You are on page 1of 2

SA tala ng National Earthquake Information Center (NEIC) na karaniwan ang 20,000 earthquakes

na nagaganap kada taon (tinatayang 50 bawat araw) sa buong mundo.

Datapwa’t milyun-milyong lindol ang nakakalkulang nangyayari taun-taon sa iba’t ibang bansa
subalit dahil sa sobrang hina ng pagsalakay ng mga ito, hindi naitatala.

Halos 80% paglindol sa planeta ay nagaganap sa gilid ng Pacific Ocean na tinatawag na “Ring of
Fire”; isang region nakapaligid sa Pacific Ocean na tahanan ng 452 volcanoes (75% active at
dormant volcanoes sa buong mundo).

Ang largest recorded earthquake sa United States ay isang magnitude 9.2 na tumama sa Prince
William Sound, Alaska noong March 28, 1964.

Samantalang ang largest recorded earthquake sa mundo ay nasa magnitude 9.5 na naganap sa
Chile noong May 22, 1960.

Nang maganap ang Chilean earthquake noong 1960, nakapagtala ang seismographs ng seismic
waves na naglakbay sa palibot ng mundo. Ang seismic waves ay yumanig sa earth sa loob ng ilang
araw.

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol Huwebes ng umaga ang Cotabato at ilang parte ng Mindanao, na
hanggang ngayon ay bumabangon mula sa mga epekto ng dalawa pang lindol sa loob ng isang
buwan.

Pasado alas-9 ng umaga nangyari ang lindol 33 kilometro mula sa bayan ng Tulunan, na naging
epicenter din ng mga lindol na nangyari noong Miyerkoles at noong Oktubre 16.

Nilinaw din ng Phivolcs na isang lindol at hindi aftershock ang nangyaring pagyanig sa Mindanao. Babala
pa nila, posibleng maulit pa ito lalo't may mga katabing fault sa lugar.

LINDOL: Ang Realidad sa isang Aktibong Arkipelago ng Pilipinas

Ang mga sunud-sunod na lindol na yumanig sa Mindanao ngayong buwan ay isang nakakapanlumo at
nakakatakot na pangyayari, pero tulad ng ibang hazards, ito ay natural at bahagi na ng buhay natin dito
sa Pilipinas.

Ipinapakita sa mapa na ito ang iba’t ibang mga lindol sa lupa at ilalim ng dagat sa nakalipas na 50 taon
(1968-2018) mula sa datos ng USGS ng Estados Unidos. Makikita na kahit walang outline mismo ng
Pilipinas, ang mga epicenter ng lindol ay sapat na upang malikha ang hitsura ng Pilipinas. Ang hindi
lamang makikita dito ay ang Palawan dahil halos walang lindol na naitatala doon.
Ang Pilipinas ay aktibong arkipelago

Bilang ang ating bansa ay nasa napaka-aktibong “Pacific Ring of Fire” - ang lugar sa paligid ng Pacific
Ocean na kung saan ay madalas nagkakaroon ng mga lindol at pagputok ng bulkan, atin nang asahan na
may mga ganitong (lindol) mangyayari pa sa hinaharap. Dapat bang matakot? Hindi. Bagkus, tayo dapat
ay patuloy na maging handa.

Ayon sa PHIVOLCS, ang ating ahensya na tumututok sa mga lindol at bulkan, ang Pilipinas ay
nakakaranas ng mahigit-kumulang 20 lindol kada araw. Karamihan dito ay mahihina lamang kaya hindi
ganoong naramdaman. Ngunit sa kasaysayan, marami na ring malalakas at mapanirang mga lindol,
katulad ng Luzon earthquake noong 1990, na siyang nagdulot ng malawakang kapinsalaan sa Luzon, lalo
na sa Baguio City.

Tamang Edukasyon ang susi sa paghahanda

Ang mga lindol ay parte na ng buhay nating mga Pilipino kaya dapat lang talaga na tayo ay maging
maalam sa mga prosesong ito ng ating lupa upang hindi pangunahan ng takot.

Ang nakikita nating mga maling gawain tuwing may lindol at mga “misinformation” na mabilis kumakalat
sa social media ay mga patunay na dapat pang mas paigtingin ang pagtuturo ng Earth Science sa High
School at College. Ang basic na kaalaman ay sobrang importante upang hindi tayo basta-basta
maniniwala sa mga maling teorya patungkol sa lindol na siyang maaari pang mas makadulot ng panic.

Kapag ang mga tao ay nabigyan ng sapat na kamulatan patungkol sa mga hazards sa kanilang area, at
naturuan ng mga tamang impormasyon sa kung ano ang gagawin, mas susunod sila sa mga awtoridad at
magiging mas maayos ang mga gawain tuwing at pagkatapos ng lindol.

Kami, sa Earth Shaker at Association of Geology Students - USeP, ay patuloy na susuporta sa mga
ganitong adbokasiya at nananawagan ng patuloy na suporta at pagpapalakas ng mga pag-aaral
patungkol sa Earth Science sa ating bansa.

You might also like