You are on page 1of 86

Pag-init ng daigdig

Ang artikulong ito ay maaaring


nangangailangan ng pagsasaayos Learn
upangmore
matugunan ang ng
Ang artikulo o seksiyong ito ay
kailangang isapanahon. Learn more

Ang katamtamang pandaigdigang temperatura sa


rabaw nito mula 1856 hanggang 2005
Ipinakikita ng talâ ang anomalya sa temperatura
noong taon 1995 hanggang 2004 kung
ihahambing sa temperatura noong 1940
hanggang 1980

Ang Pag-init ng Daigdig o Global


Warming sa Ingles) ay tumutukoy sa
naranasang pagtaas ng katamtamang
temperatura ng himpapawid at mga
karagatan sa mundo nitong mga
nakaraang dekada. Tumaas ng 0.6 ±
0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 °Fahrenheit) ang
temperatura sa loob ng ika-20 siglo ang
katamtamang pandaidigang
temperatura. Ayon sa siyentipikong
opinyon, “ang naranasang pag-init
nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”.
Ang pagtaas ng antas ng carbon
dioxide at iba pang mga greenhouse
gases na resulta ng pagsunog ng
produkto mula sa petrolyong langis,
pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka,
at iba pang kagagawan ng tao ang mga
pangunahing sanhi ng pag-init ng
mundo.
Nagpapakita sa mga pagmamatyag na
pag-aaral at ng mga modelong
pangklima na ang pagka-sensitibo ng
klima upang madoble ang antas ng CO2
ay mangyayari kapag tumaas ng 1.5-
4.5 °C ang katamtamang temperatura.
Ang mga modelong basihan ng
Intergovernmental Panel on Climate
Change (IPCC) ay humuhula na ang
pandaigdigang temperatura ay tataas
sa pagitan ng 1.4 at 5.8 °C (2.5
hanggang 10.5 °F) mula taong 1990
hanggang 2100.

Sinasabing ang pagtaas sa


pandaigdigang temperatura ay
magdudulot ng malaking pagbabago
kasama rito ang pagtaas ng
karaniwang taas ng dagat at
pagbabago sa dami ng mga pag-ulan.
Ang mga pagbabagong ito ay
sinasabing magpaparami sa dalas at
lakas ng mga mapanirang kalagayan
ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot,
bugso ng init (heat waves), bagyo at
buhawi. Sinasabing ang pag-init ay
makaaapekto sa bilang at tindi ng mga
ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular
na kalagayan ng panahon sa pag-init ng
mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral
ay nakatuon sa panahon hanggang
taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas
ng pantay laot mula sa pag-aalsang
dulot ng init) ay patuloy na mangyayari
dahil sa ang CO2 ay may mahabang
buhay sa himpapawid.

May maliit na bilang na mga siyentipiko


ang laban sa pananaw na ang gawa ng
tao ang nagdudulot ng malaki sa
pagtaas sa temperatura nitong
nakaraang panahon. Gayundin, walang
katiyakan ang nakapalibot rito kung
gaanong kalaking pagbabago sa
panahon ang makikita sa darating na
araw. May mainit na debateng
pampolitika at publiko kung paano
mapabababa o mababaliktad ang pag-
init sa darating na panahon at kung
paano haharapin ang mga bunga nito.

Ang katagang “global warming” (pag-


init ng mundo) ay isang tiyak na dulot
ng mas malawak na katagang “climate
change’ (pagbabago sa klima) (na
tumutukoy din sa paglamig tulad ng
nangyari noong Edad Yelo). Sa
prinsipyo nito, nyutral ang global
warming sa dahilan nito ngunit sa
karaniwang gamit, kalimitang
pinahihiwatig na may papel ang tao sa
pag-init ng mundo. Gayunman,
ginagamit ang ‘climate change’ ng
UNFCCC sa pagbabagong gawa ng tao,
at ‘climate variability’ (pabago-bago ng
klima) na dulot ng ibang kadahilanan.
Ang ilang organisasyon ay gumagamit
ng katagang 'anthropogenic climate
change' sa pagbabagong dulot ng tao.

Malayang mababago ninuman ang


pahinang ito ngunit hinihikayat ka rin
naming tumala. Ipinapabatid ding
itinatala namin ang iyong direksiyong
IP sa bawat pagbabagong ginagawa sa
mga pahina. Isinasagawa ito upang
mabigyan ka namin ng
pagkakakilanlan, at madali naming
maiuukol kung sino ang gumawa ng
bawat pagbabago,at, sa huli, upang
mapanatili ang pagsunod ng Wikipedia
sa layunin nitong mag-abot ng malaya
at totoong kaalaman sa bawat tao sa
mundo. Kabilang sa mga binago mo
ang mga bagong panlabas na ugnay.
Para makatulong sa panlabas na
awtomatikong spam, pakilagay ang
mga salitang na ipinapakita sa kahon
sa ibaba
Mga Kadahilanan

Ang carbon dioxide sa loob ng 400,000 taon at


ang mabilis na pagtaas nito mula noong
Rebolusyong Industriyal; sinasabing ang pag-ikot
ng mundo sa araw na tinatawag na Milankovitch
cycles ay pinaniniwalaang pintig ng Edad Yelo
bawat 100,000 taon.

Ang klima ay patago-tago sa


pamamagitan ng mga prosesong
“pangloob” gayundin sa tugon sa
pabago-bagong panglabas na
pwersang gawa at di-gawa ng tao
kasama ang pagkilos ng araw,
pagputok ng mga bulkan, at ng
greenhouse gases. Tanggap ng
maraming klimatologo na kamakailan
lamang uminit ang mundo ngunit ang
sanhi ng pagbabagong ito ay
kontrobersiyal lalo na sa labas ng
komunidad ng mga siyentipiko.

