You are on page 1of 36

EPEKTO NG PAG-ANGKAT NG

IBANG PRODUKTO GALING IBANG BANSA.

BAHAGI NG TAGUMPAY SA AKADEMIKONG PANGANGAILANGAN PAGBASA AT


PAGSUSURI NG IBA`T- IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

UNANG SEMESTRE 2022-2023

Butron, Mary Marcos, Daryl


Grace P. Andrei A.

Cahigas, Amiejay Ortega, Jayno F.


Kerryl H.

Dannug, Jang Quijano, Jillian


Geum P. Joy O.

Dayaon, Santiago, Lizzy


Margareth M. Julianna R.

Felisan, Lalaine Tabuzo, Aliyah


Ericha D.

Villanueva, Jemery
Renz

ISINUMITE NG PANGKAT 3
PABLITO T. VENAS, LPT, MAED
TAGAPAYO

1
BLANKONG DAHON

2
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pabalat ......................................................................................................................................... 1

Blankong dahon .......................................................................................................................... 2

Talaan ng mga Nilalaman ........................................................................................................... 3-4

Abstrak ........................................................................................................................................ 5

KABANATA l ; ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG AARAL

Panimula .................................................................................................................................... 6-7

Kaligirang Kasaysayan ............................................................................................................ 7-9

Paglalahad ng Suliranin ........................................................................................................... 9

Kahalagahan ng Pag-aaral ....................................................................................................... 10-11

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ......................................................................................... 11-12

Katuturan ng mga Salitang Ginamit ....................................................................................... 12-13

Balangkas Teoretikal .............................................................................................................. 13

Balangkas Konseptwal ........................................................................................................... 14

KABANATA ll ; MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Literatura ............................................................................................................................. 15-23

3
KABANATA 3; METODOLOHIYA

Pamamaraang Ginamit ............................................................................................................. 24

Paraan ng Paglaganap ng Datos ............................................................................................... 24

Paraan ng Papili ng Respondente ............................................................................................. 25

Instrumentong Ginamit ............................................................................................................ 25

Kompyutasyong Istatikal ......................................................................................................... 26

KABANATA 4; PRESENTASYON NG MGA DATOS

Grap 1 ....................................................................................................................................... 27

Grap 2 ....................................................................................................................................... 28

Grap 3 ....................................................................................................................................... 29

Grap 4 ....................................................................................................................................... 30

Grap 5 ....................................................................................................................................... 31

KABANATA 5; LAGOM, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

Lagom ...................................................................................................................................... 32

Konklusyon .............................................................................................................................. 33

Rekomendasyon ....................................................................................................................... 34

TALASANGGUNIAN

Website ................................................................................................................................... 35-36

Aklat ....................................................................................................................................... 36

4
ABSTRAK

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para malaman ng mga mananaliksik ang paksa na napili
at malaman ang mga opinyon ng mga respondente na mamamayan ng bansa. Ang pag- aaral na ito
ay maaring magamit ng mga mananaliksik sa mga susunod na henerasyon. Isa pang kahalagahan
ng pag-aaral na ito ay para may kamalayan ang mga mamamayan na mamimili ng mga lokal at
dayuhang produkto at ang epekto nito sa agrikultura ng Pilipians. Makakapagbigay din ito ng mga
angkop na impormasyon tungkol sa mga nangyayare sa lokal na manggagawa na naaapektuhan ng
importasyon. Malalaman din ng mga mamamayan na ang pagtaas ng bilihin ay epekto ng pag-
aangkat sa ibang bansa dahilan para malugi ang mga lokal na mangagawa. Ang mga mananaliksik
ay nag nagsagawa ng sarbey at nagsuri ng mga respondente sa paaralan ng Our Lady of Fatima
University Quezon City Campus Lagro. Ang mananaliksik ay natuto sa paggawa ng pag-aaral na
ito at nalaman ng mga mananaliksik kung ano ang mga epekto na patungkol sa paksang napili ng
mga mananaliksik. Ang pag aaral na ito ay ang epekto ng pag-aangkat sa bansa, epekto sa
agrikultura ng bansa at sa mga mamamayan ng bansa.

5
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG AARAL.


Ang unang kabanata ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya tungkol sa pag-aaral na ito

PANIMULA

Sa panahong ngayon, ang pag-aangkat ng mga produkto galing ibang bansa ay naisasagawa pa rin
sa bansa. Ang pag-aangkat ay pagbili ng isang bansa sa ibang mga bansa ng mga produkto upang
matustusan ang pangangailangan ng bansang kulang sa produkto. Maaaring tungkol sa pagkain,
mga kagamitan at iba pa na mga inaangkat ng mga bansa. Sa Pilipinas, pagkain ang pinakaunang
inaangkat ng gobyerno galing ibang bansa. (Catienza, K., 2020). "Bagama't bumaba ang presyo
ng bigas, bilyon-bilyong halaga ng kita ang nawala sa mga magsasaka. At karamihan sa
pinakamahihirap na sektor ng bansa ay palaging gutom." Isa sa problema ng pag-aangkat ay ang
pagkalugi ng mga magsasaka sa isang bansa. Hindi maikakaila na hanggang ngayon mas
tinatangkilik ng nga pinoy ang mga produktong galing ibang bansa. Kaya nahihirapan ang mga
lokal na magsasaka dahil sa kalugian na nangyayare at hindi nabibigyang pansin ng gobyerno at
ng mga tao dahil mas tinatangkilik ng mga tao ang galing sa ibang bansa na produkto lalo na ang
bigas.

Sa mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya, mas napapadali na ang komunikasyon,


transportasyon, at ang pagkakaroon ng interaksyon sa iba’t- ibang panig ng mundo. Dahil sa
teknolohiya, napapabilis ang internasyonal na kalakalan at ang mga tao ay nagkakaroon ng
pandaigdigang palitan ng mga produkto. (Carlo, B., 2018) Ang pag-aangkat ay isang
transportasyon ng anumang produkto o serbisyo sa loob ng isang bansa upang ibenta ito ng legal
batay sa pangangailangan ng isang bansa. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nag-aangkat ng
mga produkto mula sa mga karatig na bansa nito, isa itong paraan upang mapamahalaan ng maayos
ng Pilipinas ang pangangailangan at pangtustos ng isang produkto at maiwasan ang biglaang
pagtaas ng presyo nito.

6
Ang Pilipinas ay bahagi ng pandaigdigang ekonomiya at ang pagdami ng mga produkto mula sa
ibang bansa ay talagang may malaking epekto. Higit sa lahat, ang nabigong pananakop ng Russia
sa Ukraine ay nagkaroon na ng iba't-ibang epekto sa iba't-ibang bansa. Dahil isa na ngayon ang
Russia sa pinakamalaking tagaluwas ng langis sa mundo, ang pananakop ng Russia ay nagpapataas
ng presyo ng langis sa buong mundo. (Punongbayan, J., 2022) Dahil dito, tumaas ang presyo ng
iba't-ibang uri ng langis, na humantong sa pagtaas ng mga bayarin sa pamasahe at presyo ng mga
pangunahing bilihin. Sa ganitong sitwasyon, madaming maluluging mga negosyanteng
nagbebenta ng mga langis, lalong lalo na ang mga drayber na palaging namamasada at ang ibang
tao na kapos sa pera na nakakaapekto sa pang araw-araw na gastusin.

