You are on page 1of 17

PAGTAAS NG GASOLINA: EPEKTO SA MGA DYIPNI DRIVERS SA ALAMADA

NORTH COTABATO

Mapundo, Aleah B.
Raupan, Alyssah G. 
Raupan, Dinna M.
Umbalan, Aila Nhor G. 
Duran, Princess Joy A. 
Ladio, Vincent C.

ISANG PANGANGAILANGANG KONSEPTONG PAPEL NG PANANALIKSIK BILANG


PAGSASAKATUPARAN SA ASIGNATURANG PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

MARSO 2022
PASASALAMAT

Taos pusong ipinapaabot ang aming pasasalamat sa mga taong naging parte o bahagi ng

aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta at kontribusyon upang maisagawa nang

maayos, maging epektibo at maging matagumpay ang pananaliksik na ito. Nang dahil sa kanila,

mas napalawak pa ang aming kaalaman at naging possible na magkaroon ng magandang resulta

ang aming pag-aaral. ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod.

Kay ginoong Wowie Biduan, ang aming mahal na guro na siyang gumabay at nagpalawig

ng aming pananaliksik, kami po ay nagpapasalamat sa walang sawang pag-unawa at pagtulong

sa amin sa pamamagitan ng pagtama ng aming mali habang isinasagawa namin ang aming

pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman ukol dito.

Sa mga respondente ng Purok 4, Mapurok, Alamada, North Cotabato na naglaan ng

kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pag-sagot ng tapat sa aming kwestiyoner, at sa

pagbigay sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik na ito, maraming

Salamat po sa inyong hindi matatawarang kabaitan sa pagtugon sa aming mga katanungan. Kung

wala ang inyong kooperasyon at kahandaang sagutin ang aming katanungan ay maaring hindi

mabuo ang panaliksik na ito.

Nagpapasalamat kami sa aming mahal na Allah ( SWT) dahil kung hindi dahil sa kanya

ay wala tayong lahat sa mundong ito. Sa aming mga magulang na nakasama namin sa lahat nang

problema. Sa aming mga kaklase na nakasama namin sa kasayahan at kalungkutan.

Dedikasyon

Nagpapasalamat kami sa aming mahal Allah ( SWT) dahil kung hindi dahil sa kanya ay

wala tayong lahat sa mundong ito.Sa aming mga magulang na nakasama naming sa lahat naming

problema.Sa aming mga kaklase na nakasama naming sa pagsasaya at kalungkutan .


KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang gasolina ay isang panggatong na gawa sa krudo at iba pang likidong

petrolyo. Pangunahing ginagamit ang gasolina bilang gasolina ng makina sa mga sasakyan. Ang

gasolina ay tinawag na lahat ng mga uri ng mga materyales at sangkap na, pagkatapos ng isang

proseso ng pagkasunog, ay may kakayahang ilabas ang potensyal na enerhiya na nabago sa

magagamit na enerhiya ng iba't ibang uri, tulad ng thermal o mekanikal na enerhiya. Mula doon

ay sumusunod na ang enerhiya na ginawa ay may iba't ibang mga pag-andar sa pang-araw-araw

na buhay, tulad ng pag-init, electrification at ang pag-activate ng makinarya.

Ang gasolina, na tinawag sa ilang mga bansa naphtha o benzine, ito ay isang gasolinang

ginawa mula sa pinaghalong iba't ibang mga likido na nasusunog at pabagu-bago. Nakuha ito sa

pamamagitan ng paglilinis ng langis na krudo.

Kada taas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, nagdudulot ito ng pangamba

hindi lamang sa mga direktang nangangailangan ng langis para magpatuloy ang operasyon ng

negosyo kundi pati na rin ang mga ordinaryong mamimili na hindi direktang gumagamit ng

krudo ngunit binabata ang bawat hagupit ng pagtaas ng presyo ng langis mula sa ibang bansa

(Cesario Minor, 2007).