Ang pagdaragdag ng carbon dioxide


(CO2) o methane (CH4) sa himpapawid
ng mundo nang walang ibang
pagbabago ay makapagpapainit sa
balat ng ating planeta. Lumilikha ang
mga greenhouse gases ng likas na
greenhouse effect na kung wala nito
tinatayang ang temperatura sa mundo
ay mas ng 30 °C at hindi matitirahan.
Kaya sinasabing hindi tama na may
debate sa pagitan ng “naniniwala” at
“laban” sa hinua na ang pagdaragdang
ng carbon dioxide o CH4 sa
himpapawid ng mundo ay magbubunga
ng mainit na temperatura sa balat ng
lupa kung walang magpapabuti ng
epekto nito. Ang debate ay tungkol sa
netong epekto sa pagdaragdag pa ng
carbon dioxide at CH4 sa himpapawid.
Sinasabing ang kasalukuyang klima ng
mundo ay wala sa kapanatagan
(ekilibrio) kasama ang pagpwersang
dulot ng pagtaas ng mga greenhouse
gases dahil sa inersiyang termal ng
mga karagatan at mabagal na
pagtugon ng ibang di tuwirang mga
epekto. Ang mga masusing pag-aaral
sa klima ay nagpapakita na iinit pa rin
ito ng 0.5 °C to 1.0 °C kahit mapanatag
ang mga greenhouse gases.

 
Mga tala ng carbon dioxide at pandaigdigang
temperatura sa mundo sa loob ng 750,000 taon.

Ang mga greenhouse gases ay lagos-


lagusan sa short wave radiation
(maiksing ondang radyasyon) na mula
sa araw. Subalit, sinisipsip nito ang
ilang mahahabang onda ng radyasyong
infra-red mula sa lupa na lubhang na
nagpapahirap sa mundo na mapalamig
ito.

Tinatayang tumaas ng 31% at 149%


ang konsentrasyong panghimpapawid
ng carbon dioxide at methane kumpara
sa antas bago naging industriyal ang
mundo noong 1750. Sinasabing mas
mataas ito kaysa alinmang panahon
nitong huling 650,000 taon, kung saan
may matibay na ebidensiya mula sa
mga ice cores (sample ng yelo na
kinuha ng pabarena). Mula sa hindi
tuwirang ebidensiyang heolohika,
pinaniniwalaang ang ganitong kataas
na dami ng carbon dioxide ay nangyari
40 milyong taon ang nakaraan. Ang
tatlo sa apat na bahagi ng mga
emisyong dulot ng tao (antropoheniko)
ng carbon dioxide sa himpapawid
nitong nakaraang 20 taon ay dulot ng
pagsunog ng mga produktong
petrolyong (fossil fuel). Ang tira ay
pinangungunahan ng pagbabago sa
paggamit ng lupa lalo na ng pagpanot
ng kagubatan [5].

Ang pinakamahabang pagsukat


instrumental ng ratio ng paghahalo ng
carbon dioxide sa himpapawid ay
nagsimula noong 1958 sa Mauna Loa,
Hawaii. Mula noon, ang katamtamang
(average) taunang halaga nito ay
tumaas mula 315 ppmv na ipinakikita
ng Keeling Curve. Ang konsentrasyon
ay umabot ng 376 ppmv noong 2003.
Ang Timoging Polo (South Pole) ay
nagpakita rin ng kamukhang pagtaas.
[6]. Ang buwanang pagsukat ay
nagpapakita ng maliit na
panapanahong osilasyon. Ang methane
(metano) ay gawang biyolohika at
emisyon mula sa mga tubo ng
petrolyong gas. Ang ilang biyolohikang
pinanggagalingan ay natural tulad ng
anay at ang iba ay dulot ng aktibidad ng
tao tulad ng pagsasaka, e.g. palayang
bukid [7]. Sinasabi ng ebidensiya na
nasumpungan kamakailan lamang na
ang mga kagubatan ay maaaring
pinanggagalingan din nito (RC; BBC).
Tandaan na ito ay kontribusyon sa
natural (likas) na greenhouse effect at
hindi greenhouse effect na dulot ng tao
(Ealert).

Inaasahang patuloy ang pagtaas ng


carbon dioxide dahil sa patuloy na
paggamit ng mga produkton petrolyo.
Ang direksiyon nito ay hindi segurado
at depende sa lagay ekonomiko,
panglipunan, teknolohikal at natural na
pag-unlad ng tao. Ang espesyal ng
report sa emisyon ng IPCC ay
nagpapakita ng malawak na pagtaas
ng carbon dioxide sa hinaharap mula
541 hanggang 970 parts per million
(bahagi ng isang milyon) pagdating ng
2100.

Singaw ng mga greenhouse gases na gawa ng tao


ayon sa sektor noong taong 2000.

Ang pagpapalabas ng CO2 na dulot ng


tao mula sa pagsunog ng produktong
petrolyo – ipinakikita ang abuloy sa
kabuuang pagpapalabas ng CO2 , 1990.
Batayan: UNFCCC

Sa buong mundo, ang karamihan ng


emisyon ng greenhouse gas na dulot
ng tao ay mula sa pagsunog ng
petrolyong langis. Ang tira ay
sinasabing mula sa mga “puganteng
petrolyo” (petrolyong singaw sa
produksiyon at paguusad ng
produktong petrolyo), emisyon ng mga
prosesong industriyal (di kasama ang
pagsunog ng petrolyo), at ng sakahan:
magkakahiwalay nagdulot sila ng 5.8%,
5.2% at 3.3% noong 1990. Malawak na
maikukumpara ang kasalukuyang
datos rito [9]. Halos 17% ng singaw ay
dulot ng pagsunog ng petrolyo sa
paggawa ng koryente. Isang maliit na
porsyento ng singaw ang dulot ng
kalikasan at biyolohikang dulot ng tao
na kung saan halos 6.3% ay methane at
nitrous oxide na galing sa sakahan.

Ang positibong ganting epekto tulad ng


inaasahang pagsingaw ng halos ng
70,000 milyong tonelada ng methane
mula sa permafrost peat bogs sa
Siberia, na nagsimula nang matunaw
dahil sa pagtaas ng temperatura ay
maaaring magdulot ng malaking
dagdag na pagkukunan ng singaw ng
greenhouse gas. [10]. Tandaan na ang
emisyong dulot ng tao ng iba pang
lasong pampaligid – bantog dito ang
aerosol ng sulfate (sulfato) – ay may
pampalamig na epekto. Maaring
nagpapakita ito sa papatag/palamig na
nakita sa talâ ng temperatura sa gitna
ng siglo 20 [11] na maari ring dulot ng
pagtitimping dulot ng kalikasan.