Ang dahilan sa pag sasagawa ng pag-aaral na ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa
masa. Ang pag-angkat ay lipana sa panahon dahil maraming mga produkto sa Pilipinas ang hindi
nabibigyan ng suporta ng gobyerno. Ang gobyerno ay hindi pinagtutuunan ng suporta ang mga
magsasaka at iba pang mga trabahador na gumagawa ng mga produkto. Isa sa mga dahilan kung
bakit hindi kaya punan ang mga pangangailangan na produkto ay dahil sa kakulangan ng kalinga
ng gobyerno. Mas pinipili ng gobyerno ang pag-angkat kaysa sa punan ang pagkukulang ng
pamahalanan natin sa suporta sa ating mga magsasaka. Sa panahon natin mataas ang mga bilihin
at hindi na nasusuportahan ang mga manggagawa at magsasaka. Maraming mga produkto ang
nasasayang sa Pilipinas at binibili sa mura halaga, dahil sa nasasayang ang mga ito dahil mas
pinipili ng pamahalaan na ang Pilipinas ay mag-angkat ng ibang produkto galing sa ibang bansa

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang panahon kung kailan nag simula mag-angkat, ang Pilipinas nang mga produkto galing sa
ibang bansa, panahon ng unang bahagi ng labing anim (16th) na siglo pa nung pumunta ang kastila
sa Pilipinas. (Mendoza, J., 2023) Ang Pilipinas ay umaangkat ng bigas mula pa noong panahon ng
Kastila. Nagpatuloy ito sa pamamagitan ng rehimeng Amerikano at nagpapatuloy ngayon. Hindi
na bago ang mahabang pila ng mga bumibili ng bigas. Ang parehong senaryo ay nangyari noong
1930s, 1970s, at kalagitnaan ng 1990s na dulot ng mga kalamidad sa panahon, maling pamamahala

7
at katiwalian. Upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa, kaya
nagkakaroon ng pag-aangkat ng produkto galing sa iba't-ibang bansa. Dahilan din ang pabago bago
ng klima sa bansa ay na apektuhan ang mga pananamin ng mga magsasaka kaya na sisira at na
mamatay ang mga produkto na ibinibenta sana sa ibat- ibang lugar sa Pilipinas. Ang pag-angkat
ay hindi lamang ibang bansa ang pwedeng magpasok ng produkto sa isang bansa dahil pati rin ang
bansa pilipinas ay pwedeng magpasok ng produkto galing sa ibang bansa. Ngunit sa panahon
ngayun maraming produkto galing sa iba't-ibang bansa na inaangkat sa Pilipinas. Kaya naman ang
mga lokal na mamayanan ay hindi na tutuwa sa pag-aangkat ng mga produkto dahil na wawalan
ng hanap-buhay na kinakailangan nila sa pang araw-araw.

Ang pagkamit ng pandaigdigang pagpapanatili ng kapaligiran at seguridad sa pagkain ay kabilang


sa mga pinakamalaking hamon sa mundo. Ang kalakalang pang-internasyonal na pagkain ay may
mahalagang papel sa pandaigdigang seguridad ng pagkain. Malawakang pinaniniwalaan na ang
mga bansang nag-aangkat ay nakikinabang sa kapaligiran mula sa kalakalang pang-internasyonal
na pagkain sa halagang pangkalikasan ng mga bansang nagluluwas. (Sun , J., et al 2017) Ang
malawakang paniniwala ng mga bansang nag-aangkat ay nakikinabang sa pag bibigay ng mga
pagkain, gayunpaman walang kasiguraduhan kung ang inaangkat na pagkain ay ligtas para sa tao,
paano malalaman kung ang mga produkto na inaangkat ng mga bansa mapa-labas man o mapa-
loob ay ligtas ba o makakatulong sa pag papaunlad ng isang bansa.

Sa bawat bansa, madaming inaangkat na mga produkto kumpara sa mga produkto na ipinapadala
nito sa mga dayuhang destinasyon. Bawat pag-aangkat mayroon ding potensyal na panganib sa
kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan at lokal na negosyante dahil sa pag-aangkat.
Maaaring magdulot ito ng pagkalat ng malalang sakit na nai-aangkat na mga produkto, na
maaaring magresulta sa pagkasara at makakasama sa mga lokal na negosyante, dahil maaari
malugi at mapilitan na isara ang kanilang mga negosyo. (Buxbaum, P., 2016) Malaki ang magiging
epekto nito sa mamayan dahil hindi alam na kalusugan ang nakasalalay sa lokal na mamimili, dahil
hindi alam kung ang mga produktong galing sa iba't-ibang bansa, ay ligtas ba sa mga tao. Mula sa
mga kagamitan hanggang sa mga pagkain, ay maaaring magdala ng mikrobyo na maaaring
mahawaan kung sino man ang humawak ng mga ito.

8
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tuklasin ang mga epekto ng pag-aangkat ng mga produkto mula
sa ibang mga bansa nang maisang-alang kung ano nga ba ang mga pakinabang at kakulangan sa
pagsasagawa nito, pati na rin ang anumang posibleng epekto sa pananalapi upang matukoy ang
mga epekto ng pag-aangkat at kung paano ito nakakaapekto sa partikular na mga tao. Dahil sa
matinding kahirapan sa Pilipinas at kasalukuyang kakulangan sa mapagkukunan, ang mga
mananaliksik ay magsisikap na matuto nang higit pa tungkol sa mga epekto ng pag-aangkat, kung
nagkakaroon ba ng malaking impluwensya sa bansa ang pag-aangkat mula sa ibang bansa. Ito ay
naglalayong maunawaan ang mga maaaring negatibo at positibong kahihinatnan ng isang bansa
ukol sa pagpapatuloy ng gawaing pag-aangkat.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Layunin ng pag aaral na ito na matukoy ang epekto ng pag angkat ng produkto galing ibang bansa.

Layunin nitong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga respondente batay :

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Kurso

2. Ano ang dahilan ng pag angkat sa ibang bansa?

3. Paano nakakaapekto ang pagtaas ng presyo ng mga produkto galing ibang bansa sa mga taong
mahihirap?

4. Ano ang epekto ng pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa sa lokal na ekonomiya
ng Pilipinas?

9
KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mag bigay ng mga impormasyon sa mga sumusunod:

Para sa mga kabataan mapapataas ang kamalayan ng kabataan sa pagpapahalaga ng pag-aangkat


nang malaman kung paano ito nakakaapekto sa ekonomiya ng isang bansa. Hanggang sa
matuklasan ang mga kakulangan at benepisyo, nang sa gayon ay mamulat ang mga kabataan sa
kalagayan na matatamo kung ipagpapatuloy ang pag-aangkat ng produkto na galing sa ibang
bansa.

Para sa mga mambabasa may posibilidad na mas mailarawan ang pag-aangkat sa mga
mambabasa ang mga potensyal na epekto ng pag-aangkat ng kalakal mula sa ibang bansa at kung
dapat ba itong tangkilikin.

Para sa mga susunod na mananaliksik maaaring gamitin ang pag-aaral na ito bilang isang
tagapagtustos o sanggunian upang matuto nang higit na kaalaman tungkol sa pag-aangkat, kung
matuklasan ng mga mananaliksik na ang paksang ito ay kawili-wili.

Para sa mga konsumers upang mag karoon ng kaalaman pa-ukol sa pag-aangkat ng iba't-ibang
produkto galing ibang, at masiguro kung ang inaangkat ng ibang bansa ay ligtas para sa mga
mamimili ng produkto, para na rin sa kaligtasan ng mga mamimili ng produkto galing labas ng
bansa at maisigurado na ito ang dekalidad at walang anumang sira kapag sila ay namili ng
produktong inangkat galing labas ng bansa.

10
Para sa mga nag bebenta upang mawari kung gaano kalaki ang aangkatin, at kung magkano ang
kanilang bentahan, Dahil dito maari silang masunod sa presyo kung sakaling tumaas ng presyo
ng bilihin mula sa ibang bansa upang hindi nadin malugi, sa mga susunod na bentahan o aangkating
mga produkto galing labas ng bansa, Marahil dito matatansya nila ang kanilang iprepresyo sa
mamimili.

Para sa mga manggagawang patuloy na nagtatrabaho gayon pa man na hindi napapahalagahan


ang kanilang pagsisikap dahil sa patuloy na pag-aangkat ng mga namamahala. Upang patuloy
silang malinawan kung bakit nababalewala ang kanilang pagsisikap.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG AARAL

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang sarbey sa Our Lady of Fatima University,
Quezon City. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng pag-angkat ng ibang produkto galing
ibang bansa. Ang pangongolekta ng datos ay isasagawa sa limampu' (50) na piling mag-aaral ng
kolehiyo, walang limitasyon sa kasarian at ang edad ay nasa labing-walo (18) hanggang
dalawampu't tatlo (23) taong gulang sa Our Lady of Fatima University na kakatawan sa
populasyon.

