You are on page 1of 4

Zamboanga Chong Hua High School

Senior High School Department

Ang Mabuti at Masamang Dulot ng Pagtaas ng Presyo ng Langis sa Kabuhayan ng mga

Mamamayang Pilipino

(Pamagat ng Konseptong Papel)

Mananaliksik:

Padiwan, Nadzralyn L.

11-STEM Weinberg

05/03/2022

Guro:

Gng. Kristine Mae T. Dela Cruz, LPT


Rationale

Ginagamit natin ang langis sa ating pang-araw araw na kabuhayan. Maging sa ating

pagluluto, transportasyon, at elektrisidad, nakaagapay sa atin ito. Kaya hindi maitatanggi ang

pagtaas ng pagbabago sa ating pamumuhay at maging sa ating ekonomiya nang maibalita ang

biglaang pagtaas ng presyo ng langis.

Gayunpaman, may mga salik na kailangang tandaan na nakaapekto sa produksyon ng

langis at ang presyo nito. Ang mga presyo ng langis ay naiimpluwensya ng pandaigdigang supply

at demand. Ang paglago ng ekonomiya ay isa sa pinakamalaking salik na nakakaapekto sa

pangangailangan ng produktong langis. Ang lumalagong mga ekonomiya ay nagdaragdag ng

pangangailangan para sa enerhiya sa pangkalahatan at lalo na para sa pagdadala ng mga kalakal at

materyales mula sa mga producer patungo sa mga mamimili.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang pagtaas ng presyo ng langis sa daigdig ay

bunsod ng digmaan sa Ukraine. Kasama nito ang unang double-digit na pagtaas ng presyo ng

gasolina ng Pilipinas noong Marso 15. Tumaas ang presyo ng diesel ng 13.15 pesos kada litro at

7.10 pesos ang gasolina. Sa loob ng 11 linggong sunod-sunod na pagtaas, tumaas ang halaga ng

dalawang gasolina ng 30.65 pesos at 20.35 pesos, ayon sa pagkakasunod.

Dagdag pa rito, noong ika-1 ng Disyembre, 2021 ay nanawagan ang Presidente ng Pilipinas

na si Rodrigo Duterte at Cabinet Secretary Karlo Alexei B. Nograles sa Kongreso na repasuhin

ang batas sa deregulasyon ng langis, partikular na ang mga probisyon sa unbundling prices at ang

pagsasama ng pinakamababang imbentaryo na kinakailangan sa batas, gayundin ang pagbibigay

ng kapangyarihan sa interbensyon ng gobyerno na makialam kapag may matagal na pagtaas ng

presyo ng mga produktong petrolyo. Inilabas ito matapos makipagpulong ang presidente sa ilang
miyembro ng Gabinete at matataas na opisyal ng seguridad upang talakayin ang epekto sa pulitika

at ekonomiya ng patuloy na labanan ng Russia-Ukraine.

Ang Republic Act 8479 na pinamagatang “Oil Derugation Law”na inaprubahan noong

ika-10 ng Pebrero, 1998 ay isang batas kung saan hindi na kontrolado ng gobyerno ang pagtaas ng

presyo ng langis sa Pilipinas. Ang mga may kontrol nito ay ang tatlong malalaking kumpanya

(Shell, Petron, at Caltex), na nag-iisang nagtatakda ng presyo ng langis. Para sa mga local oil

downstream industry, ang konsepto ng deregulasyon ay sumasaklaw ng pagbabawas ng presyo; at

pag-alis ng mga paghihigpit sa mga establisyemento at mga operation of facilities pati na rin ang

importasyon at pagluluwas ng mga langis at petrolyo.

Layunin

Nais ng papel na ito na mag-pokus sa mga mabuti at masamang dulot ng pagtaas ng presyo

ng langis sa kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino ngayong patuloy na nagbibigay ng iba’t-

ibang epekto sa ating ekonomiya ang biglaang pagtaas ng presyo nito. Layunin nito na talakayin

ang iba’t-ibang rason kung mayroon bang pagkakaiba sa dulot na naibibigay ng pagtaas ng presyo

ng langis sa paraan ng pagkonsumo ng iba’t-ibang mga mamamayang Pilipino. Nais din malaman

ng papel na ito kung paano nagbibigay ng dulot sa kabuhayan ng mga mamamayan kapag isaalang-

alang ang pagkakaiba ng katayuan.

Masasabi ring nakabase ang mga dulot na dala sa kabuhayan sa karanasan ng mga

mamamayan sa pagtaas ng presyo ng langis. Dahil dito, ipinapahayag ng papel na ito na ang

iba’t-ibang klaseng dulot na dala ng pagtaas ng presyo ng langis sa kabuhayan ng mga


mamamayang Pilipino ay nakadepende kung paano nila ikonsumo at sa pagkakaiba ng

kanilang katayuan.

Metodolohiya

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa

mga jeepney at tricycle drivers, at piling mga mamamayang naapektuhan ng biglaang pagtaas ng

presyo ng langis bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa dulot na dala ng pagtaas ng

presyo ng langis sa kanilang kabuhayan. Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng

obserbasyon sa mga jeepney, at tricycle drivers at piling mamamayan kung paano nila ikonsumo

sa pang-araw araw na kabuhayan ang langis at ang pagkaka-iba ng kanilang katayuan sa buhay

upang higit na mapatatag ang mga datos na makukuha mula sa paki kipanayam.

Inaasahang output o resulta

Inaasahang masasagot ang mga tanong na nais sagutin ng sulating pananaliksik gamit ang

mga makakalap na datos mula sa mga pinagkuhaan ng impormasyon. Inaasahan rin na

makapagbibigay ng sapat na katibayan upang masuportahan ang mga natuklasan ng pagsisiyasat

at makahahandog ng rekomendasyon para sa iba pang mga mananaliksik na interesadong mag-

imbestiga sa paksang ito sa hinaharap.Inaasahang makabubuo ng 30 na pahinang output ang

pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layunin ng papel na ito.

You might also like