Mga Alternatibong Hinuha


Maraming alternatibong hinuha ang
iminungkahi upang ipaliwanag ang
namatyagang pagtaas sa
pandaigdigang temperatura kasama
rito ngunit di limitado ang mga
sumusunod: • Ang pag-init ay nasa loob
ng lawak ng likas na pagbabago.
• Ang pag-init ay resulta ng pagluwal
mula sa nakaraang panahong
kalamigan - ang Maliit ng Edad Yelo. •
Ang pag-init ay resulta ng pagbabago
sa sikat ng araw.

Sa kasalukuyan, maliit ang suporta rito


sa loob ng komunidad ng mga
siyentipiko sa panahon bilang dahilan
sa pag-init kamakailan. Hinua sa
pagbabago sa araw

Dalawampung taon palabas ng araw

Sa mga pag-aaral ng modelo na


inilathala sa IPCC Third Assessment
Report (TAR) ay hindi nagpakita ng
pagbabago sa pagpwersa ng araw ay
kinakailangan upang ipaliwanag ang
rekord ng panahon nitong 4 o 5 dekada.
[12]. Ang pag-aaral na ang pwersa ng
bulkan at araw ay maaring nagdulot sa
kalahati ng pagbabago ng temperatura
bago 1950. Subalit ang netong epekto
ng mga pwersang ito ay sinasabing
neutral mula noon [13]. Partikular rito
sinasabing ang pagbabago sa
pagpwersa sa panahon mula sa mga
greehouse gases mula 1750 ay
tinatayang 8 beses na mas malaki
kaysa sa pagbabago sa pagpwersa na
dulot ng pagtaas ng aktibidad ng araw
nang parehong panahon. [14]. Mula
nang ilathala ang TAR, maraming pag-
aaral (Lean et al., 2002, Wang et al.,
2005) ang nagmungkahi na ang mga
pagbabago sa sikat mula pa ng
panahon bago panahong industriyal ay
maliit ng 3-4 ng ulit sa
rekonstruksiyong ginamit sa TAR (e.g.
Hoyt and Schatten, 1993, Lean, 2000.).
Itinayá ni Stott et al. [15] na ang pwersa
mula sa araw ay 16% o 36% ng pag-init
mula sa greenhouse gases. Sa
kalahatan, ang makaagham na antas
sa pagkaunawa sa pababago sa sikat
ng araw ay sinasabing napakababa
[16].

Gayunman, may ilang mananaliksisik


(e.g. [17]) ang nagmungkahi na ang
tugon mula sa ulap o ibang proseso ay
nagpapabuti sa direktong epekto ng
pagbabago ng araw. Nasumpungan ni
Solanki, et al (2004) na ang aktibidad
ng araw nitong huling 60 hanggang 70
taon ay nasa kanyang pinakamataas na
nibel sa 8,000 taon. Di naman ayon si
Muscheler et al na nakasumpong ng
kamukhang mataas ng nibel ng
aktibidad nang nakaraan [18]. Iniiulat ni
Solanki ng ang nakaraang ugali ng
araw ay ay aabot ng 50 taon.

Mga Hulang Magiging


Dulot
Marami at iba’t-iba ang hulang
magiging dulot ng pag-init ng mundo
sa kapaligiran at sa buhay ng tao.
Kasama rito ang pagtaas ng
katamtamang pantay laot, dulot sa
sakahan, paghupa ng ozone layer,
pagtindi at pagdalas ng mga
matitinding klima (extreme weather
events), at pagkalat ng sakit. Sa ilang
kaso, ang epekto ay maaring naririto na
ngunit imposibleng ituro ang ugat nito
sa isang tiyak na likas na kababalaghan
na sanhi sa pag-init ng mundo. Isa rito
na pinagdedebatihan ay ang relasyon
sa pagitan ng pag-init ng mundo sa
mga bagyo. [19] [20] Apat na
dokumento na nagsasangkot sa
pagtindi ng bagyo sa pagbabago ng
klima ang nagpapatunay na ang dalawa
ay magkaakibat [21] [22]. Isang draft na
ulat ng WMO ang tumutanggap sa
magkakaibang opinyon rito.

Paksa ng mainit na kontrobersiya ang


lawak at katunayan na mga
mangyayari. Ang listahan ng mga
posibleng epekto at pag-unawa ay
matatagpuan sa report ng IPCC
Working Group II [24]. Ilang siyentipiko
ang naniniwala na ang pag-init ng
mundo ay magdudulot ng kamatayan
at sakit sa mundo mula sa pagbaha,
pagkasira ng paligid, lubhang init at iba
pang matinding mga pagbabago sa
panahon.

Epekto sa Sistema ng
Paligid
Ang ebidensiya ng pag-init ng mundo
tulad ng pag-konti ng niyebe (snow),
pagtaas ng pantay laot, pagbabago ng
panahon ay nagpapakita ng
kahihinatnan na aapekto sa galaw ng
tao gayundin sa sistema ng ating
kapaligiran. Ang pag-init ng mundo ay
nangangahulugan ng pagbabago sa
ating paligid. May ilang halaman at
hayop ang mapipilitang lumikas sa
kanilang likas ng tahanan o kaya’y
maglaho dahil sa pagbabagong
nangyayari. Ang ibang may buhay
naman ay maaring dumami.

Dulot sa mga bundok ng


yelo (glaciers)
Global Glacial Mass-Balance nang
huling 40 taon na iniulat sa WGMS at
NSIDC. Tingnan ang negatibong
pagtaas na direksiyon sa simula ng
dakong huli ng 1980 na nagpapabilis at
nagpaparami sa pag-urong ng
bundoking yelo (glaciers) (Dyurgerov)