Ang pag-aaral na ito ay hindi saklaw ang mga mag-aaral na Senior High School ng Our Lady of
Fatima University. Ang bawat isa sa mga respondente ay binibigyan ng parehong mga
talatanungan upang sagutin. Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay may kaugnayan lamang sa
mga kalahok at walang kinalaman sa ibang mga mag-aaral. Ang pangunahing mapagkukunan ng
datos ay ang talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik. At ang mga nakalap na impormasyon
ay makakatulong upang makahanap ng mga solusyon o di kaya ay makadagdag ng rekomendasyon
sa mga epekto ng pag-angkat ng mga produkto galing ibang bansa.

11
KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT

Para sa mas mahusay na pag-unawa sa pag aaral na ito, tinutukoy ng mga mananaliksik ang mga
termino alinsunod sa kanilang kahulugan at gamit sa pananaliksik:

Transportasyon (Merriam-Webster., 2023) "isang kilos, proseso, o halimbawa ng pagdadala o


pagdadala". Sa riserts na ito ang salitang "transportasyon" ay ginamit sa kahulugang pag aangkat
ng mga produkto ng isang bansa galing sa ibang bansa.

Sektor ng bansa (Romaandbautistablogspot., 2019) "Ang sektor ng Industriya ay siyang


lumilikha ng produkto at serbisyo na kailangan hindi lang ng pamahalaan pati narin ng
mamamayan". Sa riserts na ito ang salitang "sektor ng bansa" ay kahulugan ng isang taong
namumuno sa isang grupong pang agrikultura.

Panustos o Supply (Merriam-Webster., 2023) "ang dami o halaga (bilang ng isang kalakal) na
kailangan o magagamit". Ang salitang "panustos" sa riserts na ito ay ang dami ng mga produkto
sa isang bansa o lugar.

Demand (Merriam-Webster., 2023) "ang dami ng isang kalakal o serbisyo na nais sa isang tiyak
na presyo at oras". Ang salitang "demand" sa riserts na ito ay ang dami ng mga taong bumibili ng
mga produkto sa isang bansa o lugar.

Russia (Wachtel, A., 2023) Ang bansang Russia ay "bansa na umaabot sa isang malawak na
kalawakan ng silangang Europa at hilagang Asya." Sa riserts na ito, ang bansang "Russia" ay isang
bansa na pinagkukuhaan ng mga produkto lalo na ang Russia ay mayaman sa langis at sila ang
nagsusupply sa mga bansa.

Komunikasyon (Merriam-Webster., 2023) "isang proseso kung saan ang impormasyon ay


nagpapalitan sa pagitan ng mga indibidwal sa pamamagitan ng isang karaniwang sistema ng mga
12
simbolo, palatandaan, o pag-uugali". Sa riserts na ito ang komunikasyon ay ang pag uusap ng
gobyerno ng dalawang bansa na nagbabalak o nagplaplanong mag palitan ng produkto o bumili sa
ibang bansa ng kanilang mga produkto.

BALANGKAS TEORETIKAL

Ang transaction cost theory ay naglalayong sagutin ang tanong kung kailan magaganap ang mga
aktibidad sa loob ng merkado at kung kailan ito magaganap sa loob ng kompanya (Williamson,
O., 1991). Higit na partikular, sinasabi ng transaction cost theory kung kailan gagamitin ang mga
anyo ng pamamahala ng mga hierarchy, o merkado. Si Williamson ay nagbigay ng teorya na kung
ang mga aktibidad ay isinasaloob sa loob ng isang kumpanya ay nakasalalay sa kanilang mga
gastos sa transaksyon. Malawak niyang nakita ang mga transaksyon bilang paglilipat ng mga
kalakal o serbisyo sa mga interface, at nangatuwiran na kapag mataas ang mga gastos sa
transaksyon, ang pag-internalize ng transaksyon sa loob ng isang hierarchy ay ang naaangkop na
desisyon. Sa kabaligtaran, kapag ang mga gastos sa transaksyon ay mababa, ang pagbili ng
produkto o serbisyo sa merkado ay ang ginustong opsyon. Ang teoryang ito ay nagpapakita na,
kung mas mataas ang halaga ng pera na nagagastos sa isang transaksyon ay mas mataas ang
kwalidad ng produkto at marapat na pag-aangkat sa isang hierarchy ang opsyon na gagamitin. At
kung ito ay mababa naman, ang pagbili ng mga produkto sa mga lokal na nagbebenta na mas
mababa ang kwalidad ng produkto ang opsyon na marapat gamitin. Katulad ngayon na marami pa
rin ang mga lokal na nagbebenta na hindi kayang bumili o kumuha ng mga magagandang kalidad
na produkto na galing sa iba't ibang bansa, kung kaya't marami pa ring mga produkto ngayon na
nabibili sa murang halaga na mababa ang kwalidad at ito ay ang mga produkto na gawa ng lokal.
Ang gobyerno ay nag-aangkat din ngunit maraming pera ang kanilang binabayad sa ibang bansa
upang mabili ang produkto na nais nilang ibenta sa bansa. Ang mga produkto na ito ay maaring
mataas ang kalidad dahil maraming pera ang nalaan upang mabili ang dayuhang produkto.

BALANGKAS KONSEPTWAL

13
Ang nakapaloob sa mga kahon na ito ay ang mga epekto ng pag aangkat ng mga produkto na
galing ibang bansa. Ang mga epekto ay nahahati sa dalawa, ang positibo at ang negatibong mga
epekto.

Pagkakaron ng sapat na Maganda at maayos na


panustos (Supply) at pakikipag ugnayan sa
pangangailangan (Demand) ibang bansa.

Pagkakaroon ng maganda POSITIBO Suplay kapag may


kalidad ng mga produkto. kalamidad nangyari.

EPEKTO NG PAG-AANGKAT
NG PRODUKTO GALING
IBANG BANSA.

Pagkalugi ng mga NEGATIBO Pagtaas ng bilihin


lokal na mag sasaka. (inflation).

Pagbaba ng halaga Sakit na mula sa ibang


ng lokal na produkto. bansa na makakaapekto
sa kalusugan ng tao.

14
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang ikalawang kabanata ng pag aaral ay nag lalaman ng mga lokal at dayuhang literatura na may
kaugnayan sa ginagawang pag aaral upang mas lalo maunawaan ng mga mananaliksik ang
batayan para sa paksang napili.

Ayon kay (Del Castillo, N., 2018) Ang bigas ang isa sa mga pangunahing pangangailangan kaya
hindi maiiwasan na kapag kinulang ang sa suplay at biglaang tumaas ang presyo nito ay magiging
malaking isyung politikal ito na kailangang tugunan kaagad ng pamahalaan. At dahil hindi sapat
ang nagagawang palay sa bansa, isa sa mga polisiyang puwedeng gamitin ng pamahalaan ay ang
pag-aangkat ng murang bigas mula sa ibang karatig bansa upang punan ang suplay dito sa
Pilipinas. Kaya mahalagang paraan ang pag-aangkat ng bigas, bukod sa dadami ang suplay at
mapipigil ang mabilis na pagtaas ng presyo nito, hindi na masyadong mahihirapan ang mga
mamimili. (Del Castillo, N., 2018). Kapag hindi sapat ang suplay ng bigas sa isang bansa, at
biglaang tataas ng presyo nito at marami ng mga mamimili ang mahihirapan. Ito pa naman ang
isa sa mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw kaya kailangan itong tugunan agad
ng pamahalaan. Isa sa mga naging paraan upang malutas ang problemang ito ay ang pag-aangkat
ng bigas mula sa ibang bansa, at dahil sa pag-aangkat, magiging sapat ang suplay ng bigas at
babalik na sa dating presyo.

