You are on page 1of 28

PAGBUBUKAS NG

NUCLEAR POWER
PLANT SA BATAAN,
DAPAT NA BA?
GROUP 1

▰ Carlo James Alberca ▰ John Christoper


▰ Felizze Aragon Munsayac
▰ Jerica Calsena ▰ Rustine Palencia
▰ Mark Joseph Dela Cruz ▰ Wilfredo Pansacola
▰ Feb Althea Guevarra ▰ Ray Ryota Ramirez
▰ Maria Luisa Aika ▰ Mary Grace Soriano
Gurango ▰ Edric Lawrence Sulit
▰ Shaina Kaye Heredero ▰ Bernard Cesar Tiangco
▰ Jayson Hilwa ▰ Aron Epraigm Vergara
2
▰ Keisha Lavarez
BATAAN NUCLEAR POWER
PLANT
Napot Point in Morong, Bataan 3
INTRODUKSYON
Ang Bataan Nuclear Power Plant

4
“ Yes to nuclear power; no to
revival of BNPP

- The Manila Times

5
INTRODUKSYON

Ang nuclear power plant (NPP) ay isang renewable energy na


kasalukuyang itinuturing na isa sa mga pinaka-maaasahang
mapagkukunan ng kuryente. Pagkatapos ng ika-19 na siglo ay
binawasan ng mga tao ang paggamit ng nasusunog na biomass
bilang pinagmumulan ng panggatong. Ang mga tao ay bumaling
sa enerhiyang nuklear para sa maaasahang mga suplay ng
kuryente nito, kaya tumaas ang bilang ng mga NPP na itinatayo.

6
INTRODUKSYON

Sa kabila ng dumaraming bilang ng mga nuclear reactor, 182 sa


mga ito ang na-decommission at hindi aktibo at isa na rito ang
nasa Pilipinas na tinatawag na Bataan Nuclear Power Plant
(BNPP). Noong taong 1980, binuksan ang BNPP na may layong
makabuo ng 623 MW ng kuryente na nagkakahalaga ng
humigit-kumulang 2.1 Billion USD sa konstruksyon. Ito ay uri
ng thermal power station na gumagamit ng init upang
makapagpatakbo ng steam turbine na konektado sa generator na
gumagawa ng kuryente.
7
INTRODUKSYON

Courtesy of Nicholas Gerbis, Arizona Science Desk


8
(2017)
INTRODUKSYON

Ayon kay Files (2020), pagkalipas ng apat na taon matapos na


ideklara ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang Martial
Law, sinimulan ang pagpapatayo ng BNPP bilang isang tugon sa
krisis ng enerhiya noong 1970. Hangarin nitong bawasan ang
masyadong pag-asa ng bansa sa imported na langis. Gayundin
ang makabuo ng isang alternatibong mapagkukunan ng
kuryente. Gayunpaman, isinara ito noong taong 1986 dahil sa
pananagutan sa pulitika at mga kadahilanang pangkaligtasan.
9
INTRODUKSYON

Dahil sa pagkalugi sa ekonomiya, pinaplano ng gobyerno ng


Pilipinas na isaalang-alang ang muling pagbubukas nito. Ang
CNN Philippine Staff ay nag-ulat na ang kasalukuyang
administrasyon ay nakikita ang potensyal nito bilang solusyon
sa patuloy na lumalagong pangangailangan sa enerhiya sa
Pilipinas. Sa kabila ng potensyal nito bilang pagmumulan ng
kuryente, ang mga mamamayan sa paligid ng BNPP ay higit na
nag-aalala sa mga panganib na dulot nito at ang kanilang pang-
unawa dito bilang isang hindi napapanahong mapagkukunan.
10
INTRODUKSYON

Gaya nga ng sinabi ng The Manila Times, malugod naming


tinatanggap ang patakarang isama ang enerhiyang nuklear sa
pinaghalong enerhiya ng bansa, ngunit marami kaming
nakikitang problema sa muling pagbubukas ng Bataan Nuclear
Power Plant (BNPP) at maaring hindi magandang dulot nito
kung kaya’t ang aming grupo ay hindi sang-ayon sa muling
pagbuhay nito.

11
KATAWAN
Pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant

12
KATAWAN

▰ Ang pagpapatayo ng planta sa Bataan noon ay hindi


nagugulan ng sapat na oras ng pag-aaral ng mga
propesyonal bago ito simulan. Kaya’t huli na din ng
malaman ang mga posibleng negatibong kakahinatnan ng
pagpapatakbo nito. Kahit gaano pa kabago o kaluma ang
isang planta, hindi maitatanggi na maraming buhay ng
mga tao, hayop, at halaman ang mailalagay sa alanganin.

13
KATAWAN

▰ Ayon kay Reuben Muni, isang kasapi ng Greenpeace


Philippines, dapat ay maalam at maintindihan ng mga tao
ang opsyon sa muling pagpapatakbo ng planta na ito,
sapagkat hindi ito basta-basta. Idinagdag din niya na ang
muling pagtatakbo ng plantang ito ay isang mapanganib
at mahal na maaaring magdulot ng pangamba at
panggagambala sa mga taong nakapaligid dito.