Ang pag-init ng mundo ay nagbubunga


ng negatibong balanse sa glacier mass
(bulto ng bubunduking yelo) na
nagdudulot sa pag-urong ng glacier sa
buong mundo. Ipinakita ni Oerlemans
(2005) na may netong bagbaba sa 142
na 144 bundok na may glacier na may
rekord mula 1900 hanggang 1980.
Mula noong 1980, tumindi ang pag-
urong ng glacier sa mundo. Gayundin,
ipinakita nina Dyurgerov and Meier
(2005) sa pamamagitan ng glacier data
sa malakihang rehiyon (e.g Europa) na
may netong pagbaba mula 1960
hanggang 2002 kahit na ang ilang lokal
sa rehiyon (e.g. Scandinavia) ay
nagpakita ng pagtaas. Ang ilang glacier
na nasa disekilibryo sa kasalukyang
klima ay nawala na [25] at tinataya na
ang patuloy na pagtaas sa temperatura
ay magdudulot sa patuloy na pag-urong
ng karamihan ng mga alpinong glacier
sa buong mundo. Mahigit sa 90% ng
mga glacier na inereport sa World
Glacier Monitoring Service ay umurong
na mula 1995 [26]. Ang isang kabaha-
bahala ay ang potensiyal na paghinto
ng tunaw ng yelo (tubig daloy) ng Hindu
Kush at Himalaya. Ang tunaw ng mga
glacier nito ay nagdudulot ng malaki at
maasahang mapagkukunan ng tubig
para sa Tsina, India at halos buong
Asya. Ito ang pangunahing
mapagkukunan rin ng tubig sa panahon
ng tag-araw. Ang pagbilis ng
pagkatunaw nito ay magdudulot ng
malakas ng pagdaloy ng tubig sa
maraming dekada at pagkatapos nito
“ang ilang lugar na may
pinakamaraming tao sa mundo” ay
tinatayang ‘mauubusan ng tubig’ " (T. P.
Barnett, J. C. Adam and D. P.
Lettenmaier 2005) [27]

Destabilisasyon ng pag-
usad ng dagat
May ilang espekulasyon ng pag-init ng
mundo, sa pamamagitan ng paghinto o
pagbagal ng thermohaline circulation
(sirkulasyong dulot ng init-alat ng
dagat) ay magsisimula ng lokal na pag-
lamig sa Hilagang Atlantiko na
magdudulot sa paglamig o mahinang
pag-init sa rehiyong ito. Lubhang
maaapektohan rito ang Scandinavia at
Britanya ay iniinitan ng North Atlantic
drift.

Mga Nagsilikas sa
Pagbabago ng Kapaligiran
Kahit na ang maliit na pagtaas (pantay
laot) ng dagat ay magdudulot ng
pagkawala ng matitirhan sa mga
pasigan na magdudulot ng problema
sa mga lumikas. Kapag ang pantay laot
ay tumaas ng mahigit na 4 metro, halos
lahat ng pasigang lunsod sa mundo ay
maapektuhan na may malaking epekto
sa pandaigdigan kalakalan at
ekonomya. Sa kasalukuyan, tinataya ng
IPCC na ang dagat ay tataas ng
mababa sa isang metro sa pagdating
ng 2100. Kanila ring inabiso na ang
pag-init ng mundo sa panahong iyon ay
magdudulot rin ng hindi na
mababaliktad na pagbabago sa
sistemang glasyal ng mundo na sa
kalaunan ay magtutunaw ng sapat na
yelo na magpapataas sa dagat ng
maraming metro pa sa loob ng
susunod na milenya. Tinatayang halos
200 milyong tao ang maapektuhan sa
pagtaas ng pantay laot lalo na Vietnam,
Bangladesh, Tsina, India, Thailand,
Pilipinas, Indonesya at Ehipto.

Ang isang halimbawa ng kalagayan ng


mga lumikas dahil sa kapaligiran ay
ang paglikas mula sa pulo ng Tuvalu na
kung saan ang katihan ay may
katamtamang taas ng halos isang
metro lang sa pantay laot. Ang Tuvalu
ay mayroong ng kasunduang ad hoc sa
New Zealand na tumaggap ng mga
lumikas [28] at marami ng residente
nito ang umaalis sa pulo. Gayunman,
hindi malinaw kung malaki ang epekto
ng pag-init ng mundo sa pagtaas ng
dagat. Tinataya na ang dagat (pantay
laot) ay tumataas ng halos 1–
2 mm/taon. Ang maikling panahong ito,
may malaking epekto ito sa ENSO o
pagkati/paglaki ng tubig. [29] [30] [31]
[32]

Pagkalat ng Sakit
Maaring magpalaganap ang pag-init ng
mundo sa mga hayop at kulisap ng
nagdadala ng mga nakahahawang
sakit tulad ng malarya, dilang asul na
sakit mula ng mga kuto ng alagang
daga na kamakailang ay kumalat sa
rehiyon ng timog Mediterreno. Tumaas
sa malawak na lugar sa Rusya ang
impeksiyon mula sa hantavirus,
Crimean-Congo hemorrhagic fever,
tularemia at rabies nitong 2004-2005.
Maisisi ito sa mabilis ng pagdami ng
mga daga at hayop na kumakain nito
gayundin ang pagbagsak o pagbaba sa
program sa bakuna at pagkontrol sa
mga daga [33] Kahit na nawala ang
malarya sa mga templadong rehiyon sa
mundo, ang mga lamok na nagkakalat
nito ay hindi napuksa at nananatili sa
ilang lugar. Kaya, kahit na mahalaga
ang temperatura sa daynamiks ng
pagkalat ng malarya, maraming bagay
ang kasangkot sa pagkalat nito.

Epektong Pang-ekonomiko
Nagpalabas ang mga institusyong
pinansiyal kasama ang dalawang
pinakamalaking kompanya ng seguro
sa mundo, ang Munich Re at Swiss Re,
sa isang pag-aaral noong 2004 (UNEP
summary) na “ang madalas na
pagdalas ng mga malubhang
pangyayaring pangkalikasan kaakibat
ang takbong panlipunan” ay gugugol ng
halos 150 bilyong dolyar bawat taon sa
susunod na dekada. Ang mga gugoling
ito sa pamamagitan ng pagtaas ng
halaga sa seguro at pagtulong sa mga
disastre ay mapapabigat sa mga
kliyente, mambubuwis at industriya.