Maraming epekto ang pagtaas ng langis. Negatibong nakakaapekto ito sa pagpapaunlad

ng ekonomiya ng mga lipunan dahil hindi sila makakagawa sanhi ng mataas na presyo ng mga

hilaw na materyales o produktong kinakailangan para sa kanilang paggawa (Adriana, 2018).


Ayon sa Internasyonalismo noong 2012, ang pagtaas ng presyo ng langis sa kasalukuyan

ay epekto lamang ng tumitinding krisis ng sistema at hindi simpleng dahil sa pagiging ganid ng

uring kapitalista sa tubo. Isa ring dahilan sa pagtaas ng presyo ng langis ay dahil sa pagbibigay

ng karapatan sa mga dambuhalang kumpanya ng langis na magpresyo ng kanilang mga produkto.

Nawawalan ng kontrol ang pamahalaan upang busisiin ang mga dokumentong isinusumite ng

mga kumpanya ng langis na nagiging batayan sa pagtataas ng presyo ng langis. Kung kaya

naman kapag nais ng mga kumpanyang ito na taasan ang kanilang produkto ay magagawa nila

anumang oras nang walang anumang pagtutol ang gobyerno ayon sa artikolo ni Judgestingray.

TEORYA NG PAG-AARAL

Samakatuwid, isa sa mga salik na nakakaapekto sa kanilang kabuhayan at pamilya ay ang

patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina na nagdudulot ng mataas na konsumo. Kapag tumaas

ang presyo ng gasolina, tumataas din ang presyo o pamasahi sa mga pasahero. Ayon kay

Gamboa (2018), ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina ay kaakibat ng pagtaas ng presyo

ng mga negosyong gumagamit nito. Nagreresulta ito sa isang makabuluhang pagbaba sa halaga

ng pera na kanilang iniuuwi.

Noong Pebrero 1998, nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos ang Republic Act (RA) No.

8749, o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998, na inaalis ang kontrol ng

gobyerno sa pagpepresyo ng mga produktong petrolyo at sa halip ay pinahihintulutan ang

merkado na magdikta ng mga presyo.

Sa isang artikulo noong Pebrero 2000 na inilathala ng Philippine Institute for

Development Studies, sinabi ng mananaliksik na si Ma. Teresa D. Caparas na ang pagtaas ng

presyo ng langis ay “hindi direktang epekto ng deregulasyon” dahil ito ay nangyayari bago pa
magkabisa ang RA 8749. Sinabi ni Caparas na ang industriya ng langis ay “wala gaanong

magagawa” kundi ang tanggapin ang pagtaas ng presyo sa international na merkado dahil ang

bansa ay isang net importer na higit na nakadepende sa mga supplier sa ibang bansa.

KONSEPTO NG PAG-AARAL

Pagtaas ng gasolina Epekto ng pagtaas ng gasolina

FIGURE 1: ISKEMA NG PAG-AARAL

SULIRANIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito." Pagtaas ng Gasolina: Epekto sa mga Dyipni Drivers sa

Panahon ng Pandemya" , ay naglalayon na masagot ang sumusunod na mga katanungan na

maring magbigay ng kasagutan:

1. Ano ang naging epekto ng pagtaas ng gasolina sa mga Dyipni Drivers sa panahon ng

pandemya sa:

a) Pamumuhay

b) Sarili

c) Pamilya

2. Ano-ano ang mga suliraning kinahaharap ng mga Dyipni Drivers sa pagtaas ng gasolina sa

panahon ng pandemya?
3. Ano-ano ang naging karanasan ng mga Dyipni Drivers sa panahon ng pandemya?

Ang mga ito ay naglalayon na makapagbigay ng mga pananaw at impormasyon na

maaring makatulong sa mga Dyipni Drivers sa Alamada North Cotabato.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mga dyipni drayber. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga drayber ng mga

sasakyan para mas maalam sila sa mga dapat nilang gawin sa pang-araw araw na pamamasada.

Mamamayan. Nakakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mamamayan, dahil sa pag-aaral

na ito mabibigyan ng impormasyon ang mga tao ukol sa kanilang ibabayad sa mga dyipni

draybers.

