You are on page 1of 7

Hydrothermal Energy

Ang hydrothermal energy ay ang proseso ng pagkuha ng


init o lakas mula sa isang malaking katawan ng tubig.

Ang tubig na dumadaloy sa mga dam na hydroelectric ay


nagmumula sa karagatan na nagiging singaw dahil sa init ng
araw at kumakalat sa ibabaw ng lupa sa anyong ulap. Dahil sa
mainit na sinag ng araw, humihihip ang hangin at pinaaandar
nito ang mga generator na pinatatakbo ng hangin.
Ang Pilipinas ay isang kapuluan kaya naman malaki
ang suplay ng tubig sa bansa. Ayon sa World Resource
Institute-Earth Trends: Energy and Resources Of The
Philippines, 2006. Ang ating bansa ay nagproprodyus
ng 2,900 megawatts ng kuryente. At ang kabuuang
konsumo ng kuryente sa banda, at labing-siyam na
porsyento rito ay mula sa hydroelectric power.
Ang mahigit 400 na ilog na matatagpuan sa bansa ay may malaki
ring potensyal na pagkunan ng hydrothermal energy. Ayon sa
pag-aaral ng National Renewable Energy Laboratory (NREL) sa
US, halos lahat ng probinsya sa bansa ay pwedeng pagkunan ng
enerhiya mula sa micro hydro (hanggang 100 kW). Tinatayang
aabot sa 13,097 MW ang potensyal na energy na pwedeng i-
generate mula sa iba’t ibang hydropower plants sa buong bansa.
Sinasapatan na ng mga plantang hydroelectric ang mahigit sa 6 na
porsiyento ng pangangailangan ng daigdig sa enerhiya. Ayon sa ulat ng
International Energy Outlook 2003, sa loob ng susunod na dalawang
dekada, “ang kalakhang bahagi ng pagsulong sa di-nauubos na
pinagmumulan ng enerhiya ay magaganap sa malawakang mga proyekto
ng enerhiyang hydroelectric sa papaunlad na mga bansa, lalo na sa mga
bansa sa umuunlad na Asia.” Gayunman, nagbabala ang Bioscience: “Ang
imbakan ng tubig ay karaniwan nang sumasaklaw sa kapaki-pakinabang,
mabunga, at mabanlik na mga lupain sa mabababang lugar. Bukod diyan,
nakaaapekto ang mga dam sa nabubuhay na mga halaman, hayop, at
mikrobyo sa ekosistema.”
HYDRO POWER RESOURCE
— kayang i-suplay ang 10% ng energy
requirements ng bansa mula sa tubig

You might also like