muling buksan ang planta.

Nagpasya ang mga mananaliksik na limampung (50) mamamayan lamang ang bibigyan

at sasagot sa sarbey-kwestyoneyr upang makakuha ng angkop na datos hinggil sa

adbentahe at disadbentahe ng pagbubukas at paggamit ng nuclear power plant.

Pansinin ang kasunod na talahanayan.

Talahanayan I

Distribusyon ng mga Respondente sa Piling Bayan ng Bataan

Respondente Bilang ng mga Respondente


Abucay 7
Balanga 22
Dinalupihan 1
Hermosa 1
Limay 8
Mariveles 1
Pilar 6
Orani 1
Orion 3
Kabuuang Bilang 50

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sa piling bayan ng Bataan

sapagkat sila ang pinakamadaling makatutugon sa mga pangangailangan sa pamanahong-

papel na ito. Bukod pa rito, sa bayan ito nakatayo ang nuclear power plant.
13

Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng

mga datos upang masuri ang adbentahe at disadbentahe ng pagbubukas at paggamit ng

nuclear power plant.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon mula sa ibat ibang hanguan

tulad ng mga artikulo, tisis at internet.

Bukod pa sa nabanggit, nag-interbyu rin ang mga mananaliksik ng isang

dalubguro hinggil sa adbentahe at disadbentahe ng pagbubukas at paggamit ng nuclear

power plant.

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi

naman pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang

ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa paggamit ng

matataas at mahihirap na istatistikal na metodo. Kaya gumamit lamang ang mga

mananaliksik ng simpleng pagtatally at pagkuha lamang ng porsyento.Dahil limampu

(50) lamang ang mga respondente na ginamit , naging madali sa mga mananaliksik ang

pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas sa

porsyento nito.
14

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon.

Inalam ang distribusyon ng mga respondent ayon sa kasarian.

Labinlimang porsyento (15%) sa kanila ay mga babae, samantalang tatlumput

limang porsyento (35%) ay mga lalaki.

Pansinin ang kasunod na grap.


15

Apatnaput apat na porsyento (44%) sa mga respondente ay mula sa lungsod ng

Balanga. Ang walong porsyento (8%) na respondente ay mula sa Limay. Samantala,

pitong porsyento (7%) ay sa bayan ng Abucay. Ang anim na porsyento (6%) ay sa Pilar at

tatlong porsyento (3%) ay sa Orion. Tig-iisang porsyento (1%) naman ay bayan ng

Mariveles, Orani, Hermosa at Dinalupihan.

Grap 2

Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Piling bayan ng Bataan


16

Hinggil sa kung naniniwala ang mga respondente na kailangang buksan ang

Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), tatlumput dalawang porsyento (32%) ang

nagsabing di-gasinong naniniwala, tatlumpung porsyento (30%) ang nagsabing hindi

naniniwala, dalawamput apat na porsyento (12%) sa kanila ang nagsabing naniniwala

at labing-apat na porsyento (14%) ang lubhang naniniwala.

Grap 3

Tugon ng mga Respondente Hinggil sa Naniniwalang Kailangang Buksan


ang Bataan Nuclear Power Plant
17

Limampung porsyento (50%) ang nagsabing matutugunan ang krisis sa kuryente

batay sa kanilang pansariling pagtatasa. Dalawamput limang porsyento (25%) ang

nagsabing makatutulong sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng bansa, samantalang

labinlimang porsyento (15%) ang makatutulong sa pagsusuplay ng kuryente sa mga

planta at pabrika. Sampung posyento (10%) naman ang makatutulong sa pagtaas ng ani

sa larangan ng agrikultura. At walang tumugon (0%) sa ibang pang kasagutan.

Grap 4

Pansariling Pagtatasa ng mga Respondente Hinggil sa Adbentahe


ng Muling Pagbubukas ng BNPP
18

Pitumput limang porsyento (75%) ang nagsabing pagkalat ng radiation na

magbubunga ng ibat ibang karamdaman. Labinlimang porsyento ang nagsabing pagkalat

ng waste materials sanhi ng toxic materials habang sampung posyento (10%) naman ang

nagsabing pagdumi ng hanging malalanghap. Walang tumugon (0%) sa iba pang

kasagutan.

Grap 5

Disadbentahe sa Muling Pagbubukas ng Plantang Nukleyar


19

Hinggil sa palagay ng mga respondente ukol sa makatutulong ba ang nuclear

power plant sa paglutas ng krisis sa enerhiya, apatnaput walong porsyento (48%) ang

nagsabing makatutulong, tatlumput anim na porsyento (36%) ang nagsabing lubhang

makatutulong, labing-anim na porsyento (16%) at walang nagsabing (0%) hindi

makatutulong.

