You are on page 1of 2

Global warming mawawala na?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated September 14, 2014 -
12:00am

MAWAWALA na ba ang tinatawag na global warming? Makakaligtas na ba rito ang mundo?
Isang itinuturing na magandang balita ang napaulat nitong linggong ito ang isang report ng isang scientific panel
ng United Nations na nagsasaad na muling kumakapal at nakakabawi na ang Ozone layer na nagsisilbing
depensa ng daigdig laban sa mapaminsalang ultraviolet rays ng araw o solar radiation na nagdudulot ng sakit na
kanser at sumisira sa mga pananim at nagdudulot ng iba pang problema sa mundo tulad nga ng tinatawag na
global warming.
Mula kasi noong 1970s, numinipis at nagkakaroon ng butas ang ozone layer na ito na ang sinisisi ay ang man-
made na chlorofluorocarbons (CFC) na nagpapalabas ng chlorine at bromine na sumisira sa ozone molecules sa
mataas na himpapawirin. Nang magpalabas ng alarma ang mga scientists, nagkaisa ang mga bansa sa buong
mundo sa isang tratado noong 1987 na ihinto ang paggamit ng CFC na ang mga kemikal ay ginagamit sa mga
refrigerants at aerosol can.
Sa kalkulasyon ng UN, kung hindi nagkaroon ng kasunduan ang mga bansa, magkakaroon ng ekstrang dalawang
milyong kaso ng skin cancer taun-taon sa buong mundo pagsapit ng 2030. Pero kakatwa na, ayon sa report,
tumutulong sa muling pagbuo ng ozone layer ang mga greenhouse gases na nagkukulong ng mga init na
itinuturing na pangunahing sanhi ng global warming. Ang tumataas na lebel ng carbon dioxide at iba pang gas ay
nagpapalamig sa upper stratosphere at ang mas malamig na hangin ay nagpapakapal sa ozone. Sinasabi naman
ng ilang scientist na nakaaambag sa global warming ang mga kemikal na ipinalit sa CFC.
Ibig sabihin, hindi lang itong mga kemikal sa CFC ang nagiging sanhi ng global warming. Meron pang iba. Ang
ikinagagalak lang daw ng mga scientist, kung nagkakaisa at kumikilos ang lahat ng mga bansa,
mapapangalagaan ang kapaligiran at ang buong mundo. Ipinahihiwatig lang sa report ng UN panel na nakaambag
ang naging hakbang ng mga bansa mula noong 1987 para mapigilan ang tuluyang pagkasira ng ozone layer.
Sana nga, tuluy-tuloy na ito.



Hanggang saan ang kalawakan?
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated
September 7, 2014 - 12:00am
0 0 googleplus0 0
MERON bang hangganan ang kalawakan? Kung meron mang sukat ng kalawakan na makikita sa anumang
babasahin o panooring pang-agham, inaasahang ito ay pagtataya lamang ng mga eksperto bagaman
sinisikap nilang gumamit ng mga makabagong sistema o instrumento para matukoy ang katotohanan.
Kaya nga, hanggang ngayon, nananatiling hiwaga ang kalawakan. Isa rin ito sa mga dahilan kaya mahirap
masagot ng tao kung sila lang ba ang nabubuhay na matalino o maunlad na nilalang sa buong kalawakan.
Sa lawak nito, parang mahirap maisip na walang ibang nilalang na nabubuhay sa labas ng Daigdig o sa
ibang sulok ng buong kalawakan.
Ayon sa isang pag-aaral ng grupo ni Mark Reid ng Harvard-Smithsonian Center for Astrophysics sa
Cambridge (US), ang Milky Way na isa sa mga galaxy at siyang kinaroroonan ng ating Daigdig ay mas
malaki sa dating pagtataya ng agham.
Kasinglaki lang daw ng Andromeda ang Milky Way o mas malaki ng 15 porsiyento mula sa dating
kapaniwalaan.
Ginamit nina Reid sa pagsukat sa Milky Way ang Very Long Baseline Array na isang sistema ng 10 radio
telescope na nakakalat sa North America.
Sinasabi pa sa kanilang pananaliksik na umiikot ang Milky Way sa sentro nito sa bilis na 914,000 kilometro
bawat oras. Mas mataas ito kumpara sa naunang pagtataya na 792,000 kilometro bawat oras.
Tinaya rin na ang mass ng Milky Way ay mas higit pa sa 50 porsiyento sa naunang inaasahan. Halos
pumantay ito sa Andromeda na itinuturing na pinakamalaking galaxy.
Ayon sa wikipedia, ang Milky Way ay may diameter na 100,000 light years; may kapal na 1,000 LY; at
naglalaman ng mula 200 hanggang 400 bilyong bituin.
At iyan ay ang Milky Way pa lamang. Isa lang sa mga galaxy sa buong kalawakan.
Isang asteroid na pinangalanang 2014 RC na singlaki umano ng isang bahay ang napaulat na dadaan
malapit sa daigdig sa Linggo pero, ayon sa National Aeronautics Space Administration, wala itong
masamang banta sa ating planeta. Tinayang 25,000 milya ang magiging layo lang ng asteroid kapag
napadaan sa daigdig.

You might also like