You are on page 1of 2

BNPP; nilalayong buksan

Sa nakalipas ng halos 3 dekada ng pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa ilalim ng
administrasyon ng Marcos, nilalayong buksan ito upang mapababa ang presyo ng kuryente at
makatulong sa mga mamamayang Pilipino.

Ang kauna-unahan sanang Power Plant sa bansa ay napagdesisyon ng gobyerno na hindi buksan
dahil sa mga agam-agam sa kaligtasan nito, hindi paman ito nagagamit ay madaming nanghihinayang
sapagkat malaki sana ang maitutulong nito sa atin ukol sa pagtaas ng presyo ng kuryente.

Pinatayo ang BNPP sa Morong Bataan noong taong 1984, ang akala ay $500 milyon lang ang
magagastos sa pagpapatayo nito ngunit umabot ito sa $2.2 bilyong halaga, samantala matatandaang
inutusan ng Supreme Court (SC) noong isang taon na magbayad ng kaukulang 1.01 bilyong pesong
danyos ang mga Marcos dahil sa kumita sila noong pinapatayo ito.

Kontra pagbubukas ng BNPP

Isa sa mga kontra sa pagbubukas ng BNPP si Dr. Kelvin Redolfo isang Geologist dahil ayon sa pag-
aaral niya may aktibong pagbuka ng lupa dahil sa lindol na tumatawid sa Mt. Natib, isang bulkang
malapit sa BNPP.

Ang isa sa mga pinangangambahan kaya hindi matuloy-tuloy ang pagbubukas ng BNPP ay ang Mt.
Natib na ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay isa lang itong may
potensiyal na maging aktibo na sa nakalipas na libo-libong taon ay walang aktibidad.

“The last eruption was something 18 thousands years ago and that maintains a capable volcano, if
you talk to the.. to the International Atomic Energy Association, they will tell you that if a volcano
erupted the last time, a thousands years ago that volcano is still in suspect, the reason is the risk is so
huge” dagdag pa ni Dr. Redolfo.

Ayon pa sa mga natuklasan sa punong komisiyon sa BNPP noong 1979, hindi ligtas ang planta
sapagkat maaaring makapagdulot panganib sa kalusugan at kapaligiran, hindi rin daw naresulba ang
pagtatapon ng mga basurang nuclear.

“Ang pinaka malaking problema ng Nuclear iha ay ito, ‘yung waste nila mapanganib and no body
knows how to restore it, edi gumawa kayo ng bagong modern, super modern reactor, kung gagamit siya
ng uranium hindi maiwasan na tatae ‘yan when reactivate” ani pa ni Dr. Redolfo.

Hindi maganda ang disenyo ng power plant kung kaya’t hindi ito ligtas sa publiko, kinakailangan din
dagdagan ng safe guards at wala ring sapat na cooling system ang nuclear reactor nito, sabi pa sa
natuklasang punong komisiyon, ngunit sa kabila ng mga ito pinatapos parin ni Pangulong Ferdinand
Marcos ang proyekto.

Solusyon kontra Kontrasyon


Ayon sa Department of Energy (DOE) na maaari pang gamitin ang BNPP sa nakalipas na 38 taon sa
magkahiwalay na rekomendasiyon ng bansang Russia at Europa at marami na ring mga kaalaman sa
Nuclear Energy dahil gumagamit nito ang ibang mayayamang bansa sa bansang Amerika at Europa.

Sabi ng PHIVOLCS at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na walang fault sa ilalim o
malapit sa BNPP, matatandaang taliwas ito sa sinabi ni Dr. Redolfo.

“Kung may fault ‘yan nasaan ang fault kung active fault ‘yan may manifestation sa surface, kung
sino man ang magsasabing may fault, ituro niya sa akin kung nasaan ‘yung fault sa lupa, saka ililibing ako
roon kung asan ang fault” ayon sa pahayag ni Dr. Carlo A. Arcilla, isa sa mga kaanib ng Department of
Science and Technology (DOST) Philippine National Research Institute.

Ani naman ni USEC. Renato Solidum director ng PHIVOLVCS, sa isyu ng kontra ng Mt. Natib sa
pagbubukas ng BNPP na hindi naman ito sumabog kumpara sa Mt. Pinatubo kaya hindi talaga ito aktibo,
ukol naman sa isyu sa mga basura may mga bagong mga paraan na naman para rito.

Iinspeksyunin at isasailalim sa International Atomic Energy Agency (IAEA) ang BNPP para sa
makabagong paraan upang maitapon nang maayos ang mga basurang nuclear ng sa gayo’y hindi na ito
maging isa sa mga problema.

“We will revive the findings of punong commission to see kung applicable o hindi, hindi ko
pipirmahan hanggat ‘di sigurado kung safe ‘yan ipapacheck ko iyan sa IAEA” dagdag pa ni USEC. Renato
Solidum.

Aniya may mga paraan upang maitapon nang ayos at ligtas, kaya ang gagawin ay isasabay ang
pagtatapon ng basura sa nuclear sa pagtatayo ng Nuclear Plant para hindi na sila masisi sa pagpapaliban
ng pagtatapon sa dadating na henerasyon.

Kaakibat na tulong sa pagbabalik

Sa sitwasyon natin ngayon tila ba pataas nang pataas ang presyo ng kuryente kaya ang sigaw ng
mga tao ay kung may solusyon pa ba upang matugunan ito, kaya nabuhay ang pag-asa ng marami na
maaari nang buksan ang BNPP.

Ang paggamit ng BNPP ay isa lamang sa mga solusyon na nakikita para sa stable na energy ng
Pilipinas na isa na nga sa itinuturong magiging katuwang ng mga Pilipino sa problema sa kuryente, hindi
maikakaila na malaki ang maitutulong ng BNPP sa Pilipinas.

Ngunit kung kaakibat din ng mga puwedeng itulong ng BNPP ay peligro sa kalusugan at
kaligtasan ng ilan, ay maaari rin namang gumamit ng mga small modular reactor na magbibigay din
naman ng nuclear power kahit na walang planta, at patuloy parin na paggamit ng tubig, hangin, at araw.

Suriin nating maigi kung ano ang mas mainam para sa atin,hayaan natin ang mga eksperto na
masusing pag-aralan muna ang mga kinakailangan bago tayo makinabang sa BNPP, sa huli kung lubha
itong makakatulong matutupad ang layuning buksan ito ngunit sa mas ayos at ligtas na paraan.

You might also like