Ayon kay (Bordey, F., 2018) Alam ng lahat na kada taon ay tumataas ang presyo ng bilihin lalo
na ang bigas, kung kaya't ang ibang pilipino ay nag lalabas ng pera sa ibang bansa upang duon
bumili, dahil ang alam nila ay dun ang mas mura, ang hindi nila alam ay mas nahihirapan mag
sasaka dahil sa kanilang trabaho, dahil sakto lamang ang mga sahod na natatangap. Masasabi may
kasiguraduhan ng bigas ang isang bansa kung ang bigas na mahusay ang kalidad at ligtas kainin
ay may sapat na suplay, madaling mabili sa mga suking tindahan, sa murang halaga sa lahat ng
panahon. (Bordey, F., 2018) Ang pag taas ng bigas ay isa sa pinaka mahirap at nakakalungkot na
pangyayari para sa mga magsasaka, manggagawa at mga mamamayan, dahil dito pahirapan ang
pag-aani at hindi sumasapat ang sahod ng mga magsasaka dahil sa pagtaas ng presyo ng mga
bilihin lalo na ng bigas at ibang mga bilihin.

15
Ayon kay (Relativo, J., 2022) Kahit arkipelago ang Pilipinas at napapalibutan ng mga dagat,
nakatakda na naman itong mag-angkat ng niyeluhang mga isda. Hindi solusyon ang pag-aangkat
dahil tumataas ang presyo sa mga pamilihan dahil kontrolado ng mga isda. Sa administrasyon ni
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Marami ang nag gigiit na palakasin ang sektor ng pangigisda sa
pamamagitan ng tulong sa kanilang produksyon. (Relativo, J., 2022) Nakasaad din dito na hindi
pa rin sasapat ang pag-aangkat ng maraming isda dahil marami ang kailangan upang mapunan ang
kakulangan. Dahilan na rin sa kakulangan ng produkto ang pag kukulang sa suporta para sa mga
mangingisda. Ang bansa na kinaroroonan natin ay mayaman pag dating sa laman ng dagat, gayun
pa man nagkukulang pa rin ang mga suplay dahil maraming mangingisda ang hirap sa pag hahanap
buhay, dahil ang ating pamahalaan ay malimit na bigayan ng suporta.

Ayon kay (Tonite, A., 2019) Patuloy ang pagdaing ng mga magsasaka sa bumagsak na presyo ng
palay. Lalo nabaon sa utang bunsod ng walang patid na pagbaha ng inaangkat na bigas mula sa
ibang bansa. At sa dami ng mga ina-angkat na bigas, nakatambak lang ito sa warehouse ng mga
rice trader gayundin sa bodega ng National Food Authority (NFA). Kung ganito pa karami ang
nakatambak na bigas, mas mainam sigurong pansamantalang ipatigil muna ang importasyon ng
bigas. Labis na kasing naapektuhan ang kita ng mga magsasaka dahil sa pagbaha nang husto ng
dayuhang bigas sapul nang ipatupad ang Rice Tarrification Law. Mas makabubuti kung
pansamantalang itigil ang pag-angkat ng bigas dahil makatutulong ito sa mga Pilipinong
magsasaka na sadyang nahihirapan sa sobrang pagbagsak ng presyo ng palay. (Tonite, A., 2019).
Patuloy na nag-aangkat kahit na madami pa ang suplay ng isang bansa at ang isang lokal na mag
sasaka ang naghihirap at naapektuhan ang kinikita ng mga magsasaka, at ang mga masgsasaka ay
binebenta ang mga bigas sa murang halaga upang maubos ito at magka-kita ang magsasaka, at ang
mga bigas na ina-angkat ay natatambak lamang sa bodega.

Ayon kay (Relativo, J., 2019) Pinaniniwalaan ng mga iilang ekonomista na ang pagpatuloy na
kahirapan sa kanayunan sa kagustuhan ng Pilipinas na maging autonomous rice producer, sa
dahilang "napabababa nito ang kita ng non-rice farmers." Kasabay nito ang pag hina ng Ekonomiya
sa bansa lalo na sa mga mahihirap. (Relativo, J., 2019) Ang patuloy na kahirapan sa kanayunan ng

16
Pilipinas ay isang nakakabagabag na isyu, at ito ay nauugnay sa pagnanais ng bansa na maging
isang autonomous rice producer. Ang layuning ito ay may negatibong epekto sa mga hindi
nagsasaka ng palay, dahil nagresulta ito sa mas mababang kita. Ang pagbaba ng kita na ito ay
nagkaroon ng matinding epekto sa ekonomiya ng bansa, partikular sa mga mahihirap. Dahil dito,
ang mga naninirahan sa kanayunan ay lalong nahuhulog sa kahirapan, at ito ay naging mahirap
para na makakuha ng mga pangunahing serbisyo at pangunahing pangangailangan. Upang
matugunan ang isyung ito, ang pamahalaan ay dapat gumawa ng mga hakbang upang matugunan
ang mga sanhi ng kahirapan at matiyak na ang lahat ng mga mamamayan ay may akses sa mga
mapagkukunang kailangan. Dagdag pa rito, dapat ipatupad ng pamahalaan ang mga patakaran at
programa na nagtataguyod ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya sa mga kanayunan, at tumulong
sa pagpapabuti ng kabuhayan ng populasyon sa kanayunan.

Ayon sa (Masipag National Office, 2021) May mga epekto sa kalusugan ng mga baboy ang pag-
aangkat galing sa ibang bansa. Ang mga alagang baboy na nahawaan ng (ASF) African Swine
Fever. Ang African Swine Fever ay isang sakit sa mga baboy na dahilan upang maubos ang mga
baboy na inaalagaan para maibenta. Dahilan ng pagkalugi at pagkakulang ng mga suplay ng mga
baboy sa pag-angkat ng ibang baboy sa ibang bansa at pagkataas ng mga presyo nito na isa rin sa
epekto ng pag-angkat ng ibang produkto sa ibang bansa. (Masipag National Office, 2021). May
negatibong epekto ang pag-aangkat ng mga pagkain. Ang ibang dinadala o inaangkat ay maaaring
may dalang sakit na pwedeng makahawa sa mga alagang baboy o mga karne na ibebenta. Hindi
lamang sa mga hayop ang epekto nito kundi yung mga taong kakain din ng mga positibong karne
na may sakit na pwedeng ikamatay ng mga tao dahil sobrang delikado ito. Ang mga sakit na
pwedeng mahawaan ang mga lokal na karne ay pwedeng maubos at magkaroon tayo ng
pagkakulang sa karne na magiging dahilan ng kagutuman ng ating bansa.

Ayon kay (Tonight, P., 2022) Ang pamahalaan nag-paplanong mag-aangkat ng ilang metrik
tonelada ng galunggong sa mga susunod na buwan ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec.
William Dar. Ang layunin nito ay upang mapunan ang suplay ng galunggong sa merkado dahil sa
epekto ng bagyo at "pagbabawal sa isda" sa industriya ng pangingisda. Gayunpaman, maraming

17
mangingisda ang nagalit at tutol sa plano ni Sec. Dar dahil sa takot na mababawasan ang kanilang
kita dahil sa presyo ng imported na galunggong. (Tonight, P., 2022) Dapat sundin ng pamahalaan
ang daing ng mga mangingisda na hindi ang pag-aangkat ng isda ang solusyon para mapunan ang
suplay ng mga isda. Imbis na mag angkat dapat nilang tulungan ang mga lokal na mangingisda
dahil makakatulong din ito sa pag lago ng isang bansa.

Ayon kay (Gutierrez, P., 2023) Alam ng lahat na kapag nag-iimport ng mga produkto mula sa
ibang bansa ay dolyar ang inilalabas ng Pilipinas na lalong nagpapahina sa piso. Maliban sa lalong
natatalo ang mga lokal na magsasakang Pilipino. Ang nakakainis lamang sa problemang ito ay
alam nating isang agrikultural na bansa ang Pilipinas, pero kinukulang sa mga basik na
agrikultural pananim gaya ng sibuyas, mahirap masabi na nauubusan ng istak. (Gutierrez, P.,
2023) Ito ay kung paano na apektuhan ang mga pilipino dahil sa pag-aangkat sa ibang bansa, at
kung paano ang problemang pumapasok sa agrikultural ng pilipinas, ang pag-aangkat ng nga
produkto mula sa ibang bansa ay lalong ng papahina sa ang piso. Alam naman sa panahon ngayun
maraming mga produkto na ng mula sa ibang bansa na nasa loob ng bansa na dahil sa pagkahilig
ng mga tao sa mga produkto na galing sa ibang bansa. At sa pabago-bago rin ng panahon ay
nasisira ang mga panananim na dapat ay na iimbak natin para sa panahon na kailangan natin ay
hindi na mag aangkat sa ibang bansa at ma papalago ang sariling agrikultural.

