Guro sa AP 10 • Naipaliliwanag ang aspektong politikal, pang-ekonomiya, at panlipunan ng Climate Change - AP10IPE-Ic-8
• Natatalakay ang iba’t ibang programa, polisiya, at patakaran ng pamahalaan at
ng mga pandaidigang samahan tungkol sa Climate Change- AP10IPE-Id-9
• Natataya ang epekto ng Climate Change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan
ng tao sa bansa at sa daigdig - AP10IPE-Id-10 Ano ba ang ibig sabihin ng Climate Change? Ang Climate Change (pagbabago ng klima) ay ang pagbabago ng klima ng mundo; kinapapalooban ito ng pagbabago ng temperature, wind pattern, pagbuhos ng ulan, lalo na ang pagbabago sa temperature ng mundo bunga ng pagtaas ng mga particular na gas lalo ng carbon dioxide. Ang Global Warming ay ang pagtaas ng temperature sa ibabaw ng mundo. Kapag pinagsama, ito ay tumutukoy sa nasusukat na pagtaas sa pangkaraniwang(average) temperatura ng atmospera ng mundo, karagatan, at kalupaan(landmasses).
Ang mundo ay napapansing sumasailalim sa isang panahon ng mabilis na
pag – init bunga ng pagtaas ng antas ng heat – trapping gasses – greenhouse gases. Ano naman ang ibig sabihin ng Greenhouse Gases? sun
Ang Greenhouse Gases ay ang mga gas na parang salamin(glass) sa
isang greenhouse na sumisipsip at nagbubuga ng init mula sa mundo. Ang Greenhouse Effect ay tumutukoy sa proseso kung saan pinanatili ng greenhouse gases sa mundo ang enerhiya o init na ibinibigay ng araw. Kailangan ang Greenhouse Gases upang mapanatili at maitaguyod ang buhay sa lupa. Nagbibigay sila sa mundo ng kinakailangang mekanismo sa pagpapainit.
Ayon kay Michael Mastrandea(IPCC): “Dahil may sobrang
greenshouse gases, ang atmospera ay tila baga isang makapal na kumot na lumalambat(trapping) ng higit na init.”
Ang pagtaas ng antas ng greenhouse gases sa atmospera ay
nagreresulta ng pagtaas ng temperatura sa mundo. Mga Uri ng Greenhouse Gases
Tubig – singaw (water – vapor)
Carbon Dioxide Methane Nitrous Oxide Ozone at ilang uri ng sentetikong kemikal Aspektong Politikal, Pang Ekonomiya, at Panlipunan ng CLIMATE CHANGE