You are on page 1of 2

11 Pinakamalaking Banta Sa Sangkatauhan

Maligayang pagbati sa inyong lahat, ang paksa ko po ngayon ay ang 11 pinakamalaking banta sa
sangktauhan.

“Paano matatapos ang sangkatauhan?”… Isa ito sa mga pinakadakilang katanunga ngayon.
Dahil sa kakulanagn ng kanlunan, nagwawasak na mga bagyo, o sa posibilidad na magkakaroon
ng digmaang nuklear, parang ang lapit na ng katapusan, pero wala paring nakakasiguro kung
ano nga ba ang bagay o pangyayari na magdudulot ng katapusan natin. Dahil dito, taon-taon na
nagsasaliksik ang mga experto galing sa Global Challenges Foundation sa Sweeden at ang
Centre For The Study of Existential Research sa UK sa mga bagay na posibleng banta sa
sanlibutan.

Ano nga ba ang mga pinakamalaking banta sa sangkatauhan ngayon? Isa rito ang gamma ray
burst dulot ng pagsabog ng bituin na pwedeng sumira sa ating ozone layer. Isa pa ay ang
sobrang pagluwang o ang pag-collapse ng sansinukob.

Pang walo, ay ang sariling araw natin. Ang araw ay unti-unting lumalaki at, pagdating ng
panahon, ay lalamunin nito ang buong planeta natin sa susunod na limang bilyong taon.

Pang-pito ay ang posibilidad na magkaroon ng banggaan ng mundo natin at ang asteroid na,
batay sa pananaliksik, ay nangyayari bawat 120,000 taon at pwedeng magdulot ng
pandaigdigang sakuna. Bagaman walang inaasahang tumama sa ngayon, hindi kumpleto ang
umiiral na data. Kung mangyayari man, pwede itong magdulot ng global cooling. Pati ang
maliliit na asteroids ay pwedeng magka-epekto sa pagkukunan ng mga tao.

Malapit na rin ang posibilidad na magkaroon ng super volcano. Ang Mt. Vesuvius noon ay
naglabas ng 4km3 na daloy ng magma. Gayunpaman, ang super volcano ay kayang maglabas ng
500km3. Ang totoong panganib dito ay ang ash cloud na tatakip sa araw, at bababa ang
temperatura at ang agrikultura.

Hindi lahat ng banta ay natural, pwedeng maubusan tayo ng pagkain at pagkukunan kung lalala
ang overpopulation. Alam naman natin lahat na masyado ng maraming tao sa mundo.

Yun lang ang tingin natin, kasi, sa katotohanan, mas malaking banta and underpopulation. Oo,
pwedeng mag-decrease and fertility rates ng tao, na magdudulot sa dahan dahang pagkawala
nating lahat.

Maliban nalang kung uunahan tayo ng climate change. Ang pinakakaraniwan sa ating lahat.
Painit nang painit ang ating mundo, na nagdudulot sa mas malakas na sakunang natural,
pagkawalan ng pagkain, at tagtuyot. Lahat ng ito ay makaka-apekto at manghihikayat ng
karahasan sa mga nasyong nagdudusa na nga sa kawalan ng natural na kayamanan.
Isa pa ay ang digmaang nuklear. Halata ba? Dahil sa hindi mabuting samahan sa North Korea ay
nagbibigay diin lang sa katotohanan na mayroong mahigit na pitong taong warheads sa Russia
at sa United States. Makakahanap ka rin ng nukes sa UK, France, China, Pakistan, Israel, at
North Korea. Ang “Doomsday clock” na ginawa ng mga atomic scientists ay nagpapakita ng
posibilidad ng isang gawang-taong sakuna. Ang pinakamalapit na oras bago umabot sa midnight
o doomsday ay noong 1991, kung saan ay labimpitong minuto ang layo. Noong 2017, naabot
natin ang pangalawang pinakamalapit sa katapusan. Ang maliit lamang na digmaang nuklear ay
pwedeng magdulot ng nuclear winter na mag-eepekto ng paglamig ng mundo at ang pagsira sa
ating ozone layer, at pwede ring magdulot ng tagtuyo na tatagal ng mahigit isang dekada.

Pero pangalawa lang yan. Ano kaya ang nangungunang banta sa katapusan nating lahat?...
Nakakagulat o hindi, ang pinadakilang banta sa sanlibutan ay ang artificial intelligence.
Pinaniniwalaan ng mga experto na kaya ng abutin ng mga robots ang kaalaman natin pagdating
ng 2075. Kahit na hindi man sila maging masama, paano kung yung mga naga-program na
pumatay ay mapunta sa mga maling kamay? O pag na-program nga sila para sa kabutihan, pero
gumamit sila ng karahasan para maabot ito?

Sa pangkalahatan, marami and pwedeng dahilan sa katapusan ng mundo o ng mga tao. Pero,
kapag tinignan talaga natin ang listahan, ang pinakamalikng banta sa sangkatauhan… Ay ang
sangkatauhan mismo. Nagkakaunawaan tayo kung bakit.

You might also like