Ayon sa Association of British Insurers,


ang pag-iwas sa pagpapaimbulog ng
karbon sa himpapawid ay makakaiiwas
ng 80% ng tinatayang dagdag na
gastosin mula sa mga bagyo hanggang
mga taong 2080. Ayon kay Choi at
Fisher (2003) ang bawat pagtaas ng 1%
sa taunang ulan ay magpapalaki sa
halaga ng katastrope ng halos 2.8%.
Ipinalabas kamakailan ng United
Nations' Environmental Program na
ang mga grabeng panahon sa mundo
ay nag-ulat na ang 2005 ang
pinakamagastos na taon sa
kasaysayan [36] kahit na walang
paraan upang patunayan na [ang isang
bagyo] ay sanhi o di sanhi ng pag-init
ng mundo [36]. Unang taya na ipinakita
ng pundasyong Aleman sa segurong
Munich Re ay nagpapakita na mahigit
200 bilyong dolyar na ang talo ng mga
nakaseguro na halos 70 bilyong dolyar.

Produksiyon ng biomass
Ang paglalang ng biomass ng halaman
ay naiimpluwensiyahan ng
mapagkukunan ng tubig, pagkain at
carbon dioxide. Ang bahagi ng biomass
ay ginagamit (ng tuwiran o di tuwiran)
bilang pagkukunan ng lakas ng halos
lahat ng mgay buhay kasama rin ang
pagkain sa mga inaalagaang hayop, at
bungangkahoy at pagkaing butil ng tao.
Kasama rin dito ang mga batang
(Filipino: troso) na kailangan sa
konstruksiyon.

Ang pagtaas sa papawirin ng carbon


dioxide ay makapagpapataas din ng
metabolismo ng mga halaman na
malamang ay makapagpaparami ng
kanilang ginagawang biomass. Ang
pagtaas ng temperatura ay
magpapahaba rin ng panahon ng
pagtatanim sa mga malalamig na
rehiyon. Minsang ipanikikita na ang
mga epektong ito ay makagagawa ng
isang mas berde at mayamang planeta
dahil maraming biomass na
mapagkukunan. Gayunpaman,
maraming bagay ang nakapaloob rito.
Hindi malinaw kung ang mga halaman
ay magkakaroon talaga ng benepisyo
sa pag-init ng mundo. Ang paglaki ng
halaman ay apektado ng maraming
bagay kasama ang taba ng lupa, tubig,
temperatura at konsentrasyon ng
carbon dioxide.

Hinuhuhulaan ng mga IPCC models na


posible ang isang banayad na pagtaas
sa ani ng halaman. Gayunman may
mga negatibong dulot ang idudulot
tulad ng pagbaba ng ani sa mga higit
na optimong temperatura; ang pagtaas
ng pagbabago-bago sa temperatura ay
inaasahang magpapababa sa ani ng
trigo; sa mga eksperimento, ang
kalidad ng halamang butil at dahon ay
bababa kapag ang CO2 at temperatura
ay tumaas pa; at ang pagbaba ng hulas
sa lupa sa tag-araw ay inaasahang may
negatibong dulot sa ani. [37]

Ipinakikita ng mga datos mula sa


satellite na ang produktibidad sa
hilagang kalahati ng mundo ay tunay na
tumaas mula 1982 hanggang 1991
[38]. Gayunman, ang mga pag-aaral
kamakailan [39],[40] ay nakasumpong
na mula 1991 hanggang 2002, ang
malalawak na tagtuyot ay nagdulot sa
pagbaba sa fotosintesis sa tag-araw sa
gitna at mataas na latitud ng hilagang
kalahati ng mundo.

Itinataya ng NOAA na sa mga taong


2050, may 54% ng dami ng yelong
dagat kumpara sa mga taong 1950.

Pagbukas ng Northwest
Passage (Daang
Pahilagang-kanluran) kung
tag-araw.
Sinasabing ang pagkatunaw ng
Arktikong yelo ay magbubukas sa
Northwest Passage sa tag-araw ng
darating na sampung taon. Ito ay
magpapaikli ng 5,000 nautikong milya
ng ruta ng barko sa pagitan ng Europa
at Asya. Lalong mahalaga ito sa mga
supertankers na napakalaki upang
dumaas sa Kanal ng Panama at
kasalukuyang dumaraan sa dulo ng
Timog Amerika. Ayong sa Canadian Ice
Service, ang dami ng yelo sa kupuluang
Artiko sa silangang Canada ay
bumababa ng 15% sa pagitan ng 1969
at 2004 [41]42.

Kasama sa negatibong dulot sa


pagkatunaw ng yelo ay ang pagbilis ng
pag-init ng mundo dahil mas makinang
ang yelo sa araw kay sa tunaw na tubig
na papalit rito. Mayroon ding epektong
ekolohiko ang pagkatunaw ng polong
yelo (polar ice): halimbawa ang mga
polong oso na gumagamit ng
lumulutang na yelong dagat upang
maabot ang kanilang huhilihin at
lumalangoy sa sa iba pang lutang ng
yelo kapag naghiwalay ang yelo.
Ngayon ang mga yelo ay malalayo na
isa’t-isa at maraming patay na polong
oso ang natatagpuan sa tubig na
sinasabing nalunod. [43]

Mga Sagot
Ang ligalig na posibleng idudulot ng
pag-init ng mundo ay ang
pagtatangkang maibsan ang pag-init
ng mundo na sumasaklaw sa mga
aksiyon upang pababain ang
negatibong epekto o malamang na
pangyayari ng pag-init ng mundo.

May apat na kategorya ng hakbangin


upang maibsan ng pag-init ng mundo:
1. Pagbabawas sa paggamit ng
enerhiya (konserbasyon)
2. Pag-iwas sa paggamit ng petrolyong
parikit (fossil fuel) na base sa karbon at
paggamit ng ibang mapagkukunan ng
alternatibong enerhiya.
3. Pagsilo at pagtatago ng karbon.
4. Pagpapababa sa paggamit ng
enerhiya (pagtitipid)

Ang sumusunod ang mga hakbangin


upang maiwasan ang pag-init ng
mundo: pag-unlad ng mga bagong
teknolohiya, lakas ng hangin, lakas
nukleyar, lakas ng araw, baguhing
enerhiya, biyodiesel, sasakyang de
koryente o hybrid, fuel cells, pagtitipid
sa enerhiya, buwis sa karbon,
pagpapabuti sa natural na pagtatago
ng carbon dioxide, at ang paghuli at
pagtatago ng carbon. Ilang grupong
pangkapaligiran ang nagsusulong sa
aksiyong indibiduwal laban sa pag-init
ng mundo na karaniwan ay nakatutok
sa mga konsumedor. May ilan ding
aksiyong ng mga negosyante sa
pagbabago ng klima.