Mga mananaliksik sa hinaharap. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga

mananaliksik sa hinarap upang gawing gabay sa kanilang pananaliksik.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw tungkol sa problema ng mga dyipni drayber sa

Mapurok, Alamada, North Cotabato na kung saan nakapukos ito sa pagpapatibay ng

impormasyon tungkol sa epekto ng pagtaas ng gasoline sa mga dyipni drayber. Ang respiondent

ay nililimitahan lamang sa labing limang (15) bilang ng mga drayber na may dalawa o tatlong

karanmasan sa pagdadrayber.

KATUTURAN NG TERMINO

Ang terminong ginamit sap ag-aaral na ito ay binibigyan ng kahulugan upang lubusang

mauunawaan.
EPEKTO- nagging bunga, resulta, at kinalabasan.

GASOLINA- ang pinakamahalagang gatong na pangmakina ng mga motor, na ginagamit para

sa pagpapaandar at pagpapatakbo ng mga sasakyan tulad ng kotse, trak, bus, bangka, eroplano,

traktora, at motorsiklo. Ang gasolina ang pangunahing sanhi ng enerhiya at pwersa sa buong

mundo sa pagpapatakbo ng ibat ibang sasakyang panlupa, pandagat at pang himpapapawid. Ito

ang isa sa mga deribatibo of produktong bunga ng langis, isang yamang lupa na naggagaling sa

ilalim ng mundo. Sa kasalukuyan ito pa rin ang primerong ginagamit sa ibat ibang bansa bilang

pangunahing nagpapatakbo ng mga sasakyan.

DRAYBER- tao na ang trabaho ay pagmamaneho ng isang sasakyan.

DYIPNI- ang pinakakilalang uri ng sasakyan sa Pilipinas. Ang mga ito'y ginawa mula sa mga

US Military Jeeps na naiwan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Simula sa unang

pagkalikha nito, ang dyipni ay marami ng mga palamuti. Ang dyipni ay isa sa pinakakilalang di-

patakarang sagisag ng Pilipinas. Ang dyipni ang pinakagamit na uri ng sasakyang panlupa sa

Pilipinas. Ginagamit ito sa pamamiyahe, kalakalan, at mga pamamalakbay-pamilya. Ang

maigsing dyip ay kayang magsakay ng 12-15 katao, samantalang ang mahabang dyipni naman ay

kayang magsakay ng 15-20 katao. Kadalasan, ang mga dyipni ay puno ng mga tao, lalo na

tuwing oras ng pamamayihe ng maraming tao.


KABANATA II

MGA KAUGNAYAN SA PAG-AARAL SA LITERATURA

Kada taas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, nagdudulot ito ng pangamba

hindi lamang sa mga direktang nangangailangan ng langis para magpatuloy ang operasyon ng

negosyo kundi pati na rin ang mga ordinaryong mamimili na hindi direktang gumagamit ng

krudo ngunit binabata ang bawat hagupit ng pagtaas ng presyo ng langis mula sa ibang bansa.

Bawat bariles ng langis na inaangkat ng mga higanteng mamumuhunan gaya ng Shell, Caltex at

Petron, ipinapasa nang mas mataas sa merkado lalo na kung sinasamantala ng mga ito ang mga

pagkakataong magtaas ng kanilang presyo bawat litro ng diesel o gasoline. Pahirap pa rito ang

batas sa deregulasyon ng langis pati na ang Expanded Value-Added Tax kaya nagpatung-patong

ang taas ng presyo ng produktong petrolyo. Wala namang magawa ang pamahalaan sa

pagtatakda ng mga dayuhang kompanya ng langis para sana magpatupad ng mahigpit at

epektibong kontrol sa presyo.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudong inaangkat ng Pilipinas, hindi rin

mapigil ang pagsunod ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lagi nang may

epektong domino ang krisis ng pagtaas ng langis. Sa pamamayagpag ng kartel sa pagitan ng mga

higanteng kompanya ng langis, karaniwang mga mamimili ang nagdurusa sa pagtanggap ng