Ayon sa (Pilipino Star Ngayon., 2022) Sa kabila ng malawak na taniman ng palay sa Pilipinas,
patuloy pa rin ang pag-aankat ng bigas dahil sa mababang lokal na produksiyon at mataas na
pangangailangan sa pagkain. Ayon sa Federation of Free Farmers (FFF), posibleng umangkat ang
bansa ng tatlong milyong metriko tonelada ng bigas sa susunod na taon, at magkakaroon ng
kakulangan sa bigas sa third quarter ng 2023. Ang mahinang produksiyon ng bigas sa bansa ay
hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon. Ang pag-angkat
ng bigas ay hindi pa matatapos, at hindi rin maibababa ang presyo ng bigas sa P20 bawat kilo
hangga't umaasa pa rin ang bansa sa pag-aangkat. Ang smuggle ng agrikiltura produkto ay isa rin
sa mga problemang kailangang harapin dahil sa kakulangan ng suplay ng bigas. Upang matugunan
ang pangangailangan sa bigas ng bansa, kinakailangang mapalakas ang lokal na produksiyon ng

18
bigas upang hindi na kailangan mag-angkat sa ibang bansa. (Pilipino Star Ngayon., 2022) Kahit
na malawak ang taniman ng palay sa Pilipinas, kulang pa rin ang suplay ng bigas kaya posible na
mag-angkat ng malaking halaga sa susunod na taon. Ang dahilan dito ay mababa ang produksyon
ng lokal na bigas na hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan ng patuloy na lumalaking
populasyon ng Pilipinas. Kung patuloy na aasa ang bansa sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang
bansa, hindi pa rin maibababa ang presyo ng bigas sa P20 bawat kilo. Ito ay magiging pangako
lamang na hindi pa natutupad.

Ayon kay (Kramer, L., 2022), nakasanayan na ng mga mamimili ang pagtuklas ng mga produkto
mula sa buong mundo sa kanilang mga lokal na tindahan at iba pang negosyo sa pandaigdigang
ekonomiya ngayon. Ang mga mamimili ay may higit pang mga pagpipilian salamat sa mga pag-
aangkat na ito mula sa ibang mga bansa. Ang halaga ng mga pag-aangkat at pag-luwast na
ginagawa ng isang bansa ay maaaring makaapekto sa GDP ng bansa, halaga ng pera, rate ng
inflation, at mga rate ng interes. Ang isang malakas na domestic currency ay humahadlang sa mga
pag-export at nagpapababa ng mga presyo ng pag-import; ang mahinang domestic currency ay
naghihikayat sa pag-export ngunit pinapataas ang halaga ng mga imported na kalakal. (Kramer,L.,
2022). Malaki ang nagiging epekto ng pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa at ang
maaaring maging dulot nito ay positibo o negatibo. Nakadepende sa bansang pagmumulan ng
produkto ang pagtaas o pagbaba ng halaga ng mga produktong inaangkat, dahil may mga bansang
mas mataas ang halaga ng pera kaysa sa iba pang mga bansa at mayroon din namang mas mababa.
Nang dahil sa pag-aangkat ay mas dumami ang mga mapagkukunan ng iba't ibang produkto na
kailangang kailangan ng lipunan ng mga bansa.

Ayon kay (Caoile, P., 2017) Ang fossil fuels ang isa sa pangunahing problema sa ekonomiya sa
buong mundo. May mga bansa na may sariling likas na yaman o produkto na nagluluwas sa mga
bansang walang sapat na suplay nito. Ngunit ang mga bansang ito ay nakakaranas ng paghina sa
pag-unlad ng kanilang ekonomiya, habang ang mga umaasa sa pag aangkat ng gasolina ay
nakakakita ng pagbuti sa ekonomiyang ito, katulad na lamang dito sa Pilipinas. Samantala, ang
ating mga karatig-bansa na nagluluwas ng gasolina, tulad ng Malaysia at Indonesia, ay hindi

19
nakakaabot sa kanilang mga target na pang-ekonomiya. (Caoile, P., 2017). May mga bansang
walang sapat na suplay ng gasolina katulad ng Pilipinas. Isa ito sa mga pangunahing problema ng
ating ekonomiya kaya nag aangkat tayo sa mga karatig-bansa ng gasolina upang matugunan ang
kakulangang ito. Ngunit habang nagluluwas ang mga bansang may sariling likas na yaman, ang
kanilang ekonomiya naman ay humihina o bumabagsak. At ang mga bansa naman na umaangkat
nito ay bumubuti o umuunlad ang ekonomiya.

Ayon kay (Saluba, D., 2018) Dito malalaman kung papaano tumaas ang demand ng bigas, at ano
ang mga hakbang kung paano ito paiigtingin ang pag taas ng presyo ng bigas kung may dapat bang
Gawin upang mas bumaba pa ang presyo ng bigas na hindi nadadamay ang mag sasaka sa pag taas
nito at sa kababaan ng kinikita sa pagsasaka, At kung paano mabibigyan ng sapat na pasahod mula
sa mga nakaupo sa Gobyerno, At kung paano ito naka apekto sa mga mamayang nag tatrabaho
lamang. (Saluba, D., 2018) Tumataas ang demand ng bilihin dahil sa patuloy na pag aangkat ng
mga iba’t-ibang produkto galing ibang bansa kung kaya’t sobra sobra ang na bebenta ng mga ito,
dahil dun patuloy ang pag taas ng bilihin dahil sa patuloy na pag aangkat kahit na may roon ang
sariling bansa

Ayon kina (Cruz, M., et al 2016) Paraan kung saan maaaring makamit ang malayang kalakalan
unilaterally o kapag binabawasan ng isang bansa ang mga hadlang sa kalakalan nito anuman ang
mga butil ng ibang bansa. Kailangang maghanap ng mga pamalit para sa ilang produktong
tinatamasa namin, masasaktan ang ekonomiya ng ibang bansa na umaasa sa mga kalakalan. Gaano
man kalakas ang lohika para sa malayang kalakalan, umiiral ang mga hadlang sa kalakalan. Mga
taripa. Maaaring ito ay mga taripa ng kita o proteksiyon na mga taripa. Mga hadlang na hindi
taripa. Mga hadlang sa kalakalan kung saan ang mga dayuhang kumpanya ay "kusang-loob" na
nililimitahan ang halaga ng pag-luwas sa isang partikular na bansa. (Cruz, M., et al 2016) Ang
taripa na ipinapataw sa mga produkto na galing sa iba't-ibang bansa ay isang paraan upang
maproteksyonan ang mga produkto na ipinapasok sa bansa. Layunin din nito na mabawasan ang
pagkakasiil ng mga banyagang kompetisyon at mabawasan ang mga kakulangan pag dating sa
ikinakalakal na mga produkto.

20
Ayon kay (Saluba, D., 2018) Ang pangangalakal sa buong mundo ay nagbibigay sa mga mamimili
at bansa ng pagkakataon na malantad sa mga produkto at serbisyong hindi available sa kanilang
sariling mga bansa. Halos lahat ng uri ng produkto ay matatagpuan sa internasyonal na merkado:
pagkain, damit, ekstrang bahagi, langis, alahas, alak, at istak. (Saluba, D., 2018) May mga
produkto na hindi kaya ibigay ng isang bansa kaya kinakailangan mag angkat ng mga produkto
galing ibang bansa para matustusan ang pangangailangan ng mga tao.