Ang pangunahing pandaidigang


pagsang-ayon upang maibsan ang
pagbabago sa klima ay ang Kyoto
Protocol. Ang Kyoto Protocol ay susog
sa United Nations Framework
Convention on Climate Change
(UNFCCC). Ang mga bansang
nagratipika ng protokol na ito ay
nangangakong pababain ang kanilang
emisyon ng carbon dioxide at lima
pang greenhouse gases o
makipagkakalakalan sa emisyon kung
mapananatili nito o tataas ang kanilang
emisyong ng mga gas na ito.

Kahit na sapat na ang magkasamang


makaagham na konsensus at
insentibong ekonomiko na mahimok
ang gobyerno ng mahigit 150 bansa
upang maratipika ang Kyoto Protocol
(di kasama ang Estados Unidos at
Australya), patuloy pa rin ang debate
kung gaanong karaming emisyon ng
greenhouse gas ang magpapainit sa
planeta. Ilang politiko kasama ang
pangulo ng Estados Unidos na si
George W. Bush [44], Punong Ministro
ng Australya na si John Howard [45] ay
nagbabalala na ang halaga sa
pagsugpo ng pag-init ng mundo ay
lubhang napakalaki upang maging
marapat ito. Gayunman, may ilang
bahagi ng komunidad pangnegosyo
ang tinanggap ang katunayan ng pag-
init ng mundo na bunga ito ng tao na
nangangailangan ng aksiyon ng tao
tulad ng kalakalan sa emisyon ng
carbon at buwis sa carbon.

Ang pag-aakma sa pag-init ang isang


paraan upang maibsan ang hindi
kanais-nais na epekto nito. Halimbawa
sa mga istrateheya ay ang depensa sa
pagtaas ng pantay laot (sea level) o
pananatili ng mapagkukunan ng
pagkain.

Mga modelo sa klima


Pagtataya sa pag-init ng mundo mula sa
iba’t-ibang modelong pangklima sa
ilalim ng SRES A2 emissions scenario
kung walang gagawing aksiyon na
pahupain ang emisyon.

Distribusyon ng pag-init (na may


katamtaman ng 3.0 °C) sa siglo 21 na
tinaya ng HadCM3 climate model na
ipinalagay na walang pagbabago sa
direksiyon sa pag-unlad pang-
ekonomiko at pagpapalabas ng
greenhouse gases.

Pinagaralan ito ng mga siyentipiko sa


pamamagitan ng mga modelo ng
panahon na gumagamit ng kompyuter
(tingnan ang ibaba). Tanggap ang mga
modelong into ng komunidad ng
siyentipiko bilang tama matapos
maipakito nito na nagpapakita ito sa
paggaya ng kilalang paiba-iba ng
panahon tulad ng pagkakaiba ng tag-
init at tag-lamig, ang osilasyon ng
Hilagang Atlantiko o ng El Niño. Ang
lahat ng modelong nakapasa sa
pagsubok na ito ay humuhula sa
netong epekto ng pagdaragdag ng
greenhouse gases ay magpapainit sa
panahon sa hinaharap. Iba-iba ang laki
ang pag-init ng iba’t-ibang modelo. Ang
isang pinakamahalagang walang
katiyakan sa sensitibidad ng panahon
ay kung paano isinasama ang ulap sa
pagmomodelo.

Sabi ng ipinakikita sa itaas, ipinakikita


ng mga modelong pangpanahon na
ginamait ng IPCC ang pag-init mula
1.4 °C hanggang 5.8 °C sa pagitan ng
1990 at 2100 [48]. Ginamit din ito
upang imbestigahan ang dahilan ng
mga nakalipas na pagbabago ng
panahon sa pamamagitan ng nakitang
pagbabago sa mga hula ng mga model
sa paggamit ng iba’t-ibang likas at mga
pwersang kadahilananang gawa ng
taong.
Ang mga modelo ng panahon
kamakailan ay nagpakit ang
magandang pagkakaugma sa
obserbasyon ng pandaigdigang
temperature sa loob ng nakaraan siglo.
Hindi isinisisi ng mga modelong ito na
ang pag-init na nangyari mula 1910
hanggang 1945 ay dulot ng bariyasyon
ng kalikasan o ng tao. Alalaumbaga,
ipinahihiwatig nila na ang pag-init mula
1975 ay dulot ng pag-buga ng
greenhouse gas na gawa ng tao. Ang
pagdaragdag ng gulong ng karbon sa
pagmomodelo ay nagpapakita ng
positibong sagot kahit na walang
katiyakan ito (sa ilalim ng eskma ng A2
SRES, ang sagot ay iba-iba sa pagitan
ng dagdag na 20 at 200 ppm na CO2).
Ilang pag-aaral sa pagmamatyag nito
ang nagpapakita ng positibong sagot
[49].

Ang isa pang mungkahing mekanismo


kung saan ang tumitinding painit na
direksiyon ay ang pagkatunaw ng
tundra na sinasabing magpapalabas ng
matapang at napakaraming
greenhouse gas na methane na
nakabilanggo sa permafrost at
nakapaloob sa yelo bilang kumpuwesto
[50]. Ang walang katiyakan sa
pagpapakita ng ulang ang pangunahing
mapagkukunan ng walang katiyakan sa
kasalukuyang modelo kahit na may
malinaw na pag-unlad na
pagmomodelo ng ulap [51]. Mayroon
ding diskusyong ngayon kung ang
napapabayaan ng mga modelo sa
panahon ang mahalagang di tuwirang
sagot at sagot ng baryabilidad ng araw.
Gayundin, ang lahat ng modelo ay
kapus ng computational power, na kaya
di nito tinitingnan ang pagbabago na
kalakip ng maliliit na proseso at
panahon (e.g. bagyo, hurakan).
Gayunman, kahin na may kakapusan,
tanggap ng IPCC na ang mga
modelong ito na “naangkop na
kasangkapan upang ipakita ang
pagtataya sa kinabukan ng panahon "
[52].