14
KATAWAN

▰ Kinakailangan rin ilagay sa konsiderasyon ang lugar


kung saan itinayo ang Bataan Nuclear Power Plant. Ayon
kay G. Renato Solidum ng PIVS o Philippine Institute of
Volcanology and Seismology, napapaligiran ito ng mga
aktibong bulkan, bilang ang bulkang Natib na
pinakanalalapit dito.

15
KATAWAN

▰ Maliban sa mga bulkan ay kinakailangan din na mapag-


aralan ang tyansa ng pagkakaroon ng paggalaw ng lupa
dahil sa mga nakapalibot na fault lines dito na posibleng
maging aktibo o maaaring maging banta sa hinaharap.
Hindi rin malabo na mangyare ito sa BNPP dahil sa luma
na ito at maraming dapat ayusin at isaalang-alang pa
bago ito muling mapatakbo.

16
KATAWAN

▰ Higit pa rito, ang pagpapanatili ng isang planta ay


nangangailangan ng malaking halaga ng pera na sa
katunayan ay hindi kakayanin ng pondo ng ating bansa.
Maraming pasilidad din ang kinakailangang itayo para sa
pagpapaunlad nito na magdudulot ng, hindi lamang
problema sa kakulangan ng pondo, ngunit pati na rin sa
kaligtasan at kalusugan ng lahat ng nabubuhay malapit
dito.
17
KATAWAN

▰ Mahigit sa dalawang bilyong dulyar ang nagastos sa pag


papagawa nito noong panahon ni dating pangulong
Marcos at ito ay inutang pa sa ibang bansa. At kung ito ay
bubuksan ulit maaring hindi na natin kayanin ang gastos
dahil sa napakalaking pera ang kakailanganin sa muling
pagbubukas nito. Sa katunayan, ang dahilan kaya’t hindi
naging matagumpay ang pagpapatakbo ng plantang ito...

18
KATAWAN

▰ sapagkat ito ay napasakamay at napamahalaan ng mga


maling tao. Kung titingnan ang historya nito ay mayroon
itong kinahaharap na isyu patungkol sa labis na
pagpatong ng halaga sa pagpapatayo pa lamang nito na
naging malaking problema. Kung ito ay tatangkain na
muling patakbuhin, malaki ang posibilidad na
mapasakamay na naman ito ng mga maling tao at muling
pagmulan ng korapsyon.
19
KONKLUSYON
Buod ng Pag-aaral ng BNPP

20
KONKLUSYON

Hindi makakailang makakatulong ang Bataan Nuclear Power


Plant sa ating bansa, subalit ang panganib na dala nito ay hindi
sapat para isakripisyo ang kalusugan ng ating mga mamamayan.
Sa kabuuan ay maraming maaapektuhan sa muling pagbubukas
nito at ang kamahalan ng mga materyales at pondo na posibleng
magagamit ay kasinlaki ng panganib na maaari nitong dalhin sa
mga tao na maaaring magpapatuloy sa hinaharap.

21
KONKLUSYON

Kailangan ng mas mabusisi pang pag-aaral ang proyektong ito


upang maisagawa nang maayos at walang problema ang
maaring mangyari sa planta habang isinasaalang-alang ang
kaunlaran at kaligtasan ng lahat. Sa pangkalahatan, maituturing
ng aming grupo ang muling pagbubukas ng Bataan Nuclear
Power Plant (BNPP) na hindi sagot sa kalusukuyang
pinagdaraanan ng bansa kung maraming bagay pa ang dapat
unahin at pagtuunan ng pansin ng Pilipinas.
22
REKOMENDASYON
Ang Bataan Nuclear Power Plant

23
REKOMENDASYON

▰ Ang pagpapatuloy ng Bataan Nuclear Power Plant ay


maituturing na delikado sapagkat napapaligiran ng mga
aktibong bulkan at fault lines. Mas mairerekomenda ang
mabusising pag-aaral sa pagtatayo ng mga nuclear power
plant sa hinaharap, sa lugar na kung saan ay mas malayo
sa mga tao at walang maaapektuhan upang mas ligtas at
maiwasan ang anumang posibleng disgrasya.

24
REKOMENDASYON

▰ Marami ring iba pang mapagkukunan ng renewable


energy na mas ligtas at mas mura tulad ng geothermal,
solar, at windmill na mas makabubuti dahil mayaman
ang Pilipinas dito. Mahalaga rin isaalang-alang sa lahat
ng oras ang kahandaan ng gobyerno na harapin ang mga
isyung kapaligiran na batid ng power plant.

25
REKOMENDASYON

▰ Ang BNPP ay nangangailangan ng halagang 1.15


bilyung dolyar na pondo sa pagbubukas nito kung kaya’t
naniniwala ang grupo na mas nararapat na ituon na
lamang ang perang ito para sa ibang sektor na
nangagailangan ng pondo, tulad ng edukasyon at
kalusugan kaysa gumastos ang gobyerno ng milyon-
milyong piso para sa planta.

26
MGA SANGGUNIAN
[1]

27
PAGBUBUKAS NG BATAAN NUCLEAR POWER
PLANT, DAPAT NA BA?

28

You might also like