Ayon kay (Ramirez, M., 2018) Nagaangkat ang bansa dahil nahihinto ang pag dami ng palay dahil
sa pagkasira ng mga taniman ng mga lokal na magsasaka natin dahil sa mga kalamidad na
dumadating at dadating sa ating bansa. Ayon sa libro, ang taong 2013 ay ang pangalawa sa pinaka
mababang importasyon ng palay dahil sa pag sabi ng dating pangulong Benigno Aquino III na
pababain ang importasyon at tangkilikin ang ating local upang matustusan ang kita ng mga local
na magsasaka natin. Nung taong 2014, nangailangan tayo ng bigas dahil nagkulang ang mga
panustos sa mga lugar dahilan ng mga bagyo at iba pang kalamidad kaya't ang ating bansa ay nag
angkat sa ibang bansa para matustusan ang isang buwan o 30 na araw. Nagpatuloy ang pag angkat
ng mga bigas dahil ito ay mura at maayos ang kalidad bukod pa don ay abot kaya ng mga mamimili.
(Ramirez, M., 2018). Pinapatunayan ng librong ito na ang pag aangkat ay may positibong epekto
sa isang bansa. Ang iniisip ng ibang mamamayan ay negatibong epekto lamang ang dala nito. Ang
mga kalamidad ay maaaring sumira at umubos ng ating mga pananim at mga pagkaing gulay,
prutas at lalo na ang bigas na kinakailangan natin sa pang araw-araw.

Ayon kay (Saluba, D., 2018) isang grupo ng mga ekonomista ay naniniwala na ang mga
pagbabagong ito ay higit na hindi pabor para sa mga bansang ito, na humahantong sa pagtaas ng
hindi pagkakapantay-pantay ng ekonomiya at kawalang-tatag sa maraming rehiyon. Sa partikular,
ang pag-agos ng mga dayuhang kalakal ay nagkaroon ng negatibong epekto sa mga domestic
market, kung saan ang mga lokal na produsyer ay hindi kayang makipag kumpitensya sa kanilang
mas malaki, mas makapangyarihang mga katapat. (Saluba, D., 2018) Bukod pa rito, ang dayuhang
pamumuhunan sa anyo ng mga pautang at tulong ay madalas na humantong sa akumulasyon ng
malaking halaga ng utang, na nagpapahirap sa mga umuunlad na bansa na itaas ang kanilang mga

21
pamantayan ng pamumuhay. Bilang resulta, malinaw na ang kalakalang pandaigdig ay may
malaking masamang epekto sa mga sitwasyong pang-ekonomiya at pananalapi ng mga umuunlad
na bansa. Upang labanan ito, mahalaga na ang mga pamahalaan sa mga bansang ito ay magpatupad
ng mga patakaran na nagtataguyod ng pantay na mga kasanayan sa kalakalan at matiyak na ang
mga benepisyo ng internasyonal na kalakalan ay naipamahagi nang patas.

Ayon kay (Frank,H, R., Bernanke, S, B, 2016.,) Nagpapakita na habang ang malayang kalakalan
ay nakakabenepisyo sa ekonomiya sa kabuuan, hindi lahat ay makakabenepisyo. Ang mga
konsumer sa loob ng bansa ng mga naibenta na produkto ang nakakabenepisyo, ngunit hindi naman
ito ang kaso sa mga lokal na tagagawa. Sa kadahilanang ito, kailangan ng sapat na pangangalaga
sa politika upang maprotektahan ang mga grupo na nasasaktan sa kalakalan. Sa ganitong paraan,
maaaring makumbinsi ang mga politiko na gawin ang mga pulisiya na pumipigil sa malayang
daloy ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa (Frank,H, F., Bernanke, S, B, 2016.,) May
benepisyo ang malayang kalakalan sa ekonomiya, ngunit hindi maiiwasan na mayroon din
negatibong epekto ito. Maaring maging biktima ng maling kalakalan ang mga lokal na magsasaka,
na maaaring magdulot ng pagkawala ng kanilang hanapbuhay.

Ayon kay (Dinio, R., 2015) Dito malalaman lahat kung paano ang pakikipagkalakalan sa ibang
mga bansa at kung paano nakakaapekto sa ekonomiya, ang pagbebenta ng mga produkto gawa sa
lokal na kung tawagin na pag-aangkat at dito din makikita kung paano lumabas ang pera na
gagamitin upang bumili ng produkto mula sa ibang bansa at ito ang mga inaangkat. makikita din
dito ang rate ng piso ng Pilipinas. (Dinio, R., 2015) Ito ay kung paano ang isang bansa
nakikipagkalakalan sa iba't ibang bansa na ng mga produkto na ng mula sa ibang lugar at paano
tumataas ang pisobo pera sa bansa at ibang pang bansa kapag nag aangkat ng mga product upang
ibenta. Hindi lang sa pag-aangkat ang ipinababatid kundi kung paano tumataas o umangat ang
isang bansa sa pamamagitan ng mga product katulad ng mga damit pakain at marami pang iba sa
pag-aangkat sa ibang bansa ay na apektuhan rin ang bansa at umihina na ang mga produkto na ng
mula sa sariling bansa, dahil ito sa patuloy na pag-aangkat

22
Ayon kay (Alminar-Mutya, R., 2019) ang mga institusyonal ng bansa ay ginagamit ng lipunan
bilang tugon sa mga gastusin at problema sa pagtitipid. Ang isang sistemang pang-ekonomiya ay
binubuo ng mga institusyon o mga yunit ng ekonomiya na lumilikha ng mga ugnayan at gumagawa
ng mga pagsasaayos upang magamit ang mga kakaunting mapagkukunan upang matugunan ang
mga kagustuhan ng tao. Nakikipag-ugnayan sila sa ibang mga institusyong panlipunan para sa mga
gawaing pampulitika, pang-edukasyon, at relihiyon. Ang mga institusyonal na kaayusan at mga
mekanismo ng koordinasyon ay ginagamit ng lipunan bilang tugon sa mga problema sa pagtitipid.
Ang mga ekonomiya ng mundo ay naiiba sa kanilang mga sistemang pang-ekonomiya ay:
kapitalismo, komunismo, at magkahalong sistema (Alminar-Mutya, R., 2019). Dahil sa pagtitipid
ng bansa nadadamay ang pang-ekonomiya na paglalaan ng mapagkukunan at pamamahagi ng mga
kalakal at serbisyo sa loob ng lipunan na nagdudulot ito sa pagtaas ng presyo nang mga produkto
at bilihin. Nakakaapekto ito sa mga tao kahit pa ang hangarin nila ay lumikha at nagtutulong-
tulong upang maayos ang mga mapagkunan ng pangangailang ng mga tao dahil sa matinding
inflation, nababawasan ang dami ng pagkonsumo ng mga mamimili sa pang araw araw na bilihin..

23
KABANATA 3
METODOLOHIYA
Ang ikatalong kabanata ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya tungkol sa pag-aaral na ito na
kinabibilangan ng pamamaraang ginamit, paraan ng paglaganap ng datos, paraan ng papili ng
respondente, instrumentong ginamit at kompyutasyong istatikal.

PAMAMARAANG GINAMIT

Ang pag-aaral na ito ay deskriptiv na susukat sa mga datos ng mga respondante. Ang mga
mananaliksik ay gumamit ng maginhawang pagbabahagi (Convenience Sampling Technique)
dahil ito ay mabilis at maayos na technique upang malaman ang mga opinyon ng mga lumahok.
Ang mga lumahok ay sumagot sa mga hinandang katanungan. Ang mga tanong ay ipinaliwanag
nang maayos sa mga sumagot na mag-aaral upang kanilang maintindihan ang nilalaman ng mga
tanong. Nagsagawa ng sarbey ang mga mananaliksik upang madagdagan ang kaalaman patungkol
sa paksa at para makatulong sa pag-aaral na ito at upang masagot ang mga tanong ng pag-aaral.

PARAAN NG PAGLAGANAP NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga sarbey-kwestyoner upang hingin ang bawat opinyon
ng mga mag-aaral, ang napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga kolehiyo na nag-aaral sa
Our Lady Of Fatima University Quezon City Campus. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng kwestyoner sa mga kolehiyo upang maisagot at maibahagi nila ang kanilang
pansariling pananaw batay sa mga katanungan na nasa sarbey-kwestyoner kung papaano
nakakaapekto ang dayuhan na produkto sa lokal at ano ang naging epekto nito sa mga lokal na
mamamayan.