Noong Disyembre 2006, iminungkahi ni


Bellouin et al sa Nature na ang
reflectivity effect ng nakalutang na
polutant sa himpapawid ay halos doble
sa naunang estimasyon at kaya ang
pag-init ng mundo ay natatakpan. Kung
ito ay mapatutunayan na ibang pag-
aaral, magpapakita na ang mga
kasalukuyang modelo ay kapus sa
paghula ng pandaigdigang pag-init [53]

Mga iba pang kalapit na


isyu
Kaugnayan sa pag-unti ng
ozone

Kahit na karaniwang idinadawit ng


mass media na may koneksiyon sa
pagitan ang pag-init ng mundo at pag-
unti ng ozone hindi ito matibay. May
apat na lugar sa pagdadawit nito: •
Sinasabing ang pangmundong pag-init
mula sa pwersang radyatibo ng carbon
dioxide ay tinatayang magpapalamig
sa estratospero. Dahil dito, magdudulot
ito ng relatibong pagbilis ng pagkawala
ng ozone at pagdalas ng pagkakaroon
ng ozone holes.

Radyatibong pagpwersa mula sa iba’t-


ibang greenhouse gases at ibang
pinagmumulan.

Gayunman, ang pagkawala ng ozone ay


nagpapakita ng pwersang radyatibo ng
sistema ng klima. Mayroong dalawang
magkalabang epekto: ang pagbaba ng
konsentrasyon ng ozone ay
magpapasok ng mas maraming
radyasyong solar na magpapainit ng
tropospero. Ngunit ang isang malamig
na estratospero ay nagpapalabas ng
kaunting radyasyong may mahabang
onda na kaya mapapalaming sa
tropospero. Sa kabuuan
nangingibabaw ang paglamig: pasiya
ng IPCC na ang pagkawala ng ozone sa
stratospero sa loob ng nakaraang
dalawang dekada ay nagdulot ng
negatibong pagpwersa sa sistema sa
rabaw ng tropospero [54] ng halos
−0.15 ± 0.10 W/m² [55]. • Ang isa sa
pinakamalakas na hula sa hinua ng
greenhouse effect ay ang paglamig ng
stratospero o kapaligiran. Kahit na ito
ay nangyayari, mahirap itong gamitin
dahil dulot nito ang pagbabago sa
klima dahil may paglamig ding sanhi ng
pagkawala ng ozone.

• Ozone depleting chemicals are also


greenhouse gases, representing 0.34
±0.03 W/m², or about 14% of the total
radiative forcing from well-mixed
greenhouse gases [56].

Kaugnayan sa pagdilim ng
mundo
Ilang siyentipiko ang nagdadawit na
ang epekto ng pagdilim ng mundo
(dulot sa pagbaba ng liwanag ng araw
ng umaabot sa balat ng planeta na
maaring dulong ng mga aerosol) ay
maaring kumukubli sa ilang epekto ng
pag-init ng mundo. Kung totoo ito, ang
di-tuwirang epekto ng aerosol ay mas
malakas kaysa unang paniwala na
magpapakita na ang sensitibidad sa
klima sa greenhouse gases ay mas
malakas. Ang pagkabahala sa epekto
ng aerosol sa pagbabago sa klimang
pangmundo ay unang sinaliksik bilang
pagkabahala sa pandaigdigang
paglamig noong mga taong 1970.

Ang pag-init bago


dumating ang tao
Sinasabi ng ilang heologo na
nakaranas ng pandaigdigang pag-init
ang mundo noong kaagahan ang
panahong Jurassic na kung saan ang
katamtamang temperatura ay tumaas
ng 5 °C. Ang pananaliksik ng Open
University na inilathala sa Geology (32:
157–160, 2004 [57]) ay nagpapakita na
nagdulot ito ng matinding pagaagnas
ng bato ng may mahigit 400%. Ang
pagaagnas ng bato ay nagtatago ng
carbon bilang calcite at dolomite na
mga mineral ng iba’t-ibang antas ng
oksido ng carbon. Ang bunga nito ay
ang pagbaba ng nibel ng carbon
dioxide sa normal sa halos sumunod
na 150000 taon.

Ang biglaang pagpapalabas ng


methane mula sa mga kompuwestong
clatharate (sinanga) (the Clathrate Gun
Hypothesis), ay isang huna bilang
dahilan ng nakaraang pag-init ng
mundo. Ang dalawang pangyayari na
inililink dito ay ang Permian-Triassic
extinction event at Paleocene-Eocene
Thermal Maximum. Gayunman, ang
pag-init nitong huling edad yelo ay
sinasabing hindi dulot ng
pagpapalabas ng methane [58].

Ang greenhouse effect ay binabanggit


din upang ipaliwanag kung papaano
nakalabas ang mundo sa panahong
Snowball Earth. Noong panahong ito
ang lahat ng batong silicate ay balot
daw ng yelo na pumipigil rito na
sumama sa carbon dioxide sa
atmospero. Unti-unting tumaas ang
carbon dioxide sa atmospero haggang
350 beses na mataas ito sa
kasalukuyang nibel. Sa rurok na ito,
tumaas ang katamtamang temperatura
ng 50 °C na mainit upang matunaw ang
yelo. Ang madalas na pag-ulan ay
madaling nagpalis sa carbon dioxide sa
atmospero. Ang makakapal na
abiyotikong carbonatong latak ang
matatagpuan sa mga yelong bato nang
panahong ito ay pinaniniwalaang binuo
sa mabilis na pagpalis ng carbon
dioxide.

Sa paggamit ng datos ng paleoklima


nang nakaraang 500 milyong taon
(Veizer et al. 2000, Nature 408,
pp. 698–701) ipinakikita na ang
mahabang pagpapabago-bago sa
temperatura ay mahinang maidaramay
sa pagbabago sa carbon dioxide.
Pinalawig ito nina Shaviv at Veizer
(2003, [59]) na ang pinakamalaki at
mahabang impluwensiya sa
temperatura ay ang kilos ng ating
sistemang solar sa palibot ng galaxy.
Pagkatapos, kanilang binanggit na sa
loob ng pahanong heolohiko isang
pagbabago sa konsentrasyon ng
carbon dioxide ang nangyari katulad sa
dalawang beses na pagtaas ng nibel
nito bago ang panahong industriyal na
nagdulot lamang ng 0.75 °C pag-init sa
halip na 1.5-4.5 °C na ipinakikita ng
mga modelo sa klima [60]. Ang trahaho
ni Veizer ay binatikos ng
RealClimate.org [61].