mataas na bilihin. Ganito maipapakita ang pasa-pasang kalagayan ng dagdag na presyo sa

petrolyo at mga pangunahing bilihin: sa paglilipat-lipat ng anumang produkto mula gulay, bigas,

de-lata hanggang kagamitan, gumagamit kadalasan ng mga sasakyang kumokonsumo ng langis

para mapatakbo ito at makarating sa destinasyon. Habang mas malayo ang paroroonan, mas

magastos ang konsumo sa gasolina. Maliit man o malaking mamumuhunan, binabata ang halos

lingu-linggong pagtaas ng presyo ng langis sa mga kumpanya ng langis na diyata’t sumusunod


lamang din sa dikta ng pandaigdigang merkado. Kaysa naman maapektuhan ang kalakal ng

nagdedeliber na mga kumpanya, titiisin nila ang patong sa orihinal na presyo. Kung ayaw

namang mabawasan ng mga mamumuhunan ang kanilang kita mula sa binagong presyuhan ng

petrolyo, ipapasa nito ang pasakit sa pagdadalhan ng mga produkto. Maiisip ding hindi maaaring

makaapekto ang ganitong pagtaas ng presyo sa dati nang kinikita kaya sa mga suki ng dineliber

na produkto ipapasa ang patong sa presyo ng nasabing mga produkto. Dahil umangal man ay

wala namang magagawa ang mga mamimili kundi lunukin ang dagdag na pahirap na pagtaas na

presyo ng bilihin, bibilhin pa rin nila ang kinakailangan nilang produkto upang hindi makaapekto

sa takbo ng kanilang pamumuhay. Kung hindi naman nila matanggap ang pasa-pasang pagtaas

ng presyo ng mga bilihin, pipili na lamang sila ng alternatibong produkto o di kaya, susubuking

tanggalin sa sistema nila ang pagkahirati sa mga produkto. Malaki at masalimuot ang krisis-

pang-ekonomiya ito dahil ginagawang palaasa tayo sa mga produktong kinakailangan pang

iangkat.

Dahil sa inutil din lamang ang pamahalaan sa, halimbawa, pagtanggal ng batas ng

deregularisadong langis o kaya ay suspension ng E-VAT sa mukha ng regular na pag-akyat ng

presyo ng krudo, ipinag-utos ang malawakang pagtitipid ng enerhiya sa lahat ng

pampamahaalang opisina at tanggapan. Hindi naman ikinukunsiderang maghanap ng

alternatibong pagkukunan ng langis o pagkontrol ng presyo nito kaya sa mas mataas na presyo

ng langis kada lingo, wala ring humpay ang pagtaas ng bilihin (Minor, 2007).

Panibagong pasanin para sa mga jeepney driver ang naka-ambang pagtaas ng presyo ng

produktong petrolyo ngayong Martes.Ayon sa mga drayber, muli na namang mababawasan ang

kanilang kita, lalo na ngayon na apektado pa sila ng pandemya.Sa isang paradahan sa Quezon
City, hindi umaalis ang jeep hangga't hindi ito napupuno. Kahit sa upuan sa harap ng jeep dalawa

na ang pinapasakay.

Aminado ang mga driver na minsan nagrereklamo ang mga pasahero dahil siksikan na

ang mga ito lalo na kung tanghali at mainit ang panahon.Pero wala din silang magagawa lalo't ito

lang ang paraan para makabawi sa krudo.Ang dati kasi na P1,000 kalimitan na naiuuwi nila sa

pamamasada, maswerte na daw ngayon kung makakapaguwi pa sila ng P500."Talagang sa totoo

lang doon na napupunta ang kita namin, kaya lang minsan nagrerkelamo saamin ang pasaheros

ang tagal namin dito, hindi naman kami makaalis kasi kailangan naming mag full load dahil sa

mahal na diesel na kinukonsumo namin, dati kumukonsumo lang kami ng 350 hangang 400

maghapong biyahe na namin ngayon kukunsumo kami ng 700 hangang 800," kwento ng driver

na si Joey De Guzman.Kanina, sinamantala na ng ilang mga jeepney driver ang magpakarga ng

krudo kahit hindi full tank para hindi na maabutan ng taas presyo.Diskarte din nila, maghanap ng

mga gasolinan na kahit papano, mababa ang presyo."Para hindi na po abutan ng ano pagtaas,

tataas na naman po eh," ayon sa driver na si Joey Tayson.