Grap 6

Palagay ng mga Respondente Hinggil sa Makatutulong ang Nuclear Power Plant


sa Krisis sa Enerhiya
20

Hinggil naman sa kung paano ito makatutulong sa paglutas ng krisis sa kuryente,

apatnaput apat na porsyento (44%) ang nagsabing magiging mabilis ang produksyon at

trabaho, apatnapung porsyento (40%) ang nagsabing mabilis na pagtaas ng ekonomiya ng

bansa, labing-anim na porsyento (16%) naman ang nagsabing mababawasan ang

brownout. Walang sumagot (0%) sa ibang pang kasagutan.

Grap 7

Tugon ng mga Respondente sa Paanong Paraan Makatutulong ang Nuclear Power


Plant sa Paglutas ng Krisis sa Kuryente
21

Pitumput apat na porsyento (74%) ang nagsabing pagkalat ng ibat ibang

karamdaman sanhi ng waste materials galing planta. Dalawampung porsyento (20%) ang

nagsabing polusyon habang anim na porsyento (6%) naming ang nagsabing pagdumin ng

karagatan. Walang sumagot (0%) ng iba pang kasagutan.

Grap 8

Posibleng Masamang Epekto ng Paggamit ng Nuclear Power Plant


22

Hinggil sa palagay ng mga respondente ukol sa marapat gawin ng pamahalaan

upang mapag-aralan ang posibleng epekto ng nukleyar, animnaput walong porsyento (68%) ang

nagsabing magsagawa ng masusing pag-aaral kung dapat o hindi dapat muling buksan ang

planta, dalawamput walong porsyento (28%) ang nagsabing isaalang-alang ang kaligtasan ng

taumbayan at apat na porsyento (4%) ang nagsabing magsagawa ng mga kampanya at

programang pampubliko sa kabatiran ng taumbayan.

Grap 9

Palagay ng mga Respondente Hinggil sa Marapat Gawin ng Pamahalaan


23

Upang Mapag-aralan ang Posibleng Epekto ng Nukleyar

KABANATA V
24

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang adbentahe at

disadbentahe ng pagbubukas at paggamit ng nuclear power plant.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay gumawa ng

isang sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa limampu (50) respondente, tatlumput lima

(35) ang lalaki at labinlima (15) ang babae.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod na kongklusyon:

a. Marami sa mga respondente ang nagsabing matutugunan ang krisis sa

kuryente sa pagbubukas ng Nuclear Power Plant.

b. Matutugunan ang krisis sa kuryente sa muling pagbubukas ng nuclear power

plant.

c. Pagkalat ng radiation na magbubunga ng ibat ibang karamdaman ang

karaniwang tugon ng mga respondente hinggil sa disadbentahe ng muling

pagbubukas ng nukleyar.

d. Makatutulong ang nuclear power plant sa paglutas ng krisis sa enerhiya.

e. Marami sa mga respondente ang nagsabing magiging mabilis ang produksyon

at trabaho hinggil sa posibleng paraang maitutulong ng nuclear power plant.


25

f. Pagkalat ng ibat ibang karamdaman sanhi ng waste materials galing planta

hinggil sa posibleng masamang epekto ng paggamit ng nuclear power plant .

g. Marami sa mga respondente ang nagsabing magsagawa ng masusing pag-aaral

kung dapat o hindi dapat muling buksan ang planta.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang

inirekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Sa pamahalaan, mahalagang isaalang-alang ang kaligtasan ng mga

mamamayan bago magsakatuparan ng pagbubukas ng Nuclear Power Plant.

Bagamat matutugunan nito ang krisis sa enerhiya hindi pa rin dapat kalimutan

ang mga kaakibat na panganib nito.

b. Sa mga pinuno ng bayan, magdaos ng mga programang pampubliko upang

mabigyang-kabatiran ang mga taumbayan sa planong pagbubukas ng

nukleyar.

c. Sa mga mamamayang Pilipino, sikaping makilahok sa mga gawaing may

kinalaman sa Nuclear Power Plant upang magkaroon ng kabatiran sa

posibleng mabuti at masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran ng

nukleyar.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Lagmay, Celo. 2014. Nuclear Power Plant. www.ready.com/tl/nuclear-power-plants.


26

Tulipat, Ricky. 2012, Abril 12.Nuke-plant kailangan sa power crisis.


http://www.philstar.com/bansa/795782/nuke-plant-kailangan-sa-power-
crisis#ixzz3UUf3Gc1Q

fil.wikipilipinas.org//Bataan_Nuclear_Power_Plant.

Burgonio, TJ. 2008. Govt mulls opening Bataan nuclear power plant energy chief,
Philippine Daily Inquirer.

Modyul hinggil sa pagtalakay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at mga batayan
ng ating pagtutol. http://nfbmnet.multiply.com.

Kumar, J. P. A case study approach on Koodankulam Nuclear Power project. GEM


Business Academy, Gobichettipalayam.

Namex International Journal of Management Research (Bol. 2) Isyu Blg. 1. Enero-


Hunyo, 2012.
27

You might also like