You are on page 1of 4

NGAYONG araw na ito gagawin ang ikalawang Metro Manila earthquake drill, sa

pamumuno ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Sa ganap na 9:00 ng


umaga, sa pagtunog ng siren, sabay-sabay na gagawin ang drill. Unang ginawa ang
shake drill noong nakaraang Hulyo 2015 na naging matagumpay. Nakiisa ang
marami lalo na ang mga school, government offices, hospital at maraming iba pa.
Layuning maihanda ang mamamayan sa biglang pagtama ng lindol. Ang
pagpapanik sa oras ng mga kalamidad ang dahilan kaya maraming namamatay.

Anumang oras ay maaaring lumindol. Ayon sa Philippine Institute on Volcanology


and Seismology (Phivolcs) noong nakaraang taon, walang makapipigil sa paggalaw
ng West Valley fault. Pinakamagandang magagawa ay maging handa ang
mamamayan, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa maraming lugar sa bansa.
Kailangan ang earthquake drill para maihanda ang mamamayan sa pagtama ng the
Big One.

Inilabas ng Phivolcs noong Mayo 2015 ang mga lugar na sakop ng faultline
ganundin ang mga isruktura na nasa ibabaw nito. Ayon sa Phivolcs, ang faultline ay
nagsisimula sa Montalban, Rizal at nagtatapos sa Carmona, Cavite. Kung tatama
ang 7.2 na lindol sa nasasakop ng faultline maraming mamamatay. Noong 2013,
nagbabala na ang Phivolcs na kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na
lindol, 37,000 katao ang mamamatay at ang pinsala ay aabot sa P2.4 trillion.
Natukoy ang West at East Valley Fault nang magsagawa ng pag-aaral ang Phivolcs
katulong ang PAGASA, Mines and Geosciences Bureau sa tulong ng Australian
government.

Makiisa ang mamamayan sa gagawing earthquake drill ngayon para maging handa.
Nararapat mamulat ang lahat sa kahalagahan ng paghahanda sa pagtama ng lindol.
Bukod sa quake drill, magdaos din sana ng fire drill sapagkat kadalasang ang
kasunod ng lindol ay sunog.

EDITORYAL Paigtingin pa ang


earthquake drill
(Pilipino Star Ngayon) | Updated June 18, 2015 - 12:00am
0

5 googleplus1

WALANG nakaaalam kung kailan lilindol. Pero mapaghahandaan ito sa pamamagitan ng mga firedrill. Kung
nakahanda ang lahat, walang gaanong mapipinsala. Kung alam ng mamamayan ang gagawin, marami ang
makakaligtas. Ngayong inilabas na ng Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga
lugar na sakop ng faultline ganundin ang mga isruktura na nasa ibabaw nito, wala nang maikakatwiran pa ang
mamamayan na hindi nagbabala ang mga awtoridad. Hindi na masisisi ang pamahalaan sakali at may mga
mapinsala o mamatay.
Kamakalawa, 13 eskuwelahan pa ang nadagdag sa listahan ng mga istruktura na nasa ibabaw ng West o East
Valley Fault System. Ayon sa Department of Education (DepED) ang mga school ay nasa Quezon City. Taguig,
Muntinlupa, Laguna at Rodriguez, Rizal.
Una nang sinabi ng Phivolcs noong nakaraang buwan na ang faultline ay nagsisimula sa Montalban, Rizal at
nagtatapos sa Carmona, Cavite. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, kung tatama ang 7.2 na lindol sa
nasasakop ng faultline maraming mamamatay. Noong 2013, nagbabala na ang Phivolcs na kapag tumama sa
Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay at ang pinsala ay aabot sa P2.4
trillion. Natukoy ang West at East Valley Fault nang magsagawa ng pag-aaral ang Phivolcs katulong ang
PAGASA, Mines and Geosciences Bureau sa tulong ng Australian government.
Ang babala ng Phivolcs ang naging daan para magkaroon din ng malawakang firedrill sa Metro Manila sa
Hulyo 30 na pangungunahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Hinihikayat ng MMDA ang
mamamayan na makilahok sa drill para ganap na maging handa sa pagtama ng lindol.
Paigtingin naman ng DepEd ang pagsasagawa ng earthquake drill sa mga school na nasasakop ng faultline.
Imulat ang mga estudyante sa tamang gagawin sa pagtama ng lindol. Ang kahandaan sa anumang panganib
ang magsasalba sa lahat. Kung may kahandaan tiyak na walang magpapanik.

EDITORYAL - Maghanda sa pagyanig


(Pang-Masa) | Updated May 21, 2015 - 12:00am
1

1 googleplus1

NAGBABALA na ang Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng pagtama ng
lindol sa mga lugar na nasasakop ng West at East Valley Fault. Ang babala ay ginawa para makapaghanda
ang lahat sa pagtama ng lindol. Sabi ng Phivolcs, ang faultline ay nagsisimula sa Montalban, Rizal at
nagtatapos sa Carmona, Cavite. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, kung tatama ang 7.2 na lindol sa
nasasakop ng faultline maraming mamamatay gaya nang nangyari sa Nepal kamakailan. Umabot sa 7,000 ang
namatay sa Nepal nang tumama ang 7.8 na lindol.
Nagbabala na ang Phivolcs noon pang 2013. Kapag tumama umano sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na
lindol, 37,000 katao ang mamamatay at ang pinsala ay aabot sa P2.4 trillion. Nagsagawa sila ng pag-aaral
katulong ang PAGASA, Mines and Geosciences Bureau sa tulong ng Australian government na pinamagatang
Greater Metro Manila Area (GMMA) Risk Analysis Project (RAP). Kabilang sa mga bayan na sinailalim nila sa
pag-aaral ay ang Rodriguez, Angono, Cainta, Taytay at Antipolo City. Tumagal ng tatlong taon ang pag-aaral at
pinondohan ng Australian government.
Malaki ang maitutulong ng pag-aaral para makapaghanda sa pagtama ng lindol sa Metro Manila. Kung
babalikan ang mga nangyaring lindol sa bansa, makikita na marami ang casualties. Maraming naguhuan at
nalibing nang buhay sa nawasak na bahay o gusali. Kasi ngay hindi handa ang lahat. Ngayong nagbabala na
ang Phivolcs, dapat maging alerto at alam na ang gagawin.
Paigtingin naman ng pamahalaan ang pagsasailalim sa earthquake drill lalo ang mga mag-aaral, government
at hospital employees, mall at marami pang establisimento. Kung maaari, isama sa curriculum ang
paghahanda at mga gagawin kung may lindol. Ang paghahanda at kaalaman sa lindol ang magliligtas sa lahat.
Huwag matataranta sakalit tumama ang lindol.

You might also like