Samantala, ayon sa mga jeepney driver, malaking tulong kung maibabalik na ang pisong

dagdag sa pamasahe na tinapyas noong 2018.Malaking bagay daw ito ngayong may pandemya

pa. Ayon sa Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON, patuloy

ang kanilang panawagan na ibalik na ang pisong natapyas sa pamasahe at gawin muling

sampung piso ang minimum fare (Carretero, 2022).

Habang pabor sa mga tsuper ng jeepney ang pisong pagtaas sa pamasahe, dagdag naman

ito sa suliranin para sa mga pasahero, ayon sa iba’t ibang grupo.Nitong Biyernes ay itinaas ng

Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P9 minimum fare sa mga
jeep para sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.Itinaas ito kasunod ng pag-aray ng mga

transport group sa mataas na presyo ng krudo. Darren Langit/Rappler (2020)

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay iprisenta ang didenyo ng pananaliksik, mga paraan ng pananaliksik,

mga pokus ng pag-aaral, mga instrument ng pananaliksik at tritment ng datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraan ng deskriptib-sarbey

ng pananaliksik. Kailangang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang mga epekto ng pagtaas ng

gasolina sa mga dyipni drayber sa taong 2022.

MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga dypini drayber sa Mapurok,

Alamada, North Cotabato na may karanasan na dalawa at tatlong taon na pagdadrayber.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsusurbey. Ang mga

mananaliksik ay naghahanda ng mga kuwestoneyr na naglalayong makakuha ng datos, upang

masuri ang damdamin, pananaw at kaalaman ng mga respondent hinggil sa epektong dulot ng

pagtaas ng gasolina sa mga drayber.

TRITMENT NG MGA DATOS


Ang pagtatali at pagkuha ng mga porsyento ang kinakailangan gawin ng mga

mananaliksik upang makita angmga datos.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ay pinagsama-sama at sinuring mabuti

at isinagawa.

1. May maganda bang dulot ang pagtaas ng gasolina sa inyong mga drayber?

TUGON BILANG NG BAHAGDAN RANGGO


SUMAGOT (%)
OO 3 10 3
HINDI 12 60 1
MINSAN 5 20 2
KABUUAN 20 100
2. May kinalaman ba ang pagtaas ng gasoline sa suliraning kinakaharap niyo sa inyong buhay?

TUGON BILANG NG BAHAGDAN RANGGO


SUMAGOT (%)
OO 15 75 1
HINDI 1 5 3
MINSAN 4 20 2
KABUUAN 20 100
3. Sa inyong pananalaw bilang drayber nakakatulong ba sa inyo ang pagtaas ng gasolina?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN RANGGO
SUMAGOT (%)
OO 2 10 2
HINDI 16 80 1
MINSAN 2 10 2
KABUUAN 20 100

Ipinapakita sa takahaynayan 1, na 3 ang naniniwala na may magandang

naidudulot ang pagtaas ng gasolina ito ay may bahagdang Sampu (10). Labing lima (15) naman

ang sumasang-ayon na may kinalaman ang pagtaas ng gasolina sa auliraning kinakaharap ng

mga drayber at ito ay may bahagdang 75. Dalawa (2) naman ang naniniwalang nakakatulong sa

kanila ang pagtaas ng gasolina at ito ay may bahagdang 10 .

Labing dalawa (12) ang hindi naniniwalamg may magandang naidudulot ang pagtaas ng

gasolina at ito ay may bahagdang 60. Samantalang, Isa (1) ang naniniwalang walang kinalaman

ang pagtaas ng gasolina sa suliraningkinakaharap nila sa buhay at ito ay may bahagdang lima (5).

Labing anim (16) naman ang naniniwalang hindi nakakatulong sa kanila ang pagtaas ng gasolina

at ito ay may bahagdang 80.