Itinugon ni William Ruddiman isang


paleoklimatologo (e.g. Scientific
American, Marso 2005) na ang
impluwensiya ng tao sa klima ng
mundo ay nagsimula mga 8000 taon
ang nakalilipas dahil sa pag-unlad ng
sakahan. Pumigil ito sa pagbaba husto
sa nibel ng carbon dioxide (at sa
dakong huli ng methane) . Dagdag ni
Ruddiman kung wala ang epektong ito,
ang mundo ay papasok o pumasok na
sa bagong edad ng yelo. Gayunman,
ang ilang trabaho sa paksang ito
(Nature 2004) ay sumasagot na ang
kasalukuyang panahong interglasyal ay
katulad sa interglasyal noong
nakaraang 400,000 taong nakalipas na
tumagal ng halos 28,000 taon na sa
kasong ito hindi kailangan idawit ang
pagkalat ng sakahan sa pagkahuli ng
susunod na edad ng yelo.

Mga Batayan
Bahagi ng nilalaman ng artikulong ito
ay mula sa artikulong "Global
warming" sa English Wikipedia (na-
retrieve noong 14 Hunyo 2006 ).
Association of British Insurers
Financial Risks of Climate Change,
Hunyo 2005, (PDF) Accessed 7 Enero
2006
Tim Hirsch. "Plants revealed as
methane source", BBC, 11 Enero
2006.
Barnett, T. P., Adam, J. C., and
Lettenmaier, D. P. (2005). "Potential
impacts of a warming climate on
water availability in snow-dominated
regions". Nature 438: 303-309.
Choi, O. and A. Fisher (2003) "The
Impacts of Socioeconomic
Development and Climate Change on
Severe Weather Catastrophe Losses:
Mid-Atlantic Region (MAR) and the
U.S." Climate Change, vol. 58 pp. 149
Dyurgerov, Mark B; Mark F. Meier
(2005). Glaciers and the Changing
Earth System: a 2004 Snapshot.
Institute of Arctic and Alpine
Research, Occasional Paper #58. [62]
Emanuel, K.A. (2005) "Increasing
destructiveness of tropical cyclones
over the past 30 years." Nature 436,
pp. 686–688.
ftp://texmex.mit.edu/pub/emanuel/P
APERS/NATURE03906.pdf
Ealert Global warming - the blame is
not with the plants
Hoyt, D.V., and K.H. Schatten (1993).
"A discussion of plausible solar
irradiance variations, 1700-1992". J.
Geophys. Res. 98: 18895–18906.
Lean, J.L., Y.M. Wang, and N.R.
Sheeley (2002). "The effect of
increasing solar activity on the Sun's
total and open magnetic flux during
multiple cycles: Implications for solar
forcing of climate". Geophys. Res.
Lett. 29 (24): 2224.
DOI:10.1029/2002GL015880.(online
version requires registration)
Raimund Muscheler, Fortunat Joos,
Simon A. Müller and Ian Snowball
(2005). "Climate: How unusual is
today's solar activity?". Nature 436:
E3-E4. DOI:10.1038/nature04045.
Oerlemans, J (2005). "Extracting a
Climate Signal from 169 Glacier
Records". Science 308 (5722): 675 -
677. DOI:10.1126/science.1107046.
Naomi Oreskes, 2004 Beyond the
Ivory Tower: The Scientific
Consensus on Climate Change - The
author discussed her survey of 928
peer-reviewed scientific abstracts on
climate change. Retrieved 8
Disyembre 2004. Also available as a
1 page pdf file
Revkin, Andrew C (2005). "Rise in
Gases Unmatched by a History in
Ancient Ice". New York Times.
"Shafts of ancient ice pulled from
Antarctica's frozen depths show that
for at least 650,000 years three
important heat-trapping greenhouse
gases never reached recent
atmospheric levels caused by human
activities, scientists are reporting
today." (25 Nobyembre 2005) [63]
RealClimate Scientists Baffled
Ruddiman, William F. (2005). Plows,
Plagues, and Petroleum: How
Humans Took Control of Climate.
New Jersey: Princeton University
Press.
Smith, T.M. and R.W. Reynolds, 2005:
A global merged land and sea
surface temperature reconstruction
based on historical observations
(1880–1997). J. Climate, 18, 2021–
2036.
UNEP summary (2002) Climate risk
to global economy, Climate Change
and the Financial Services Industry,
United Nations Environment
Programme Finance Initiatives
Executive Briefing Paper (UNEP FI)
(PDF) Accessed 7 Enero 2006
S.K. Solanki, I.G. Usoskin, B. Kromer,
M. Schussler, J. Beer (2004).
"Unusual activity of the Sun during
recent decades compared to the
previous 11,000 years.". Nature 431:
1084-1087.
DOI:10.1038/nature02995.
S. K. Solanki, I. G. Usoskin, B. Kromer,
M. Schüssler and J. Beer (2005).
"Climate: How unusual is today's
solar activity? (Reply)". Nature 436:
E4-E5. DOI:10.1038/nature04046.
Wang, Y.M., J.L. Lean, and N.R.
Sheeley (2005). "Modeling the sun's
magnetic field and irradiance since
1713". Astrophysical Journal 625:
522–538.
Wired Careful Where You Put That
Tree
Kennett J. P., Cannariato K. G., Hendy
I. L. & Behl R. J.American
Geophysical Union, Special
Publication, Methane Hydrates in
Quaternary Climate Change: The
Clathrate Gun Hypothesis. 54,
(2003).
Sowers T. (2006). "Late Quaternary
Atmospheric CH4 Isotope Record
Suggests Marine Clathrates Are
Stable". Science 311 (5762): 838-
840. DOI:10.1126/science.1121235.
Hinrichs K.U., Hmelo L. & Sylva S.
(2003). "Molecular Fossil Record of
Elevated Methane Levels in Late
Pleistocene Coastal Waters". Science
299 (5610): 1214-1217.
DOI:10.1126/science.1079601.
Questions about Clathrate Gun
Hypothesis (source of information).

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pag-
init_ng_daigdig&oldid=1668898"

Last edited 5 month ago by Way…


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng
CC BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like