You are on page 1of 2

Ang enerhiyang nuklear ay ang uri ng enerhiya na inilabas kapag ang atomic nuclei ay

nahati o pinagsama. Ang reaksyong nuklear ay ang pagbabago sa komposisyon ng atomic


nucleus ng isang elemento upang maiiba ang sarili nito patungo sa ibang uri ng elemento. Ang
ilang isotopes ng ilang mga elemento ay maaaring maglabas ng enerhiya sa pamamagitan ng mga
reaksyong nuklear. Ito ay batay sa prinsipyo na ang pagbabago ng masa sa enerhiya ay
nangyayari sa mga reaksyong nuklear. Mayroong dalawang proseso na ginagamit ang enerhiyang
nuclear upang ito ay maging kapaki-pakinabang at gumawa ng kuryente. Ito ay ang nuclear
fission at nuclear fusion. Sa nuclear fission, ang hindi bababa sa dalawang nuclei ay nagsasama
upang bumuo ng isang bagong nucleus, ang nucleus ng isang atom ay nahahati sa dalawa o higit
pang nuclear fusion. Ang proseso ng nuklear fission ay nagaganap sa loob ng isang nuclear
reactor. Sa loob ng reactor na ito ay ang radioactive element katulad ng Uranium na
sumasailalim sa nuclear fission na pinagmumulan ng init na gumagawa ng singaw upang ikutin
ang mga turbine para gumawa ng kuryente. 

Mayroong mga benepisyo ang maaaring pagtuunan ng pansin at gamitin habang


binabantayan ang mga hakbang sa pag-iingat. Kabilang sa mga ito ang mababang paglikha ng
planta ng carbon dioxide at iba pang gas na nagpapalala sa greenhouse effect. Kasalungat ng
tradisyunal na planta kung saan nagsusunog ng fossil fuel na naglalabas ng malaking porsyento
ng greenhouse gases sa himpapawid. Ang nuclear na enerhiya ang may pinakamataas na
produksiyon ng enerhiya. Ito ay maaaring sukatin gamit ang capacity factor, ang sukat ng kung
gaano kadalas tumatakbo ang isang power plant para sa isang tiyak na panahon. Ayon sa US
Department of Energy noong 2020, 93.5% ang capacity factor ng nuclear energy samantalang
ang sumunod dito ay nasa 56.8% lamang na natural gas. Ayon sa Nuclear Energy Institute, 30
bansa sa buong mundo ang nagpapatakbo ng 449 commercial nuclear reactors upang makabuo
ng enerhiya hanggang noong Abril 2017, at 15 bansa ang kasalukuyang nagtatayo ng 60
karagdagang nukleyar na pasilidad. Ngayon, ang mga nukleyar power plant ay bumubuo ng
humigit-kumulang isang-kapat ng kabuuang enerhiya ng kuryente sa mundo. Maraming bansa sa
Europe, lalo na ang France, Belgium, Slovakia, Ukraine, at Hungary, ang umaasa sa nuclear
energy para makapagbigay ng higit sa kalahati ng kanilang kuryente. Ang pagbabago ng klima at
mga alalahanin sa seguridad ng enerhiya ay nagpabilis sa pagtatayo ng mga nuclear power plant
nitong mga nakaraang taon, partikular sa silangang Asya. Mapapansin na halos walang latak sa
paggamit ng nuclear na enerhiya at ito ay higit na epektibo kumpara sa iba pang planta. Ang
ginagamit sa mga umiiral na nuclear power plant ay ang Uranium-235 na sagana sa buong
mundo at ayon sa maraming pag-aaral ay sasapat para tugunan ang konsumo para sa susunod na
dalawang siglo. Kumpara sa fossil fuels na unti-unting nauubos na tatagal na lamang sa humigit
kumulang dalawampu’t limang taon.

Sa kabila ng dumaraming bilang ng mga nuclear reactor, 182 sa mga ito ang pinatigil at
hindi aktibo at isa na dito ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Ito ang kauna unahang
nukleyar power plant sa Pilipinas at ito nakabuo ng 623 MW ng kuryente noong 1980.
Gayunpaman, isinara ito noong taong 1986 dahil sa pananagutan sa pulitika at mga kadahilanang
pangkaligtasan (Ong et al.,2021). Lumipas ang panahon, hindi pa rin nakakalimutan ng
karamihan ang BNPP at marami ang nagnanais na muli ito ay buksan upang mapakinabagan ng
bansang Pilipinas. Iniulat ng CNN Philippine Staff na dahil sa pagkalugi sa ekonomiya,
pinaplano pa rin ng gobyerno ng Pilipinas na isaalang-alang ang muling pagbubukas ng BNPP.
Nakikita ng kasalukuyang administrasyon ang BNPP bilang isang potensyal na solusyon sa
patuloy na lumalagong pangangailangan sa enerhiya sa Pilipinas. Makakatulong rin ito na
pababain ang emisyon ng carbon dioxide, at pagkakaroon ng mura at masaganang kuryente sa
Pilipinas. Sa kabila ng potensyal bilang pinagmumulan ng kuryente, ang mga mamamayan sa
paligid ng BNPP ay higit na nababahala tungkol sa mga panganib at ang kanilang pananaw dito
ay isang lumang pinagmumulan ng enerhiya. Upang mapalawak ang kaalaman sa pagpapalawig
na ito, ang kasalukuyang gawain ay naglalayong magsaliksik sa mga benepisyo at disbentaha ng
paggamit ng enerhiyang nukleyar sa Pilipinas.

You might also like