Lima (5) ang naniniwalang minsan may magandang naidudulot ang pagtaas ng gasolina

at ito ay may bahagdang 20. Sa kabilang banda, apat (4) ang naniniwalang minsan may

kinalaman ang pagtaas ng gasolina sa mga suliraning kinakaharap nila sa buhay at ito ay may

bahagdang 20. At Dalawa (2) naman ang naniniwalang minsan nakakatulong ang pagtaasng

gasolina sa kanila.
KABANATA V

LAGOM, REKOMINDASYON, AT KONKLUSYON

Sa kabanatang ito ipapakita ang lagom, konklusyon, at rekomindasyon para sa sulosyon

ng problemang naitala sa pag-aaral na ito ay maibigay.

Lagom na natuklasan

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa epekto ng pagtaas ng gasolina ay naganap.

Labing limang respondente ang sumagot sa mga katanongan na pinamigay ng mga mananaliksik

at ang resulta ay ang mga sumusunod:

1. Batay sa resulta ng pag-aaral sa epekto ng pagtaas ng gasolina mas marami ang

nagsasabing walang magandang naidudulot ang pagtaas ng gasolina sa buhay jg mga

drayber.

2. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pagtaas ng gasolina ay may kinalaman sa mga

suliraning kinakaharap.ng mga drayber sa kanilang buhay.

3. Ayon sa nakalap na datos, natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga

respondente ay naniniwalang hindi nakakatulong ang pagtaas ng gasolina.

Konklusyon
Batay sa inilahad ng mga datos, ang mga mananaliksik ay humahantong sa mga

sumusunod na konklusyon:

1. Ang pagtaas jg gasolina ay may kinalaman sa mga suliraning kinakaharap ng mga

drayber sa kanilang buhay.

2. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pagtaas ng gasolina ay may kinalaman sa mga

suliraning kinakaharap.ng mga drayber sa kanilang buhay.

3. Ayon sa nakalap na datos, natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga

respondente ay naniniwalang hindi nakakatulong ang pagtaas ng gasolina.

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap.ng mga datos, boung pakunbabang inirerekomenda ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Kinakailangang panatiling neutral ang presyo ng gasolina.

2. Kung ang pagtaas ng gasolina ay hindi nakakabuti para sa mga drayber marahil marapat

lang na solusyonan ito ng gobyerno.


TALASANGUNIAN

 Carretero, J. (2022). Mga jeepney driver, pumalag sa nakaambang pagtaas ng

presyo ng petrolyo. https://news.abs-cbn.com/amp/news/04/18/22/mga-jeepney-

driver-pumalag-sa-nakaambang-pagtaas-ng-presyo-ng-petrolyo

 Minor, C. jr. (2007). Aking mga blog.

https://www.blogger.com/profile/07387765973080910790

 Langit D. (2020). [PODCAST] Ang hirap at gutom na dinaranas ng mga jeepney

driver. https://www.rappler.com/newsbreak/265326-beyond-stories-jeepney-

drivers-hardships-hunger-coronavirus-pandemic/

 Adriana (n.d.). Ang pagtaas ng presyo ng langis at ang mga kahihinatnan sa

lipunan https://www.renovablesverdes.com/tl/ang-pagtaas-sa-presyo-ng-langis-

at-ang-mga-kahihinatnan-sa-lipunan/

 Minor, C. Jr. (2007).ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at epekto nito

http://littlegapanese.blogspot.com/2007/12/ang-pagtaas-ng-presyo-ng-petrolyo-

at.html?m=1

 BNFM National (2022).Presyo ng gasolina, pumalo sa P80/liter sa Puerto

Princesa https://brigadanews.ph/presyo-ng-gasolina-pumalo-sa-p80-liter-sa-

puerto-princesa/
 Navarro A.L. (n.d.) Epekto ng Excise Tax sa mga Dyipni Drivers sa Lungsod ng

Olongapo https://www.academia.edu/36099491/KONSEPTONG_PAPEL

You might also like