You are on page 1of 3

ARAVELA IGNACIO

BSBA MM 1-1

Pag-unawa sa Paksa: I:

1. Talakayin base sa tsart ang dalawang yugto ng kasaysayan ng enerhiya sa Pilipinas.

Ang kasaysayan ng enerhiya sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang yugto : 1950’s–


2000’s at ang kasalukuyang panahon. Bago pa man ipinakilala ng mga Amerikano ang
Incandescent Bulb Ni Edison Batis at bukal, ay kinakitaan na ng paggamit ng likas na
enerhiya ang mga Pilipino. Sinakop ng Amerika ang Pilipinas ipinakilala ang konsepto
ng industriyalisasyon at ang tinatawag na ‘Oil Economy Na nakadepende sa
inaangkat na langis geothermal ang Pilipinas ng langis.

2. Ayon sa kasaysayan, anong mga suliranin ang pinagdaanan ng industriya ng langis


at paano ito nasulusyunan?

Sumiklab ang krisis pang-enerhiya noong 70’s na lubhang nakaapekto sa supply ng


bansa dahil sa pagtaas ng presyo at paglimita sa pag-angkat ng langis na nagtalaga ng
Oil Industry Commission Oil Embargo ng Opec kaalinsabay ng “yom Kippur War” Oil
Crisis. Agad naming tumugon at umaksyon ang Administrasyong Marcos upang
malunasan ang dagliang epekto ng krisis habang binubuo ang isang pangmatagalang
lunas na nagbigay-buhay sa Philippine National Oil Company. Binili ang Esso at Filoil
at ang refinery sa Bataan at itinayo ang Petron, bumili ng mga Oil Tankers, ginalugad
ang mga Oil Fields ng Nido, Cadlao at Matinloc na nagtayo ng Energy Dev’t.
Corporation sa ilalim ng Pnoc.

3. Ano-anong mapagkukunan ng enerhiya sa Pilipinas? Paano ito nakakalikha ng


kuryente?

Dahil Sa Mga Polisiyang Inumpisahan Noon 1970’s, Nabigyang pansin ang mga
Enerhiyang pwede tuklasin at Paunlarin dito mismo sa Bansa natin tulad ng
Hydropower, Wind, Solar And Ocean Energy wind Power Farm, Bangui, Ilocos Norte.
Ang Pagyabong ng mga Proyektong Pang-enerhiya ay nagbigay Solusyon sa mga
Brownouts ng 1990’s at ang mga Promulgation tulad ng Epira ay muling
nagpabangon ng Ekonomiya ng Bansa. Pero ito ay naging Instrumento rin para
mamulat ang ating Kamalayang Pangkalikasan na magiging isang mahalagang
Impluwensya sa Paggamit ng Enerhiya dito sa Pilipinas.
4. Ano ang layunin ng EPIRA? Bakit ito inilunsad?

Ang RA 9136 o Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay ipinasa noong ika-8 ng
Hunyo 2001 sa kadahilanang ang pagpapa kuryente ay nagiging matinding pabigat sa
pananalapi ng Pilipinas na naging pangunahing reporma sa paggamit ng utang mula
sa international Financing Institution. Ang pangunahing layunin nito ay makapagtayo
ng mura at kalidad ng suplay ng elektrisidad sa bansa, sa pamamagitan ng
pagpapaigting ng pribadong puhunan kaakibat ng pagkalas sa mga monopliya upang
maging patas ang kompetisyon sa pamilihan o merkado (RA 9136)
You sent

Pagunawa sa paksa 2

1. Gaano kahalaga ang industriya ng langis sa Pilipinas?

Napakalaking importansya ng langis sa ating bansa lalo na sa pambansang


ekonomiya sa katunayan mahigit limamput apat na porsyento (54.4%) ng
pambansang konsumo ng enerhiya ay nagmumula sa imported na langis. Halos lahat
ng mga bagay na ginagamit natin sa araw-araw ay ginamitan ng panggatong na
petrolyo. Simula sa gas na napaka importante upang tayo ay makabuo ng ating
makakain. Sa mga sasakyan na ginagamit natin bilang transportation sa araw araw.
Hindi natin maikakaila na napakalaki ng bahagi nito sa ating pang araw araw na
pamumuhay.

2. Bakit palaging tumataas ang presyo ng langis sa Pilipinas?

Ang industriya ng petrolyo sa Pilipinas ay monopolisado ng mga kumpanyang Petron,


Shell at Caltex.Kontrolado ng naturang mga kumpanya ang importasyon, pag-iimbak,
pagrerepina at kalakhang bahagi ng distribusyon hanggang pagtitingi ng petrolyo.
Mahigit 90% ng pamilihan ng mga produktong petrolyo sa bansa ay hawak ng mga
ito. Sa ganitong katayuan, naitatakda ng sabwatan ng tatlo ang presyo ng mga
produktong petrolyo. Ang tanging layunin nito ay makakuha ng sobra sobrang pera o
tubo gamit ang langis.

3. Paano pinaghaharian ng dambuhalang kapitalista ang industriya ng langis sa


Pilipinas?

Dating gawi na ng tatlong dambuhalang kumpanya ang paminsan-minsang pag


bababa ng mga presyo upang umiwas sa batikos. Ngunit ang naturang mga pagbaba
ay di-hamak na maliit kung ihahambing sa aktwal na ibinabagsak ng presyo ng
krudong langis sa pandaigdigang pamilihan. At tumaas lamang nang bahagya ang
presyo ng krudong langis, mabilis pa sa alas kwatro ang pagtataas din nila ng presyo.
4. Gaano kalaki ang ipinapatong ng kartel sa presyo ng langis? Talakayin.

Waling tiyak na sukat kung gaano itinataas ang presyo ng langis sa Pilipinas dahil ang
naturang kartel lamang ang siyang may hawak ang saktong impormasyon tungkol sa
pagtaas ng presyo ng langis. Ngunit maaaring gamitin ang dating pormula ng
gobyerno kung saan nasusukat ang sobrang pagpepresyong ginagawa ng mga
monopolyo. Ito ay ang Automatic Pricing Mechanism kung saan sa bawat dolyar na
itinataas o ibinababa ng pandaigdigang presyo ng bawat bariles ng krudong langis, 26
sentimo kada litro ang itataas o ibababa ng pump price ng petrolyo sa Pilipinas. Ayon
din sa pormula, ang bawat pisong pagtaas o pagbaba ng palitan ng piso sa dolyar ay
katumbas ng 13 sentimo kada litrong pagtaas o pagbaba ng presyo ng petrolyo.

Gawain 1
Kumuha ng isang Meralco bill at kunan ito ng larawan at i-paste sa inyong activity
sheet na ipapasa, pag-aralan ang mga charges na nakapaloob dito. Tukuyin ang di
nararapat singilin sa mga mamamayan mula sa mga nakatalang charges ng Meralco?
Patunayan ang inyong sagot sa pamamagitan ng saliksik. (10 PTS)

Gawain 2
Magtala ng apat na dahilan kung bakit dapat at hindi dapat ibasura ang Oil
Deregulation Law?
(10 PTS)

 Dapat Ibasura
 Hindi Nararapat ibasura

You might also like