Ang mga mananaliksik ay naglaan ng sapat na oras upang magplano at makapaghanda ng mga
talatanungan o sarbey-kwestyoner upang hingin ang opinyon ng mga mag-aaral sa kolehiyo upang
malaman ang kanilang sariling saloobin patungkol sa pag-aangkat ng produkto sa Pilipinas ng
ibang bansa. Sapagkat iba't iba ang mga saloobin ng ibang tao patungkol sa pag-aangkat ng
produkto mula sa ibang bansa.

24
PARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE

Ang mga napili upang maging respondente sa pananaliksik na isinasagawa ng mga mananaliksik
ay ang mga nasa kolehiyo ng pamantasan ng Our Lady of Fatima University, Quezon City Campus.
Na edad labing-walo (18) hanggang dalawampu't tatlo (23) taong gulang. Limampu (50) na mga
estudyante ang naging respondante na mag-aaral mula sa nakaenrol sa taong dalawang libo't
dalawang pu't dalawa (2022) hanggang dalawang libo't dalawang pu't tatlo (2023).

Nais maunawaan ng mga mananaliksik ang saloobin at opinyon ng mga mag-aaral hinggil sa isyu
na tinalakay sa pananaliksik. Upang matiyak na makukuha ang tamang pananaw at perspektibo ng
mga estudyante, pinili ng mga respondente mula sa iba't ibang kolehiyo na may iba-ibang kurso
sa paaralan.

INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang ginamit na instrumento ng mga mananaliksik sa pagkolekta ng mga datos at opinyon na


nagmula sa ibang tao na makakatulong sa pagpapalawak ng pag-aaral o pananaliksik ay ang sarbey
kuwestyuner o talatanungan. Ang uri ng kuwestyuner na ginamit sa pananaliksik ay ang "tally
board" kuwestyuner, na sa Tagalog ay tinatawag na "talaan ng bilang". Ang tally board o talaan
ng bilang" ay nakatulong upang mapabilis ang pagpapasagot sa sarbey kwestyuner o talatanungan.

Ang sarbey ay nag lalaman ng impormasyon ng mga respondente, katulad ng pangalan, edad,
kasarian at kurso. Ang nilalaman ng sarbey ay hinati sa limang (5) katanungan, sa bawat
katanungan mayroong limang (5) sagot na pag pipilian batay sa kanilang sariling opinyon.

25
KOMPYUTASYONG ISTATIKAL
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng pag-aangkat galing sa ibang bansa. Kaya`t
napili ng mga mananaliksik gamitin ang kompyutasyong istatisikal sa pag-aaral na ito.

F
P = ----- x 100%
N

Lalake – 28%
Babae – 72%

Kung saan:

P – Bahagdan (Percentage)
F – Bilang ng respondanteng sumagot (Frequency)
N – Kabuuang bilang ng respondante (Population Size)

26
KABANATA 4

PRESENTASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay nag sasaad ng mga resultang na lumabas sa isinagawang pananaliksik

GRAP 1

Gaano kahalaga ang lokal na mang-gagawa?

15% 2%

Dapat Pahalagahan
Mahalaga
Nuetral
Hindi Mahalaga
83%
Hindi Dapat Pahalagahan

Base sa resultang lumabas sa ginawang pananaliksik, sa limangpu (50) na respondante walongput


tatlo porsyento (83%) ang nag sabi o sumagot na dapat pahalagahan ang mga lokal na
manggagawa. Habang labing limang porsyento (15%) naman ang nag sabi o sumagot na mahalaga
ang mga lokal na manggagawa at, dalawang porsyento (2%) naman ang nag sabi ng nuetral.
Habang wala naman sumagot ng hindi mahalaga o hindi dapat pahalagahan ang lokal na
manggawa

27
GRAP 2

Gaano kahalaga ang pag aangkat ng mga produkto galing ibang bansa?

16% 22%

Dapat Pahalagahan
Mahalaga
Nuetral
Hindi Mahalaga
62% Hindi Dapat Pahalagahan

Base sa resultang lumabas sa ginawang pananaliksik, sa limampu (50) na respondante, animnapu't


dalawang porsyento (62%) ang nag sabi o sumagot na mahalaga ang pag-aangkat ng mga produkto
galing ibang bansa. Habang dalawampu't dalawang porsyento (22%) naman ang nag sabi o
sumagot na dapat pahalagahan ang pag-aangkat ng mga produkto galing ibang bansa, at labing
anim na porsyento (16%) naman ang nag sabi o sumagot na hindi ito mahalaga. Habang wala
namang sumagot ng neutral o hindi dapat pahalagahan ang pag-aangkat ng mga produkto galing
ibang bansa.

28
GRAP 3

Gaano kahalaga ang produkto galing ibang bansa?

16% 19%

Dapat Pahalagahan
Mahalaga
Nuetral
Hindi Mahalaga
65% Hindi Dapat Pahalagahan

Base sa resultang lumabas sa ginawang pananaliksik, sa limangpu (50) na respondante Animnapu't


lima porsyento (65%) ang nag sabi o sumagot na mahalaga ang produkto galing ibang bansa.
Habang labing-siyam porsyento (19%) naman ang nag sabi o sumagot na dapat pahalagahan ang
isang produkto mula galing ibang bansa at, labing-anim na porsyento (16%) ang nag sabi o
sumagot ng hindi mahalaga ang mga produkto galing sa ibang bansa. Habang wala na mang
sumagot na nuetral at hindi dapat pahalagahan ang produkto galing ibang bansa.

29
GRAP 4

Gaano kahalaga ang mamimili?

8%
14%
Dapat Pahalagahan
Mahalaga
Nuetral
78% Hindi Mahalaga
Hindi Dapat Pahalagahan

Base sa resultang lumabas sa ginawang pananaliksik, sa limangpu (50) na respondante at


pitongput-walong (78%) porsyento ang nag sabi o sumagot na dapat pahalagahan ang mga lokal
na manggagawa. Habang labing-apat (14%) naman ang nag sabi o sumagot na mahalaga ang mga
lokal na manggagawa at walong porsyento (8%) naman ang nag sasabi ng neutral. Habang wala
naman nag sabi na hindi mahalaga o hindi dapat pahalagahan ang lokal na manggagawa.

30
GRAP 5

Gaano kahalaga malaman ng mamamayan kung ano ang epekto ng pag-aangkat ng mga produkto
galing ibang bansa?

6%
15%
Dapat Pahalagahan
Mahalaga
Nuetral

79% Hindi Mahalaga


Hindi Dapat Pahalagahan

Base sa resultang lumabas sa ginawang pananaliksik, sa limampu (50) na respondante pitong-put


siyam porsyento (79%) ang nag sabi o sumagot ng dapat malaman ng mamayan kung ano ang
epekto ng pag-aangkat ng produkto galing ibang bansa. Habang ang labinlimang porsyento (15%)
naman ang nag sabi o sumagot na mahalaga malaman ng mamayan kung ano ang epekto ng pag –
aangkat galing ibang bansa at, ang anim na porsyento (6%) naman ang nag sabi ng neutral. Habang
wala naman sumagot ng hindi mahalaga o hindi dapat pahalagahan malaman ng mamayan
patungkol sa epekto ng pag-aangkat ng mga produkto galing ibang bansa.

31
KABANATA 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa ikalimang kabanata nakasaad ang mga nakalap ng mga mananalik na impormasyon o


konklusyon na nabuo sa pamamagitan ng mga layunin ng lagom, konklusyon, rekomendasyon na
pwede magamit ng mga susunod na mananaliksik.

LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay inumpisahan sa layunin ng mga mananaliksik na malaman ang mga
opinyon ng mga kolehiyong istudyante sa pamantasan ng Our Lady of Fatima University, Quezon
City Campus. Upang malaman ang kanilang mga saloobin sa napapanahon na pag-aangkat,
opinyon sa kahalagahan ng mga manggagawa at epekto ng mga dayuhang produkto sa lokal sa
agrikultura.

Sa pag-aaral na ito, ginamit ang deskriptong paraan ng pananaliksik upang sukatin ang mga datos
ng mga respondante. Ginamit ng mga mananaliksik ang convenient sampling technique, isang
mabilis at epektibong paraan upang makakuha ng mga opinyon ng mga partisipante. Ginamit ng
mga mananaliksik ang convenient sampling technique upang pumili ng limampu (50) na mag-
aaral ng Our Lady of Fatima University. Pinili ang mga respondante mula sa iba't ibang kurso
upang masiguro ang pagkakaibang hanay ng mga opinyon.

32
KONKLUSYON

Batay sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik na napatunayan ng mga mananaliksik ang
mga sumusunod;

Ayon sa isinagawang pag-aaral napatunayan na ang pag-aangkat ay may epekto sa pabago bagong
presyo ng mga produkto sa merkado na maaring may malaking epekto ito sa mga mamimili. Hindi
Lamang presyo ang apektado sa pag-aangkat, may epekto rin ito sa kalusugan ng mga mamimili.
Batay sa isinagawang pag-aaral na ito, nalaman ng mga mananaliksik ang mga positibo at
negatibong epekto ng pag aangkat. Batay sa natuklasan sa pag-aaral, isa sa mga nakita ng
mananaliksik ang mga positibong epekto nito ay ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng mga
produkto sa bansa, kung saan mas malawak ang pagpipilian at mas mababang presyo ng mga
produkto. Ito ay magbibigay ng oportunidad sa mga negosyante na makapag benta at magkaroon
ng kita sa mga lokal at international na merkado, at ang hindi pag-angat ng bansa kung mag aangkat
ng produkto galing ibang bansa kung hindi naman kinakailangan. Isa itong maituturing na
negatibong epekto ng pag aangkat ng produkto.

Ayon sa isinagawang pag-aaral napatunayan na ang pag-aangkat ay nakakaapekto sa pag babago


ng presyo ng mga produkto sa merkado na may malaking epekto sa mga mamimili. Hindi lang
presyo ang apektado ng pag-aangkat, may epekto rin ito sa kalusugan ng mga mamimili. Batay sa
pag-aaral na ito, nalaman ng mga mananaliksik kung ano ang mga positibo at negatibong epekto
ng pag aangkat. Isa sa mga positibong epekto nito ay ang pagkakaroon ng sapat na suplay sa bansa
at ito ay magbibigay ng oportunidad sa mga negosyante na makapag benta at magkaroon ng kita
sa mga lokal at internasyonal na merkado, at ang negatibong epekto ay ang kawalan ng hanap
buhay ang mga lokal magsasaka o manggagawa sa sarili bansa at ang pag-angat ng bansa ng
produkto galing ibang bansa na hindi naman kinakailangan. Isa itong maituturing na negatibong
epekto ng pag aangkat ng produkto.

33
REKOMENDASYON

Ang mga sumusunod ay ang mga inerekokomenda ng mga mananaliksik;

1. Para sa mga kabataan na magagamit ang ginawang pananaliksik na ito upang madagdagan ang
kaalam nila patungkol sa epekto ng pag angat ng ibang produkto galing ibang bansa na nagdudulot
ng kahirapan sa mga ibang tao lalong lalo na sa mga mag sasaka na nag hahanap buhay para sa
kanilang pamilya na dapat na sa kanila kumukuha ng mga produkto na nag mula sa sarili nating
bansa.

2. Para sa mga mambabasa ang pananaliksik na ito ay upang mamulat sa epekto ng pagtaas ng
produkto galing ibang bansa na patuloy pa rin ang pagtaas hanggang sa kasalukuyan, mas
pinapahalagahan pa ng gobyerno ang produktong galing ibang bansa kaysa sa sariling produkto.

3. Para sa mga susunod na mananaliksik pwedeng gamitin ng nga susunod na mananaliksik ang
pananaliksik na ito upang mas mapalawak ang pag-aaral na ito sa mga taong sobrang nakakaapekto
dahil sa pagtaas ng mga produktong galing ibang bansa.

4. Para sa mga manggagawa nagbibigay ito ng pag-aaral na patungkol sa pagtaas ng mga produkto
mula sa ibang bansa at hindi na masyadong pinapahalagahan ang sariling produkto nagawa ng mga
mag-sasaka kagaya ng bigas mas nagiging mataas ang presyo ng bigas na galing ibang bansa
kompara sa produktong gawa ng mga mag-sasaka o manggagawa.

5. Para sa mga kapwa pilipino ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng kaalam sa mga pilipino
na mas pahalagahan ang sariling produkto kumpra sa produktong galing ibang bansa at upang mas
bigyan ng kahalaga ang lokal kaysa sa dayuhang produkto.

34
TALASANGGUNIAN

WEBSITE

Bordey, F., (2018). Kakulangan sa bigas, totoo ba?. https://www.da.gov.ph/

Buxbaum, P., (2016). Infectious Disease Spread by International Trade.

https://www.globaltrademag.com/

Carlo, B., (2018). Globalisasyon ng ekonomiya. https://www.economiafinanzas.com

Catienza, K., (2020). The Philippines is an agricultural country—but why do we import rice?.

https://nolisoli.ph/

Del Castillo, N., (2018). Bakit ba tayo nag-iimport ng bigas?. https://usapangecon.com/

Gutierrez, P., (2023). Pinas mag-aangkat ng 25,000 MT isda mula dayuhan hanggang Enero.

https://www.philstar.com/

Kramer, L., (2022). How Importing and Exporting Impacts the Economy.

https://www.investopedia.com/

Masipag National Office., (2021). Mataas na presyo ng baboy at iba pang bilihin, resulta ng

liberalisadong agrikultura. https://masipag.org/

Mendoza, J., (2023). Trade with the Philippines. https://embamex.sre.gob.mx/

Merriam-Webster., (2023). Demand. https://www.merriam-webster.com/

Merriam-Webster., (2023). Komunikasyon. https://www.merriam-webster.com/

Merriam-Webster., (2023). Panustos. https://www.merriam-webster.com/

Merriam-Webster., (2023). Transportasyon. https://www.merriam-webster.com/

Pilipino Star Ngayon., (2022). Walang katapusang pag-import ng bigas.

https://www.philstar.com/

35
Punongbayan, J., (2022). Giyera sa Ukraine: Ano ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas?.

https://www.rappler.com/

Relativo, J., (2019). Record-high na importasyon ng bigas 'ikamamatay ng lokal na industriya' —

grupo. https://www.philstar.com/

Relativo, J., (2022). Record-high na importasyon ng bigas 'ikamamatay ng lokal na industriya.

https://www.philstar.com/

Romaandbautistablogspot., (2019). Kahalagahan ng Sektor nIndustriya Sa Ekonomiya.

https://romaandbautista.blogspot.com/

Sun , J., et al (2017). Importing food damages domestic environment: Evidence from global

soybean trade. https://www.pnas.org/

Tonight, P., (2022). Pinas mag-iimport na rin ng galunggong?. https://journalnews.com.ph/

Tonite, A., (2019). Pag-aangkat ng bigas itigil muna. https://archive.tonite.abante.com.ph/

Wachtel, A., (2023). History of Russia. https://www.britannica.com/

Williamson, O., (1991). Transaction Costs Theory. https://www.sciencedirect.com /

AKLAT

Alminar-Mutya, R., (2019). Mga Sistema Pang-ekonomiya.

Caoile, P., (2017). Applied Economics.

Cruz, M., et al (2016). Primary Instrument of Development.

Dinio, R., (2015). Supply-Demand and Philippine Economic Problems.

Frank, H, R., Bernanke, S., (2016). Principles of Economics a Streamlined Approach.

Ramirez, M., (2018). Demand and Supply Analysis of NFA Rice in the First District of Rizal.

Saluba, D., (2018). Applied Economics.

Saluba, D., (2018). Internasyonal na Kalakalan.

Saluba, D., (2018). Socio-economic Impact of International Trade.

36

You might also like